22.07.2017 Views

JULY 22, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

8

Showbiz Editor: JANICE DS NAVIDA

Grabe na ‘to, Xian!

KIM, LILIPAD PA-HONG KONG PARA

MAKIPAGTAGPO KAY JUSTIN BIEBER

MALAKI ang tsansang hindi makapanood ng concert

ni Justin Bieber titled Bieber, Purpose Tour

si Kim Chiu sa darating na September 30 dahil

kasabay pala nito ang 2017 Star

Magic Ball na dinadaluhan ng halos lahat

ng artista na nasa ilalim ng pagma-manage

ng Star Magic.

Ayon kay Kim ay maaaring manood

na lang siya sa concert ni Justin sa Hong

Kong sa September 27.

Marami ang kinilig at nainggit kay

Kim, hindi lang ang mga fans ni Justin dito sa Pilipinas

kundi maging sa ibang bansa, dahil sa mensahe ng international

Canadian singer kay Kim na, “Chinita, I will see

you in the Philippines.”

Kuwento sa amin ng aktres, nasa set sila ng kaibigang si

Cacai Bautista at wala silang magawa kaya nag-Instagram

sila. Nang lumabas ang Justin Bieber Live, nag-message sila

agad ng... “I love you, see you in the Philippines,” at sumagot

nga ang international singer.

Ayon kay Kim ay simpleng hello at “See you in the

Philippines” lang ang nangyari pero pinalaki ng iba, na kahit

nga international magazines na InStyle at Teen Vogue ay

pumatol sa isyu.

Aminado naman ang aktres na masaya siya sa naging

gesture ni Justin. Kinilig daw siya at niyakap talaga niya ang

atensiyon na ibinigay sa kanya ng marami

dahil sa nangyari.

Samantala, dumalo si Kim sa

katatapos lang na concert ni Xian Lim

na ginanap sa Solaire. Halos magkakalahati

na nang dumating sa venue

ang aktres dahil naipit siya sa traffic.

Tinawag ni Xian sa stage si

Kim at hiniling na yakapin siya

para pampalakas-loob. Patunay

lang ito na walang katotohanan

ang lumabas na balita noon na

break na ang dalawa.

Paliwanag ng aktres ay okay

pa rin silang dalawa ng rumored

boyfriend at walang nabago sa

samahan nila. Kung ‘di man sila

madalas makitang magkasama

ngayon ng aktor, ito ay dahil

busy daw siya sa taping ng Ikaw

Lang ang Iibigin at shooting

ng Ghost Bride, samantalang

naging abala naman si Xian sa

mga rehearsals ng katatapos na

concert nito.

Hindi naman napanood ni

Kim ang pagbibiro ni Xian kay

Justin sa concert na panoorin

ng sikat na singer ang version

niya ng kantang Despacito. Ang napanood lang daw niya

ay ang pagbibiruan nina Xian at Matteo Guidicelli on

stage habang nagpe-perform sa kantang Treat You Better.

Nagpapasalamat naman si Kim sa mga KimXi fans

sa patuloy na suporta sa kanilang tambalan, pero hiling

niya ay suportahan muna ng mga ito ang seryeng

pinagbibidahan nila nina Gerald at Jake Cuenca.

TINIYAK ni Jake Zyrus na ang pangalan niyang ito

ay screen name lang. Kung magbabago man daw siya

ng pangalan, pagkatapos na ng kanyang sex reassignment,

pero mananatili siyang Relucio-Pempengco

kahit na ano pa ang mangyari. Mahal na mahal daw

niya ang apelyido ng ina at ama at wala sa isip niya na

baguhin ito.

Itinanong din namin kung bakit sa lahat ng pangalan

ay Jake Zyrus ang napili niya. Aniya, marami siyang

pinagpilian pero ang Jake Zyrus ang na-imagine niya

na isisigaw ng mga tao habang nagpe-perform siya, na

alam niyang naiintindihan ng mga transgender na

katulad niya.

Pagkatapos magpatanggal ng dibdib ay two months

na ngayong nagpapa-inject ng testosterone hormones

si Jake para tumigil na ang kanyang monthly period.

Inamin niyang may balak din siyang magpa-sex reassignment

pero ‘di naman siya nagmamadali.

Masaya raw siya sa mga pagbabagong nakikita sa

katawan kahit paunti-unti pa lamang ito gaya ng

pagbabago ng boses. Ang gusto ni Jake ay maging parte

ang publiko ng journey na pinagdaraanan

niya sa ngayon kung saan pakiramdam

niya ay nakalaya siya at naipakita

kung sino at ano ba talaga siya.

