You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
HULYO 22, 2017 Column Editor: PRINCESS ERIKA SOLITARIO 3

Editoryal

Editoryal

National ID muna bago SIM card

registration

SA milyun-milyong gumagamit ng cellphones,

kasabay ng kaliwa’t kanang modus-operandi at

banta ng terorismo, muling nabuhay ang isang

panukalang-batas.

Ito ay ang “SIM Card Registration Act” na muling inihain

ni Sen. Win Gatchalian bagama’t, inihirit na rin niya ito

noong Agosto nang nakaraang taon.

Kung saan, lahat ng mga bibili ng prepaid SIM o subscriber

identity module card ay kailangan pang

magprisinta ng valid ID bago makabili habang ang mga

may SIM card na ay ire-require namang irehistro ito sa

loob ng180 araw.

Layon nitong mahuli ang mga gumagawa ng krimen

sa pamamagitan ng kanilang mga cellphone tulad ng

text scam o kaya ay pagpapasabog gamit ang prepaid

SIM card sa cellphones bilang triggering device.

Suportado naman ng mga telcos ang panukalang ito

bagama’t, may inaalala sa isyu ng paraan ng pagiimplementa

nito.

Anila, dapat mauna muna ang pagkakaroon ng National

ID kung saan maiisyuhan ng tamper proof ID ang lahat

ng Pilipino para maiwasan na rin ang pekeng ID.

Totoong maganda na maiparehistro ang mga SIM card

lalo na’t nagagamit ito sa kasamaan.

At kung naipatutupad ito sa ibang bansa, walang dahilan

para hindi rin natin gawin ito, hindi ba?

Nagbubulag-bulagan na lang ang hindi nakakikita ng

masamang epekto ng napakaluwag na pagbili at paggamit

ng prepaid SIM card.

Pumunta lang tayo sa sari-sari store o sa bangketa ay

makabibili na.

Matapos gamitin sa

kalokohan, puwede nang

itapon, absuwelto na.

Kaya panawagan natin

sa ating mga mambabatas,

pag-aralang maigi Sipag ng sorbetero,

ang nasabing panukala, hamon sa mga Pilipino

alang-alang sa kaligtasan

ng bawat mamamayan.

No. 1 NEWSPAPER

IN THE PHILIPPINES

(Source: The NIELSEN Company)

BULGAR Bldg. 538 Quezon

Avenue, Quezon City 1100

Trunk lines : 749-5664 to 65

Editorial : 712-2874 • 251-7904

749-0091

Advertising: 749-6094 (DL) 712-2883

251-4129 (FAX) 749-1491

743-8702

Credit & Collection: 742-5434

Circulation: 749-1493

Intramuros Office: 871-9637 • 788-3479

0917-8991101 • 0928-5035343

0932-8783337

E-mail:

bosesngpinoy@bulgar.com.ph

Ang mga personal na opinyon at/o kuru-kuro

ng mga manunulat na nailalathala sa

pahayagang ito ay hindi nangangahulugang

opinyon din ito ng publikasyon.

SA dami ng nagsusulputang kainan, kapihan, inuman

at palamigan sa Pilipinas, hindi pa rin nawawala sa

kamalayan ng mga Pilipino ang mga simple at

nakasanayang pagkain, lalo na ‘yung madaling hanapin

at murang bilhin. Nariyan ang mga turu-turo, ihawihaw

at kung anu-ano pang pagkain na paulit-ulit mang

ihain ay wala pa ring kupas sa pagbibigay-kabusugan

sa maganang panlasa ng mga Pinoy.

Pero sa anumang kainan, piyesta man o payak,

hindi nawawala ang panghimagas na ice cream. Sa

kalsada, inilalako ito sa kariton na kung tawagin ay

dirty ice cream. Kung bakit, maraming haka-haka pero

patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga bumibili kapag

narinig na ang kalansing ng kuliling. Sa mga handaan,

lalo sa nakalipas na mga taon sa mga probinsiya, galungalong

sorbetes ang naghihintay sa ilalim ng puno para

ubusin ng mga bisita. Dahil halos buong angkan at

kahit mga kapitbahay ang imbitado, natural lang na

malalaking lata ng sorbetes ang nakahanda.

Lingid sa kaalaman ng marami, ang Pinoy sorbetes

ay may espesyal na lugar sa ating kultura. Bago pa

man mauso ang mga artisanal ice cream o ‘yung mga

sorbetes na makina ang nagtimpla at ibinebenta sa

ANG PAGPUNTA NI

P - DIGONG SA ‘WAR ZONE’

AY PATUNAY NA HANDA

NIYANG IBUWIS ANG

KANYANG BUHAY PARA

SA KAPAKANAN NG

BAYAN AT MAMAMAYAN

— Kahit mapanganib ay nagtungo

pa rin si Pangulong Duterte sa war

zone sa Marawi City upang

magpakita ng moral support sa mga

kawal na nagtatanggol sa bayan

laban sa mga teroristang ISIS.

‘Yan ang pangulo, handang

ibuwis ang buhay para sa kapakanan

ng bayan at mamamayan,

palakpakan naman diyan!

