09.12.2022 Views

TAKIPSILIM

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Proklamasyon ng

Kalayaan sa mga

Espanyol

BY: DREI GAURANA

Sa huli, nasunod ang desisyon ni Aguinaldo. Nang dumating ang araw ng

proklamasyon, itinalumpati ni Ambrosio Rianzares Bautista ang kanyang

isinulat na proklamasyon ng kalayaan. Ito ay nilagdaan ng siyamnapu’t

walong indibidwal, kasama si L.M Johnson ng Estados Unidos. Ang

bandila ng Pilipinas na gawa nina Marcela M. Agoncillo, Lorenza

Agoncillo, at Delfina Herbosa ay iniwagayway, at tinugtog rin ng San

Francisco de Malabon Band ang "Marcha Nacional Filipina" na ginawa ni

Julian Felipe. Sa talumpating ibinigay ni Ambrosio Rianzares Bautista,

ang pinakatumatak sa nilalaman nito ay ang kanilang pagkilala sa

kabayanihan ng ating ninuno at ni Lapu-lapu bilang simbolo ng paglaban

sa mga opresor at ng pagmamahal sa bayan.

Sa karagdagan, ang ating bandila ay nagkaroon rin ng identidad sa

pamamagitan ng pagbibigay depinisyon sa ating mga simbolo sa

watawat: ang puting tatsulok para sa KKK, ang sinag ng araw para sa

mga nangunang probinsya na lumaban, at ang mga bituin para sa mga

isla ng bansa. Sa petsang ito, Hunyo 12, 1898, nabuo ang ating identidad

bilang isang bansa, ang Pilipinas. Bunga ito ng walang katapusang

pagmamahal sa inang bayan ng ating mga bayani na hanggang ngayon

ay laganap pa rin sa ating lipunan.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!