You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
18

“KAHIT WALANG BAYAD, PUWEDE

AKO SA OLYMPICS” – PACQUIAO

NOONG una ay pag-aaralan daw ng

Pinoy ring icon ang proposal na katawanin

ang Pilipinas sa Olympic boxing sa kabila ng

pagpayag na umano ng sports international

governing body na makalahok sa kompetisyon

ang propesyonal na boksingero.

Una nang nakausap ni Pacquiao ang AIBA

president Ching-Kuo Wu, na siyang

nagmumungkahi na payagan na sa Olympics

ang pro boxers. “OK naman. Pinag-

aaralan pa kung puwede tayo,” saad ni

Pacquiao sa GMA News. Handa raw siya

na katawanin ang Pilipinas nang libre. “Kahit

walang bayad. Para naman sa karangalan

ito ng bansa,” dagdag niya. Magbobotohan

ang boxing’s governing body sa loob ng tatlong

buwan hinggil sa naturang proposal na

magpapahintulot sa lahat ng professional

fighters na sumagupa sa Olympic Games,

kabilang na ang Rio. (MC)

MALE BOXERS, WALA NANG

HEADGEAR SA RIO GAMES

SA unang pagkakataon sa loob ng 32 taon, makikipagpalitan ng suntok ang mga lalaking

boksingero nang walang headgear sa darating na Rio Games sa Agosto matapos aprubahan ng

International Olympic Committee ang pagbabago na inintrodyus ng AIBA World Boxing

Federation.

Ang AIBA ang nagmungkahi ng pagbabago para sa amateur fighters sa nakaraang tatlong

taon at iniakyat na nila ito sa IOC Executive Board na tila wala namang tumutol at hinihintay

na lang ang rubber-stamping decision at maisagawa na ito sa Rio.

Sinabi ng IOC na ang AIBA ay nagprisinta ng medical research at ipinakitang wala namang

peligro kahit walang headgear ang boxers. “AIBA provided medical and technical data that

showed the number of concussions is lower without headgear,” ayon kay IOC spokesman

Mark Adams. “They have done a lot of research in the last three years. The rule will go ahead

for Rio.” Nagsusuot ang boxers ng headguards mula pa noong

1984 Los Angeles Olympics. Ang huling Games nang walang

headgear ay sa Moscow 1980. Ang women boxers na unang

sumabak sa 2012 Olympics ay patuloy na magsusuot ng

protective gear.

(MC)

LINER MAROONS, NAMISAK;

WANGS AT MINDANAO SA

D-LEAGUE Q’FINALS

NASA tamang pagkakataon

at tamang lugar si Raul

Soyud partikular sa third

quarter para sa UP-QRS/

Jam Liner upang giyahan

ang Maroons sa 100-84

panalo kontra AMA University

at makamit ang huling

twice-to-beat advantage

kahapon sa 2016 PBA D

League Aspirants Cup sa

Ynares Sports Arena sa

Pasig. Itinala ni Soyud ang

12 sa kanyang career- high

25 puntos sa third period

kung saan inagaw nila ang

bentahe, 69-63, matapos ang

kanilang paghahabol sa

kabuuan ng first half na

nagtapos sa iskor na 44-45.

Nag-ambag ang mga

kakampi ni Soyud na sina

Raymond Aguilar, Dave

Moralde at Kevin Ferrer ng

18 at tig-14 puntos ayon sa

pagkakasunod. “Nagdyi-jell

na ‘yung team.Yung kumpiyansa

andun na,” pahayag

ni Maroons coach Bert de la

Rosa.

Konsolasyon para sa

Titans ang kasiguruhan na

pasok na sila sa finals kahit

tumapos silang may 2

lamang panalo kontra 6 na

talo bilang pampito. Pagaagawan

ng Wang’s Basketball

(1-7) at Mindanao (1-6)

ang huling quarterfinals slot.

Nagtapos ang UP- QRS/Jam

Liner na mag 5-3, panalotalong

baraha. (V.A.)

MAGIC, PINALUHOD ANG BULLS;

HORNETS, DINALE ANG SIXERS

NANGAMADA si Nikola Vucevic ng 24 points,

nagsalansan naman si rookie Mario Hezonja ng career-high

21 puntos sapat para bitbitin ang Orlando Magic sa 102-89

panalo kontra Chicago Bulls kahapon sa 2015-16 National

Basketball Association, (NBA) regular season.

Nag-ambag si Victor Oladipo 17 markers habang

sumawsaw ng 13 pts at 15 rebounds si Aaron Gordon para

ipanalo ang Orlando ng walang kahirap-hirap. Bumakas din

sa opensa para sa Magic si Elfrid Payton na may 9 puntos at

12 assists. Si Derrick Rose ang tumipa ng maraming puntos

para sa Chicago matapos itarak ang 16 puntos habang may

12 pts. si Pau Gasol.

Tumapos din ng double figures si Doug McDermott ng

ilista ang 11 pts. para sa Bulls. Hawak ng Magic ang 27-33

baraha at kasalukuyang nasa pang 11th place sa Eastern

Conference habang nakagapos sa 9th place ang Chicago na

may 30-30 karta matapos malasap ang pang-apat na sunod

na kabiguan. Samantala, pinaluhod ng Charlotte Hornets ang

Philadelphia 76ers, 119-99. Nagsanib-puwersa sa opensa

sina Kemba Walker at Cody Zeller para ipinta ang 32-28

card at upuan ang 6th place sa EC. Kumana si Walker ng 30

puntos at 7 rebounds habang sumalpak si Zeller ng 15 puntos

at 6 na boards.

