04.09.2015 Views

SEPTEMBER 4, 2015 BULGAR: BOSES NG MASA, MATA NG BAYAN

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

8

OPINYON MO, I-TEXT MO!

Send to 2786 for SUN subscribers,

0922-9992-786 for other networks

bulgar_opinyon_message

Ano ang masasabi mo sa

hirit ng publiko na

buwagin na lang ang

MMDA?

PARA sa akin, buwagin at sibakin si MMDA

Tolentino kasi puro lang kapalpakan ang mga nagawa

niya. Ang duda ko nga riyan, inutusan siya nina

P-Noy at Roxas na mag-ikot sa mga lugar para

mambola. Magbibigay daw ng P20 milyon para iboto

sila. Lumang tugtugin na ‘yang mga pangako nila sa

atin! — Nel

HUWAG naman at maawa sila sa mawawalan ng

trabaho! Bilang taxi driver at senior citizen, ‘di alam

ng ilan kung gaano ang sakripisyo ng MMDA sa

lansangan sa pagmando ng trapik, umulan man o

umaraw lalo na sa oras ng mga sakuna. Si MMDA

Chairman Tolentino, maraming experiment sa traffic

rules. Kaya lang hindi nagiging epektibo dahil

parami nang parami ang mga sasakyan. Tapos ‘di

naman nadaragdagan ang daan dahil walang mga

phaseout sa mga bulok na vehicle! — Carding

ABA, dapat lang palitan na ang mga MMDA! Mga

mayayabang kung umasta. ‘Kala mo mga militar! —

0923-7011***

PUWEDE ba, unahin n’yo nang sibakin ang

MMDA sa Robinsons Fairview? Ang tindi ng mga

hayop na ‘yun! P10 kada konduktor na nagpapa-dispatch.

— 0910-8533***

GAWIN na lang silang taga-demolish ng illegal

structures saka tagahuli ng mga illegal vendor. —

0908-4770***

TAMA ‘yun! Para ‘di na rin sila ma-bully ng mga

motorista. Okay na ‘yung pulis para matakot ‘yung

mga matatapang at mayayabang na motorista. —

Ronnjovi

BAKIT bubuwagin ang MMDA? Tinutulungan

sila ng HPG at inoobserbahan palang ang tunay na

magagawa ng dalawang ahensiya sa heavy traffic. —

Adonisren.

KAWAWA naman ‘yung pamilya ng mga MMDA,

magkano lang naman ang sahod ng mga ‘yan or

puwede naman bigyan sila ng ibang assignment. —

Leslie

OKAY lang naman na may MMDA pa rin,

katuwang ng mga pulis sa pagsasaayos ng trapiko.

— Noe

SA rami nila sa kalsada lalong sisikip lang, pramis!

Kung MMDA, eh, di MMDA, kung HPG, eh, di HPG

na lang. ‘Wag na silang lahat dahil malilito na lalo ang

motorista kung sino ang paniniwalaan. — Clark

‘YUNG mga MMDA siguro puwedeng italaga na

pandagdag sa mga tanod para dumami ang mga

rumoronda at nang maiwasan ang nakawan at patayan.

Dagdag-bantay na rin sila sa mga kabataang tambay.

— Cathy

TAMA ‘yan dahil karamihan naman sa MMDA,

nagkukuwentuhan lang sa gilid at nag-aabang ng

mahihiritan ng meryenda. — Claire

TAMA, buwagin na ang MMDA, wala namang

‘wenta ang chairman nila, eh. Inuuna pa ang

pangangampanya. Pati pera ng ahensiya ginamit sa

Albay! — Jess

Imbes daw kay MMDA Tolentino,

matinding trapik, isisi raw sa

maraming sasakyan at

pasaway na motorista

NAGBABALA kahapon si Philippine National

Police Chief Director General Ricardo Marquez

sa mga “pasaway” sa kalye at walang

disiplinang motorista lalo na sa mga tinukoy na

‘chokepoints’ na pinatututukan sa kanila ng

Malacañang upang maibsan ang matinding

trapik sa kahabaan ng EDSA. Simula Lunes,

mga tauhan na ng Highway Patrol Group

(HPG) ang magmamando ng trapiko alinsunod

sa pagtatalaga ni Pangulong Noynoy sa mga

armadong PNP para kontrolin ‘di lamang ang

daloy ng mga sasakyan kundi maging ang

kalagayan sa lansangan tulad ng krimen.

Ani Marquez, hindi raw sila mag-aatubiling

manghuli ng mga lalabag sa batas at walang

disiplinang driver upang maibalik ang

“kaayusan” higit sa lahat sa Balintawak, Cubao,

Ortigas, Shaw, Pasay-Taft at North Avenue.

Nakiusap ang PNP chief sa mga motorista na

huwag sulsulan ang mga pulis dahil titiyakin

naman daw ng ahensiya na mabigyan ng

kaukulang pansin ang anumang pang-aabuso

o kalabisan ng mga kagawad ng batas.

