09.12.2022 Views

TAKIPSILIM

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Hamon sa Kasarinlan:

Demokrasyang Elit at

Neokolonyalismo

BY: SOPHIA NARIO

Kasabay ng demokrasyang elit ang paglaganap ng neokolonyalismo sa

bansang Pilipinas. Dahil sa kakatapos lang na digmaan, nag-iwan ito ng

wasak na kultura at kaakibat ng pagguho ng mga pisikal na elemento ng

kasaysayan katulad ng Intramuros ay kasabay na nawala ang

pagkakakilanlan ng mga Pilipino at pagbibigay halaga sa kasaysayan ng

ating bansa. Nagbukas ito ng iba’t ibang posibilidad sa kinabukasan ng

bansa at ito’y tuluyang humantong sa neokolonyalismo. Bagama’t hindi ito

direktang pagsakop na gumagamit ng dahas at dugo, ito ay isang paraan

ng pananakop sa kasarinlan ng bayan—ginagamit ang lakas at kultura ng

banyagang bansa bilang sandata upang sakupin ang puso’t isipan ng

mamamayang Pilipino. Kahit tayo’y nakalaya na, hindi ito ganap na

kalayaan sapagkat ang Estados Unidos ang naging “pamahalaang anino”

natin. Nagpadala sila ng guro mula sa Amerika upang turuan tayo ng

wikang Ingles, ipalaganap ang kultura at musika ng Amerika, ipakilala ang

kanilang pagkain at higit sa lahat ay iparanas sa atin at itatag sa isipan ng

bawat Pilipino na kailangan natin sila para guminhawa ang buhay ng mga

Pilipino. Dagdag dito, ang paglagda ng Pilipinas sa Philippine Bases

Agreement kung saan nagtatag ng base militar ang mga Amerikano sa

bansa natin ay isa sa kanilang paraan sa pagkontrol sa ating bansa.

Sa kabuoan, di natin maikakait na naging parte na ng kasaysayan ng

Pilipinas ang pagsakop ng Amerika sa ating bansa, at ito’y naging dahilan

ng kolonyal na mentalidad ng Pilipinas at pagkakaroon ng inferiority

complex ng mga Pilipino. Ipinakita ng mga Amerikano na “they’re a

winning country” ika-nga ni Lino Brocka, kaya nama’y iba talaga ang

pagkahumaling ng Pilipinas sa Estados Unidos. Nakita ng mga Pilipino na

sila ang solusyon sa mga problema ng bansa ngunit nakita rin ng iba na

isa itong hadlang sa ganap na kalayaan ng ating bansa at ito’y nagdala ng

pagkakaroon ng oposisyon—ang hukbalahap rebellion.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!