Sa mga nagsasabi namang namimiss

na nila ang dating boses ni Jake

bilang si Charice, dapat daw ay ihinto

na ang pang-iinsulto sa kanya ng

ibang tao na nagpo-post ng mga performances niya

noon bilang Charice at ikinukumpara sa performance

niya ngayon bilang Jake.

Ipinunto niya na ‘di puwedeng pagkumparahin ang

timbre ng boses niya noon at ngayon dahil ibang-iba

na ito. Babae ang range ng boses niya noon at kung

kakantahin man niya ang kanta ngayon ay ibabagay

na niya ito sa kung ano ang range ng boses niya.

Samantala, hindi naman isinasarado ni Jake ang

puso niya sa pakikipagrelasyon kung saka-sakaling

may bagong dumating. Naniniwala siyang kung magmamahal

siya ay kusa itong darating at ‘di pinaplano.

MARAMI ang nagulat na si Billy Crawford na pala ang

host ng bagong show na sisimulan ng ABS-CBN, ang The

Little Big Shots na franchise sa America

kung saan ang host nito roon ay si

Steve Harvey.

Nagkaroon na ng mock-up ang

show kung saan ang host ay si Ogie

Alcasid. Aminado ang singer sa

nakaraang album launch niya na

may titulong Nakakalokal na sumama

ang loob ng asawang si Regine

Velasquez na ‘di siya natuloy sa

show lalo’t gustung-gusto nito ang

The Little Big Shots.

Ayon kay Ogie ay gusto ng

management ng ABS-CBN na

siya ang maging host ng The Little

Big Shots pero ang franchise

mismo ang namili kay Billy

dahil siguro kilala na rin ito

internationally bilang singer.

Siniguro naman ni Ogie na

‘di sumama ang loob niya sa

nangyari, pero tinanong daw

niya ang Diyos kung ano ang

rason at ‘di napunta sa kanya

ang programa.

Naniniwala ang singer na

may magandang dahilan ang

nasa Itaas kaya nangyari ito

at may nakalaan sa kanya na

dapat niya munang hintayin at paghandaan.

MAY kapupuntahan pa kaya ang pagmamahalan nina

Camille (Shaina Magdayao) at Rafael (JC de Vera) sa

The Better Half kahit ang pamilya nila ay tutol na muli

silang magkabalikan?

Lalo pang gumulo ang sitwasyon sa pagpasok ni

Ashley (Emmanuelle Vera) na ex-GF ni Rafael at ang

pagdedesisyon naman ni Marco (Carlo Aquino) na

suyuing muli si Camille lalo’t nagpahayag sa kanya

ng pagboto ang ama ng dating asawa na ginagampanan

ni Rommel Padilla.

Kailan din kaya mahihinto ang kahibangan at

kasamaan ni Bianca (Denise Laurel) ngayong kampi

at suportado siya ng kanyang ama sa kanyang maiitim

na plano laban kay Camille?

Tumutok lang lagi sa The Better Half na napapanood

mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Pusong

Ligaw.☺

TEKA . . . (mula sa kanan)

kapos sa mga bonggang production numbers, still, tinututukan

ito ng mga viewers. Inaabangan linggu-linggo

ang pasabog nina Ai Ai delas Alas, Marian Rivera,

Alden Richards, Barbie Forteza, Wally Bayola, atbp..

Mas pagagandahin at pabobonggahin pa ang Sunday

PinaSaya sa mga susunod na pagtatanghal nito.☺

Style ng Hollywood teen idol, bulok!

KIM, PINASASAKAY LANG NI JUSTIN

BIEBER, KUMAGAT NAMAN

HATI na nga ngayon ang AlDub Nation

na sumusuporta kay Maine

Mendoza at sa ka-love team niyang

si Alden Richards.

Kung dati-rati ay solid na solid ang AlDub

Nation at todo ang suporta sa tambalang

AlDub, ngayon ay tila may faction-faction

nang nagaganap at sila-sila na rin ang

nagpapatutsadahan.

May ilan sa kanila ang tumuklas at nagimbestiga

kung may katotohanan ang tsismis

na si Sef Cadayona ang tunay na karelasyon

ni Maine at pang-camera at pang-showbiz

lang si Alden. Isang bagay na hindi mabigyang-linaw

ng Dubsmash Queen.

Hinihintay ng libu-libong fans ng AlDub

love team na i-deny o aminin ni Maine si

Sef upang magkaalaman na at matigil na rin

ang mga intriga. Ano nga kaya ang real score

sa kanila?

