04.03.2016 Views

March 4, 2016 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

MARSO 4, 2016 Column Editor: GRACE GARIGO 5

Editoryal

L

Editoryal

Ikaw na naman Sec.

Pabaya, este, Abaya?

AGLAG-BALA out, ‘magic x-ray machine’ in!

‘Yan ang bagong ‘kababalaghan’ sa NAIA ngayon.

Ang wallet na inilagay sa bag, idinaan sa x-ray

machine biglang naglaho?!

May mumu?!

Aba, teka namumuro na ‘yan, ah.

Hindi pa nga nabibigyang-linaw ‘yung tanim-bala, may bago

na namang pampakaba?

Sa mga ‘di maka-relate, ganito ang eksena.

Isang balikbayan ang pauwi ng probinsiya, may bitbit na

bagahe at isang handbag.

Tulad ng siste, idaraan sa x-ray machine ang mga dala para

safe kuno.

Ang tagal daw niyang hinintay, parang huminto pa.

At nang makuha, pumunta na siya sa ticketing area para

magbayad.

Dyaraaan! Wa’ na ang wallet na may halos P100,000 kuwarta,

susmarya!

Puwede pa sanang malaman kung saan na-magic, ang

problema, mga CCTV na nakatutok sa makina ‘di gumagana,

props lang pala?!

So, nganga!

Sablay na mga CCTV inginuso sa DOTC.

DOTC na naman?!

Palpak na sa MRT, palpak pa sa airport?!

Ano ba ‘yan, Abaya? Dapat yata apelyido mo gawin nang

Pabaya, eh, suggestion lang pero, mas bagay!

Hindi ito biro, ah!

Taon mong pinaghirapan para maiuwi sa pamilya, sa isang

iglap, maglalaho na parang bula? Paki-explain!

Nakakagalit lang na paanong may mga ganitong insidente?

Saan nagkulang? Bakit may nagkukulang?

‘Di ka nga makukulong sa tanim o laglag-bala, mawawalan

ka naman ng pera, ‘wag ganu’n.

Pare-pareho tayong naghahanapbuhay, respeto naman.

Kung ‘di kayo r’yan kontento sa suweldo, maghanap kayo ng

ibang trabaho hindi ‘yung kapwa n’yo ang napeperhuwisyo.

Palibhasa, alam n’yong no choice ang mga biyahero, kaya

ninyo inaabuso.

Isa pa, marami pang tapat d’yan sa paliparan na nadadamay

sa kalokohan n’yo!

Sa kanila man lang ay

mahiya kayo!

No. 1 NEWSPAPER

IN THE PHILIPPINES

(Source: The NIELSEN Company)

BULGAR Bldg. 538 Quezon

Avenue, Quezon City 1100

Trunk lines : 749-5664 to 65

Editorial : 749-0091 • 712-2874

Advertising: 732-8603 • 749-1491 •

749-6094 to 95 • 743-8702

Credit & Collection: 742-5434

Circulation: 712-2883 • 749-1493

Intramuros Office: 871-9637 • 788-3479

0917-8991101 • 0928-5035343

0932-8783337

E-mail:

bosesngmasa@bulgar.com.ph

Ang mga personal na opinyon at/o kuru-kuro

ng mga manunulat na nailalathala sa

pahayagang ito ay hindi nangangahulugang

opinyon din ito ng publikasyon.

APAT ang namatay sa Camarines Sur nang

banggain ng trak ang likuran ng isang tricycle.

Ano nga naman ang laban ng tricycle sa trak?

Pero sa imbestigasyon, lumabas na

walang ilaw ang tricycle na maaaring naging

sanhi kung bakit hindi ito napansin ng driver

ng trak.

Walang argumento na kasalanan ng trak

ang naganap na aksidente pero kung may

ilaw sana ang tricycle, baka naiwasan ito.

Ang kaugaliang ito ay makikita rin sa

Metro Manila at mga pampublikong sasakyan

na madalas gumagawa nito.

Hindi natin maintindihan ang katwiran

ng mga drayber kapag sila ay tinatanong

kung bakit nakapatay ang kanilang mga ilaw?

Mas matipid daw sa gasolina. Kalokohan.

