Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
12

Bulgar

I-ASK

Send to 2786 for SUN

subscribers, 0922-9992-

786 for other networks

Ano’ng masasabi mo na

biglang-sikat daw si

Terrence Romeo at

naging ka-level nina

James Yap at Marc

Pingris nang kumalat na

dyowa ni Vice Ganda?

Totoo naman, eh. Ganyan

naman talaga kapag

nakakabit ang pangalan

mo sa mga artista, lalo na

kung sikat. – Mae

Sayang ang mukha

niya, pumatol siya sa

dyokla. – Lhyn

Maski walang kabayo,

talagang sisikat si Terrence

dahil isa siya sa pinakamagaling

na manlalaro ngayon

sa PBA kaya ‘wag n'yo nang

isingit si kabayo. – Eduardo

Oo nga, naging isyu

‘yun, ‘di ba? Nagalit pa nga

‘yung tatay ni Terrence,

eh. – Allaine

Magaling naman talaga

kasi siya kaya lalo siyang

nakilala. Nagpadagdag lang

sa ingay niya ang isyu sa

kanila ni Vice. – Angeli

Ganu’n naman talaga

ang nangyayari sa mga pumapatol

sa celebrity, eh. Lalo

na at bakla pa ang pinatulan

niya, tiyak na magte-trending

siya sa ginawa niyang ‘yun.

Kunsabagay, kung ang kapalit

naman, eh, ‘yung mga

dream shoes niya, ‘di ba?

Ha-ha-ha! – Leni

Magaling naman kasi

talaga siyang maglaro, ‘di ba

nga, sa ibang bansa, kinakiligan

pa siya? Guwapo

kasi siya saka magaling

talaga kaya talagang sisikat.

– Meryll

Korek, kahit gaano pa

siya kagaling maglaro, hindi

naman siya sisikat ng ganyan

kung hindi siya na-link

sa isang sikat na artista, eh.

– Green

Kalokohan ‘yan na

magka-level na sila nina idol

Yap at Pingris. Sa mga bakla

lang siya sikat saka ang

lalaking pumatol sa bakla ay

bakla rin. – 09208009***

TANONG

PARA BUKAS

Ano’ng masasabi mo sa

ibinulgar ng Japanese

porn star na si Maria

Ozawa na nag-one-night

stand sila ni Cesar

Montano bago ginawa

ang kanilang movie?

Ken Chan

@akosikenchan:

Kanina sa pagmulat ng

aking mga mata ako’y napangiti

pero nalungkot din

naman kagad. Sabi ko sa

sarili ko “ito na pala ang

aming huling taping”. Kinuha

ko ang aking script at paglipat

ko sa huling pahina bumungad

sakin kagad ang

salitang WAKAS. Ang hirap

isabuhay ng eksenang ito.

Parang ayoko pang gawin

pero kailangan na. Alam

kong darating ang oras na

tutuldukan na ang aming

istorya pero dito ko napagtanto

na ang bawat katapusan

ay siya namang umpisa

ng isang magandang

kwento. Oo ito na ang aming

huling taping pero hindi pa

ito ang araw na magwawakas

ang makulay na buhay

ni #DestinyRose samahan

niyo po kami hanggang

sa pagtiklop ng aking talaarawan

(diary).

Alessandra de Rossi

@msderossi:

Na-hack ‘yung Instagram

koooo! Binubura niya

lahat ng pictures ko as of

now! Take a look! @msderossi

Nabura na lahat! Last

post ko ngayon ay 6 weeks

agooo! Bakit ako? Konti

lang naman followers kooo.

Sofia Andres

@iamsofiaandres:

If you don’t have good

intentions, please just

leave me alone. I’m tired.

Jake Ejercito

@unoemilio:

@mainedcm happy

bday, klasmeyt! *wink*

Bret Jackson @bretwaw:

So many pretty VIVA

ladies on the covers of

magazines.

Jessy Mendiola

@senorita_jessy:

Can you remember who

you were before the world

told you who you should

be?

Liz Uy @lizzzuy:

Happy happy birthday

my deareast @mainedcm.

Have a grand time today,

make it special!!! Love from

Paris, Liz

Alden Richards

@aldenrichards02:

Happy Birthday @maine

dcm stay strong, kapit lang

tayo. #NicomaineAt21

#TRENDING si Kris

Aquino dahil kung si

Direk Wenn Deramas

daw ay mabait kaya

kinuha agad ni Lord,

siya ay aminadong

‘masamang damo’

kaya ‘di pa

mamamatay.

Ha-ha! Totoo ‘yan!

Kaya sina P-Noy at Kris,

matibay ang lahi ng mga

‘yan! – Leo Bongosia

Oh, di inamin mo rin!

