22.07.2017 Views

JULY 22, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

22, 2017

‘Di raw ‘yun magagawa ng singer…

NOVEN, KINAMPIHAN NG

MADLANG PIPOL SA RAPE CASE

K

APAG kaisa-isa mo palang sinundan ang mga

komento sa social media ay hindi ka na bibitiw

kahit nadyidyinggel ka na. Itutuloy mo ang pagbabasa,

maaaliw ka kung minsan, pero mas

madalas kang maiinis-magagalit.

Isang malawak na playground ng mga

positibo at negatibong komento ang social

media. Meron nang batas na pinaiiral

tungkol sa mga nagmamalabis, pero wala

pa ring takot ang mas nakararami, bash pa

rin sila nang bash lalo na sa mga sikat na personalidad.

Dahil sa kasong sexual assault na isinampa laban sa Tawag

ng Tanghalan champion na si Noven Belleza ay biglang

nabulabog sa kanyang pinagkukublihan si Pining Garcia.

Ayon kasi sa mga ulat ay hindi naman aktuwal na

pumasok sa butas ang naghuhumindig na sandata ng magaling

na singer, ang naging abala lang daw ay ang kanyang mga

daliri, kaya muling sumikat ang pangalan ni Aling Pining.

Sabi pa ng isang sutil na nagkomento, “Kung becki ang

artistang kinasuhan, eh, hindi si Pining Garcia ang bibida.

Marami sila. Sina T’yo Pancho, T’yo Paeng at saka si T’yo

Pablo. Pana-panahon lang.”

Pero ang labanan ay hindi parehas sa bilang. Kung sampu

ang naniniwalang hindi makakayang gawin ni Noven

Belleza ang mga bintang ng babaeng diumano’y ginalaw

niya ay isa lang ang kampi sa babae at sapilitan pa.

Malaking bagay para sa singer ang mga komentong

pumapanig sa kanya, mapaghuhugutan niya ‘yun ng

lakas ng loob, dahil hindi simple ang makaengkuwentro

ng ganu’ng problemang direktang nakapaninira sa

imahe ng pinagbibintangan.

Ngayon kailangan ni Noven ang mga kaibigan at

kamag-anak na magpapatotoong hindi niya makakayang

sikmurain ang pagsasamantala sa isang babae.

Mahalaga ‘yun bilang depensa sa kanyang pagkatao.

Madaling magbintang, kahit sino ay puwedeng

ituro ng kahit sino na nangsalaula sa kanya, pero ang

pagpapatotoo sa akusasyon ay ang mismong nagrereklamo

ang dapat magpatunay.

Kung paninindigan ng pamilya ng babae na hindi

sila magpapaareglo sa usapin ay napakalayo pa ng

tatakbuhin ng istoryang ito.

MUKHANG sineseryoso na ni Erik Santos ang

pagdidirek. Sa ikalawang pagkakataon ay ang

magaling na singer din ang mamamahala sa darating

na concert ng OPM Icons sa The Theater ng

Solaire Resort & Casino.

Special guest din sila ni Angeline Quinto sa

panibagong concert na ipinoprodyus ng Lucky 7

Koi Productions, magiging abala siya bilang direktor,

pero hindi mababalewala ang kanyang performance.

Ang magkakasama sa concert ay sina Marco Sison,

Rey Valera at Hajji Alejandro, wala si Rico J. Puno na

bumubuo sa grupong The Legends, maysakit ang singer.

Nawili na sa pagpoprodyus ng concert ang grupo

nina Tito Henry at Tita Lily Chua, matatagumpay naman

kasi ang mga nauna nilang produksiyon, malawak

ang kanilang market para sa ticket sales.

May mga produksiyong nagkakansela ng kanilang

palabas sa pinakahuling sandali, ang dahilan ay ang

mahinang benta ng tickets, isang senaryong hindinghindi

mangyayari sa mga concerts ng Lucky 7 Koi Productions

dahil puro negosyante ang magkakasama sa

grupo.

