You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
14, 2017

Pramis, ‘di raw talaga becki, nagbabakla-baklaan lang…

SUPER TEKLA, HIBANG NA HIBANG SA

BABAE KAYA SIRANG-SIRA ANG CAREER

N

AKAGUGULAT pero totoo. Ang pinakamatinding

problemang hindi kayang hanapan ng solusyon

ni Super Tekla ay problema ng puso. Babae.

Maraming nagugulantang sa takbo ng

buhay ng dating co-host ni Willie Revillame.

Akala kasi ng mga kababayan natin

ay becki si Super Tekla.

Pero lalaking-lalaki pala siya. Nagbabakla-baklaan

lang. Puhunan lang niya ang

pagiging becki sa harap ng mga camera.

Babae at hindi lalaki ang kinakarelasyon

ng komedyante.

Kayang pahintuin ng babae ang ikot ng kanyang mundo.

Kapag nagkakaroon sila ng problema ng kanyang girlfriend

ngayon ay tinatabla ni Super Tekla ang mundo. Tulad ng

ginawa niya sa show ni Eugene Domingo kailan lang.

Napakalinaw ng usapan. Kailangan siya sa studio bago

mananghali. Tumawad ang kanyang handler. Puwede raw

bang makapananghali na siya darating? Pumayag naman

ang talent coordinator ng Celebrity Bluff.

Alas-tres na ay wala pa rin si Super Tekla. Alas-singko

ay wala pa rin. Tinawagan na ng produksiyon si Boobay

para sumalo sa kanyang posisyon. Agarang dumating si

Boobay.

Ang ibinigay na dahilan ng handler ni Super Tekla ay

problemado raw ang komedyante, nag-away daw sila ng

kanyang girlfriend, at kapag ganu’n na ang sitwasyon

ay bumabaligtad na ang mundo ni Super Tekla.

Maglumuhod man ngayon si Super Tekla sa

panghihingi ng paumanhin sa show ay handa namang

makinig ang staff, pero ang kunin pa uli siyang guest

sa programa ay malayo nang mangyari, may ekis na

ang kanyang pangalan sa produksiyon dahil sa kanyang

ginawa.

Walang pakialam si Super Tekla sa kung magkano

ang nagagastos ng network sa taping ng isang programa.

Milyon ang itatapon ng istasyon kapag hindi

natuloy ang taping nang dahil lang sa kawalan ng

propesyonalismo ng kanilang panauhin.

Kung hindi dumating si Boobay at walang nagawang

paraan ang produksiyon para makahanap ng papalit

kay Super Tekla ay siguradong pack-up ang taping.

Napakabilis naapektuhan ng popularidad si Super

Tekla. Pinahiram lang siya nang kaunting kapalaran

ni Willie Revillame ay nagkaganyan na siya.

Kung si Willie nga, kahit kalalabas lang sa ospital,

ay dumarating ito sa set ng Wowowin para magtrabaho.

Alam kasi ni Willie na kapag hindi sila nakapag-taping

ay milyunan ang itatapon ng produksiyon, walang

kikitain ang kanyang staff, kaya the show must go on.

Matagal din namang naging bahagi ng Wowowin si

Super Tekla, dapat ay alam na niya ang kahalagahan ng

propesyonalismo, dahil ‘yun ang unang-unang itinatanim

ni Willie Revillame sa utak ng kanyang staff.

At kalokohan ang katwiran na hindi siya nakarating

sa taping dahil nag-away sila ng kanyang girlfriend.

Ganu’n lang, babalewalain na niya ang isang kompromiso

na kung hindi niya tutuparin ay napakaraming

maaapektuhan, maraming magsasakripisyo?

Kung ganu’n kababaw ang katwirang ibibigay ni Super

Tekla sa tuwing sumisira siya sa pangako ay umalis

na lang siya sa mundong ginagalawan niya ngayon.

Magsumiksik na lang siya sa pundya ng karelasyon niya.

Nakapanghihinayang ang oportunidad na dumapo pero

pinalipad din agad paalis ni Super Tekla sa kanyang mga

palad. Kung alam lang niya na inggit na inggit sa kanya nu’n

ang maraming stand-up comedians dahil sa magandang

kapalarang ibinigay sa kanya ni Willie Revillame.

