17.11.2012 Views

Primarya 6

Primarya 6

Primarya 6

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Pangyayari sa

Banal na Kasulatan

Mga Tanong sa

Talakayan at

Pagsasagawa

Hilingin sa mga bata na magkunwaring ang bahay na nakadrowing sa pisara ay

ang kanilang tahanan. Papagkunwariin sila na malayo ang kanilang lalakbayin

mula sa kanilang tahanan upang dumalaw sa isang kamag-anak, mamalagi sa

ospital, o magmisyon. Magdrowing ng isang simpleng hugis ng tao sa kabilang

panig ng bundok.

• Paano kayo makikipag-ugnayan sa inyong mag-anak kung ganoon kayo

kalayo sa inyong tahanan? Ano ang gugustuhin ninyong pag-usapan ninyo?

Ipaliwanag na noong namuhay tayo sa piling ng Ama sa Langit ay nagagawa

nating makipag-ugnayan sa kanya na tulad ng pakikipag-ugnayan natin sa

ating mag-anak at mga magulang dito sa mundo. At ngayon, kahit na nawalay

tayo sa piling ng ating Ama sa Langit nang magpunta tayo rito sa lupa ay

maaari pa rin tayong makipag-ugnayan sa kanya.

• Paano sinabi sa atin ng Ama sa Langit na maaari pa rin tayong makipagugnayan

sa kanya? Bakit gusto ng Ama sa Langit na manalangin tayo sa

kanya? Ipaliwanag na mahal niya tayo, nais niyang mahalin natin siya, nais

niyang humingi tayo sa kanya ng tulong, at nais niyang pagpalain tayo.

Gamit ang larawan sa angkop na pagkakataon, ituro sa mga bata ang

pangyayari tungkol sa pagpapatapon kay Daniel sa yungib ng mga leon mula

sa mga banal na kasulatan na nakatala sa bahaging “Paghahanda.” (Para sa

mga mungkahing paraan ng pagtuturo ng pangyayari sa banal na kasulatan,

tingnan sa “Pagtuturo mula sa mga Banal na Kasulatan,” p. viii.)

Pag-aralan ang sumusunod na mga tanong at mga sangguniang banal na

kasulatan habang inihahanda ninyo ang inyong aralin. Gamitin ang mga

tanong na nadarama ninyong pinakamainam na makatutulong sa mga bata

na maunawaan ang mga banal na kasulatan at maisagawa ang mga alituntunin

sa kanilang buhay. Ang pagbasa at pagtalakay sa mga banal na kasulatan sa

klase na kasama ang mga bata ay makatutulong sa kanila na magkaroon ng

sariling pananaw.

• Ano ang katungkulan ni Daniel sa pamahalaan ni Haring Dario? (Daniel

5:29–31; 6:1–3.) Ipaliwanag na si Nabucodonosor na hari ng Babilonia noong

itapon sina Sadrach, Mesach, at Abed-nego sa nagniningas na hurno, ay may

apong lalaki na nagngangalang Belsasar, na naging hari ng Babilonia.

Binigyan ni Daniel ng tamang pakahulugan ang isang mensaheng ibinigay ng

Diyos kay Belsasar. Ginantimpalaan si Daniel sa pamamagitan ng paghirang

sa kanya na maging isa sa tatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian.

Nang mapatay si Belsasar, si Dario ang naging hari ng Babilonia. Bakit si

Daniel ang pinili na maging pinakamataas sa 120 mga prinsipe? (Daniel 6:3.)

Ipaliwanag na ang ibig sabihin ng “isang marilag na espiritu ay nasa kanya”

ay na kay Daniel ang Espiritu ng Diyos upang gabayan siya. Bakit mabuting

pagkatiwalaan at bigyan ng tungkulin ang isang mabuting tao na nagtataglay

ng Espiritu ng Diyos?

• Ano ang gustong gawin kay Daniel ng ibang mga pangulo at prinsipe?

(Daniel 6:4.) Bakit sa palagay ninyo nais nilang hanapan ng kamalian si

Daniel? Sa dakong huli, ano ang napagpasiyahan nilang gamitin laban kay

Daniel? (Daniel 6:5, 7.) Paano natin lulutasin ang mga sitwasyon na kung

saan ay hinahanapan tayo ng kamalian ng iba nang dahil sa ating matwid na

pamumuhay? (Tingnan sa gawaing nagpapayaman sa kaalaman 1.)

223

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!