17.11.2017 Views

NOVEMBER 17, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

E 17, 2017

Kung ang wedding invitation, may video sa loob na sumasayaw ang aktres at BF...

8 BISHOPS AT 10 PARI ANG MAGKAKASAL

SA CHRIST THE KING KINA AI AI AT GERALD

SANAY na kaming makatanggap ng singing birthday

at Christmas card. ‘Yung kapag binuksan mo ang

card ay kakantahan ka, napakasarap nu’n sa pandinig,

parang kaharap mo lang ang nakaalalang

magbigay sa iyo ng card ng pagbati.

Pero ngayon lang kami nakatanggap ng

imbitasyon na may kakambal na video. Pagbukas

mo ng imbitasyon ay isang piyesa ang

sasalubong sa iyo, puro “I love you” ang

liriko ng piyesa, na sinasayawan naman ng

mga ikakasal.

Ganu’n pinaghandaan at kakaiba ang imbitasyon sa kasal

nina Gerald Sibayan at Martina Eileen delas Alas. Sa December

12 na ang kanilang pag-iisang-dibdib na walong bishops

at sampung pari ang mamamahala sa kabuuan ng selebrasyon

ng matrimonyo.

Napakagandang panoorin ang kanilang video habang

malambing silang nagtititigan, tumatakbong magkahawakkamay,

lalo na ang kanilang pagyayakapan nang magkadikit

ang kanilang katawan na hindi na kailangan pa ng dayalog

kung gaano nila kamahal ang bawat isa.

Kinunan ang video sa ituktok ng Temple of Leah, may

kalayuan ang luntiang lugar sa lungsod ng Cebu pero pagdating

mo ru’n ay parang ayaw mo nang umalis.

Ang Temple of Leah na dinadayo ng mga turista ay pagaari

ng pamilya ng kontrobersiyal na si Ellen Adarna. Isang

shrine ‘yun kung saan makikita ang mga alaala ng yumaong

si Leah Albino-Adarna, ina ng ama ni Ellen na si Allan

Adarna, ginastusan nang halos bilyon ang naturang shrine.

Pormal na pormal ang mga ikakasal sa video. Bagay na

bagay kay Gerald ang black suit at nakailang bihis naman ng

gown ang Philippine Comedy Queen sa kanilang pictorialvideo.

Sobrang ganda ng Temple of Leah, sumasabay ang kagandahan

nu’n sa sinserong pagmamahalan nina Gerald at Ai Ai

delas Alas, ginalugad nila ang shrine at ang ekta-ektaryang

sukat ng mga luntiang bulaklak sa buong bakuran.

Maraming artistang bahagi ng kasalan sa December 12

sa Christ The King Church sa Greenmeadows. Bukod sa

mga ninong at ninang na artista ay kasama rin sa entourage

sina Piolo Pascual, Alden Richards, Sharon Cuneta, Marvic

Sotto, Pauleen Luna-Sotto, Dingdong Dantes, Bayani Agbayani,

Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Pops Fernandez,

Randy Santiago, Lovely Abella, Valeen Montenegro, Marian

Rivera at ang panganay ni Ai Ai na si Sancho Vito.

Mga kaibigan, pinsan at mga kasamahan naman ni Gerald

sa badminton ang ibang kasama sa kasalan. Napaka-starstudded

ng kasalang ito, pinili ni Ai Ai ang mga naging bahagi

ng kanyang buhay at karera mula nu’ng magsimula siya,

aminadong Vilmanian ang komedyana kaya ninang nila ni

Gerald ang Star for All Seasons katambal si Senador Ralph

Recto.

Kasama naman sa listahan ng mga ninong sina Boy

Abunda, Willie Revillame, Mr. Tony Tuviera, Mother Lily

Monteverde, Bro. Mike Velarde, Atty. Jejomar Binay, Mr.

Felipe Gozon, Senator Richard Gordon at marami pang

malapit sa puso ni Ai Ai.

Ninang din kami ni Manay Lolit Solis, si Willie Revillame

ang aming katambal, pero ang tanong ay magsusuot ba kami

ng gown sa kasal nina Gerald at Ai Ai?

Ha! Ha! Ha! Ha! Waley!

HABANG pinanonood namin ang video ay minarkahan

namin ang mga galaw ni Gerald Sibayan. Para siyang

isda na inalis sa aquarium, bagung-bago para sa kanya

ang mundong pinasok niya, para siyang nahihiya na

at Lola Tinidora sa kalyeserye?