Kahapon, nagtawag ang PNP ng pagpupulong

upang maging maayos ang pamamahala sa

trapiko ng 96 HPG pulis na itinalaga sa EDSA.

Bukod sa nag-uumapaw na rami ng

sasakyan, “kakulangan sa disiplina” ang

nakikitang pangunahing problema sa EDSA lalo

na ng mga tsuper na walang respeto sa kapwa

at sa batas. Pahayag ng mga opisyal ng

gobyerno, siguro naman daw magkakaroon na

ng kaayusan ngayong may baril na ang mga

bantay sa kalye. Tugon naman ng ilang netizen,

kahit daw kanyon at tangke ang ilagay sa

EDSA kung walang disiplina balewala rin ang

effort ng gobyerno mapabilis ang daloy sa mga

pinangalangang “choke points”.

“Law enforcement” ang nakikitang

solusyon ng administrasyong Aquino sa

mistulang imposible nang ma-decongest na

Kaya ba ng PNP-Highway Patrol

Group na ibalik ang ‘disiplina’ sa

EDSA o tulad din ng MMDA na

'palpak' at 'mahina' sa panuhol ng

mga traffic violator?

BATAY sa resulta ng survey

na isinagawa ng public service

program na “Sa Ganang

Mamamayan” kamakalawa,

maraming dahilan ang ugat ng

matinding trapiko sa Metro

Manila.

Naniniwala ang ilang respondent

na ang matinding

trapiko ay dahil sa sobrang

dami ng behikulo na nasa

gitna ng lansangan.

Itinuturo rin ang kawalang

disiplina ng ilang motorista na

hindi sumusunod sa batastrapiko.

Naniniwala ang mayorya

ng respondent na hindi dapat

ibunton ang lahat ng sisi kay

Metro Manila Development

Authority (MMDA) Chairman

Francis Tolentino o sa

ahensiya ang problema sa

trapiko sa Kamaynilaan.

Ayon sa survey, 80.2 porsiyento

ng mga tinanong ay

nagsabi na maling ibuhos ang

lahat ng sisi kay Tolentino at sa

MMDA ang trapiko sa

Kamaynilaan habang 19.8 percent

ang nagsabing ang ahensiya

ang dapat responsable rito.

Gayunman, naniniwala

ang mga tumugon sa survey

na responsibilidad ng MMDA

ang maayos at ligtas na pagbibiyahe

sa mga lansangan.

Matatandaan, na nagpakalat

ang Malacañang ng

PNP Highway Patrol Group

para tulungan ang MMDA sa

pagmamando ng trapiko sa

EDSA.

Iniutos din ni Pangulong

Aquino sa HPG na paluwagin

ang anim na “chokepoints” sa

EDSA.

Kabilang dito ang

Balintawak, Cubao, Ortigas,

Shaw Boulevard, Guadalupe

at Taft Avenue.

Sa tingin natin, isang

malaking paghamon ito

kay Tolentino na maiayos

nang mabuti ang trapiko

sa Metro Manila upang

hindi maging isyu ito sa

nagaganap na girian sa

2016 elections.

EDSA. Nasa 160,000 na

sasakyan lang daw kasi

ang normal capacity nito,

gayung mahigit sa 520,000 o

lampas pa sa doble ng

kapasidad ng kalsada ang

dumaraan dito, araw-araw

ayon sa Metro Manila Development

Authority

(MMDA). Kaya naman,

bilang short-term solution sa

problema habang wala pang

batas tungkol sa regulasyon

sa rami ng posibleng pagaaari

ng sasakyan sa Pilipinas,

kailangan daw mahigpit na

ipatupad ang “yellow lane demarcation”

para sa mga PUV at malaki ang

maitutulong ng mga armadong pulis sa

pagsasagawa nito.

Ani Department of Public Works and

Highway (DPWH) Secretary Rogelio

Singson “law enforcement” lang daw ang

sagot sa problema sa Metro Manila traffic

congestion. Sa gitna ng mga batikos sa DPWH

dahil sa walang tigil na road repairs and

reblocking na karaniwang sanhi ng

pagkabuhul-buhol ng mga sasakyan sa daan

iginiit ng kalihim na kailangang matapos na sa

lalong madaling panahon ang yellow lane

demarcations sa EDSA upang mahiwalay

nang husto ang mga pampasaherong

sasakyan sa private vehicles. Humingi siya

ng tulong sa mga bagong talagang pulis sa

EDSA sa mga matigas na ulong mananakay

at driver, samantalang, nangako siya sa publiko

na didisiplinahin ng DPWH ang mga

salaulang contractor.

