09.12.2022 Views

TAKIPSILIM

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Ang mga rebeldeng

HUK at si Magsaysay

BY: JULIANNE ORTEGA

Si Ramon Magsaysay ay isang simpleng Pilipino lamang. Dati siyang

namamahala sa isang bus liner (Cullather, 1993) at hindi matatawag na

talagang mayaman, ngunit nanalo siya sa pagkapresidente at tinalo ang

nanunungkulang presidente na si Elpidio Quirino. Subalit tinagurian

siyang America’s Boy dahil nasa likod niya ang buong suporta ng Estados

Unidos. Kahit noong siya ay nangangampanya, ang kanyang tagline o

slogan ay, “Magsaysay Is My Guy!” Ayon nga sa isang artikulo ng Time

Magazine noong 1953, ang pagkakapanalo raw ni Magsaysay ay panalo

rin ng Amerika. Pero tunay na naging makulay ang pagiging presidente ni

Magsaysay dahil nagawa niyang mapasuko ang mga rebeldeng HUK.

Nang masira ang napagkasunduan nina Taruc at Quirino, parang nawalan

na rin ng paniniwala at tiwala ang mga Pilipino sa gobyerno.

Napakaraming Pilipino ang namatay sa rebelyon at kasama na doon ang

mga inosente. Gusto rin ng Estados Unidos na tuluyang nang makitil ang

rebelyon pero nang hindi natupad ni Quirino ang ipinangakong

kapayapaan, napilitan silang maghanap ng bagong kaalyado. At si

Magsaysay ay isang instrumento upang magkaroon ulit ang Amerika ng

kapangyarihan sa Pilipinas dahil siya ay simple, hindi siya nakikihalubilo

sa mga bulok na namamahala sa lumang administrasyon na sangkot sa

katiwalian. Nangako si Magsaysay na magbibigay siya ng amnestiya sa

mga rebeldeng susuko at tutulungan pang magbagong buhay. Sa isang

banda, walang awa at kamatayan ang pangako sa mga tutuloy na

makipaglaban. Sa huli, pagkatapos mamatay ng ilang libong rebelde,

sumuko na rin ang lider na si Luis Taruc. Sikat na sikat si Magsaysay sa

mga Pilipino noong siya ay nanunungkulan dahil sa kanyang pagbabalik

sa inaasam asam na kapayapaan kaya isang trahedya talaga ang kanyang

pagkamatay nang bumagsak ang sinasakyang eroplano. Kung siya ay

nabuhay, malamang siya ay naipanalo pa niya ang ikalawang termino

bilang re-electionist at naipagpatuloy pa ang kanyang programa para sa

mga Pilipinong mahihirap.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!