Ha-ha-ha! ‘Wag kang mainip

kasi hindi mo pa oras.

Bakit nga ba inamin mong

masama kang damo? Dahil

ba sa love life mo na walang

forever? Nasa ‘yo naman

pala ang problema, eh!

Tama lang na humugot ka!

Lol! – Neng Comia

Mabait o masama

kang tao, sa ayaw at sa

gusto mo, lilisanin talaga

ng tao ang mundo. –

Victoria Armada

Para sa ibang tao mabait

si Wenn pero may

taglay din siyang pagkabastos.

– Mark Agustin

Kaya samantalahin mo

na, Kris, habang hindi pa

mapanghi ang ihi mo,

magparami ka pa ng BF. –

Salvador Mansanero

Kabaligtaran ‘yan.

Kung mabuti kang tao,

bibigyan ka ng Diyos ng

mahabang buhay pero

kung masama ka, eh, kukunin

ka na niya agad. –

Rick Gomez

Masama man o mabuti,

lahat tayo, mamamatay.

Una-una lang ‘yan. - Ayla

Solaiman

Oras na talaga ni Direk

Wenn, walang makakaligtas

sa kamay ng Diyos

kapag sinabi niyang hanggang

diyan ka lang, wala

ka nang magagawa. –

Hi, mga ka-Bulgar! Like mo

bang ma-publish ang sey

mo tungkol sa mga trending

issue? ‘Wag nang magpatumpik-tumpik

pa, i-like

ang aming Facebook page

sa www.facebook.com/

BULGAR.OFFICIAL

para manatiling updated at

makapag-share ng iyong

comment. Share mo na rin

sa friends mo para together

tayong mag-trending!

Maguiabas Haide

Aba, mabuti naman at

alam na niya sa sarili niya.

– Michelle Lazaro

Sa dami ng naging

lalaki niya, abangan na

lang niya ang balik sa

kanya ng karma. – Emma

Tuason

Hay naku, Kris, magbago

ka na, maawa ka sa

mga anak mo. – Roel

Castro

Kani-kanyang oras

lang ‘yan, Kris, kaya

obserbahan mo na ang

sarili mo at alalahanin ang

mga ginawa mo sa nakaraan.

Baka magulat ka na

lang din sa mga mangyayari.

– Jennifer Oglame

Buti naman at aminado

na siya na ganu’n ang ugali

niya. Ang tanong, wala

kaya siyang balak magbago?

Hindi ka na pabata,

Kris, ayusin mo naman ang

image mo para sa mga

junakis mo. Lumalaki na

sila, gusto mo bang kalakihan

nila ‘yung mga pangit

at negatibong pagtingin sa

‘yo ng mga tao? – Emeri

Yanoria

Kahit kailan talaga,

napakataklesa niyang

babae na ‘yan. Manong

manahimik na lang. Ikinukumpara

pa ang sarili

sa namatay na! – Jade

Nuñez

Naku, Kris, ‘yan nga

ang magiging dahilan ng

maagang pagkategi mo

kapag hindi mo inayos

ang ugali mo. Tama na ang

pagdaldal, manahimik na

lang sa buhay mo. – Osim

Larye

At least, napakatotoo

niya sa sarili niya, hindi

tulad ng iba na napakaplastik

sa harap ng kamera.

Ginagawa at sinasabi

niya talaga kung ano

ang gusto niya. – John

Canlas

Oo nga, pareho kayo

ng kapatid mo. Sige, hindi

na kayo matetegi nang

maaga, kaso, tanong mo

sa kuya mo dahil baka

kulong naman ang abutin

niya at isama ka! Ha-haha!

– Meg_Meg

Alam naman pala niya

sa sarili niya ang mga ginagawa

niya. Ibig sabihin,

hindi niya nagawa ang

katangahan dahil sa ‘love’

kundi dahil ginusto niya

talaga. – Rick Santos

S

A episode ng Kris TV kahapon

(Huwebes), naging bisita ni Kris

Aquino si Jane Oineza, isa sa mga

stars ng Always Be My Maybe

starring Arci Muñoz at Gerald Anderson.

Sa nasabing episode, hindi puwedeng

matapos ang usapan na hindi ‘pinakikialaman’

ni Kris ang love life ng kanyang

mga bisita.

Kaya’t sa kabuuan, ipinagtapat ni Jane

sa TV host ang naganap na breakup between

her and UAAP basketball superstar,

Jeron Teng.

Sabi ni Jane, last year (2015) pa sila

naghiwalay.

“May mga bagay na hindi mo expect na

mawawala pero nawawala,” bungad ng

young actress.

Hindi nga lang maamin ni Jane kung si

Jeron ang nagsawa at nakipaghiwalay sa

kanya or it’s the other way around.