“Malaking-malaki ang tiwala namin kay Erik Santos

bilang director dahil siya mismo ang nagko-conceptualize

ng show. Utak niya ang gumagana, hindi siya nawawala

sa meeting, napaka-professional ni Erik,” papuri sa

singer ng kanyang prodyuser na si Tita Lily Chua.

Napanood namin ang huling concert ni Erik sa

Solaire, hindi ka aantukin sa panonood dahil pati ang

mga VTR na ipinalalabas sa back screen ay nagkukuwento

rin, kaya siguradong malaking hamon para

kay Erik ang idirek sina Marco, Rey at Hajji na puro

idolo rin niya.

Mapapanood ang The OPM Icons sa September 2,

alas-otso nang gabi, sa The Theater ng Solaire.

NU’NG minsang nakipaglamay kami sa bandang South

ay nagkayayaan kami sa Solaire na ang

pinakapinuno siyempre namin ay si Wendell

Alvarez na kilalang-kilala sa casino

kahit ng mga utility du’n.

Manghang-mangha kami sa mga

sariwang bulaklak na mula pa sa iba-ibang

bansa na nakapalibot sa casino, pero mas

nakagugulat, dahil pati pala ang mga pumpon ng bulaklak na

nakapalamuti sa mga pader ng casino ay puro sariwa rin.

Naisip lang namin, sa mga imported flowers pa lang

ay magkano na ang ginagastos ng Solaire, hindi naman sa

bukana lang meron, tadtad din ng mga sariwang bulaklak

maging sa pinakalikuran?

Impormasyon ni Wendell, “Ang tanong, eh, kung

magkano ang kinikita ng casino sa araw-araw? Grabe ang

kinikita nila, bilyun-bilyon dahil sa dami ng mga naglalaro.

“Nu’ng minsan ngang nakatayo lang ako, eh, nakita ko

si ______ (pangalan ng isang kilalang male personality),

malakas siyang lumaro, parang balewala lang sa kanya

ang pera!

“May mga politicians ding malakas magsugal pero

tagung-tago ‘yun, bawal kasi sa kanila ang makita sa casino.

Kaya balewala ang mga fresh flowers na ‘yan na

galing pa sa ibang bansa.

“Kumbaga, eh, latak lang ‘yun sa malakas na kinikita

ng casino. Napakagandang business talaga ng sugalan,”

kuwento pa ng aming tagapagpasaya sa Cristy Ferminute.

At hindi nababakante ang mga makina, kapag may

tumayo ay siguradong may hahalili agad, hindi natutulog

ang gabi sa Solaire.☺

KATSIKA . . . (mula sa kanan)

lugar na kanilang pupuntahan, ibabahagi ng mga

artista ang kanilang experience sa pagbiyahe. Hindi

mawawala ang ‘hugot’ habang ini-explore nila ang

travel destination.

Mapapanood sa two-part pilot episode ng Road

Trip ang adventure ng pamilya Legaspi sa tinatawag na

“Last Frontier of the North”— ang Batanes. Makakasama

nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi ang

kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy.

Abangan kung paano nga ba mag-travel ang

kanilang pamilya. Huwag palampasin ang Road

Trip simula ngayong Linggo bago ang 24-Oras

Weekend sa GMA-7. ☺

Bagong Pantasya ng Bayan, mabenta talaga…

KIM, TINAOB SI BELA

SA TAPATAN NILA

D

UMATING na mula sa pagbabakasyon

sa Tate ang mag-asawang

Sen. Ralph at Rep. Vilma Santos-

Recto. They had to cut short their sojourn

dahil kailangan nilang dumalo sa

special joint session ng Senate at Congress.

Also, to attend the 2 nd SONA (State

of the Nation Address) ni Pres. Rodrigo

Duterte.

Once a year lang ang family bonding

ng lovable couple but when duty calls,

talagang mas mahalaga ang sinumpaan

nilang tungkulin sa bayan.

Welcome back, Kuya Ralph and Ate Vi!

INAMIN ni Ken Chan na kakaibang

closeness ang napi-feel niya for Barbie

Forteza. Girlfriend and dream girl material

daw ang nakapareha niya sa romcom

na Meant to Be.

