28.10.2016 Views

October 28, 2016 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

OKTUBRE 28, 2016 5

NANINIWALA ang PDP-Laban na tagumpay ang first

100 days ni Digong.

Malinaw DAW kasi na hindi ‘tuta’ ng U.S. ang 'Pinas.

NAGKAROON pa ng motorcade ang PDP-Laban National

Capitol Region Policy Study Group sa mga

pangunahing kalye ng QC patungong Maynila.

Tipong tumama sila ng jackpot sa lotto.

PERO, matapos ang selebrasyon, hindi raw sinadya na

mabahiran ng putik ang ilang appointment craze.

Pinakamatindi raw ang batikos sa pagtatalaga kay Martin

Dino bilang chairman sa SBMA.

May tsismis pang sinalubong daw siya ng “regalo” mula

sa mga locator.

Tsk-tsk-tsk!

GAYUNMAN, ang saya ni Dino ay maaaring hindi raw

magtatagal. Nagtagumpay daw kasi ang isa pang “paksiyon”

na maitalagang “OIC administrator” ang isang “Atty. Randy”

na kilala raw bilang “dilawan”.

IBA-IBA ang paraan natin ng pagpapahalaga sa ating

mga mahal sa buhay. Puwedeng sa pamamagitan ng

mamahaling regalo o pagdiriwang ng mahalagang okasyon o

kaya ay sa pamamasyal sa ibang lugar. Kung namayapa na

ang ating mahal sa buhay, nariyan na ipagpapamisa natin sila

o alayan ng bulaklak o tulusan ng kandila ang kanilang mga

puntod.

Pero kung kilala ninyo si Fernando Poe, Jr., malalaman

ninyong ang gusto niyang pag-alala sa kanya ay ang

pagpapatuloy ng kanyang magagandang gawain, lalo na ang

pagtulong sa kapwa sa panahon ng pangangailangan at sakuna.

Ito ang dahilan kung bakit noon pa man, nagdaraos tayo ng

Panday Bayanihan relief operations para magbigay ng kalinga

sa mga kababayan nating tinamaan ng sakuna.

Nitong Miyerkules, nagtungo tayo sa Nueva Ecija para

personal na makaharap ang mga kababayan nating dinelubyo

ng Bagyong Lawin. Kasama ang ating mga kawani sa ating

tanggapan at mga tagasuporta, naghatid tayo ng relief goods

para makatulong sa maliit mang paraan sa mga taong

bumabangon pa mula sa pagkasira dulot ng kalamidad.

Kasunod nito, ihahatid din ang ating nakayanang ayuda sa

ilang kababayan natin sa Cagayan, Ilocos at Isabela.

Hindi natin gaanong napapanood sa balita, pero grabe

ang pinsala ng Bagyong Lawin, mga bes. Hanggang ngayon,

wala pang kuryente sa Tuguegarao City. Inaasahan na sa

isang linggo, maibabalik na ang elektrisidad sa ilang piling

barangay, pero halos dalawang buwan pa raw bago maibalik

TULAD ng inaasahan, mukhang ‘di nga daraan sa butas

ng karayom ang P3.35 trillion proposed National Budget

para sa susunod na taon.

Walang kahirap-hirap na nakalusot ito sa ikatlo at huling

pagbasa sa Kamara.

Kasabay niyan, isang mambabatas ang “ngiting-aso” dahil

sigurado na raw na ‘makapaniningil’ na siya.

Ikaw ba naman ang mamuhunan sa kandidatura ng isa

pang kongresista at nanalo pa, kailangan talagang maningil.

Sa malamang pa raw, eh, hindi lang isa ang pinondohan

nito kundi isang tropa.

Actually, naghihintay na lang daw siyang kabigin ang

FIRST 100 DAYS NI DIGONG,

SUCCESS DAW; PDP-LABAN,

NAG-MOTORCADE PA FEELING

DAW NAKA-JACKPOT, HMMM...

Ibig sabihin daw ay may “lihim na civil war” sa loob ng

Subic.

He-he-he!

MAHIRAP daw itong maresolba dahil tiyak daw na

magkakapersonalan ang mga kolokoy.

Mas malamang daw na makatikim sila ng

lumalagutok na “mura” mula sa kanilang amo.