“Respect na lang. Siyempre, may mga

lessons learned, good memories,” sabi na

lang ni Jane.

“Siguro kasi, ‘pag mga ganu’n kasi, ‘di

ba, mas nagma-mature ka para mas ready

ka sa ibang mga bagay na darating?” dagdag

nito

Ḃuwelta naman ni Kris, “Ano’ng

pagkukulang mo?” at sumagot ang dalaga

ng, “Honestly, tita, hindi ko alam kasi

naibigay ko naman ‘yung support… Hindi,

joke. Ewan ko, tita. Siguro, if it’s not meant to

be, then hindi talaga siya mangyayari. And

siguro, may mga bagay na mas deserve

mo o mas deserve ng ibang tao. So ‘yun,

‘yun ‘yung lesson learned.”

Nakini-kinita at naramdaman daw ni

Jane na papunta na rin sa wala ang kanilang

samahan.

“Feeling ko, kailangan din niya sigurong

mag-focus,” sey ni Jane na parang

pahiwatig na rin na ang basketbolista ang

nakipag-break sa kanya.

Singit naman ng Kris TV headwriter

na si Darla Sauler, “Sometimes, when

you’re alone, you’ll find yourself.”

Sagot ni Jane, “Totoo naman, kasi

minsan kailangan mo munang maging

okay sa sarili mo. Kailangan mo munang

maging buo bago mo mai-share ‘yung sarili

mo sa iba kasi kapag kulang ka rin naman,

di sayang lang din.”

Sa ngayo’y may bago na raw manliligaw

si Jane, isang Kapamilya young actor din.

MARSO 4, 2016

Mga bading at tibo, masahol pa raw sa hayop,

kinampihan...

PACQUIAO, KINONDENA NG HBO

Suspetsa ng iba, hindi kaya si Joshua

Garcia ito, ang batambatang look-alike ni

John Lloyd Cruz?

Huling pahayag ni Jane, “Hindi naman

minamadali. ‘Yung mga ganyan, dapat

kinikilala muna.”

Hay, ang karamihan sa mga artista

natin, hindi maamin ang pakikipagrelasyon,

parang ‘di maipagmalaki ang GF

o BF. Mabubuking na lang kung hiwalay

na o kaya naman, kung nabuntis na.

IBA naman ang “kiss-and-tell” porn

star ng Japan na si Maria Ozawa dahil

ipinagmalaki nito sa panayam sa kanya

ni Mo Twister sa podcast ng Good Times

With Mo nu’ng nakaraang Martes na

nag-one-night stand sila ni Cesar

Montano.

Ito’y nu’ng isinu-shoot ng dalawa

ang Nilalang na entry sa nakaraang

MMFF.

Knowing Mo, diretsahan nitong

tinanong ang Japanese porn star

what she thinks about Cesar’s

package?

Prangkahan din namang sagot

ni Maria, “I think it was big for

me. I [have] just arrived from Japan

and the size that I know is like whoah!”

Nagtanong pa si Mo about

Cesar’s performance.

“Well, yeah I heard that he’s

really like a bachelor. Well, it was

okay,” ani Maria.

Ano kaya’ng masasabi ni Sunshine

Cruz dito? Nasa korte pa at

dinidinig pa rin ang kasong annulment

ng dalawa, ‘di ba?

MABUTI na lang at inayawan ni

Robin Padilla ang pakikipagtambal sa

sinasabing porn star ng Japan na si

Maria Ozawa. Kung natuloy sina Robin

at Maria sa Nilalang at ‘natukso’ siya sa

alindog ni Maria, baka naging malaking

isyu ito kay Mariel Rodriguez.

Knowing Mariel, mawawala na nang

tuluyan ang tiwala nito sa asawa ‘pag nagkataon.

Wife’s instinct marahil ang pinairal

ng It’s Showtime co-host kaya’t idinahilan

na lang ni Robin na aalagaan niya si Mariel

sa pagkakalaglag ng kanilang baby at

naintindihan naman ito ng marami.

Anyway, out na ang Kapamilya, Deal

or No Deal ni Luis Manzano at papalitan

ito ng Game ng Bayan na sisimulan na sa

Lunes, March 7.

Sa It’s Showtime masayang nagplug

si Mariel ng Game ng Bayan.

“Maaaliw ang mga viewers sa karisma

ni Robin, masaya ang show,” sundot

naman ng isang malapit sa aktres-host.

AKALA namin ay humupa na ang isyu

sa nakaka-offend na komento ni Cong.

Manny Pacquiao laban sa mga miyembro

ng LGBT community dahil sa

pagtutol niya sa same sex marriage.

‘Yun pala, humabol pa ang HBO —

ang network na nagpapalabas ng payper-view

ng mga laban ni Pacquiao —

(Sundan sa p.11)