09.12.2022 Views

TAKIPSILIM

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Dahilan ng pangulong

marcos sa pag deklara

ng martial law

BY: ADRIEL AMURAO

Ang pagpapatupad ng batas militar ng isang pamahalaan, lalo na bilang

reaksyon sa isang emerhensiya kung saan ang mga pwersang sibil ay

mas marami o nasa isang sinasakop na teritoryo, ay ang pagsususpinde

ng batas sibil o ang direktang pangangasiwa ng militar sa mga regular na

gawaing sibiko. Noong September 21, 1972 nagdeklara si Dating

Pangulong Marcos sa ilalim ng Proclamation No. 1081 o mas kilala bilang

Martial Law sa kadahilanan ng paglakas ng mga komunista sa bansang

tumatangkang pabagsakin ang gobyerno ng Pilipinas noong mga

panahong iyon. Sa kadahilanang nabangit, nararapat lang na idineklara

ang batas militar dahil sa kawalan ng civil authority gumana, ganap na

wala, o naging hindi epektibo. Buhat nito ay ang magulo at kawalan ng

kapayapaan at tangkang pagkasira ng gobyerno kayat sinuspinde ng

batas militar ang lahat ng umiiral na batas upang mabawasan ang mga

kasalukuyang problema at humingi ng kapayapaan at kaayusan sa

komunidad. Masasabing naging matagumpay naman ang kanilang layunin

subalit may ibang aspekto na nagamit ang ipinagkaloob na kapangyarihan

sa hindi magandang paraan.

Binawi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang Wreath of Habeas

Corpus, o ang Karapatan ng bawat Pilipino na tumanggap ng nararapat na

proseso bago mahatulan na nagkasala at bitayin, noong panahon ng

Martial Law. Dahil dito, mas naging simple para sa gobyerno na hulihin

ang mga sibilyan, partikular ang mga estudyanteng lumalaban sa

gobyerno dahil naniniwala sila na sila ay komunista. Dahil sa tumitinding

pagkagutom sa katarungan ng mga Pilipino at sa kadalian ng paghuli ng

mga pulis sa mga tao, maraming tao ang nakuryente, ginahasa, at

sinaktan ng mga kawayan. Hindi na ipinaalam sa pamilya kung ano ang

nangyari sa iba pang mga biktima dahil pinatay na ang mga ito. Buhat ng

samut saring nangyari at iba ibang mararahas na kwento ng Martial Law,

masisilayan natin ang pagmamalupit at pangangahas na nangyari kahit pa

man ang nagudyok sa pagdeclara ng Martial Law ay makatarungan,

ngunit ang mga hindi kanais nais na pag gamit ng kapangyarihan ang

naging mali sa Martial Law.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!