SANGREKWA raw ang “tangay” si Dino sa loob ng

Subic na direktang apektado ang mga “insider” ng mga katropa

raw ni Atty. Randy.

Hindi raw biro ang gulong ito.

Dapat ay ayusin na raw nila ito bago raw umabot sa

pandinig ni Pangulong Digong.

Ha-ha-ha!

SINO raw ang magkukusang magparaya?

Sino ang magmamatigas?

Sino ang unang mabubuwal?

Sino ang unang mamumura?

Bayanihan na para sa

pag-ahon ng mga

kababayan nating

nasalanta ng bagyo

ang serbisyo ng kuryente sa buong probinsiya ng Cagayan.

Wala namang may bet na mag-Pasko sa dilim. Nananawagan

tayo sa naghahatid ng serbisyo ng kuryente na doblehin

natin ang ating pagsisikap na maibalik agad ang kuryente sa

nasabing lugar.

MAUGONG na balita ngayon na kasama ang mga

subsidaryo ng China Communication Construction Corporation

sa mga kontratista sa mga proyektong nilagdaan ng

ating pamahalaan. Isyu ito, mga bes, dahil may mga kumpanya

sa ilalim nito na banned sa mga kontrata ng World Bank dahil

sa umano’y mga anomalya nito sa bidding. Ang dalawa naman

ay sangkot daw sa reklamasyon ng West Philippine Sea.

Rito papasok ang lagi nating sinasabing kahalagahan ng

Freedom of Information Bill. Mayroon tayong FOI sa sangay

ng Ehekutibo kaya puwede itong gamitin ng mga mamamayan

para suriin ang mga kontratang ito. Sa ganitong paraan,

maitataguyod natin ang bukas at maliwanag na transaksiyon

sa mga proyektong ipinapasok ng ating pamahalaan.

Aba, mga bes, dapat tayong makisangkot dito dahil tayo

rin at ang ating mga anak ang magbabayad sa mga utang ng

ating bansa kung gagastusin lang ang pondo sa mga

proyektong magiging ‘nganga’ lang sa huli at hindi naman

makatutulong sa atin. Ngayon pa lang, gawin na natin ang

ating parte sa pagmamasid at pagsusuri sa mga kontrata ng

gobyerno para maging kasangga tayo ng gobyerno sa malinis

na pamamahala na walang itinatago mula sa madla.

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa POEsible ni Grace Poe,

BULGAR Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa poesible@bulgar.com.ph

CONG. NA MADATUNG, TODO-

GASTOS SA KANDIDATURA

NG KAPWA CONG. NA MALAPIT

SA MAS MATAAS NA OPISYAL,

ANG KAPALIT, REQUEST NA

DAAN-DAANG MILYONG

PONDO, APRUBADO

‘bayad sa utang’ dahil nakalusot na ang umano’y daan-daang

milyong pondo para sa ‘kanyang’ proyekto sa 2017 National

Budget.

Hindi na rin daw nakapagtataka na buwenasin si Cong.

dahil malapit daw sa mas mataas na opisyal ang ginastusan

niya nu’ng halalan.

Clue! Kung may binatang kilabot ng mga babae, itong si

Cong. alyas Boy Financier, kilabot ng mga pulitikong

nangungutang! Alam na!

SIGURUHING LIGTAS ANG MGA

BATA NGAYONG HALLOWEEN

MALAPIT na ang Undas,

ang panahon kung kailan

ating inaalala ang mga

yumao nating mga mahal sa

buhay, ngunit, kung dati ito

lang ang pinaghahandaan

natin, ngayon ay mas

nagiging popular na para sa

mga kabataan ang pagtitrick

or treat para sa halloween. Kasabay ng paglalagay ng Christmas decorations sa

mga shopping malls at mga tiangge, naglipana na rin ang mga costume at palamuti

na pawang panakot para sa halloween. Siguradong marami sa mga kapwa natin

magulang ay naghahanda na rin para sa halloween event ng kanilang mga anak.

Ngunit, hindi lamang ang costumes ng mga bata ang kailangan nating isipin

bilang mga magulang. Alalahanin natin at siguraduhing protektado sila sa araw na

ito mula sa aksidente.

