04.03.2016 Views

March 4, 2016 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

4

MARSO 4, 2016

MAG-UTOL NA-CHECK-

POINT, TIKLO SA SHABU

ARESTADO ang isang mag-utol sa isinagawang Comelec

checkpoint matapos parahin ang kanilang sinasakyang

motorsilo sa Diversion Rd., Bgy. Halang, Taal, Batangas

kamakalawa. Pasado 10:00 ng gabi habang nagsasagawa

ng checkpoint ang pulisya nang parahin ang sasakyang

motorsiklo ng mga suspek na sina Jerald Romuga, 20,

walang asawa at Ivor Lloyd Romuga, 26, may asawa

kapwa mga residente ng Bgy. Datu Ismael, Dasmariñas,

Cavite.

At nang hanapan ng kaukulang papeles ang motorsiklo

ay wala silang maipakita hanggang sa mapansin ng isa sa

mga awtoridad ang nakaumbok sa beywang ng isa sa

mga suspek.

Nakita rito ang isang cal. 38 Smith and Wesson na

puno ng kargang bala at 10 plastic sachet na naglalaman

ng pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng 22 gramo at

tinatayang nasa P250,000 ang halaga.

(Levi Gonzales)

Tatay kinursunada, rumesbak

LALAKI NIRATRAT NG

MAGKAPATID

PINAGTULUNGANG

patayin ng mag-utol ang isang

dayo na nangursunada sa

kanilang ama sa National

Highway, Bgy. San Fernando,

Malvar, Batangas kahapon.

Sa report ng pulisya

bandang 8:45 ng gabi

habang nasa lugar ang

biktimang si Joseph Pedraja,

34, may asawa, residente ng

Bgy. Tinurik, Tanauan City

nang lapitan ng mga suspek

na si Ruel Olano, 34, at si

Albert Olano, 36, kapwa

mga residente ng Bgy. San

Juan, Malvar, Batangas.

Kinompronta ang biktima

tungkol sa pangungursunada

sa ama ng mga suspek at

ilang segundo ang lumipas

nang bigla na lamang

bumunot ng baril ang isa sa

mga suspek saka pinagbabaril

ang biktima.

Tumakas ang mga

suspek sakay ng puting

Toyota Hi-Ace van patungo

sa Tanauan City Proper

habang isinugod sa pagamutan

ang biktima subalit,

idineklarang dead-on-arrival.

Narekober sa crime

scene ang 2 basyo ng bala

mula sa cal.45.

(Levi Gonzales)

BEBOT TIKLO SA MGA

BARIL AT DROGA

KULONG ang isang 29-anyos na babae

na sinasabing sangkot sa gunrunning syndicate

at illegal drugs matapos salakayin

ng mga pulis ang bahay nito sa bisa ng

search warrant sa Caloocan City kahapon

ng umaga.

Kinilala ni Caloocan City Police Chief

Sr. Supt. Bartolome Bustamante ang

naarestong suspek na si Concepcion

Mardelejos ng Blk 6, Lot 12, Mapayapa

St., Bagong Silang, Bgy. 178 ng nasabing

lungsod na nakapiit ngayon sa Caloocan-

PNP.

Ayon kay Bustamante, nakatanggap

sila ng impormasyon mula sa kanilang

pinagkakatiwalaang asset na nagbebenta

ng baril si Mardelejos sa kanyang mga

buyer sa loob mismo ng kanyang bahay.

Dala ang search warrant na inisyu ni

Napagtripan ng tropa

3 LALAKI TINADTAD

SUGATAN ang tatlong lalaki makaraang mapagtripan

umanong pagsasaksakin ng grupo ng mga lalaki sa Quezon

City.

Isinugod sa East Avenue Medical Center ang mga

biktimang sina Adriano Agrofera, 26, at kapatid nitong si

Jerome, 18, at kaibigan na si Rodolfo Torres, 22, pawang

nakatira sa Purok 5, Sitio Pugot, Bgy. Batasan Hills sanhi ng

mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanilang

katawan

Batay sa imbestigasyon ng QCPD Station 6, pumasok ng

videoke bar ang mga biktima para lamang mag-goodtime.

Pauwi na umano sila nang bigla na lamang umano silang

kinuyog ng apat na lalaki at pinagsasaksak.

Mabilis na tumakas ang mga suspek habang isinugod sa

nasabing pagamutan ang mga biktima. (Teresa Tavares)

Judge Glenda Cabello-Marin ng Caloocan

Regional Trial Court (RTC) Branch 124

ay sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng

Special Reaction Unit at Intelligence

Branch sa pangunguna ni P/ Insp. Cecilio

Tomas ang bahay ni Mardelejos 7:30 ng

umaga.

Narekober ng mga pulis sa loob ng

bahay ng suspek ang dalawang hindi

lisensiyadong baril na 38 cal. revolver na

kargado ng apat na bala, cal. 9mm pistol

na may magazine at kargado ng anim na

bala at apat na transparent plastic sachet

na naglalaman ng hinihinalaang suspected

shabu.