Pambihira ang ganu’n. Pero hindi iningatan at inalagaan

ni Super Tekla. Natatakot na ngayon pati ang mga show

coordinators sa malalayong probinsiya na kunin ang kanyang

serbisyo dahil baka hindi siya dumating. Baka nag-away na

naman sila ng girlfriend niya.

Si Super Tekla mismo ang naghukay ng libingan ng

maganda niyang career. Nakikiramay kami.

GUSTO naming magtawid ng pasasalamat sa isang

sikat na male personality na kahit halos wala nang

tulog at pahinga ay nakapagsisingit pa rin ng masarap

na panahon ng pasasalamat sa mga taong tumutulong

sa kanyang career.

Nu’ng matanggap namin ang kanyang mensahe ay

napatanaw kami sa malayo. Una ay hindi naman kami

naghihintay ng pasasalamat mula sa mga artistang

kahit paano’y nababahaginan namin ng ayuda.

Kung marunong silang magpasalamat

ay salamat din, at kung hindi

naman ay salamat pa rin, dahil trabaho

namin ito na walang hinihintay na

kapalit.

Sabi namin kay Japs Gersin, habang

ipinakikita namin sa kanya ang

punumpuno ng sinseridad na pasasalamat

ng sikat na aktor, akalain mo ‘yun? Nasusubaybayan

namin ang kanyang trabaho araw-araw,

alam naming pangarap na lang para sa kanya ngayon

ang masarap na tulog at pahinga, pero nakakaalala

pa siyang magbalik-pasasalamat?

Naturalesa ang tawag namin sa ganu’n. ‘Yun na

siya talaga. Umabot man sa langit ang kanyang kasikatan

ay hindi pa rin siya makalilimot at mananatiling

nakabaon sa lupa ang magkabila niyang paa.

Masarap siyang tulungan dahil marunong siyang

magpahalaga. Purihin mo man siya o pitikin ay

napakalawak ng kanyang isip sa pang-unawa.

Marespeto siya sa aming trabaho, sa aming hanay,

dahil marespeto rin siya sa kanyang sarili. Maramingmaraming

salamat sa kanya.

Itago natin ang sikat na male personality na ito

sa pangalang Alden Richards. Mas maraming salamat

sa sinserong pag-alala, pagrespeto at pagmamahal.☺

ISKUP. . . . (mula sa kanan)

so far, wala pa naman.”

ANG daming usap-usapan tungkol kay Piolo Pascual

na kesyo lately, may girlfriend na raw ito. Kumalat sa

internet na habang nasa Japan si PJ (Piolo) ay may

kasama itong girlfriend.

Sabi ng nagkuwento sa amin, ‘yung video raw ay inupload

lang sa You Tube Channel. Katabi raw ni Piolo

‘yung girl pero hindi naman ipinakita ang buong mukha

nito sa video.

At one point pa nga raw, bigla na lang sinabi ni PJ

ang “I miss you, A. I miss you, Angel.” So, ito kaya ang

name ng girl na kasama niya sa video?

What’s funny is bakit ayaw ipakita ni Piolo ang

hitsura ng girl to prove na may girlfriend na nga siya?

Hindi ba siya proud sa kanyang bagong GF kung totoo

nga ito? ☺

Contestant na malaki ang mukha, kahawig daw ng journalist…

TONY CALVENTO, PUMALAG SA JOKE NI

VICE, NAGBANTANG MAGDEDEMANDA

SA It’s Showtime last Saturday,

may binasang letter of apology si

Billy Crawford. Puzzled kami

kasi ‘yung letter was addressed

to a certain journalist na posibleng naoffend

ni Vice Ganda sa isang episode ng

show. We found out later na said journalist

was Tony Calvento.

Nag-explain si Vice na wala raw siyang

intensiyong manakit ng damdamin at gusto

lamang niyang bigyan ng payo ang TNT

(Tawag ng Tanghalan) semi-finalist na si

John Mark Saga na may insecurity sa

kanyang hitsura.

Part of the letter says, “Ang tanging

intensiyon ko ay magbigay-payo sa aming

contestant na magtiwala sa sarili at sa

kanyang kakayahan.

“Again, my sincerest apologies to Tony

Calvento.

“Malaki po ang respeto ko sa inyo bilang

isang journalist, kaibigan at kapamilya.