Hati ang opinyon ng taumbayan sa bagong

“pakana” ng Palasyo upang masolusyunan

ang malalang trapik sa paggamit ni P-Noy ng

PNP-Highway Patrol Group. Nagpahayag

halimbawa ang mga bus operator ng

pangamba na baka mas lumaganap ang

kotongan dahil sa mga karagdagang “buwayang

pulis” sa lansangan. Ang pinagsanibpuwersa

raw ng MMDA at PNP-HPG sa

pagmamando ng trapiko ay magdaragdag

kalituhan lang daw lalo na sa mga driver na

kulang ang kaalaman sa traffic regulations.

Sa ganang atin, hindi pa nakaaahon ang

kapulisan natin sa “negative” na pananaw ng

publiko sa kanila dahil sa mga asunto at kasong

kinasangkutan ng ilan sa kanilang mga kabaro

nitong mga nakaraang buwan, baka lalo lang

makadagdag ang bago nilang deployment sa

EDSA sa pagbagsak o lubog ng masama na

nilang image. Sa kabilang dako, magandang

SETYEMBRE 4, 2015

ni PABS HERNANDEZ III

GINANG, DEDBOL SA

BIGTI

PANGASINAN—Isang ginang ang nagpakamatay

sa pamamagitan ng pagbigti kamakalawa

sa bayan ng Mangatarem sa

lalawigang ito.

Sa kahilingan ng kanyang pamilya, hindi

na pinangalanan ng mga awtoridad ang

biktima.

Ayon sa ulat, ilang kamag-anak ng biktima

ang nakatagpo sa nakabiting bangkay nito sa

loob ng kanilang bahay.

Masyado umanong dinamdam ng biktima

ang magkasunod na pagkamatay ng kanyang

mga magulang noong nakaraang taon at

maaaring ito ang dahilan kaya ito

nagpakamatay.

3 KATAO, SUGATAN SA

AKSIDENTE

CAMARINES SUR—Tatlo katao ang

sugatan sa naganap na banggaan ng isang van

at kotse kamakalawa sa Bgy. Palestina, Pili sa

lalawigang ito.

Nakilala ang mga biktima na sina Crystal

Grace Basilio, driver ng kotse, Ruth Cata at

menor-de-edad na si Lady Anthony.

Ayon sa mga saksi, mabilis ang takbo ng

van na minamaneho ni Ruel Llagas kaya

aksidenteng nabangga nito ang kotseng

kinalululanan ng mga biktima.

Nabatid na sinampahan na ng mga

awtoridad ng kasong reckless imprudence

resulting to multiple physical injury si Llagas.

oportunidad ito sa PNP upang hanguin sa pagkadausdos

ang natitira nilang dignidad sa mata ng taumbayan.

Anuman ang mangyari, they still deserve all our respect

being law enforcers o kanya-kanya na lang tayo?

Sa ating mga mananakay at driver, magsisimula

ang “disiplina” na kulang na kulang sa Metro Manila public

roads ngayon kaya sala-salabat ang trapik. Kailangan

lang siguro talaga ng “common-sense” sa pagpapatupad

nila at pagsunod natin sa batas upang umiral ang tunay

na disiplina sa mga “chokepoint” na pinin-point ng mga

eksperto sa trapiko. At least, alam na natin at natukoy

na kung saan-saan precisely, ang problematic

areas para maaksiyunan agad at matutukan. Importante

sa lahat, sa parte ng gobyerno, kailangan ng

pagpakumbaba at pag-amin kung saan sila palpak tayo

sa isyu ng trapik nitong nakaraang 5 taon.

Nakakrus ngayon ang lahat ng dalari sa bagong atake

ng gobyerno sa problema ng trapik sa EDSA. Kung

ayaw, ‘wag na lang natin piliting paaminin ang MMDA

na “palpak” at bigo itong masolusyunan ang malalang

sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila. “Eh, bakit hindi

na lang kasi tanggalin si MMDA Chairman Francis

Tolentino!? galit na giit ng ilang netizen. Gayunman, hindi

marahil panahon ngayon ng sisihan kundi oras na ng

desperadong aksiyon at pagtutulungan para sa higit na

kabutihan ng higit na nakararami.

Sa huli, may katwiran ang isang nagsabing “wala

sa bantay ang problema sa EDSA kundi ang

mismong kalsada at bilang ng sasakyan.” Sana

pakinggan ng gobyerno ang boses ng mga concerned na

motorista. Tayo rin naman lahat ang makikinabang sa

huli. Magkaisa na nawa rin tayong i-discourage

ang “panunuhol” upang ‘wag lang mabalewala ang effort

ng gobyerno na ibalik ang displina sa EDSA. Eh,

ano na ang mangyayari ngayon sa MMDA? Ano na

ang role ni Chaiman Tolentino ngayong nandiyan na ang

PNP-HPG at nasa kanila na ang responsibilidad,

kailangan pa ba sila? Ano pong ‘sey’ ninyo?

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!