P-DIGONG, BUONG TA-

PANG NA NAGPUNTA SA

‘WAR ZONE’; SI NOYNOY

NAMAN NOON, ‘NGANGA’

LANG DAW SA ‘WAR ROOM’

— Kung si P-Digong ay buong

tapang na nagpunta sa “war zone”

sa Marawi City, si ex-Pres. Noynoy

Aquino naman daw noon ay

“nganga” lang sa “war room” habang

mino-monitor ang operasyon ng mga

pulis-SAF laban sa mga terorista sa

Mamasapano, Maguindanao.

Ang masaklap, “nganga” lang

daw si Noynoy habang nasa “war

room” at dinedma lang din daw ang

paghingi ng saklolo ng mga pulis-

presyong talaga namang nakalulula, gumagawa na ang

mga Pilipino ng sorbetes sa pamamagitan ng

garapiñero.

Ayon kay Manong Erning, isang sorbetero na

naglako sa mga kalsada sa Pampanga sa loob ng higit

limang dekada, ang garapiñero (o calapiñera sa

Kapampangan) ay ‘yung malalaking aluminum na lata

na nasa loob ng mga kariton ng ice cream. Bawat isa

ay kayang magpuno ng higit sa limang galon ng

sorbetes. Sa mga garapiñero na rin mismo hinahalo

ang mga sangkap tulad ng gatas, asukal, gata at keso,

langka o kaya ay mais para gawing sorbetes. Kapag

handa na ang halu-halong sangkap, ipapasok ang

garapiñero sa isang kahoy na kahon (o kung tawagin

ay balsa) at paliligiran ng dinurog na yelo at asin. Ito

ay tinatawag na pagkukudkod at inaabot nang halos

isang oras para tuluyang maging handa ang sorbetes.

Subalit, dahil sa kanyang katandaan, ipinasa na

niya ang paglalako ng sorbetes sa mga kamag-anak

na may kakayahan pang maglibot sa ilalim ng init ng

Kunwari pa raw concern sa kaligtasan

ng mga commuter; DOTr Sec. Tugade,

share raw sa kita ng Uber at Grab ang

habol, ngeks!

SAF na nagresulta para

mamasaker ng MILF ang SAF 44,

hu-hu-hu.

HINDI RAW PALA PRO-

TEKSIYON NG COMMU-

TERS KUNDI SHARE RAW

SA KITA NG GRAB AT

UBER ANG TARGET NI DOTr

SEC. ARTHUR TUGADE

— Sa kabila na may binabayaran

namang tax sa gobyerno

ang mga kumpanyang Grab at

Uber, ang nais daw ni DOTr Sec.

Art Tugade ay magkaroon din ng

share ang pamahalaan sa kinikita

ng dalawang kumpanyang ito.

Ganu’n? Ang akala ng publiko

ay kaya nais ng LTFRB na patigilin

sa pamamasada ang mga

sasakyan ng Grab at Uber na

walang prangkisa ay para sa

proteksiyon ng mga mananakay,

‘yun naman pala ay gusto lang daw

makiparte ng DOTr at LTFRB sa

kinikita ng Grab at Uber, buwisit!

KAILAN TATALUPAN AT

KAKASUHAN NI FAELDON

ANG MGA SANGKOT SA

PUSLITAN NG SHABU SA

CUSTOMS? — Ang sabi ni Bureau

of Customs Commissioner Nick

Faeldon ay sinibak na raw niya ang

tatlong kawani ng Customs na nakita

sa CCTV na tumatanggap ng lagay

sa mga may transaksiyon sa

Adwana.

Okay, fine! Eh, ang tanong:

Kailan naman kaya tatalupan at

sasampahan ng kaso ni Faeldon ang

mga opisyal ng Customs na sangkot

sa puslitan ng daan-daang kilo ng

shabu sa Adwana? Abangan!

araw. Kahit hirap na dahil sa kanyang edad, pipiliin pa

rin daw niya na gumawa ng sorbetes dahil halos

buong buhay niya ay ito na ang kanyang trabaho at ito

rin ang nakapagtaguyod sa kanyang pamilya. Hindi

na raw niya makita ang sarili na gumagawa ng iba

pang trabaho bukod dito.

Matagal-tagal ding pinagsilbihan ng kanyang mga

garapiñero si Manong Erning. Sa unti-unting pag-ubos

ng kalawang sa mga ito, unti-unti na ring nababawasan

ang mga interesadong ipagpatuloy ang kanyang

sinimulan. Inalala niya ang mga panahong daan-daan

kung lumabas ang mga galon ng sorbetes mula sa

kanilang maliit na pagawaan. Sa kasalukuyan, humigit

kumulang 20 na lamang ang natitira sa kanila. Sa

pagkaunti nito ay nadagdagan na ang presyo ng bawat

galon, mula sa apat na piso kada galon noong 1957 ay

naging halos P300 na ngayon.

Anuman ang mausong kikiliti sa panlasang Pinoy,

hiling ni Manong Erning na hindi tayo makalimot sa

yaman ng kulturang atin at sa mga aral ng panahon.