28.10.2016 Views

October 28, 2016 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

OKTUBRE 28, 2016 3

Editoryal

Trunk lines : 749-5664 to 65

No. 1 NEWSPAPER

IN THE PHILIPPINES

(Source: The NIELSEN Company)

BULGAR Bldg. 538 Quezon

Avenue, Quezon City 1100

Editorial : 749-0091 • 712-2874

Advertising: 732-8603 • 749-1491 •

749-6094 to 95 • 743-8702

Credit & Collection: 742-5434

Circulation: 712-2883 • 749-1493

Intramuros Office: 871-9637 • 788-3479

0917-8991101 • 0928-5035343

0932-8783337

E-mail:

A

bosesngpinoy@bulgar.com.ph

Ang mga personal na opinyon at/o kuru-kuro

ng mga manunulat na nailalathala sa

pahayagang ito ay hindi nangangahulugang

opinyon din ito ng publikasyon.

Editoryal

Ultimatum sa mga

dayuhang sundalo

LAM naman nating mainit si Pangulong Duterte sa

mga dayuhang sundalo.

At ang gusto niyang mangyari, mga sundalong

Pinoy lang ang nasa bansa.

Kaya nagbigay na ng deadline si Digong.

Dalawang taon para tuluyan nang lisanin ng mga dayuhang

sundalo ang Pilipinas.

Ayon pa sa pangulo, nakahanda siyang tapusin ang kahit anong

umiiral na kasunduan para lang mangyari ang nais niya.

Kumbaga, gagawin ang lahat maisulong lang ang sinasabing

‘independent foreign policy’ ng bansa.

At makalipas ang dalawang taon, masasabi na raw na nakalaya

na ang bansa sa mga dayuhan.

Para sa atin, walang masama sa nais ng pangulo kung ang gusto

niya ay ang pagpapalakas at pagsusulong ng independent foreign

policy.

Kung ang pagpapalayas sa mga dayuhan ang nakikita ng

pangulo na paraan upang mapalakas ang bansa, wala naman

sigurong masama kung susubukan.

Isa pa, baka nga panahon na para tumayo ang ‘Pinas sa kanyang

sariling mga paa.

WALANG alyansang militar ang Pilipinas at

China. Ito ang tiniyak ni Pangulong Duterte kay

Japanese Prime Minister Shinzo Abe nang magusap

sila sa Tokyo.

Nasa Japan si Duterte para sa opisyal na bisita.

Malinaw na nabahala ang Japan sa mga

maaanghang na batikos ni Duterte sa Amerika

nitong mga nakaraang buwan pati ang kanyang

pahayag sa Beijing na hihiwalay na ang bansa sa

Amerika sa larangan ng militar at ekonomiya.

Malakas na kaalyado ng Japan ang Amerika

sa maraming bagay, partikular sa seguridad ng

bansa at rehiyon.

Nangako rin si Duterte na kabalikat ng Japan

ang Pilipinas pagdating sa mga isyu sa South China

Sea.

Hindi pababayaan ng Pilipinas ang Japan.

Sabihin natin na hindi ilalaglag ang Japan. Alam

natin ang mga isyu na ‘yan sa South China Sea.

Matindi raw ang ginawa ng Amerika sa Japan

noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dalawang

beses binagsakan ng atomic bomb ang Hiroshima

at Nagasaki.

Agad namatay ang higit isandaang libong tao

sa mga siyudad na binagsakan. At ang epekto ng

radiation dahil sa uri ng sandata ay naramdaman

nang ilang taon sa ilang henerasyon.

isyungk@ b ulgar.com.ph

Ilang blacklisted

company, muling

papasok sa bansa?!

Taun-taon ay ginugunita ang mga araw na

nabagsakan ng atomic bomb ang dalawang siyudad.

Ang Japan pa lang ang tanging bansa na ginamitan ng

atomic bomb. Pero malakas at matibay ang alyansa

ng Japan at Amerika, ngayon.

SA kabila ng nakuhang malaking halagang pautang

at puhunan mula sa China, bunga ng pagpunta

ni Pangulong Duterte sa China, may mga lumalabas

nang detalye hinggil sa mga kumpanya na papasok

sa Pilipinas.

Ang kumpanya na kabilang sa mga lumikha ng

mga isla sa Spratlys ang siyang lilikha rin ng mga

artipisyal na isla sa Davao City.

Apat na isla ang planong likhain sa karagatan.

Mukhang hindi na raw talaga isyu ang paglikha ng

China ng mga artipisyal na isla sa Spratlys, kung

sila rin pala ang gagawa sa Pilipinas.

May mga kumpanya naman daw na “blacklisted”

o sangkot daw sa mga dating maanomalyang

proyekto sa Pilipinas na kabilang din daw sa mga

gustong mamuhunan sa Pilipinas.

Hindi natin alam kung alam ni Pangulong Duterte

ito o ng kanyang mga tauhan?

Dalawang kumpanya na raw ang idinemanda

dahil sa mga anomalya, isa na raw dito ang Sinomach

na humawak ng Northrail project.

Sampung taon ang inabot ng kaso, pero nanalo

ang gobyerno.