“Sincerely, Vice Ganda.”

Ang nangyari pala kasi nu’ng Biyernes,

nagkuwento ang contestant na si John Mark

na nag-a-upload siya noon ng mga kanta

online pero hindi nagpapakita ng hitsura

dahil takot daw siyang ma-bash.

Payo sa kanya ni Vice, huwag nitong

ikahiya ang kanyang hitsura dahil isa raw

itong biyaya.

Sabi pa ng komedyante, “Never be

ashamed of your face. ‘Yang mukha mo,

ikaw ‘yan at maraming pagdadalhan ang

mukhang ‘yan.”

Kaso, dinugtungan pa ito ni Vice ng…

“That is a gift... your face. Kahit gaano kalaki

‘yan, kahit kamukha mo si Tony Calvento,

mukha mo ‘yan kaya dapat proud ka.”

Ayun, sa parteng ito na-offend ng

Unkabogable Star ang respetadong journalist.

Ang siste, personal public apology pala

ang hinihingi ni Tony Calvento sa pagbabalik

ni Vice mula sa Korea. Nagbanta rin

daw si Tony Calvento na idedemanda ng

civil case ang It’s Showtime at criminal

case naman kay Vice Ganda kapag hindi ito

nag-personal public apology.

“Just because you’re a famous host,

you can make fun of anyone,” sabi pa ni

Calvento sa panayam nito sa PEP.ph.

INABANGAN namin last Saturday

night ang MMK dahil kuwento ito ni

Ruben Hernandez, ang bunsong anak

ng yumaong TV host na si Helen Vela.

Ang galing ni Christian Bables na

gumanap sa role ni Ben (palayaw ni

Ruben). For a beginner, he has a lot of

potential as an actor. Kaya naman pala

in demand ito lately.

We’re glad to take note also na natulungan

din pala ng elder siblings niya si

Ben. Kung hindi namin napanood ang

kuwento niya sa MMK, hindi namin

malalaman ang nangyari sa kanya. All

the while, akala namin ay macho dancer

pa rin siya.

You would admire his elder siblings,

lalo na si Princess, na hindi talaga

pinabayaan ang bunso nilang kapatid.

TINATABLAN na nga ba si

Toni Gonzaga sa mga usapusapang

may nagaganap kunong

secret affair sa pagitan

ng kanyang asawang si Direk

Paul Soriano at sa aktres na

Erich Gonzales?

Paul is right now directing

Erich in a film being shot

in Siargao. Take a look nga naman

kung gaano kaganda at

kaseksi si Erich sa mga lumabas

na pictures na kuha sa

beach sa Siargao. Mukhang

fresh na fresh ang dating ni

Erich.

Sana raw, sabi ni Toni,

hindi nila pagdaanan ni Paul

ang karaniwang pinagdaraanan

ng ibang mag-asawa.

Sa sobrang kaseksihan ni

Erich, nagmukha tuloy madir

nito si Toni.

Sa biglang pagsasalita ni

Toni tungkol sa isyu, may mga

haka-haka tuloy na lumalabas

na medyo tinatablan siya sa

tsismis tungkol kay Erich at

sa kanyang mister.

Sabi pa nito, “Sinabi na rin ‘yan sa akin

ni Paul nu’ng May. He said, ‘I think people

will gonna make an issue between me and

Erich just like what they did to me with

Maja (Salvador) before. I guess it’s inevitable

‘coz Erich already talked to me and

she said that some people are bashing

her, messaging her.’”

Dagdag pa ni Toni, “Ewan ko. Pero

siyempre, ‘di tayo magsasalita. Ayaw nating

magsalita nang tapos. But we always lift it

up to God na sana, huwag kaming magdaan

sa ganitong pagsubok o anumang challenge

sa married life.

“Naniniwala kasi ako sa intuition. Kasi

sabi ng mommy ko, kahit walang issue,

kahit walang tsismis, kahit walang ano, may

woman’s intuition. Kahit walang isyung

lumabas, ‘pag may naramdaman kang

intuition, most likely 80% of the time, it’s

true.

“Pinakiramdaman ko, so far, wala

pa naman. Baka next month, tingnan

ninyo kung ano ang mapi-feel ko. Pero

(Sundan sa kaliwa)

9