Sa Estados Unidos kasi, makikita nating nagsisilabasan ang mga kabataan tuwing

halloween upang mag-trick or treat sa kanilang mga komunidad. Dahil itong Halloween

ay nagiging popular na rin sa ating bansa, dapat ay una sa ating isip ang kaligtasan

ng ating mga anak sa tuwing sila ay lalabas ng ating mga tahanan.

Pinakamainam siyempre ang may chaperone sila sa pag-trick or treat upang

magabayan natin sila at ma-explain sa kanila ang kanilang mga makikita at maeexperience

sa araw na ito. May mga batang sadyang natatakot sa mga dekorasyon

kaya importanteng naroroon tayo sa kanilang tabi.

Isa pang dapat nating alalahanin ay ang ipinamimigay na matatamis na pagkain

sa activity na ito. Siyempre, tulad ng halloween sa U.S .ay namimigay din ng candies

at iba pang treats ang mga tahanan o tanggapang kasali sa event na ito. Marahil, mas

horror story ito para sa mga dentist ngunit, gayundin para sa ating mga magulang na

inaalala ang lagay ng ngipin ng mga bata.

Kung hindi naman natin sila kayang samahan para sa activity na ito, mainam na

kausapin natin ang mga bata upang sila mismo ay aware sa mga paraan upang

mapangalagaan nila ang kanilang mga sarili. Mainam din na pabaunan natin sila ng

kit na naglalaman ng paunang panlunas at maiinom na tubig.

Bagamat, masayang activity ang pag-trick or treat sa halloween, kailangang number

1 pa rin sa ating priorities ang safety ng mga bata.

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa

Serbisyong Tunay ni Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Avenue,

Quezon City o mag-email sa serbisyongtunay@bulgar.com.ph

KAMOT-ULO RAW

ANG MGA CHINESE

OFFICIAL DAHIL

WALA PALANG PHILIP-

PINES-CHINA MILI-

TARY ALLIANCE — Sa

harap ng mga opisyal ng

China ay ito ang sinabi ni

Pangulong Duterte,”I

announce my separation

from the United

States both in the military,

not social, but economics

also.”

Dahil dito, palakpakan

ang mga Chinese

official dahil inakala raw

nila na makikipagalyansang-militar

na sa

China ang Pilipinas.

Sa harap naman ng

mga Japanese official,

tiniyak naman ni P-Digong

na hindi raw makikipag-alyansang-militar

ang Pilipinas sa China.

Siguro, kamot-ulo

raw ngayon ang mga

China govt. official, haha-ha!

PATI RAW MGA

PINOY SA AMERIKA

DAMAY SA GALIT NI

P-DIGONG — Ang tindi

raw talaga ng galit ni Digong

sa Amerika, dahil

pati ang mga Pinoy na

naninirahan sa United

States ay nadamay na

TRILLANES, NAGPA-

DRUG TEST NA, IBA

PANG SENADOR

KAILAN KAYA?

raw sa kanyang galit.

Sabi kasi ni P-Digong,

huwag na raw ituring na

Pinoy ang mga naninirahan

sa U.S. dahil

Amerikano na raw sila

at hindi na Pilipino.

Malamang, nagsisisi

na raw ngayon ang mga

Pinoy sa U.S. na sumuporta

sa kandidatura sa

pagka-pangulo ni P-Digong,

ha-ha-ha!

NAGPA-DRUG TEST

NA SI TRILLANES,

KAILAN KAYA MAGPA-

PA-DRUG TEST ANG 23

PANG SENADOR? —

Nagpa-drug test na si

Sen. Antonio Trillanes IV

bilang tugon sa hamon

ni Davao City Vice-

Mayor, Presidential son

Paolo Duterte na dapat

magpa-drug test ang

lahat ng senador.

Ang tanong: Kailan

kaya magpapa-drug test

ang 23 pang senador?

Abangan!

DAPAT MAHUBA-

RAN NA NG MASKA-

RA ANG ADIK NA SE-

NADOR — Negatibo

ang resulta ng drug test

kay Trillanes, na ibig

sabihin ay hindi siya ang

tinutukoy ni VM Paolo na

adik na senador.

Sino kaya talaga ang

adik na senador?

‘Yan daw ang dapat

tuklasin ni Senate President

Koko Pimentel,

para mahubaran na raw

ng maskara ang senador

na sugapa raw sa droga,

period!

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!