“Siguro naman po, kasi hindi lang naman kami sa

istorya. Kasama na rin dito ‘yung anak nila, si Charmaine,

‘yung apo namin sa tuhod. So, parang kasama pa rin. Part

pa rin ‘yung AlDub sa adventure naming ito,” pakli ni

Wally.

“So, sana, tanggapin din nila, kung ano ang napapanood

nila sa kalyeserye. Du’n dumaan ang tatlong lola,

minahal din nila, sana itong pelikula, ganu’n din ang

pagtanggap nila. Sana, masayahan din sila,” dagdag ni

XPLOSION. . . (mula sa p.7)

napapangiti sa mga ginagawa nilang pose ni Eileen.

Hindi kasi sanay sa ganu’n si Gerald, ang mundo

niya ay badminton court, halimaw lumaro ang mapapangasawa

ni Ai Ai. Iisipin mong may

kalusugan si Gerald pero lumilipad siya

sa pagpalo, mabilis siyang gumalaw,

‘yun ang unang-unang nang-agaw ng

atensiyon ng komedyana na mahilig

ding maglaro ng badminton.

Magkalayo ang kanilang edad, pero

maayos ang kanilang sitwasyon, kaibigan ni Gerald

ang mga anak ni Ai Ai. At hindi mahilig umeksena si

Gerald, lumalayo siya kapag may mga kumakausap

na reporters kay Ai Ai, sa madaling salita ay hindi

maepal si Gerald.

Masalimuot ang mga pinagdaanang pakikipagrelasyon

ng komedyana pero mukhang natagpuan na

nito ang tunay na kaligayahan kay Gerald. Malaki ang

naitulong sa kanilang relasyon ng pagiging magkaibigan

muna nang mahaba-habang panahon.

Apat na taon na sila ngayon, sobra-sobrang panahon

na ‘yun para makilala na nila nang husto ang isa’t isa,

kaya ngayon lang ipinanganak ang ideya na kailangan

na nilang gawing legal ang kanilang pagsasama.

Aminado naman si Ai Ai, “Maraming binago sa akin

si Gerald. Mas bata siya kesa sa akin, pero mas malalim

ang alam niya sa buhay, kaya siguradong iiyak ako sa

kasal namin kapag nagpasalamat na ako sa kanya,”

nangingilid ang luhang kuwento ng Comedy Queen.

At hindi lang ang komedyana ang mahal ni Gerald

Sibayan, mahal niya ang tatlong anak ni Ai Ai, ‘yun

ang pinakamasarap na pakiramdam para mas mahalin

pa ng komedyana ang kanyang badminton hero.

Mabuhay ang mga ikakasal!☺

Paolo.

“Kaya naman siguro, kasi ‘yung kalyeserye, iba ‘yung

istorya nu’n sa istoryang nangyayari ngayon,” saad naman

ni Jose.

Tinanong din kung may special participation sina

Alden Richards at Maine Mendoza sa Trip Ubusan.

“Secret,” tugon ni Wally. Pero sigurado raw

na masisiyahan ang AlDub Nation.

Showing na ito sa November 22 sa ilalim ng

direksiyon ni Mark A. Reyes.☺

‘Di raw nila ka-level…

JOWAPAO, ‘DI FEEL PUMALIT SA

TRONO NINA TITO, VIC, & JOEY

IN character na dumalo sa grand

presscon ng Trip Ubusan: The

Lolas Vs. Zombies ang tatlong lolas

ng kalyeserye ng Eat... Bulaga! na sina Jose

Manalo, Wally Bayola and Paolo Ballesteros

na mga bida ng movie. Nakasuot at ayoslola

sila na of course, pare-pareho ng damit.

Sasabak na sa malaking telon ang mga

karakter nila sa kalyeserye na Lola Tinidora

(Jose), Lola Nidora (Wally) at Lola Tidora

(Paolo) kaya masayang-masaya ang tatlo sa

napakalaking proyekto na ito na ibinigay sa

kanila.

Natanong nga namin sa kanila kung ano

ang masasabi nila na mismong si Joey de

Leon na ang nagsabi na silang tatlo ang

puwedeng pumalit sa grupong Tito, Vic &

Joey at lahat sila ay nagsabing hindi raw nila

kayang palitan ang triumvirate trio.

“Hindi namin alam kung kaya namin,

kung may iiwan man sila, hindi namin

masabi, naku! Hindi pa namin kaya,” ang

sabi ni Jose.

