You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
AGOSTO 14, 2017 Column Editor: PRINCESS ERIKA SOLITARIO 3

Editoryal

N

Editoryal

‘The Big One’, mas oks

nang paghandaan

kaysa ‘nganga’

APADADALAS ang paglindol sa ilang parte ng bansa

kaya ang ilan, kinakabahan na baka malapit nang

mangyari ang tinatawag na ‘The Big One’.

Bagama’t, alam nating lahat na hindi nape-predict

kung kailan mangyayari ang paglindol, wala namang masama

kung paghahandaan natin ito, hindi ba?

Katunayan dito, nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology

and Seismology (Phivolcs) na posible rin daw mangyari

ang mala-‘The Big One’ na pagyanig sa labas ng Metro Manila.

Dahil ayon sa Phivolcs, mayroon din daw mga aktibong fault

sa ibang lalawigan na hindi masisiguro kung gaano kalakas na

pagyanig ang maidudulot nito kapag gumalaw.

Kumbaga, ‘wag daw isipin na ang Metro Manila at mga karatigprobinsiya

lang ang dapat maghanda sa paglindol kundi lahat ng

lugar sa Pilipinas ay dapat ding maghanda sa posibilidad ng

paglindol.

Batid nating wala naman talagang nakaaalam kung kailan

tatama ang malakas na paglindol gayunman, wala namang masama

kung susunod tayo sa payo ng Phivolcs na paghandaan ang

bagay na ito lalo na kung kaligtasan natin at ng ating pamilya

ang nakasalalay.

Iba pa rin ang handa at may alam sa oras ng sakuna, pramis!

DAPAT lang na ipasa na ng Senado ang Tax

Reform Bill na isinusulong ni Pangulong Rodrigo

Duterte. Ito ang solusyon para matuloy ang implementasyon

ng bagong batas sa libreng matrikula

para sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad.

Sa totoo lang, kulang sa pera ang gobyerno

para ipatupad ang Republic Act No. 10931, ang

Universal Access to Quality Tertiary Education

Act, na pinirmahan ni Duterte noong Agosto 3.

Pero kahit hindi tiyak ang pondo, inaprubahan

pa rin ito ni P-Digong dahil naniniwala siya sa

magandang layunin ng batas.

Sa ilalim ng R.A. 10931, libre o subsidized na

ang matrikula at miscellaneous fees ng mga estudyante

sa State Universities and Colleges

(SUCs). Sisimulan ang bagong polisiya sa susunod

pang taon (2018) dahil nagsimula na ang mga

eskuwela at naghahanap pa ng pera ang gobyerno.

Nag-abiso ang mga economic manager ni

Duterte na i-veto o tanggihan na lang niya ang bill

na isinumite sa kanya ng Kongreso. Ang kanilang

dahilan ay baka raw masyadong mahirapan ang

budget ng gobyerno para rito.

Maraming senador at mambabatas naman ang

No. 1 NEWSPAPER

IN THE PHILIPPINES

(Source: The NIELSEN Company)

BULGAR Bldg. 538 Quezon

Avenue, Quezon City 1100

Trunk lines : 749-5664 to 65

Editorial : 712-2874 • 251-7904

749-0091

Advertising: 749-6094 (DL) 712-2883

251-4129 (FAX) 749-1491

743-8702

Credit & Collection: 742-5434

Circulation: 749-1493

Intramuros Office: 871-9637 • 788-3479

0917-8991101 • 0928-5035343

0932-8783337

E-mail:

bosesngpinoy@bulgar.com.ph

Ang mga personal na opinyon at/o kuru-kuro

ng mga manunulat na nailalathala sa

pahayagang ito ay hindi nangangahulugang

opinyon din ito ng publikasyon.

Tax Reform Bill ng Team

Digong daw ang pupuno

sa pondong kailangan

para sa libreng

edukasyon sa kolehiyo

IPINAGBAWAL na ang pagdadala ng manok

mula Luzon sa ibang bahagi ng bansa dahil

sa pagkalat ng bird flu sa Pampanga.

Ito ang unang pagkalat ng nasabing sakit sa

manok sa bansa, kaya tila nagdudulot ito ng

pangamba at takot sa lahat. Ang suplay ng manok

na manggagaling sa ibang bansa para sa

Visayas at Mindanao ay hindi na dapat ilabas

sa Metro Manila.

May mga checkpoint na ring itinayo ang

militar para bantayan kung may mga magpipilit

na ilabas ang manok mula Luzon.

Hindi naman mahahawa ang tao sa nasabing

sakit ng manok kaya wala naman daw dapat

ipangamba ang publiko.

Pero kailangang labanan ang pagkalat ng

sakit kaya nagiging mahigpit ang gobyerno sa

pag-quarantine ng ilang daanlibong manok na

kailangang patayin para lang hindi kumalat ang

sakit.

Siguradong may epekto ito sa presyo ng

manok ngayong darating na linggo. Nagiging

matumal na ang benta ng manok dahil sa balita.

Babantayan ang mga manok nang halos

isang buwan kung magkakasakit pa o hindi

bago sabihin na wala nang bird flu.

KINAILANGANG magpaliwanag ng DFA

sa mga pahayag ni Sen. Alan Peter Cayetano sa

katatapos na pagpupulong sa ASEAN na hindi

na raw gumagawa ng mga artipisyal na isla ang

China.