Ngayon, babalik na naman daw sila. Hindi ba

sapat ang nangyari sa Northrail para huwag na silang

makapasok muli sa bansa?

MAY mga Pilipino pa rin daw na nagaalinlangan

sa bagong direksiyong tinatahak

ng gobyernong Duterte pagdating sa pakikipag-ugnayan

sa ibang mga bansa, lalo na sa

Estados Unidos.

Ngunit, kung pag-aaralan nila ang ating

kasaysayan, lalo na ang relasyon natin sa Amerika,

makikita na isa raw sa ugat ng ating kahirapan

ay ang ating sobrang pagdepende sa

ating dating “amo” na mga puti.

Para raw tayong mga bata na hindi na lumaki

at hindi na rin natutong tumayo sa sariling mga

paa.

Ito ba ang gusto ng mga Pilipinong kumokontra

sa ‘independent foreign policy’ na gustong

ipatupad ngayon ni Pangulong Duterte?

Nasanay ang mga Pilipino na nariyan palagi

ang mga Amerikano. Ngunit, kung talagang

mabuti raw silang ka-‘partner’, bakit hanggang

ngayon ay hindi umuunlad ang Pilipinas kumpara

sa mga ibang bayan sa Asya na hindi

malapit sa Amerika?

Naniniwala tayo na kaya tayo ganito

ngayon ay dahil hindi pa natin naiintindihan

kung ano talaga ang ibig sabihin na maging

isang tunay na Pilipino?

Halos 50 taon din naging kolonya ng U.S.

ang Pilipinas, mula 1898 hanggang 1946. Parang

Amerikano raw tayo noon. ‘Little brown

brother’ ang tawag sa atin ng mga ‘Kano. Hindi

ba, nakakainis ito?

“Binigyan” daw tayo ng kalayaan noong

July 4, 1946. Mayroon nga ba o sa papel lang

ito?

Ang katotohanan ay ganito: Pagkatapos

ng 1946 ay nakadikit pa rin daw ang ating

gobyerno at ekonomiya sa Amerika.

Sila pa rin daw ang nagdidikta ng ating

kinabukasan at nagawa nila ito sa pamamagitan

ng Bell Trade Act ng 1946 kung saan binigyan

ng “parity rights” ang mga Amerikano.

Ang ibig sabihin nito ay binigyan ng kaparehong

karapatan at prebilehiyo ang mga

Amerikano na dapat ay nakareserba lang sa

mga Pilipino.

Malaya raw ang U.S. noong panahon na

‘yun na kunin kung anumang likas na yaman

na nasa ating mga lupa. Libre rin daw silang

magpasok at maglabas ng pera at mga kalakal

nila. Mababa rin daw ang buwis na ipinatong

sa mga produktong ibinebenta sa mga Pilipino.

Anong klaseng kalayaan daw ito na may

nagdidikta pa rin na banyaga sa takbo ng ating

ekonomiya?

‘Uncle Sam’, hindi raw

dapat pagkatiwalaan

ni ‘Juan’?! Period!

Noong 1955, sa gitna ng umiinit na oposisyon

ng maraming Pilipino, binago ang Bell

Trade Act at ipinalit naman ang Laurel-Langley

Agreement, na lumipas lang noong 1974.

May ‘parity rights’ pa rin daw ang mga

Amerikano at maaari raw silang magtayo ng

korporasyon na pag-aari nila ng 100 porsiyento.

Isa raw sa mga nakinabang nang husto sa

Laurel-Langley ay ang mga asendero dahil sa

ibinigay daw na ‘quota’ sa pagbenta ng asukal

sa Estados Unidos.

Noong panahon naman ni yumaong dating

Pangulong Ferdinand Marcos ay nariyan ang

U.S. bases sa Clark at Subic.

Bagaman, sumubok daw si Marcos na umalis

sa malakas na impluwensiya ng U.S. ay hindi

raw niya nagawa iyon.

Nagsimula raw magalit ang mga Amerikano

kay Marcos nang naningil ito ng mataas na

upa sa mga base-militar na pinalalabas nila ay

‘military aid’ sa Pilipinas.

Marami pang ibang isyu noong panahon ni

Marcos ngunit, ang mahalagang tingnan ay

kung paano raw nila pinabagsak si Marcos para

ipalit ang biyuda ni Ninoy Aquino na si Cory.

Noong 1983 ay grabe na ang sakit ni Marcos

at hindi na nito maiayos ang ‘debt crisis’ ng

Pilipinas.

Nakakita raw ng oportunidad ang U.S. at

may mga ahente raw sila na pumunta rito upang

turuan si Cory kung paano patakbuhin ang kanyang

kampanya, ang tamang pagsagot sa media

at ang pagsuot ng dilaw para maging personal

niyang simbolo.

Ang mga ito rin daw ang nagturo kay Cory

na magdeklara na nanalo siya sa eleksiyon

noong 1986 bagaman, hindi pa raw natatapos

ang opisyal na bilangan.

Para sa inyong katanungan, suhestiyon

at reaksiyon sumulat sa BANAT ni Bobi

Tiglao, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave.,

Quezon City o mag-email sa

banat@bulgar.com.ph

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!