Pero ‘di siya makaporma sa dalaga

na ayon sa kanya’y mabait, masayahin,

maganda at sweet.

“A real girlfriend material,” sey ng

half-Chinese, half-Pilipinong binata.

Natatakot siyang manligaw dahil

baka raw masira ang kanilang friendship

o magkailangan sila.

Paano ‘yan? We heard na sina Barbie

at Jak Roberto na ngayon.

“Talaga po? Last time nagkausap

kami, walang nabanggit si Barbs na

nanliligaw sa kanya o mag-steady na sila.

Jak is a good man at kung sila na nga, I

am happy for them,” ani Ken.

Malaking push sa kanyang career

ang Destiny Rose, lalo na ang MTB. He

hopes na matuloy ang part 2 o sequel

nito.

Nakausap namin si Ken sa taping

ng episode na Our Viral Love: The Lance

Lavar and Ella Lavar Story na tampok

this Saturday night sa Magpakailanman,

directed by Albert Langitan and hosted

by Ms. Mel Tiangco.

Iikot ang story kina Lance (Ken) at

Ella (Ayra Mariano) na elementary pa

lang ay magkaklase na. Tumutol ang

parents ng binata sa relasyon nila ng

dalagang nakabilanggo sa wheelchair

dahil maliliit ang dalawang legs na dina-

puan ng sakit na polio. Magwagi kaya

ang tapat na pag-ibig?

Other guests are Sherilyn Reyes,

Emilio Garcia, Lollie Mara, Camille

Canlas, Yasser Marta, Carlo Duterta and

Ayessa Cervantes.

BY the way, congrats sa bagong Pantasya

ng Bayan na si Kim Domingo. Naungusan

ng ratings ng MPK that featured her

life story ang Maalaala Mo Kaya last

week na ang bida’y si Bela Padilla.

Patunay ito na may fan following na

ang half-Pinay, half-French actress. Wagi

siya mapa-comedy or drama man ang

ginagampanan.

ONE big, happy family ang turingan ng

Team Bubble Gang. Basta kainan

time ay magkakasama sila. Mapababae

o lalaki man ay magkakasalo

sila, maging ang mga staff,

crew and si Direk Bert de Leon.

Naikuwento nga ng Creative

director na si Caesar Cosme na

madalas ay sa paghaharap at pagkukuwentuha’y

may nabubuo

silang funny gags, effective jokes

and comic situations.

“Welcome kami lagi sa mga

suggestions,” added Direk CC.

Kagabi’y tampok ang mga

segments na Encantadia Gags,

Basa Basa Pik, Joke Zerious, Istambay,

Ang Trabaho Ko, Patikim

ni Kim at Balitang Ina.

Guests ng Bitoy and company

(Antonio Aquitania, Boy2 Quizon,

Paolo Contis, Mikael Daez, Sef

Cadayona, Betong Sumaya,

atbp.) sina Mike Nacua, Archie

Alemania, Rhian Ramos, Lovely

Abella at Mikoy Morales.

KUNG anu-anong tsika ang lumalabas

sa pagkawala ni Jose Manalo sa

Eat… Bulaga!. Sa dami ng usap-usapan

ay ‘di mo na alam ang totoo.

Malaki na raw ang ulo ng komedyante,

laging late kung dumating sa set,

nakaaway ang sparring partner na si

Wally (Bayola) at naninigaw ng crew.

Lately, however, nasagap naming

very personal at walang kinalaman sa

trabaho ang rason ng pagdi-disappearing

act ni Kuya Jose.

Question po… girl or boy ba ang

bagong happiness ng funny man?

SIMULA ngayong Linggo (July 23), iba’t

ibang celebrities ang makakasama sa

pinakabagong travel-reality program ng

GMA Public Affairs na Road Trip.

Tampok sa hour-long TV series ang

[mis] adventures at life realizations ng

mga sikat na artista ngayon.

Bawat Linggo, isang couple o grupo

ng celebrities ang bibiyahe sa iba’t ibang

lugar sa loob at pati na sa labas ng Pilipinas.

Sa gitna ng kagandahan ng bawat

(Sundan sa kaliwa)

9

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!