Sa ibang NBA result, pinagpag ng Boston Celtics ang

Portland Trail Blazers 116-93 habang sinikwat ng Toronto

Raptors ang Utah Jazz, 104-94. (ATD)

MALAYSIA AALISIN ANG EVENTS

SA SEAG NA MALAKAS ANG ‘PINAS

Nina MC/Clyde Mariano

MAGTATANGGAL ang organizers ng 2017 Southeast Asian Games sa Malaysia ng ilang events kung

saan pa naman malalakas ang atletang Pinoy at may potensiyal na magwagi.

Sinabi ng Philippine Olympic Committee (POC) na

ang organizers ay naglatag na ng 35 na sports na may

nakatayang 342 gold medals sa palaro na idaraos sa

Agosto 17-31 sa susunod na taon.

Ang POC ay nasa Kuala Lumpur noong nakaraang

linggo sa pulong ng ilang miyembro ng SEAGames

Federation at napag-alaman na tatanggalin ng Malaysia

ang wushu at centerpiece athletics, pati women’s

boxing at women’s weightlifting kung saan mahusay

ang Pinoy athletes. “Malaysia wants 17 events in

taolu and none in sanda where our Filipino athletes

are good. Malaysia is not good in these combat events

in wushu,” ayon sa POC.

Ipipilit umano ng Pilipinas na mailagay ang combat

NAPATINGIN na lang sa bola sina Christine Francisco at Ennajie Laure ng UST Lady Tigresses

sa kanilang laban kontra La Salle Lady Spikers sa 78 th Women’s UAAP Volleyball Tournament

sa The Arena, San Juan. Wagi rito ang UST.

(Ed Panti)

NU BULLPUPS, TANGKA ANG C’SHIP

VS. DLSU-ZOBEL SA UAAP JUNIORS

Sa ikalawang pagkakataon,

tatangkain

ng National University

na makamit ang minimithing

kampeonato

sa muling pagtutuos ng

De La Salle-Zobel na

hangad na makapuwersa

ng isang winnertake-all

match ngayong

hapon sa pagpapatuloy

ng UAAP

Season 78 Juniors Basketball

Tournament finals

sa San Juan Arena.

Target ng thrice-tobeat

Bullpups na matapos

na ang laban at

maiuwi na ang kanilang

Laro ngayon

San Juan Arena

2 p.m. – NU vs. DLSZ

(Finals, Game 3)

ikatlong titulo sa loob ng

apat na taon sa liga sa

pagtutuos nila ng Junior

Archers ng 2 p.m.

Nabuhayan ng pagasa

ang La Salle sa

pamumuno ni season

MVP Aljun Melecio makaraang

ipalasap sa

Bullpups ang una nitong

kabiguan ngayong season

sa iskor na 71-60

noong Game 2.

Pipilitin naman ng

Junior Archers na muling

mapigil kung hindi man

tuluyang masawata ang

Bullpups slotman na si

Justine Baltazar na nagtala

ng average na 23.5

puntos sa ginanap na Finals.

”We have to limit his

production and limit the

other guys from rebounding

as well,” ayon

kay La Salle-Zobel

coach Boris Aldeguer.

Kung magwawagi ang

La Salle, maitatakda ang

deciding Game 4 sa

susunod na Biyernes.

(VA)

MARSO 4, 2016

events na wushu sa Malaysia. Ayon sa POC, kung

ganyan lamang ang mangyayari ay pinakamabuting

lumahok na lamang ang ‘Pinas sa Southeast Asian

Wushu Championships.

Nag-react din ang Philippine Athletics Track and

Field Association (Patafa) dahil aalisin din ng Malaysian

organizers ang 8 track events. Kabilang sa calendar

of events ay ang athletics, aquatics (swimming,

diving, synchronized swimming, water polo at open

water swimming), archery, badminton, basketball, men’s

boxing, bowling, cricket, cycling, equestrian, football,

futsal, golf, gymnastics, ice hockey, ice skating (figure

and speed), karate, lawn ball, pencak silat, petanque,

rugby 7, sailing, sepak takraw, shooting, snooker at

billiards, squash, table tennis,

taekwondo, tennis, indoor volleyball,

water-skiing, men’s

weightlifting, at wushu.

Ang susunod na SEAG Federation

meeting ay sa Hulyo 13 at

14, sa Agosto. Tumapos ang

‘Pinas na 6 th overall sa 2016 SEAG

sa Singapore, sa likod ng Thailand

(95-83-69), Singapore (84-

73-102), Vietnam (73-53-60), Malaysia

(62-58-66) at Indonesia (47-

61-74). Ang Pilipinas ay may

medal na 29-36-66, una sa

Myanmar (12-26-31).

Samantala, inatasan ng POC

ang lahat ng Olympic Sports na

magsumite ng achievement reports

sa local at international competitions

para malaman ang

rankings at mabigyan ng agarang

suporta. “Gusto malaman ng

POC ang requirements na

kailangan nila para tuloy-tuloy

ang programa sa local at international

levels,” wika ni POC

consultant Romeo Magat.

May 45 NSAs ang nasa ilalim

ng POC at 28 ang Olympic sports

kasama ang athletics, basketball,

cycling, fencing, tennis, swimming,

gymnastics, weightlifting,

rowing, canoe/kayak, at combat

sports boxing, judo, taekwondo

at wrestling.

“AS long as we win, magpapasiko ako lagi kay

Japeth,” sabi ni Mark Caguioa ng Barangay

Ginebra Kings sa kanyang Instagram nang

parehong masiko at mapadugo ni Japeth Aguilar

ang kilay niya at mata naman ni Greg Slaughter

na tinahi rin pagkaraan ng laro sa unang yugto

ng kanilang laban sa Mahindra Enforcers,

Miyerkules ng gabi sa Ynares Sports Arena,

Antipolo City. “Wag lang sa ilong,” ani Caguioa.