14.08.2017 Views

AUGUST 14, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Dehins lang pang-sanitize ng mga gamit at panlinis ng sugat...

iba’t ibang gamit

ng rubbing alcohol

HINDI mawawala sa

ating bahay ang rubbing

alcohol dahil nalilinis nito

ang ating mga kamay

kahit hindi na tayo

maghugas at nakaga-

galing pa ito ng sugat. Bukod pa rito,

madalas din natin

itong ginagamit lalo

‘pag may baby sa

ating bahay dahil

kailangang i-sanitize

lahat ng gamit para

hindi makakuha ng

germs si baby. Pero

knows n’yo rin ba na

ang rubbing alcohol ay

may iba pang gamit

bukod dito? Tara na’t

alamin natin ‘yan!

PINAPATAY ANG DUST MITE

AT BED BUG. Minsan, kahit anong linis

natin sa ating kama ay nangangati pa rin

tayo, hindi natin alam na bed bug na pala

ang kumakagat sa atin. Kaya naman, bago

palitan ng sapin ang ating kama ay magspray

muna ng rubbing alcohol dito at

hayaang matuyo. Ganundin sa pinamumugaran

ng alikabok, gamiting pamunas ang

rubbing alcohol para mamatay at matanggal

ang mga insektong ito. Bukod sa malinis na

at mabango pa ang hihigaan ninyo ay

protektado pa ito sa iba’t ibang insekto.

MAKE-UP HACK. Hindi natin

sinasadya na mahulog ang ating press

powder, blush-on o eye shadow at agad

itong nadurog. Kaya ang

nangyayari, itinatapon na lang

agad natin dahil hindi na natin

ito maia-apply nang maayos

sa ating mukha. Pero

don’t worry na, mga

katsika, lagyan lamang ng

rubbing alcohol ang press

powder, blush-on o eye

shadow na nadurog at

durugin pa ito at i-press

hanggang sa maging

mukhang buong muli.

Hayaan lamang na matuyo

at ola, buo na ulit ito!

Kaya kahit ilang beses pa

‘yan mabasag, sulit na sulit dahil

kering-keri nang buuing muli!

MASIKIP NA SAPATOS. Madalas

sa mga bagets na napagliliitan na ang

sapatos dahil lumalaki sila. Kaya nasasayang

lang ang ibang sapatos dahil wala nang

nagsusuot pero dahil sa rubbing alcohol,

wala nang masasayang na sapatos! Kung

masikip na ito at hindi na

madaling maisuot ay magspray

lamang ng rubbing

alcohol sa loob ng

sapatos at lagyan ng

makakapal na

medyas

hanggang

sa maachieve

a n g

gustong

luwang ng

sapatos.

Hayaan ito overnight. Maisusuot mo na ulit

ang favorite mong shoes,

anytime, anywhere!

DIY AIR FRESH-

ENER. Kung goal natin

ay makatipid sa gastusin

lalo na sa mga kagamitan

sa bahay ay gumawa

tayo ng DIY o do-ityourself

tulad na lamang

ng air freshener. Madalas

kasing bumabaho

ang loob ng bahay kapag

may nilutong malansa, may nasunog o may

alagang hayop na nasa loob ng bahay.

Paano ito gawin? Maghalo lamang ng 1

cup of rubbing alcohol at aloe vera gel at

kung gustong mas mabango ay

lagyan ng essential oil. Ang dali

lang, ‘di ba, mga katsika?

LISA ALIS. Kulang na

lang ba ay lumipad kayo sa

dami ng kuto sa inyong ulo?

Naku, mahirap ‘yan at

nagkakahawa-hawa na ang

lahat ng kasama sa bahay. Pero

‘wag nang mag-alala, mga

katsika, dahil sagot na rin

‘yan ng rubbing alcohol.

Mag-spray lamang sa

buhok nito at hayaan nang

20 minuto. Pagkatapos ay

banlawan at ola, tanggal na ang

lisa at kuto sa inyong buhok, fresh at shiny

pa!

PANANAKIT NG KATAWAN.

Pagod ba sa trabaho at masakit ang

katawan? Bukod sa ointment, puwede ring

pantanggal ng pananakit ng muscle ang rubbing

alcohol. Nakapagpapa-relax ito ng ating

muscle kaya tsupi na sa

pananakit ng katawan.

Ilan lamang ito sa

iba’t ibang paraan

gamit ang rubbing

alcohol, simple

lang, ‘di ba,

m g a

katsika?