Kung ganyan din lang ang katwiran

nila, huwag na ring bumiyahe at siguradong

mas matipid sa gasolina ito, wala pang mapapahamak

sa kanilang kalokohan.

MAR, WALA RAW KI-

NALAMAN SA SAF 44

MASSACRE, ABERYA SA

MRT AT MISSING ‘YO-

LANDA’ FUNDS, PERO

MAY ALAM SA DROGA?

—Sa isang interbiyu ay sinabi

ni LP Presidential candidate

Mar Roxas na may alam daw

siyang mga nagbebenta ng

shabu sa Davao City at Makati

City at hinihimok pa ang mga

taga-media na sasamahan sa

pagbili ng droga.

Ganu’n, sa bentahan ng

droga may alam si Mar pero

pagdating sa mga isyu ng SAF

44 massacre, mga aberya sa

MRT at missing “Yolanda”

funds ay wala raw siyang alam?

Boom!

NI-REJECT DAW ANG

P2K PENSION HIKE KASI

HIHIRIT PALA NG PER-

FORMANCE BONUS ANG

MGA SSS OFFICIAL? —

Humihirit sa Malacañang ng

performance bonus ang mga

isyungk@ b ulgar.com.ph

Shocking na pagtitipid

ang dahilan kaya

nagpapatay ng headlights

ang mga motorista!

Ang ilaw ay may dalawang layunin, para

makita ang dinaraanan at para makita ka rin ng

ibang sasakyan.

Kaya anong layunin ang naipatutupad kung

patay ang ilaw? Paano naging drayber ang mga

ito?

Kapag napansin ng mga pasahero na hindi

gumagamit ng ilaw ang drayber ng sasakyan,

bumaba na agad at sumakay ng iba.

Dapat hulihin na ng MMDA at mga kinauukulang

ahensiya ang mga nagpapatuloy sa

kaugaliang ito.

Ano kaya ang naisip ni Father Nelson

SSS officials, may X-mas

bonus na, humihirit pa ng

performance bonus? Buwisit!

opisyal ng SSS.

Tablado na nga sa pangulo

ang P2k pension hike at ngayon

may agenda pa silang

manghingi ng performance

bonus? Buwisit!

MAY MILYONES NA

RAW NA X-MAS BONUS,

GUSTO PANG MAGKA-

PERFORMANCE BO-

NUS?— Milyones na raw ang

tinanggap na Christmas bonus,

tapos humihirit pa ng perfomance

bonus ang mga SSS

official?

Iyan ang mga taga- “daang

matuwid” na ini-appoint ni

P-Noy sa SSS, ibang klase, buwisit!

KAGAWAD, MAY STL

CON JUETENG DAW SA

STA. ROSA CITY?—Isang

Bgy. Kagawad daw ang may

operasyon ng STL con jueteng

sa Sta. Rosa City, Laguna.

Wala bang plano si Mayor

Arlene Arcillas na paimbestigahan

kung sino ang kagawad

na gambling lord sa kanyang

nasasakupan? Aksiyon na!

Silvela, pari ng San Joaquin sa Panay, nang

utusan niya ang sampung tao na maghukay sa

isang kilalang “national cultural treasure,” ang

Camposanto para maghanap umano ng

kayamanan na nakalibing doon?

Mukhang maraming napanood na sine

tungkol sa “treasure hunting” ang paring ito

tulad ng “National Treasure” at “Pirates of the

Carribean.”

Gayunman, wala siyang awtoridad para

gawin ang nasabing paghukay. At para gawin

ito ng isang pari na nanumpa ng kahirapan ay

kabalintunaan.

Sinuspinde na ang pari ng CBCP pero hindi

na siya mahanap nang aarestuhin ng mga

awtoridad ang mga naghuhukay.

Hindi makapaniwala ang marami na

magagawa ito ng isang pari. Imbes na maging

pastor ng kanyang mga mananampalataya,

mukhang gustong maging Nicolas Cage o

Johnny Depp.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang pari

para makasuhan at suportado naman ng Simbahan

kung matuloy.

May parusang sampung taong kulong ang

paninira ng mga kayamanang kultural ng bansa.

Mapapailing ka na lang talaga.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!