Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
6

MODUS NG ATIVAN GANG

BUKING: KUKUNIN ANG LOOB AT

SAKA HAHALUAN NG PAMPAHILO

ANG INIINOM NITO; TABLETA

KAPAG TUMALAB NA; BIKTIMA,

ISASAKAY SA TAXI AT SAKA

PAGNANAKAWAN

MGA suki, mahilig ba kayong mamasyal nang magisa?

Nagsosolo ba kayong pumunta sa mga tourist

spot sa Kalakhang Maynila, partikular na sa

Intramuros kung saan nandu’n ang Fort Santiago?

Pwes, para sa inyo ito, para balaan kayo dahil

baka mabiktima kayo ng apat na babaeng miyembro

ng ‘Ativan Gang’.

Personal na nagtungo sa tanggapan ng MPD-

General Assignment and Investigation Section

(GAIS) ang biktima ng robbery na itago natin sa

alyas Petmalu kung saan ayon kay Chief Insp. Joey

de Ocampo, hepe ng GAIS, na inireklamo at

kinilala ng biktima ang mga suspek na miyembro

ng ‘Ativan Gang’ sa pamamagitan ng photo gallery

kung saan agad pinangunahan ni De Ocampo

ang pagtugis sa mga suspek na nambibiktima sa

DEAR MHO,

November 27, 1992 ang

birthday ko. Sinu-sino ang

mga ka-compatible ko?

Codename: Neneng ng

Baguio

SAGOT

Ka-compatible ng zodiac

sign mong Sagittarius ang

kapwa mo fire type signs na

Leo, Aries at kapwa mo Sagittarius,

ganundin ang air type

sign na Gemini, higit lalo silang

isinilang sa mga petsang 5, 14,

23, 3, 12, 21, 30, 6, 15 at 24.

DEAR MHO,

June 11, 1990 ang birthday

ko. Kailan kaya ako

magkakaroon ng maganda at

permanenteng trabaho?

Codename: Gemma ng

Malolos City

SAGOT

Ayon sa iyong Career

Calendar, sa taong 2018 sa

edad mong 28 pataas,

magkakaroon ka na ng isang

stable at magandang trabaho

sa isang kumpanya na may

kaugnayan sa high-tech at

modern telecommunication.

DEAR MHO,

April 28, 1989 ang birthday

ko at September 2, 1988

naman ang boyfriend ko.

Compatible ba kami at kami

na ba ang magkakatuluyan?

Codename: Jasmine ng

Tayabas, Quezon

SAGOT

Ayon sa kumbinasyon ng

Numerology at Western Astrology,

positibo ang tugon,

compatible kayo ng boyfriend

mo na isinilang noong September

2, 1988 at April 28,

1989 ka naman.

Ibig sabihin, dahil tugma

at compatible kayo sa aspetong

Numerology at Astrology,

malaki ang posibilidad na

kayo na nga ang magkakatuluyan

at magsasama sa pagbuo

ng isang maligaya at panghabambuhay

na pamilya.

DEAR MHO,

January 7, 1994 ang birthday

ko. Sinu-sino ang kacompatible

ko? Codename:

Capricorn ng Cavite

SAGOT

Ka-compatible ng zodiac

sign mong Capricorn ang

kapwa mo earth type signs

na Virgo, Taurus at kapwa

mo Capricorn, ganundin ang

water type sign na Cancer,

higit lalo silang may mga birth

date na 2, 11, 20, 29, 4, 13, 22,

31, 8, 17, 26, 5, 14 at 23.

DEAR MHO,

December 14, 1989 ang

nabanggit na lugar.

Sa pangunguna nina SPO3 James Poso at SPO3

Larry Javier ng GAIS, nasakote sina Luciana Lopez

y Padillo, Gina Pusing y Zaragosa, Rosalie Sison

y Rosal at Elma Matias y Rosero na mga miyembro

ng ‘Ativan Gang’ na ang raket ay kinakaibigan ang

bibiktimahin at kapag nakuha na ang tiwala ng

biktima, dadalhin ng mga ito sa ilang lugar at hindi

matao at dito na isasagawa ang pag-o-offer ng

maiinom kung saan kapag pumayag ang biktima ay

pasok na ito sa modus o bitag ng mga suspek.

Ayon kay P03 Randolf Pellesco, ang may hawak

ng kaso, nagpapakilala pang tour guide ang mga

suspek para lalo pang magtiwala ang biktima pero

kapag nakakuha na ng tiyempo ang mga suspek ay

dito na lalagyan ng ativan tablets ang iniinom ng

biktima kung saan kapag nahilo o nawala na sa sarili

ang kaawa-awang biktima ay agad silang papara ng

taxi at isasakay dito ang biktima para iskobahin o

nakawan ang biktima sa loob ng taxi na kasabwat

din ang driver.

Ibababa ng driver sa ilan ding lugar ang biktima

kung saan agad nang tatakas ang mga suspek.

Sa mga kababayan nating mahilig mamasyal

nang nag-iisa o solo-flight, aba, ingat-ingat lang

dahil baka matiyempuhan kayo ng mga miyembro

ng ‘Ativan Gang’ na nakakalat ngayon sa mga tourist

spot.

Ikaw kaibigan, anong sey mo?

Laging tatandaan, walang maloloko kung walang

magpapaloko!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Kaya magpakasal na kayo, , lovers…

LIVE-IN PARTNER NA NAKATAKDA NANG

MAGSAMA, HABAMBUHAY AT BIBIYAYAAN

NG ANAK SA SUSUNOD NA TAON

birthday ko. Kailan kaya ako makapag-a-abroad?