May inilabas na mga litrato ang isang ahennag-udyok

kay P-Duterte na pirmahan ito. Sangayon

tayo na maganda ang batas para sa naghihirap

na mga estudyante. Pero alam din namin na gusto ito

ng mga pulitikong mambabatas dahil maraming

botante ang matutuwa sa kanila.

Ngunit, huwag paniwalaan ang mga ‘credit

grabber’ na pilit inaangkin na sa kanila ang batas.

Ang R.A. 10931 ay produkto ng hirap at trabaho ng

Senado at House of Representatives. Hindi maaaring

angkinin ng isang senador lang ang batas na ito

dahil maraming mambabatas pati congressmen/

women, ang nagtrabaho para rito.

Malaki rin ang papel ni P-Duterte rito. At huwag

sabihin ng mga oposisyon na tagapirma lang siya.

Kung hindi malawak ang tingin niya ay malamang

na tinanggihan niya ito.

Last minute na niya pinirmahan ang batas dahil

pinag-isipan talaga nila ito at tinimbang ang posibleng

epekto nito sa ekonomiya.

Ayon sa Palasyo, sa huli ay pinirmahan ni P-Duterte

ang batas na libreng matrikula bagaman, walang

pondo ang gobyerno dahil sa paniniwala niya na

mas uunlad ang bayan kung mas maraming Pilipino

ang makapagtatapos sa kolehiyo at ‘di na rin mahihirapan

ang mga magulang nila.

Ngayon, trabaho na ng Senado at House of

Representatives na maghanap ng pondo dahil sila

naman ang nagsimula ng panukalang ito. Tumitingin

na sila ng budget, mga pondo mula sa mga ahensiyang

mahina ang performance at hindi ginagamit

ang pondo para sa serbisyo-publiko.

May nakita na ring P16 bilyon mula sa iba’t

ibang scholarship fund na iipunin nila. Pero ang

kailangan daw ay P60 bilyon hanggang P100 bilyon

kada taon.

Ngayon, anong kinalaman ng Tax Reform Bill sa

batas sa libreng matrikula? Ang panukalang-batas para

sa buwis, ang tinatawag na Tax Reform for Acceleration

and Inclusion Act (TRAIN) ay naglalayong

mapabuti ang takbo ng ekonomiya sa pamamagitan

ng pagbaba ng personal income tax ng taumbayan.

Balak din ng gobyerno na dagdagan ang buwis sa

gasolina at iba pang produktong petrolyo, pati na rin

sa mga inuming gumagamit ng asukal tulad ng

softdrinks.

Sa estima ng Department of Finance ay P130

bilyon ang maaari nilang malikom mula sa mga bagong

buwis sa ilalim ng TRAIN. Kaya mahalaga na

suportahan ng Senado ang TRAIN dahil dito makakukuha

ang gobyerno ng regular na pondo para sa

libreng matrikula ng mga estudyante sa SUCs.

Balak ding gamitin ng administrasyong Duterte

ang dagdag-kita mula sa TRAIN para sa pagpapagawa

ng bagong imprastruktura sa bansa na kaila-

isyungk@b ulgar.com.ph

Shocking: Manok

mula sa Luzon, bawal

nang dalhin sa ibang

panig ng bansa!

siya na magpapatunay na patuloy pa rin ang

paglikha ng China ng isla sa karagatan. Hindi

raw sila sinabihan na may nagaganap pang

paglikha ng isla.

Pero kung talagang binabantayan ng bansa

ang mga kilos ng China, madali naman siguro

para sa gobyerno na alamin ito mula sa iba’t

ibang ahensiya tulad ng naglabasang mga

litrato.

Parang pinababayaan na lang kasi ng Pilipinas

ang isyu at kumikilos na lang kapag may

“ingay” tungkol dito. Kung ang bansa ay may

mga eroplano na mula Japan at Amerika para

magpatrol sa karagatan, bakit hindi pa gawin at

bantayan kung ano ang talagang nangyayari

sa karagatan?

Sayang naman ang mga tulong ng ibang

bansa kung hindi gagamitin ang mga eroplano.

ngan na talaga. Kabilang dito ang mga mass transport

system tulad ng mga subway at tren na nagpapabawas

din ng matinding trapiko sa mga siyudad.

Pero ang pinakamahalagang maaaring pondohan

ng bagong buwis ay ang edukasyon ng mga estudyante.

Sana ay pagbutihin ng mga bagong iskolar ng

bayan ang pag-aaral.

Huwag tularan ang iba riyan na mahilig lang magrally

at bumanat sa gobyerno na siyang nagbabayad

ng kanilang matrikula. Sa mga magulang, turuan ang

mga anak na huwag maging atribida at unahin ang

bayan bago ang sarili.

Ipaalala sa kanila ang utang na loob at sana ay

magtrabaho muna sila sa Pilipinas bago maisipang

lumayas papuntang ibang bansa.

Sabi nga ng bayaning si Jose Rizal, “ang kabataan

ang pag-asa ng bayan”.

Para sa inyong katanungan, suhestiyon

at reaksiyon sumulat sa BANAT ni Bobi

Tiglao, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave.,

Quezon City o mag-email sa

banat@bulgar.com.ph