Keringkeri

at

swak na

swak pa

sa budget!

6

Nakararamdam ng pananakit

sa sakong at hirap maglakad

mula nang manganak

Dear Doc. Shane,

Ako ay 29 yrs. old at bagong panganak sa aking

panganay. Lumobo ako sa aking pagbubuntis at halos

nadoble ang aking timbang. Nang makapanganak ako,

nakaramdam ako ng pananakit ng aking sakong at hirap

akong maglakad mula sa matagal na pagkakaupo. Ano

ito at dahil ba ito sa paglaki ko bago ako manganak kaya

ito sumasakit? Umiinom lang ako ng paracetamol at

ibuprofen pero bumabalik din ang sakit. — Vangie

Sagot

Ang sakong o heel ay makikita sa likurang bahagi ng paa,

sa bandang ilalim at likuran ng bukung-bukong. Ang timbang

ng buong katawan ay nakatuon sa paa, samantalang,

ang sakong naman ay ang nagtataguyod at ang nagsisilbing

unan sa pagkabigla ng katawan.

Parte ng sakong:

• Calcaneus – ang aktuwal na buto ng sakong. Binubuo

nito ang pundasyon na sumusuporta sa buong katawan ng tao

at humuhugis sa anyo ng sakong. Ang buto na ito rin ay

nakaugnay sa tibia at fibula, ang dalawang pangunahing buto

sa mababang binti at gumagawa ng batayan para

sa kasukasuan ng bukung-bukong.

• Achilles tendon – ang nagdurugtong sa calf

muscle patungong sakong. Ito rin ang litid na humahatak sa

sakong upang itulak pababa ang paa kapag ang calf muscle ay

umiksi. Isa ito sa pinakamakapal na litid sa katawan ng tao na

tumutulong sa paglalakad, pagtakbo at paggalaw.

Simbahan, kailangan ng mas

maraming Father Kolbe sa

panahon ngayon

MAGKASUNOD na

ipinagdiriwang ng Iglesia-

Katolika ngayong linggo ang

kapistahan ni San Maximiliano

Maria Kolbe (Agosto

14) na siyang kauna-unahang

“Martyr of Charity” ng Simbahan

at ang dakilang kapistahan

ng pag-akyat sa langit

ng Mahal na Birheng Maria

(Agosto 15). Tulad ni Santa

Teresa Benedicta dela Cruz,

nagniningning ang liwanag ni

Father Kolbe sa panahon ng

mga Nazi noong Ikalawang

Digmaang Pandaigdig.

Buong pagmamalaki ng

Simbahan na kitang-kita raw

si Hesus sa buhay ng tanyag

na Pransiskano at pundador

dahil sa kanyang malayang

pag-aalay ng sarili upang

iligtas ang isang ‘di kilalang

bilanggo na nakasama nito sa

Auschwitz Concentration

Camp.

Ipinanganak bilang

Raymond sa Zdunska Wola,

Poland noong Enero 8, 1894,

pumasok siya sa Order of

Friars Minor Conventuals sa

edad na 13 at naging pari

pagkatapos ng kanyang Doctorate

degree sa Roma noong

1918. Dahil sa kanyang nagaalab

na debosyon sa Mahal

na Birhen, idinagdag niya ang

“Maria” sa kanyang religious

name noong isagawa niya ang

kanyang solemn profession.

Kumbinsido na nagsimula na

ang Simbahan sa “Marian

Era”, itinatag niya ang Militia

of the Immaculate, isang

kilusan na may layong mas

ipalaganap ang mabuting

balita. Naging matagumpay

ang apostolado ng pari sa

panghihikayat ng mga kasapi

na itinuturing na kawal ng

Mahal na Birhen.

Nang lumaganap ang

kapangyarihan ni Hitler at

nasakop nito ang Poland,

natigil ang gawain niya dahil

ginamit ng mga sundalo ang

kanilang kumbento at itinapon

si Father Maximiliano sa loob

AGOSTO 14, 2017

• Bursal sac – ang nakatuon sa pagitan ng Achilles

tendon at ng sakong. Isa itong lukbot ng likido na humahadlang

sa paggasgas ng Achilles tendon sa buto at sa paglikha ng

sakit o ng salungatan.

• Fat pad – ang pumoprotekta at nagsisilbing unan

ng sakong. Literal itong patong ng taba sa pagitan ng buto ng

sakong at balat.

• Makapal na balat – ang panlabas na suson na

pumoprotekta sa sakong. Ang balat na ito ay kumakapal batay

sa tindi ng paggamit dahil posibleng kalyuhin ang mga paa ng

taong walang sapin ang mga paa.