Sinampahan ang suspek ng kasong

paglabag sa R.A 10569, R.A. 9165 at

Omnibus Election Code sa Caloocan City

Prosecutors Office. (Maeng Santos)

Motor vs. taxi

ANGKAS NA MISIS, DEDBOL

TODAS ang isang 40-anyos

na ginang habang nasa kritikal

na kalagayan ang mister nito

matapos mahagip ng taxi ang

sinasakyan nilang motorsiklo

sa Caloocan City kahapon

ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Caloocan

City Medical Center

sanhi ng mga tinamong pinsala

sa ulo at katawan ang biktimang

si Melody Talusan, ng

Gen. Mascardo St., Bagong

Barrio habang ginagamot sa

Manila Central University

(MCU) Hospital ang mister

nitong si Robert, 41, sanhi rin

ng mga tinamong pinsala sa

katawan. Nakapiit naman sa

Caloocan Traffic Police ang

driver ng Nissan Sentra taxi

(TXF 148) na nakilalang si

Vicina Rodrigo, 45, ng Area A

Talanay, Batasan Hills, Quezon

City habang nahaharap sa

kaukulang kaso.

Ayon kay Caloocan City

Police Chief Senior Supt.

Bartolome Bustamante,

bandang 4:00 ng madalingaraw,

angkas ni Robert ang

kanyang misis sa minamaneho

nitong motorsiklo habang

binabagtas ang kahabaan

ng EDSA patungong

Monumento Circle.

Nasa ikalimang linya ng

kalsada ang mag-asawa nang

lumipat ang mga ito sa motorcycle

lane na naging dahilan

upang mahagip ang kanilang

sinasakyang motorsiklo na

mabilis ang takbo ng taxi na

minamaneho ni Rodrigo.

Sa lakas ng impact, tumilapon

ang ginang sa motorsiklo

bago bumagsak ang katawan

nito sa harapang windshield ng

taxi habang ang mister naman

nito ay bumagsak at nakaladkad

pa ng kanyang minamanehong

sasakyan.

Mabilis na dinala ang magasawa

ng mga nakasaksi sa

nasabing mga pagamutan

subalit, hindi na rin umabot ng

buhay ang ginang habang

kusang-loob namang sumuko

sa pulisya ang driver ng taxi.

(Maeng Santos)

ni PABS HERNANDEZ III

INDIAN UTAS SA TANDEM

TARLAC CITY—Isang Indian national ang

pinagbabaril hanggang sa mapatay ng ridingin-tandem

kamakalawa sa Bgy. Matatalahib sa

lungsod na ito.

Nakilala ang biktima na si Balwinder Singh,

pansamantalang naninirahan sa nasabing

lungsod.

Lulan umano ng kanyang motorsiklo si

Singh nang pagbabarilin ng dalawang suspek

na lulan din ng isang motorsiklo.

Iniimbestigahan na ngayon ng mga

awtoridad ang motibo ng mga suspek sa

pamamaslang sa biktima.

PUMATAY SA PARAK

PINATAY

BACOLOD CITY—Isang lalaki na suspek sa

pagpatay sa isang pulis ang napatay nang barilin

ng dalawang armadong lalaki sa lungsod na ito

kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Romulo Arcena,

residente ng naturang lungsod.

Ayon sa ulat, nakasakay sa kanyang kotse si

Arcena, kasama ang kanyang misis at mga anak

nang pagbabarilin siya hanggang sa mapatay ng

mga salarin.

Inaalam na ngayon ng mga awtoridad kung

may kaugnayan sa pagpatay kay Arcena ang kaso

nitong pagpatay sa hindi pinangalanang pulis

may apat na taon na ang nakararaan.

AMO NINAKAWAN NG

KASAMBAHAY

LA UNION—Isang kasambahay ang

pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad

makaraang pagnakawan ang kanyang amo

kamakalawa sa bayan ng Naguillan sa

lalawigang ito.

Hindi muna pinangalanan ang suspek

hanggat hindi ito nadarakip ng mga awtoridad.

Ayon sa biktimang si Remedios Abiba,

iniwan niyang mag-isa sa kanilang bahay ang

suspek, pero pag-uwi niya ay wala na ang

kasambahay, pati na ang kanyang cash, alahas

at mga kagamitan.

Nagpalabas na ng manhunt operation ang

mga awtoridad para madakip ang suspek.

PLANTASYON NG DAMO

SINALAKAY

BENGUET—Isang plantasyon ng marijuana

ang sinalakay ng mga awtoridad kamakalawa

sa Kibungan sa lalawigang ito.

Nabatid na may tinanggap na impormasyon

ang mga kinauukulan na may plantasyon ng

marijuana sa nasabing lugar kaya agad itong

sinalakay ng mga awtoridad.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga

awtoridad para makilala ang may-ari ng

plantasyon ng marijuana.

Kaugnay nito, sinunog ng mga awtoridad ang

mga pananim na marijuana sa nabanggit na lugar.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!