04.09.2015 Views

SEPTEMBER 4, 2015 BULGAR: BOSES NG MASA, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

SETYEMBRE 4, 2015 3

Mailigtas sa banta ng maagang

pagbubuntis, pagkalulong sa

droga at tapusin ang pag-aaral,

inilunsad ng Youth Development

Session ng NYC at DepEd

SA pakikipagtulungan ng National Youth Commission

(NYC) at Department of Education

(DepEd), inilunsad ng ating kagawaran nitong

Lunes ang tinatawag nating Youth Development

Session (YDS).

Ito ay ang sesyon na gumagamit ng mga

modyul para sa mga estudyante ng high school

na benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino

Program (4Ps).

Sa kasalukuyan, mayroon tayong Family Development

Session (FDS) para sa Pantawid

Pamilya. Ang pagdalo ng mga magulang sa

buwanang sesyon nito ay isa sa mga kahilingan

para makuha ng mga benepisaryo ang kanilang

cash grants.

Ang Pilipinas lamang sa lahat ng mga

bansang may Conditional Cash Transfer (CCT)

Program ang may ganitong aspeto ng

programa. Rito itinuturo sa mga magulang ang

iba’t ibang kaalaman na makatutulong sa kanila

sa pagpapalaki ng mga anak at pagpapatakbo

ng sambahayan.

Kinikilala natin na ang mga kabataan ay

sari-sari ang kinahaharap na problema at

isyu, lalo na sa panahon ngayon. Karamihan

sa kanila ay walang sapat na kakayahan at

tamang pagtingin upang malagpasan ang mga

ito.

Sa pamamagitan ng YDS, umaasa tayong

makatutulong upang iligtas ang ating mga

kabataan mula sa mga banta ng maagang

pagbubuntis, pagkalulong sa droga at iba

pang bisyo, hindi pagtatapos ng pag-aaral

atbp.

Higit pa, sa YDS, ituturo sa kanila kung

paano maging mas produktibong bahagi ng

lipunan at kung paano sila makaaambag sa

kanilang mga komunidad.

Halos isa sa bawat limang batang

benepisaryo ng Pantawid Pamilya ay nasa high

school. Ngayon, aabot sila sa 2.3 milyon. Nito

lamang Marso, lagpas 333 libong benepisaryo

ang nagtapos ng high school.

Ganito karami ang makabebenepisyo sa

inisyatibang ito.

Maraming pagkakataon nang naikuwento sa

atin ng mga magulang na benepisaryo kung

paano labis na nakatulong ang FDS sa kanila.

Rito nila natutunang mas magtiwala sa sarili

kaya nakapagsasalita na sila sa harap ng mas

maraming tao. Rito rin naituro sa kanila kung

paano iintindihin ang kanilang asawa at mga

anak ng sa gayun, magkaroon sila ng mas

magandang relasyon sa isa’t isa.

Nalaman din nila na may iba pa silang

maaaring gawin, bukod sa pagsisilbi sa pamilya.

Ang iba ay nagbo-volunteer sa mga gawain sa

komunidad tulad ng pagtuturo sa mga bata sa

kanilang lugar atbp.

Ganitong epekto ang nilalayon nating

maibahagi sa ating mga kabataan sa

pamamagitan ng YDS. Sila sa mas mahaba

pang panahon upang pagbutihin ang estado

ng kanilang sarili at palawakin ang pagbabagong

nakakamit ng kanilang pamilya.

Ngayon ang huling araw ng ”Mamamayan,

Mamamayani” Local Governance Fair na

ginaganap sa SM MOA, Pasay City.

Makikita rito ang booths ng mga pambansang

ahensiya ng gobyerno tulad ng sa

atin, ng mga lokal na pamahalaan mula sa iba’t

ibang bahagi ng Pilipinas at mga non-government

organization.

Inaanyayahan natin ang ating mga

kababayan na bumista rito upang makita ang

iba’t ibang programa ng mga ahensiya at grupo

rito. Mayroon ding mga sesyon na maaaring

daluhan nang libre upang mas matuto tungkol

sa mga gawain ng pamahalaan at mga

organisasyong katuwang nito.

Kayo ba ay may katanungan, komento at nais ihingi

ng tulong? Sumulat sa “TULONG!” ni DSWD Sec.

Dinky Soliman, BULGAR Bldg., #538 Quezon

Avenue, Quezon City at personal niyang sasagutin

ang inyong mga mensahe.

Para express

TEXT

KO KAY

EDITOR

bulgar_editor_message

Send to 2786 for SUN

subscribers, 0922-9992-786

for other networks

JROSS BUS,

INIREREKLAMO

NG MGA

MOTORISTA DAHIL

SA PANGGIGITGIT

AT WALANG INGAT

SA

PAGMAMANEHO

GUSTO ko lang

ireklamo ‘yung mga walang

disiplinang driver ng

JROSS bus na dumaraan

sa Q.Ave. Grabe silang

sumingit at manggitgit sa

daan. Traffic na nga,

sumisingit pa sila at walang

pakialam kung may

mabangga dahil alam nilang

malaki ang dala nilang

sasakyan. Sana mahuli ang

mga lokong driver ng bus

na ito dahil malaking

perhuwisyo sila sa daan at

maraming mapapahamak

sa pagiging mayabang nila

sa daan. — 0926-

5633***

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!