Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
HULYO 22, 2017 7

Anak, inilaglag sa pambabastos at katigasan ng ulo…

JENINE, NIRESBAKAN NG MGA NETIZENS

SA PAMAMAHIYA KAY JANELLA

B

ONGGA talaga ang proyektong Darna ni Liza

Soberano dahil pati ang isusuot niya ay nagiging

kontrobersiyal.

Itinanggi ni Direk Erik Matti na

kasama sa team niya ang international designer

na si Rocky Gathercole. Nagulat

nga siya sa interview ni Rocky kung

saan ipinakita raw nito sa press ang

idinisenyong costume ni Darna.

Buong-ningning na sinabi ni Direk

Erik na may sarili silang designer at

hindi niya kilala si Rocky. Sila raw mismo ang magdidesign

ng isusuot ni Liza bilang Darna.

Ang lesson diyan, ‘wag magdiwara o mag-suggest

kung ano ang dapat na costume ni Darna kung hindi ka

naman belong sa team, huh!

Boom!

KARAPATAN ni Jenine Desiderio na protektahan,

disiplinahin, higpitan at pagalitan ang kanyang anak

na si Janella Salvador. Babae ang anak niya kaya dapat

lang na lagi siyang gumagabay dito, lalo na kung may

nali-link dito na gaya ni Elmo Magalona.

Bugso ng damdamin ng isang ina ang tweet niya na

“Napakahirap bang magpaalam? 2 simple, basic rules

hindi masunod. Kase ayaw sumunod. #nuknukanngtigasngulo

#angtigasngloob”.

May katwiran naman si Jenine na sabihin ang “My

space, my rules,” sa kanyang Twitter account.

Pero may point din ang ilang netizens sa pagsasabing

hindi na kailangang idaan sa social media ang mga

personal na problema. Bagama’t puwedeng sabihin

kung ano ang gustong sabihin sa social media, dapat pa

ring maging wise.

Buong-ningning na nakipagsagutan si Jenine

sa mga netizens na nagsesermon sa kanya at

nasabi pa niya, “Eh, kaso, paulit-ulit na lang, eh.”

Ano na naman kaya ang ginawa ni Janella na

ikinagalit ng ina?

ANO nga ba ang pagkakapare-pareho ng mga

superstars na sina Sarah Geronimo, Anne Curtis,

James Reid at Gary Valenciano?

Lahat sila ay pawang nakatrabaho at dumaan sa

pagsasanay ni Teacher Georcelle, ang isa sa mga

pinakasikat at pinakamahuhusay na choreographers/

mentors sa bansa, na naging dahilan upang sila’y lalo

pang maging mas mahuhusay na performers.

‘Yun ay dahil si Teacher G ay higit pa sa isang

dancer. Itinuro at ibinahagi niya sa kanila ang kanyang

passion, inspiration, commitment at motivation upang

mapalabas ang kanilang natural na angking galing.

Ang top 5 ni Teacher Georcelle na magaling at masarap

turuan ng sayaw ay sina Sarah Geronimo, Maja Salvador,

KC Concepcion, Anne Curtis at Nadine Lustre.

Nangunguna naman sa kanya si Enrique Gil na pinakamagaling

sumayaw sa henerasyon ngayon.

Wala naman daw siyang sinukuang artista kahit parehong

kaliwa ang paa. “I’m not a quitter,” sambit niya.

Wala raw problema sa dalawang kaliwang paa basta’t

nandu’n ang determinasyon na matuto. Gi-give-up daw

siya sa mga taong matitigas ang ulo.

Pero nu’ng bata pa siya, nag-walk-out daw siya habang

tinuturuan ang Anime (Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Oliver

Mhyco Aquino, Sergio Garcia, Emman Abeleda, Mico

Aytona at John Wayne Sace) dahil late na raw nag-start,

wala pa sa concentration sa rehearsal. Present sila pero

‘yung utak ay wala sa itinuturong sayaw.

“Mga bata pa kasi,” sey pa ni Teacher Georcelle sabay

tawa.

Pero ngayon daw na nag-mature na siya, iba na ang

pag-handle niya sa ganu’ng klaseng artista.

Ibinuking din niya na hindi ganu’n kahusay sumayaw

dati si Maja. Dati raw, ‘pag tinuturuan niya ito ng

18-count dance, ang tagal aralin, mga dalawang oras.

