04.09.2015 Views

SEPTEMBER 4, 2015 BULGAR: BOSES NG MASA, MATA NG BAYAN

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

SETYEMBRE 4, 2015 5

Dear Chief Acosta,

Ako ay isang senior

citizen. Sa tuwing

katapusan ng buwan ay

natatanggap ko ang

aking pensiyon na siya

namang ipinambibili

ng pangangailangan ko

at ng aking pamilya.

Subalit, sa pamilihan na

pinupuntahan ko ay

hindi ako binibigyan ng

karampatang diskuwento.

Sa kape lamang

ako nabigyan ng diskuwento

at ito ay limang

porsiyento lamang. Ang

gatas, tinapay, palaman,

sabon at iba pang

payak naming pangangailangan

ay walang

diskuwento. Sinu-sino

ba ang kasali sa mga

dinidiskuwentuhan ng

20% alinsunod sa ating

batas?—Erning

Sa kape lang

nadidiskuwentuhan kaya

gustong malaman kung

anu-ano ba ang mga

produkto na sakop ng senior

citizen discounts

Dear Erning,

Ang ating mga senior citizen ay pinagkakalooban

ng iba’t ibang uri ng benepisyo. Ito ay unang naipatupad

sa bisa ng Republic Act (R.A.) No. 7432 kung saan

kinilala ang mga kontribusyon ng mga senior citizen

sa ating lipunan at nilaanan sila ng mga benepisyo at

prebilehiyo na makatutulong sa kanilang pang-arawaraw

na pangangailangan. Ang batas na ito ay

naamyendahan ng R.A. No. 9257 o ang Expanded

Senior Citizens Act of 2003 na naaprubahan noong

Pebrero 26, 2004. Higit na pinalawak naman ng R. A.

No. 9994 o mas kilala bilang Expanded Senior Citizens

Act of 2010, ang mga benepisyo at prebilehiyo

na inilaan sa ating mga senior citizen.

Ang isa sa mga benepisyo na ipinagkakaloob sa

ilalim ng batas ay ang dalawampung porsiyentong

(20%) diskuwento. Ngunit, nais naming bigyang-diin

na ang benepisyong ito ay eksklusibo para lamang

sa mga kuwalipikadong senior citizen at hindi

maaaring ilaan para sa kanilang pamilya (Section 4,

R. A. No. 9994).Maliban dito, ang naturang

diskuwento ay para lamang sa mga sumusunod na

bilihin at serbisyo: (1) Medisina, essential medical

supplies, accessories at iba pang kagamitang

pangmedikal; (2) Professional fees ng mga doktor

at manggagamot sa lahat ng pribadong ospital at

kawangis na institusyon; (3) Professional fees ng

mga licensed professional health care services; (4)

Medical at dental na serbisyo, diagnostic at laboratory

fees sa lahat ng pribadong ospital at kawangis

na institusyon; (5) Pamasahe sa pampublikong

transportasyon; (6) Pamasahe sa lokal na pandagat

at panghimpapawid na transportasyon; (7) Serbisyo

sa mga hotel, restaurant at recreation center; (8)

Admission fees sa mga sinehan at concert hall, circus,

leisure at amusement center at (9) Serbisyo sa

pagpapalamay at pagpapalibing ng pumanaw na senior

citizen (Section 4 (a), Id.)

Kaugnay naman ng diskuwento sa mga payak na

bilihin o basic necessity and prime commodity,

pinagkakalooban din nito ang mga senior citizen.