• Ang pananakit ng sakong ay karaniwang nararamdaman

dahil sa bigat o timbang ng buong katawan.

Kung sakali namang hindi sigurado ang sanhi ng

pananakit matapos ang paglapat ng unang lunas, marapat

lamang na kumonsulta agad sa doktor lalo na kung:

• Mawalan ng kakayahan upang lumakad nang matiwasay.

• Nakararanas ng pananakit tuwing nagpapahinga o tuwing

gabi.

• Pamamalagi ng pananakit makalipas ang ilang araw.

• Pamamaga o pagkawala ng kulay sa likod ng mga paa.

• May palatandaan ng isang impeksiyon kabilang ang lagnat,

pamumula at init.

• Iba pang mga hindi pangkaraniwang sintomas.

Mga lunas:

• Maaaring gumamit ng 3/8 pulgada o ½ pulgadang heel

inserts.

• Pag-unat ng Achilles tendon sa pamamagitan ng paghilig

nang pasulong sa pader gamit ang paa na nakapantay sa sahig

at nakataas ang sakong ng may heel insert.

• Pag-inom ng non-steroidal anti-inflammatory drugs para

sa sakit at pamamaga.

• Paglalagay ng yelo sa likod ng sakong upang mabawasan

ang pamamaga nito.

Para sa inyong mga katanungan, maaari pong

sumulat sa SABI NI DOC ni Shane Ludovice,

BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City

o mag-email sa sabinidok@bulgar.com.ph

ng bilangguan. Hindi nagtagal,

kasama ng maraming

bilanggo, dinala ang pari sa

Auschwitz kung saan

naranasan nito ang arawaraw

na pahirap sa mga

Hudyo at sa iba pang

pinaghihinalaang kaaway ng

mga Nazi. Noong Hulyo 24,

1941, isa sa mga preso ay

nakatakas. Sa galit ng mga

sundalo ay nagpasya sila na

siyam na bilanggo ang patayin

bilang kapalit. Nag-iiyak ang

isa sa mga napiling magdusa

sa gutom sa bartolina at noon

namalas ang kadakilaan ni

Padre Kolbe.

Buong tapang siyang

lumapit sa lider ng mga

sundalo at nagprisinta na siya

na lamang ang papalit sa

taong napili. Pinagbigyan si

Father Kolbe at pinahirapan

nang husto kasama ang

siyam na bilanggong kapalit

ng tumakas. Ikinulong ang

grupo nang dalawang linggo

sa madilim na bartolina nang

walang pagkain at inumin. Si

Father Maximiliano ang

huling namatay sa kanilang

lahat noong Agosto 14, 1941

matapos siyang iniksiyunan

ng nakamamatay na carbolic

acid. Apatnapu’t pitong

gulang lang ang pari nang

bawian ng buhay sa bisperas

ng kapistahan ng Mahal na

Birhen. Sinunog ang kanyang

katawan sa gas chamber ng

Auschwitz kasama ng iba

pang mga bihag.

Ayon sa ulat, huling nakita

ang katawan ni Father Kolbe

na nakaupo at nakasandal sa

pader. Noon naalala ng

kanyang mga kasamahan

ang pahayag nito sa

komandante nang iboluntaryo

nito ang sarili: “I am a Catholic

priest, and I am old; I

want to take his place because

he has a wife and

children.” Nang tipunin ang

mga personal na liham ni Father

Kolbe para sa proseso

ng kanyang canonization,

nadiskubre ng Simbahan ang

isang liham nito noong 1920

kung saan nakasaad: “I must

become a saint as soon as

possible! Sanctity is not a

luxury, but a simple duty. It

is one of Christ’s principles

— ‘be perfect as your

Heavenly Father is perfect”.

Ayon sa Simbahan,

kailangan pa ng mga Father

Kolbe na sa panahon natin

ngayon. Noong 1971,

kinilalang beato ni Pablo VI

ang dakilang martir ng

Auschwitz at ipinroklamang

santo ng kanyang kababayan

at kapwa santong si Juan

Pablo II noong 1982. Sa

halimbawa ni San Maximiliano,

unti-unti rin nawa

nating subukang maging

mabuti at bukas-palad sa

kapwa upang matularan kung

paano ibinigay ng Panginoong

HesuKristo ang lahat-lahat

para sa atin.

San Maximiliano Maria

Kolbe, ipanalangin Mo kami!

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!