‘Yung time na ‘yun, hindi pa marunong kumuha ng

choreography si Maja. Ibinahagi niya ang experience

na ‘yun sa kanyang libro na The Force Within.

Anyway, sa kauna-unahang pagkakataon ng kanyang

makulay at matagumpay na decade-long career, ibabahagi

niya sa lahat ang mga bagay na natutunan

niya on and off stage.

Sa introduction ng kanyang librong

The Force Within, sinabi ng founder

and Artistic director of G-Force, ang top

dance group ng bansa na, “Because I love

to teach, I am sharing with you eight lessons

in resilience, patience, passion, professionalism,

and grit.”

Dagdag pa niya, “Dance isn’t just about moving to the

music, it’s a discipline...a commitment… a new way of thinking.”

Maraming kuwento si Teacher Georcelle tungkol sa

mga oportunidad na nakuha niya dahil sa pagmamahal sa

larangan ng pagsasayaw. Sa edad na 14, siya ang pinakabatang

miyembro ng Adrenalin Dance Company na bahagi

noon ng The Sharon Cuneta Show. “Dyesebel” pa ang

tawag sa kanya ni Mega dahil sa haba ng kanyang buhok.

Sa edad na 16, una niyang naranasan ang mag-choreograph.

At talaga namang mas umusad ang karera ni Teacher

Georcelle dahil sa kanyang fearless and positive attitude.

Mababasa rin sa libro kung paano siya naging in-house

trainer sa ABS-CBN Talent Center. Hanggang ngayon,

buo ang tiwala sa kanya ng nasabing network kaya ang

kanyang grupo na G-Force ay regular na lumalabas sa

A.S.A.P. at iba pang major productions ng ABS-CBN.

HILING ni John Lloyd Cruz, pasensiyosa sana ang

maging future wife niya. Pero ayaw niyang magsalita

nang tapos kung sino talaga ang makakatuluyan niya.

Hindi pa rin niya maipagsigawan na si Angelica

Panganiban ‘yun kahit matunog ang tsismis na may

balikan blues na sa kanila. Sey pa niya, kung nahanap

na niya, masasabi na niya ‘yun.

Anyway, tuloy ang selosan blues sa sitcom ni JLC

na Home Sweetie Home kung saan katambal niya si

Toni Gonzaga. Yayayain ni Tanya (Ellen Adarna) si

Romeo (John Lloyd) na kumain sa labas dahil nakalimutan

nitong maghanda ng baon. Ano kaya ang

reaksiyon ni Julie (Toni) ‘pag nakita sa social media na

magkasama sina Tanya at Romeo sa litrato na medyo

compromising? Pinagbabawalan pa naman niya na

magtabi at magkasama ang dalawa.

Maatim din kaya ni Julie na mapagkamalan siyang

yaya dahil nakalimutang mag-ayos ng sarili?

Guests ngayong Sabado sa HSH sina Izzy Canillo

pagkatapos mag-graduate sa Goin’ Bulilit, Eda Nolan,

Allyson McBride at Alora Sasam.☺

Pambato nila sa EB!, tinabla raw,

nakatikim sa AlDub Nation…

JOEY, BUKING NA MAKA-KATHNIEL

HINDI nagustuhan ni Ahron Villena

ang pahayag ng dating na-link sa

kanyang si Cacai Bautista sa latest

interview ng huli kung saan tila

nagpahiwatig ang comedienne na nagkaroon

nga sila ng romantic relationship. Naikuwento

kasi ni Cacai sa press ang tungkol sa

pagkikita at pagbabati nila ni Ahron.

“We’re okay now. Hindi kami [on] speaking

terms [dati], pero nagkita kami ulit. We

had dinner. Okay na kami. Hindi namin pinaguusapan

‘yung past. Basta ang importante,

puwede kaming magtrabaho, masaya ka,

masaya na ako, ‘di ba?” say ni Cacai.

Natanong din ang singer-comedienne

kung may ipinakilala sa kanya si Ahron

na special someone nang magkita sila.

“Sinagot ko na ‘yan dati. Alam ko naman

‘yun, and accepted ko naman kung

anuman siya,” say ni Cacai na hindi

ikinatuwa ng aktor kaya napa-post na ito

sa kanyang Facebook account ng sagot sa

sinabi ng dating kaibigan.