Batay sa Section 4 (j), Id: “x x x to the extent possible,

the government may grant special discounts

in special programs for senior citizens on purchase

of basic commodities, subject to the guidelines

to be issued for the purpose by the Department

of Trade and Industry (DTI) and the Department

of Agriculture (DA); x x x” Kaugnay nito,

ipinatupad ng Department of Trade and Industry ang

Department Administrative Order No. 03, Series of

2005 kung saan binibigyan ang mga senior citizen

ng limang porsiyentong (5%) diskuwento para sa

mga sumusunod: (1) canned sardines, tuna; (2)

evaporated, condensed at powdered filled milk;

(3) coffee; (4) bread; (5) white at brown sugar; (6)

cooking oil; (7) instant noodles; (8) luncheon

meat, meat loaf, corned beef, frozen at refrigerated/preserved,

ready-to-cook pork, beef at

chicken at (9) powdered, liquid, bar laundry and

detergent soap. (Section 3 in relation to Section 2

(a), Id.) Ngunit, mayroong limitasyon. Ayon sa Section

3 ng R. A. No. 9994: “x x x The total amount of

the said purchase shall not exceed the amount of

Six Hundred Fifty Pesos (P650.00) per calendar

week without carry over of the unused amount.

Provided that said amount shall be spent on at

least four (4) kinds of term listed under Section 2

(a) of this order.”

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga

katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang

opinyong ito ay nakabase sa inyong mga

naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi

namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung

mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay.

Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa

isang abogado.

Tamang pagkolekta ng ihi

para makita sa urinalysis

kung may sakit sa bato

KAPAG hindi agad mabigyang-pansin

ang mga

nabanggit na sintomas ng

sakit, ang mga ito ay maaaring

magdulot ng renal failure. Ito

ay kondisyon kung saan ang

bato ng pasyente ay tuluyang

nasisira at ang dugo ay untiunting

nalalason. Ito ay

kondisyon kung saan wala

nang ganap na kakayahan

ang dalawang bato na gawin

ang kanilang mga tungkulin.

Karaniwan itong makikita sa

ESRD kung kailan ang pasyente

ay nangangailangan na

ng dialysis o kidney transplant.

Mga dapat gawin para

makaiwas sa sakit sa bato:

1. Uminom ng 8-10

basong tubig araw-araw.

2. Ugaliin ang kalinisan sa

pangangatawan.

3. Dumumi araw-araw.

4. Huwag pigilin ang pagihi.

5. Isangguni sa doktor

ang anumang impeksiyon sa

lalamunan at balat.

6. Kumain ng pagkaing

masustansiya.

7. Iwasan ang sobrang

maalat at matatamis na

pagkain.

8. Magpakuha ng presyon

ng dugo dalawang beses

sa loob ng isang taon.

9. Gawing regular ang

pag-eehersisyo o araw-araw

ayon sa kakayahan ng

katawan.

10. Kumpletuhin ang

bakuna ng mga bata.

11. May mga sakit na

nakasisira ng ating bato na

maaaring mapigilan ng

pagbabakuna.

12. Iwasan ang paninigarilyo

at mga nakalalasing

na inumin.

13. Uminom lamang ng

gamot kung may payo o

preskripsiyon ng doktor.

14. Kung nais uminom ng

herbal supplement ay

kumonsulta sa doktor.

15. Ugaliin ang taunang

pagpapasuri ng ihi.

Ang urinalysis o pagsusuri

ng ihi ay mahalagang eksaminasyon

dahil dito makikita

kung may problema sa pagbabalanse

ng kemikal o

elemento ng katawan tulad ng

pagkakaroon ng asukal (glucose),

albumin (isang uri ng

protein), mataas na kristal o

dugo sa ihi. Makikita rin ang

kulay, maulap o malabong ihi,

reaksiyon ng ihi at kung

mataas o mababa ang specific

gravity. Kalimitan kapag

may impeksiyon sa daluyan

ng ihi, mataas ang tinatawag

nating white blood cells

(WBC) dahil ito ang

elementong lumalaban sa

mga mikrobyo.

Ang tamang pagkolekta

ng ihi para sa urinalysis ay

siguraduhing malinis ang

puwerta o ari. Ihanda ang

malinis at may takip na lalagyan

ng ihi. Kolektahin ang

panggitnang ihi (mid stream)

at huwag ang mga unang

patak ng ihi upang maiwasan

ang kontaminasyon. Takpang

maigi ang sample at ibigay sa

laboratoryo.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!