28.10.2016 Views

October 28, 2016 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

OKTUBRE 28, 2016

Taliwas sa sinasabing nakapagpapagaling daw...

AYON SA PAG-AARAL: PAGGAMIT

NG MARIJUANA, SANHI NG

MALALANG SAKIT SA PAG-IISIP!

D

ITO sa Pilipinas, mahigpit na

ipinagbabawal ang paggamit ng

cannabis o marijuana. Pero, may ilan

ding mga cannabis supporter na ipinaglalaban

na gawing legal ang paggamit

ng medical marijuana sa bansa dahil sa

kakayahan daw nitong makapagpagaling ng cancer,

epilepsy at marami pang sakit.

ni

CATHLEE

OLAES

Pero, kung magiging legal na nga ang paggamit

ng marijuana rito sa bansa, mababawasan kaya ang

mga nagkakasakit o baka lalo lang madagdagan?

Ayon sa pag-aaral ng mga Danish researcher,

may mas malala pang sakit sa utak ang maaaring

makuha ng isang tao mula sa paggamit ng marijuana

at iba pang class A drugs.

Ang mga abusadong cannabis user naman ay

may mas malaking tsansa na magkakaroon ng schizophrenia,

limang beses na mas mataas kaysa sa

ibang hindi pa nakagagamit nito.

May nakuha naman ang mga Danish researcher

na mahigit 3 milyong record ng mga taong gumagamit

ng cannabis na nakumpirmang may schizophrenia.

Sa ipinrisintang pag-aaral sa International Early

Psychosis Association, iminungkahi nila ang epekto

sa hormone dopamine ay dahil sa drugs na puwedeng

pagsimulan ng disorder sa tao na maaaring makasama

sa kanilang kalusugan at pag-iisip.

Ayon sa iba pang pag-aaral na ang malalakas na uri

ng cannabis ay nagdudulot ng kaso ng psychosis.

Nasa 9 na milyon ang mga gumagamit ng cannabis

o marijuana sa England at Wales ngunit, iginigiit ng

mga pro-cannabis na hindi pa napatutunayang nagiging

sanhi nga ng psychosis ang paggamit ng cannabis

o marijuana.

Sinasabi nila na, schizophrenic na ang isang tao

bago pa man sila gumamit ng cannabis at ito ang paraan

nila para pakalmahin ang kanilang mga sarili.

Ngunit, may isa pang ebidensiya ang natagpuan

ng mga mananaliksik. Mula sa Copenhagen University

Hospital Mental Health Centre, na isang babaeng buntis

na umabuso sa paggamit ng marijuana ang nanganak

ng isang sanggol na nakumpirmang positibo sa

schizophrenia.

Sinasabi nila na maaaring nasa sinapupunan pa

lamang ang bata ay naipasa na ito ng kanyang ina.

Sabi rin ng punong mananaliksik na ang schizophrenia

ay dahilan ng mataas na dopamine, ang pagtaas ng

dopamine sa katawan ay sanhi ng pag-abuso sa cannabis.

Oh, pabor pa rin ba kayo sa pagpasa ng batas na

gawing legal ang paggamit ng marijuana sa Pilipinas?

Siguradong pakikinabangan nga ito ng may sakit, pero

maaaring pakinabangan din ng mga abusado at gustong

magkasakit.

KAGA-GR

A-GRADUA

ADUATE PA LANG

SA COLLEGE PERO NIYAYAYA

NANG MAKIPAGD

GDYUG NG BF

Dear Roma,

Kaga-graduate

pa lang namin ng

BF ko sa college

pero gusto na niyang

mag-sex kami.

Ang sabi ko

kasi sa kanya, ibibigay

ko lang ang

pagkababae ko sa

kanya kapag kasal

na kami. Ano ang

gagawin ko? –

Roxanne

Roxanne,

Panindigan mo

ang sinabi mo sa

kanya na ibibigay mo

lang ang pagkababae

mo kapag kasal na

kayo. Sabi mo nga,

kaga-graduate n’yo pa

lang at tiyak na marami

pa kayong pagdaraanan

para ma-achieve

ang mga goal n’yo sa

buhay. Aba, masarap sa

feeling na maabot mo

muna ang mga pangarap

mo o kahit paano

ay may ma-achieve ka

bago ka lumagay sa tahimik,

‘di ba? Kasi,

once na nasimulan mo

nang ibigay ang virginity

mo sa kanya, baka

mawili siya at yayain

ka nang yayain. At

kapag nangyari ‘yun,

siyempre, nandu’n na

‘yung chance na one

day, eh, puwede kang

mabuntis. Kailangang i-

set n’yo muna ang priorities

ninyo bago ang

mga ganyang bagay.