“There’s always two sides to every story,”

caption ni Ahron kalakip ang prangkang post

niya na: “Tanggap mo kung ano ako? Saan

galing ‘yun? Bakit ano ba ang alam mo sa

pagkatao ko? Naging tayo ba? Ako ang alam

ko NEVER naging tayo. Nanahimik ako kasi

marunong akong rumespeto sa babae.”

Dagdag pa ni Ahron, “Pero, siguro

naman, may karapatan din [akong] magsalita

para maipagtanggol ko naman ang

sarili ko.”

Pinagpiyestahan sa social media several

months ago ang very sweet pictures

and videos together nina Cacai Bautista at

Ahron Villena, dahilan upang pagdudahan

ng mga netizens ang kanilang closeness.

Natigil lang ang lahat nang i-friendzone

ni Ahron si Cacai sa kanyang post kung

saan ipinamukha niyang ‘friend’ lang ang

tingin niya sa comedienne kasabay ng pagdidelete

ng kanilang mga pictures sa Instagram.

Pak!

PINAGPIYESTAHAN ng mga netizens

ang latest tweet ng TV host-comedian na

si Joey de Leon kung saan in-upload nito

ang picture nila ng kanyang misis na

nasa harap ng Sagrada Familia sa Barcelona

na may caption na: “KathNiel 10

years ago! Ola! @EatBulaga.”

Reaksiyon ng mga netizens, maka-

KathNiel daw ba ang Eat… Bulaga! host

kaya ito ang ginamit niya sa caption instead

ang AlDub love team na pambato

nila sa noontime show?

Na-hurt ang ilang fans nina Alden

Richards at Maine Mendoza sa naturang

post ni Joey de Leon dahil parang binastos

at inetsapuwera na raw nito ang

AlDub at mas ipino-promote na ang love

team ng kalabang network.

Say naman ng mga fans nina Kathryn

Bernardo at Daniel Padilla, patunay

lang ito na mas sikat at tinatangkilik

talaga ang KathNiel kesa sa AlDub.

Ganern?!

Piolo, tiba-tiba bilang producer

kaya super-hapi...

MOVIE NINA ALESSANDRA AT

EMPOY, BOX OFFICE HIT

TRENDING sa social media at talaga

namang pumatok sa mga millennials

ang Kita Kita movie na pinagbidahan

nina Alessandra de Rossi at Empoy

Marquez at produced ng Spring

Films at Viva Films.

Unexpected ang pagtanggap ng

mga moviegoers sa movie dahil kung

ikukumpara sa mga mainstream na ipinapalabas

sa mga sinehan ay hindi

maituturing na big stars sina Alex at

Empoy, but then, tinanggap at sinuportahan

sila ng mga moviegoers kaya phenomenal

box office hit ang Kita Kita.

Dahil dito, nag-post ng pasasalamat

ang isa sa mga producers ng movie

na si Piolo Pascual via Instagram.

“Praise God... on behalf of Spring

Films, Viva Films, our marketing/promo

@cornerstoneofficial, our cast/director,

everyone involved in making this project a

reality... thank you very much for inspiring us

to not give up on our dreams... We’re humbled

by the circumstance yet thrilled to be on the

same page as everyone that’s seen the film...

“We’re still adding more theaters to cater

to more areas... and this weekend is the best

time to be in love, cry, laugh and witness the

beautiful love story of Tonyo and Lea...

#toGodbetheglory #mabuhayangpelikulangpilipino

#itsnowitsnever #pusolangangmaysaging”

post ni Papa P.

In fairness naman kasi sa movie nina Alex

at Empoy, nakakatawa na nakakaiyak ang

pelikula at mamahalin mo ang character ni

Empoy bilang si Tonyo na nag-effort talaga

mapasaya lang si Lea na ginampanan ni

Alex na nagkaroon ng temporary blindness.

May ilang netizens din ang nanghihinayang

na hindi napasama sa nakaraang

MMFF ang naturang pelikula dahil ayon kay

Piolo ay ipinull-out nila ito sa last minute

dahil gusto pa nilang i-reedit and since

nakasaad sa MMFF na ang mga entries ay

picture lock, hindi na lang nila ito isinali.

So, there!☺