Codename:

Arlene ng Las Piñas City

SAGOT

Ayon sa iyong Travel

Calendar, ngayong 2017

hanggang 2018, sa edad

mong 28 pataas, may isang

mabunga at mabiyayang

pangingibang-bansang itatala

sa iyong karanasan.

DEAR MHO,

September 5, 1993 ang

birthday ko. Sinu-sino ang

mga ka-compatible ko?

Codename: Vhi ng

Valenzuela City

SAGOT

Ka-compatible ng zodiac

sign mong Virgo ang isang

Taurus, Capricorn, Pisces,

Gemini, Leo at kapwa mo

Virgo, higit lalo silang isinilang

sa mga petsang 5, 14, 23, 8,

17, 26, 9, 18, 27, 3, 12, 21, 30,

6, 15 at 24.

DEAR MHO,

October 13, 1992 ang

birthday ko at ang ka-live-in

ko naman ay February 10,

1991. Compatible ba kami at

kailan kaya kami magkakababy

at kami na ba ang

magsasama, habambuhay?

Codename: Rose Anne

ng Agoo, La Union

SAGOT

Positibo ang tugon, compatible

ang October 13, 1992

at February 10, 1991. Sapagkat

ang Libra at Aquarius

ay kapwa pinangingibabawan

ng elementong air o

hangin, habang ang birth date

na 13 o 4 (1+3=4) at 10 o 1

(1+0=1) ay kapwa pinaghaharian

ng planetang Uranus-Sun.

Ibig sabihin, sadyang

tugma at compatible kayo na

nangangahulugang kayo na

nga ang magsasama, habambuhay.

Samantala, ayon sa

inyong Children Calendar, sa

susunod na taong 2018

hanggang 2019 sa edad mong

26 pataas, magkaka-baby na

kayo ng isang cute at

matalinong lalaking sanggol.

NOBYEMBRE 21, 2017

STAMPEDE SA MOROCCO, 15 PATAY

LABINLIMA katao ang patay habang nasa sampu naman ang sugatan

matapos magkaroon ng stampede sa isang Moroccan village habang

nagpapamigay ng food aid.

Naganap ang insidente sa bayan ng Sidi Boulalam kung saan

karamihan sa mga biktima ay mga babae at matatanda.

Batay sa ulat, dumagsa ang mga tao nang malaman ang ginagawang

pagpapamigay ng pagkain.

Nakiramay naman ang hari ng Morocco na si King Mohammed VI

at nangakong lahat ng gastusin sa ospital at pagpapalibing sa mga biktima

ay sasagutin niya.

Pangkaraniwan na ang pagbibigay ng rasyon ng pagkain sa iba’t

ibang lugar sa North Africa na karaniwang inoorganisa ng private

sponsors. Karaniwan din itong ginagawa, isang beses kada

linggo.

Nakararanas ngayon ng matinding taggutom sa Morocco dahil

na rin sa krisis na kinahaharap nila sa kanilang agrikultura.

MAGNITUDE 7 YUMANIG

SA NEW CALEDONIA

AGAD pinalikas ng mga awtoridad ang mga residente na malapit

sa karagatan matapos tamaan ng Magnitude 7.0 na lindol ang lugar.

Ito ay dahil na rin sa banta ng tsunami sa bahagi ng South Pacific.

Batay sa ulat ng Pacific Tsunami Warning, aabot sa isang metro

(3 feet) ang taas ng alon na kanilang naitala sa New Caledonia,

habang may mas mababang alon naman sa kalapit nitong isla ng

Vanuatu.

Ayon pa sa mga opisyal, asahan pa rin ang mas maraming tsunami

waves sa lugar.

Samantala, pinalikas na rin ang iba pang residente sa Vanuatu Island

na nakatira malapit sa karagatan.

Maliban sa tsunami waves, wala namang naitalang ibang pinsala o

casualty sa lugar.

PAGTULONG SA MAHIHIRAP, PASSPORT

TO PARADISE — POPE FRANCIS

VATICAN CITY — PINANGUNAHAN ni Pope Francis ang isang

misa at pagsasalu-salo kasama ang mga mahihirap, walang tirahan at

mga walang trabaho sa Vatican City.

Dito, patuloy na nanawagan ang Santo Papa na tulungan ang mga

taong mahihirap. Aniya, ang pagtulong umano sa kapus-palad ay ang

ating ‘passport to Paradise’.

Bumuo si Pope Francis ng isang pagdiriwang na taun-taon

gaganapin na sisimulan ngayong taon. Tinawag itong World Day of

the Poor na may layuning makuha ang atensiyon ng higit 1.2 billion

na Katoliko sa buong mundo para sa pagtulong sa mga higit na

nangangailangan.

Higit 7,000 mahihirap naman ang dinala ng mga volunteer ngayong

taon sa St. Peter’s Basilica para dumalo sa espesyal na misa ng Santo

Papa.

Isanlibo at limandaan sa mga mahihirap na ito ang pinalad na nakakain

ng tanghalian kasama si Pope Francis, samantala, ang iba naman ay

pinagsilbihan din ng pagkain sa mga kalapit na pontificial colleges.

Nabatid na si Pope Francis ay may pusong malapit talaga sa

mahihirap. Matatandaan na unang araw pa lamang niyang naihalal

bilang Santo Papa, sinabi niya na nais niya ng isang mahirap na

Simbahan para sa mga mahihirap.