Ipaliwanag mo sa kanya

ang dahilan mo kung

bakit ayaw mong pumayag

sa gusto niya. Malinaw

naman palang

sinabi mo sa kanya ang

kondisyon mong ‘yan

kaya dapat, matuto siyang

maghintay. Worth

the wait naman ‘yan

kaya nasa kanya na ‘yan

kung paano niya igagalang

ang desisyon mo.

Basta panindigan mo

ang gusto mo at ‘wag

7

kang bibigay, okay? It’s

up to him kung tatanggapin

niya o hindi.

Dear Roma,

Okay lang bang

magka-crush sa edad

na 15? – Alexa

Alexa,

Oo, normal lang naman

na humanga tayo

sa kapwa natin. Basta

make sure na alam mo

ang limitations mo. Bata

ka pa, hanggang crush

lang muna at hindi pa

puwedeng makipag-

M.U. o BF. Lagi ka ring

magkukuwento sa parents

mo lalo na sa nanay

mo para magabayan

ka niya tungkol sa

mga ganyang bagay.

Mag-aral ka muna,

okay?

Sinusunog ang litrato ng prutas

o pera, nagbo-bonfire etc...

MGA KAKAIBANG TRADISYON

TUWING HALLOWEEN SA IBA‘T

IBANG BANSA, ALAMIN!

HANDA na ba kayo sa mga kahindik-hindik na istorya ngayong

halloween? Kung ang mga palabas sa TV o mga documentary ay

may halloween special, siyempre, hindi tayo magpapahuli riyan. Pero,

bago tayo magtakutan, paano nga ba ginugunita ang halloween sa

iba’t ibang bansa?

AUSTRIA. Madalas silang mag-iwan ng tinapay, tubig at ilaw sa kadahilanang

kapag may ganitong bagay sa kanilang lamesa, ibig sabihin ay niyayaya nila ang

mga espiritu sa mundo dahil naniniwala ang mga tagarito na nakapagdadala ito ng

malakas na enerhiya.

CHINA. Tinatawag ding Teng

Chieh ang halloween dito. Naglalagay

sila ng tubig at pagkain sa harap

ng litrato ng pumanaw na. Bukod

dito, nagbo-bonfire rin sila at gumagawa

ng lantern na paraan para

gabayan ang mga espiritu pabalik

sa ating mundo.

IRELAND. Ito ang kinikilalang

birthplace ng halloween. Karaniwang ginagawa rito ay ang pagsuot ng costume at

ang trick-or-treat. Nagkakaroon din sila ng party at naglalaro sila ng “snap-apple” o

ang pagkain ng apple habang ito ay nakasabit.

GERMANY. Itinatago nila ang lahat ng matatalim na bagay tulad ng kutsilyo

dahil ayaw nilang mapahamak ang pagbalik ng mga espiritu.

HONG KONG. Tinatawag ding

“Yeu Lan” ang halloween dito at ang

kanilang tradisyon ay pagsunog ng

litrato ng prutas o ng pera sa paniniwalang

makararating ito sa mundo ng

mga espiritu at magbibigay ng kaligayahan

sa mga ito.

PHILIPPINES. Naka-focus sa

mga pumanaw na ang paraan ng

paggunita rito sa ating bansa. May

tradisyon din tayong kung tawagin

ay “pangangaluluwa” o ang pagpunta

sa mga bahay-bahay para kumanta

para sa mga espiritung nananatili sa purgatoryo. Madalas din tayong bumisita sa

sementeryo para alayan ng dasal, bulaklak at ipagtirik ng kandila o bisitahin ang mga

pumanaw na kamag-anak.

Sabi pa nga, kung hindi n’yo dinalaw ang pumanaw ninyong kamag-anak sa

sementeryo, kayo ang dadalawin nila sa bahay. Handa ka ba kung dalawin ka ng

mga ito at ikaw ang dasalan? Kung ayaw n’yo, dalawin na sila at mag-alay ng dasal.

Iba-iba ang selebrasyon ng halloween sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa atin, sa

Pilipinas, nagkakaroon

din ng trick-or-treat sa

mga bahay-bahay at nakasama

na rin sa ating

halloween ang pananakot

ni Kabayan sa kanyang

dating segment na

Magandang Gabi Bayan

(MGB) na hindi tayo

pinatatahimik sa ating

pagtulog. Sabi nga, saan

Photo by NCRonline

ka mas matatakot, sa

patay o sa buhay?

Ka-Bulgarians, i-share at i-tag ninyo ang inyong pictures at mga wais

tip sa amin! Follow n’yo lang kami sa aming Instagram account –

msbulgarific or i-like ang aming Facebook page – Ms. Bulgarific For

event invitation just email us at – bulgarific@gmail.com. Xoxo

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!