May mga pinoprotektahan ba si Maine

kaya hindi niya maamin si Sef? Makakaapekto

ba ito sa kanyang pagiging product endorser

at mga projects na pagsasamahan nila ni Alden?

AT last, ang dream wedding ng dating

Sexbomb dancer na si Rochelle Pangilinan

ay matutupad na sa darating na August

8 kung saan tatayong principal sponsors

ang malalapit sa kanila ng BF niyang

si Arthur Solinap at ganu’n din ang mga

nakatulong sa kanilang career.

Ang daming kinilig at nagandahan sa

pre-nup photoshoot nina Rochelle at Arthur.

Kitang-kita na sobrang mahal nila

ang isa’t isa. Perfect pair talaga ang dalawa.

Nine years ding tumagal ang kanilang

relasyon as BF-GF at naiayos muna ang

lahat bago nila pinlano ang mag-settle

down at bumuo ng pamilya.

Yes! Ayon na rin sa bride-to-be na si

Rochelle, handang-handa na siyang

maging wife at mother sa magiging kids

nila ni Arthur kahit pansamantala siyang

mag-lie-low sa kanyang career.

Samantala, bukod sa negosyong

naipundar ni Arthur ay tuluy-tuloy pa rin

siya sa pag-aartista. Regular cast siya sa

sitcom na Pepito Manaloto bilang si Robert,

ang family driver ng Manaloto family.

Na-develop ang comedy skills ni

Arthur nang makasama sa Pepito Manaloto

at makatrabaho sina Michael V.,

Manilyn Reynes, Nova Villa, Ronnie

Henares, John Feir, Mosang, atbp..

HULYO

Sa episode ngayon ng PM, mapapansin

nina Elsa at Pepito na laging

ginagabi sa pag-uwi si Chito (Jake Vargas).

‘Yun pala ay sinasamahan nila ni

Nikki (Julie Anne San Jose) ang kaibigan

nilang si Roxy na brokenhearted

at laging naloloko ng mga guys.

PAREHO naman palang may something

special na nararamdaman para sa isa’t isa

sina Alessandra de Rossi at Marc Abaya,

eh, bakit hindi pa nila ito direktang maamin-amin

sa publiko?

Hindi naman na sila teen-ager at hindi

na nakapagtataka kung magkaroon sila ng

relasyon. Not unless may inililihim sila at

may malaking hadlang upang sila ay

makalantad bilang couple?

Deserve naman ni Alessandra ang

lumigaya sa larangan ng pag-ibig. Pagkatapos

ng ilang kabiguan sa pag-ibig, marami

ang naghahangad na makatagpo

siya ng Mr. Right.

Baka naman sadyang si

Alex na ang na-trauma kaya

takot nang makipagrelasyon

sa isang artistang katulad ni

Marc Abaya?

Pero, marami silang bagay

na napagkakasunduan. Mahalaga

na compatible ang dalawang

taong nagmamahalan. Si

Marc na ang kailangang kumilos

upang makuha niya ang

loob ni Alessandra. Sayang

naman kung pakakawalan pa

ni Marc ang babaeng mahal

niya at gustong maging bahagi

ng kanyang buhay.

For sure, waiting lang

naman si Alessandra sa pagamin

ni Marc A.

BIG deal pa ba naman ang

paandar ni Justin Bieber

nang sagutin niya ang comment

ni Kim Chiu? Oo

nga’t popular na Hollywood teen idol si

Justin at kinababaliwan ng mga kabataang

babae abroad, still, marami siyang

nega issues at pasaway din sa buhay.

Ilang beses na itong na-headline sa

mga tabloids sa USA. May attitude at

bad moods din siyang ipinakikita sa

publiko. Kaya hindi niya lubos na makuha

ang loob ng libu-libong kabataang

Pinoy na humahanga at umiidolo sa

kanya.

Let’s see kung tutupad nga si Justin

Bieber sa pangako kay Kim na dadalawin

ito sa ‘Pinas. Baka paandar lang ito

ni Bieber?

MAY dapat na ipagdiwang ang buong

cast at production staff ng Sunday

PinaSaya ngayong nag-second anniversary

na ang show.

Sa higpit ng kompetisyon ngayon,

nagawang maka-survive ng GMA-7

Sunday show sa kakaibang format nito

na hitik sa saya at tawanan.

Kahit na sabihin pang istayl-comedy

bar ang kanilang skits sa show at

(Sundan sa kaliwa)

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!