“Malayung-malayo pa ru’n sa alam

naming ginagawa nila sa amin ngayon. Kasi

hindi pa namin kayang tumayo,” dagdag pa

ni Jose.

Ayon naman kay Paolo, “Walang papalit

sa kanila, ‘no! Sila ‘yun, eh. Kumbaga, may

kani-kanya kaming atake, ganyan. Siguro

kasi, tatlo kami, ganyan. Pero sila pa rin

‘yun, eh. Hindi namin mapapalitan ‘yun.”

Halos ganito rin ang dialogue ni Wally,

“Ay naku, hindi. ‘Yung Tito, Vic & Joey, institusyon

na po ‘yan. Kumbaga, kahit po kami,

idol po namin sila at hanggang ngayon, alam

mo ‘yun sa lunch time, sabay-sabay kaming

kumakain, tinitingnan namin silang tatlo or

halimbawa mayroon silang opening number,

‘pag tinitingnan namin silang tatlo, naistar

struck pa rin talaga kami. Tito, Vic &

Joey ‘yan, eh,” he said.

Dagdag pa ni Wally, “Para sa amin,

mahirap pong pantayan ang Tito, Vic & Joey

at wala naman po kaming gino-goal na

ganyan. Kaming tatlo ay napag-atasan lang

sa barangay at ginagawa lang po namin

‘yung trabaho namin.”

Pero kung sa pagiging solido ng samahan,

ayon kay Wally, masasabi niyang tulad ng

TVJ ay solid din ang pagkakaibigan nilang

tatlo nina Jose and Paulo.

“Kaming tatlo, sa tagal na rin ng pagsasama

namin parati na halos araw-araw,

sabay-sabay kaming kumain, kung ‘yung

isa, may problema, hindi naman kami

nawawalan ng ganyan, nararamdaman

naman namin ‘yun sa bawat isa. Alam na

namin kung paano irerespeto ang isa’t isa,”

pahayag ni Wally.

Dahil nga inspired sa Korean hit movie

na Train to Busan ang Trip Ubusan, ayon

sa tatlo ay Pinoy na Pinoy daw ang pelikula

pati ang mga zombies. Unang-una, hindi nga

raw train kundi trip ang titulo dahil nasa bus

lang daw sila rito at wala sa train.

“Dito, naka-barong ang mga zombies,

walang naka-Amerikana,” pagbibiro ni Jose.

Sa trailer pa lang ay mukhang super-aliw

na ang pelikula lalo na’t riot din ang casting sa

dami. Bukod sa tatlong bida, kasama rin sa

movie sina Angelika dela Cruz, Ryza Mae

Dizon, Arthur Solinap, Lovely Abella, Taki

Saito, Kenneth Medrano, Miggy Tolentino,

Shaira Mae dela Cruz, Archie Adamos at

marami pang iba. Guests pa sina Al Tantay,

Joshua Zamora, Niño Muhlach and Rochelle

Pangilinan.

Mula sa direksiyon

ni Mark A. Reyes,

showing na sa Nov. 22

ang Trip Ubusan:

The Lolas vs. Zombies,

handog ng APT

Entertainment and M-

ZET Productions.

NAKATSIKAHAN

namin in a separate

interview si Paolo

Ballesteros pagkatapos

ng proper

presscon at dito ay

natanong siya ng

ilang kasamahan

kung kailan niya

binabalak mag-out

na tulad ni BB Gandanghari?

“Ay, wala namang mag-a-out. Chika!!!

Wala namang nakapasok,” natatawa

niyang sambit.

So, wala ba siyang balak i-shout-out

din sa buong mundo ang sarili?

“Bah-ket?” pabakla niyang sagot,

then seriously said, “wala. Siguro ‘pag

nakakita ako ng rason, ng valid reason, go!

Pero as long as wala namang valid reason.

Paano naman siya sinusuportahan

ng kanyang pamilya?

“Ay, siyempre, ang family ko, laging

nasa likod ko, laging nasa bahay, charot!

Kasi nasa bahay lang sila. ‘Yung anak ko

naman, si Keira, nasa Baguio, nag-aaral

siya ru’n, so okay naman lahat, eh.”

Wala naman daw problema sa pamilya

niya kahit naka-damit-pambabae siya

lagi dala nga ng kanyang lola character.

In fact, pinaglalaruan pa nga raw lagi ng

kanyang mga pamangkin at anak ang

wigs and make-up niya sa bahay.

ANG daming naaaliw kay Angeline Quinto

sa pagpasok niya sa FPJ’s Ang Probinsyano

(Sundan sa p.8)

9

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!