Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
OKTUBRE 28, 2017 Column Editor: PRINCESS ERIKA SOLITARIO 3

Editoryal

Editoryal

Budget para sa war on

drugs, ibigay sa PDEA

B

AGAMA’T, wala na sa pamumuno ng PNP ang kampanya

kontra iligal na droga, hindi naman natatapos

dito ang pakikipaglaban ng gobyerno.

At ngayong PDEA na ang solong mangunguna sa

giyera kontra droga, tama lang ang ginawang panghihikayat ni

House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace

Barbers kay House Committee on Appropriations Chairman Karlo

Alexie Nograles na ilipat na sa PDEA ang P900 million pondo ng

PNP para sa Oplan Double Barrel para sa taong 2018.

Tutal, hindi na ang PNP ang mamumuno sa mga operasyon

kontra droga, dapat lang na ilipat na rin ang nasabing pondo sa

PDEA upang mas matutukan at matugunan nila ang kanilang

mga pangangailangan sa pagsasagawa ng giyera kontra droga.

Tutal, sila rin ang nag-iisang ahensiya ng gobyerno na lalaban

sa top priority ng administrasyon, makatarungan lang na ipagkaloob

sa kanila ang mga kinakailangan at kakailanganin nilang

kagamitan at training upang magawa nila ang kanilang tungkulin

nang mas maayos at epektibo.

Isa pa, kung mananatili ito sa PNP, saan naman nila ito gagamitin?

Baka mamaya, mapunta na naman ito sa bulsa ng mga ‘buwayang’

pulis.

Suportahan natin ang PDEA at ibigay natin ang kanilang pangangailangan

upang mapuksa na rin ang droga sa lalong madaling

panahon.

Pasko na pero

IRR sa balikbayan

box, wala pa rin

KULANG-KULANG dalawang buwan

na lang, Pasko na! Ito ang pinakahihintay

nating lahat dahil kahit simpleng pamumuhay

lang mayroon ang karamihan sa atin,

kapag Pasko, pakiramdam natin, masaya.

At mas masaya sana ito sa mga kababayan

nating OFW kung sa lalong madalingpanahon

ay maipatutupad na ang mga panuntunan

at alituntunin sa tax-free balikbayan

boxes — ‘yung wala nang buwis na

No. 1 NEWSPAPER

FROM 2002 TO PRESENT

AS PER THE NIELSEN

PHILIPPINES

BULGAR Bldg. 538 Quezon

Avenue, Quezon City 1100

Trunk lines : 749-5664 to 65

Editorial : 749-5664 loc. 112, 114, 122

712-2874 (FAX)

Bulgar Online : 995-3732

Advertising: 749-6094 (DL) 712-2883

251-4129 (FAX) 749-1491

Credit & Collection: 742-5434

Intramuros Office: 871-9637 • 788-3479

0917-8991101 • 0928-5035343

0932-8783337

E-mail:

bosesngpinoy@bulgar.com.ph

Ang opinyon ng mga manunulat ay

personal nilang pananaw at walang

pananagutan ang publikasyong ito.

babayaran.

Dahil dito, muli tayong mananawagan sa

Bureau of Customs na ipatupad na ang rules

and regulations tungkol dito. Isang taon na

tayong nananawagan sa kanila pero, ano na?

Magpa-Pasko na pero wala pa ring kasiguraduhan

kung mapakikinabangan na ng ating

mga kababayan sa abroad ang prebilehiyong

ito.

Noong isang taon, hiniling nating ipatupad

na nang klaro at tama ang batas sa paraang

hindi magiging pahirap lalo na sa mga OFW.

Isa tayo sa mga sponsor ng RA 10863 o

ang Customs Modernization and Tariff Act

(CMTA).

Mayo pa nang nakaraang taon nang

lagdaan ito ni dating Pangulong Aquino pero

hanggang ngayon, nakatengga pa rin.

May mga alituntunin kaugnay sa mga balikbayan

box na dapat rebisahin ng BOC sa lalong

madaling panahon dahil marami ang nagrereklamo.

Rito kasi sa Customs Administrative Order

05-2016 at sa Customs Memorandum Order

04-2017 na iniatas ng kagawaran nitong Agosto,

kailangang mapirmahan muna ng mga

kuwalipikadong Pinoy sa abroad ang information

sheet na naglalahad ng kumpletong

detalye tungkol sa mga nilalaman ng kanyang

ipadadalang balikbayan box.

Kailangan ding kumpleto ang resibo ng

mga brand new na gamit na ipadadala at kaakibat

pa ang kopya ng kanilang passport.

Sa ilalim ng kautusang ito ng BOC, kada

sender ay papayagan lamang na makapagpadala

ng balikbayan box na nagkakahalagang

P150,000 sa loob ng isang taon.

Sa bersiyon natin, ang bawat OFW ay pinapayagang

makapagpadala nang tatlong ulit

sa loob ng isang taon ng tig-P150,000 ang ha-

Cogie Domingo, huli sa war

on drugs ng PDEA, kung PNP

ang nakatimbog, malamang

daw todas na ang aktor kasi

‘nanlaban’, hmmm...

GEN. ‘BATO’, BIGO SA PAGSIBAK SA

MGA ‘BULOK NA ITLOG’ SA PNP — Ayon

kay PNP Chief Gen. Ronald “Bato” dela Rosa

ay magpo-focus daw sila ni newly appointed

Special Assistant to the President Usec. Eduardo

Año sa internal cleansing sa PNP o pagsibak sa

mga pulis-scalawag.

Aba, teka, ilang beses na bang sinabi ni Gen.

“Bato” na lilinisin niya ang PNP? Nang maupo

siyang PNP Chief, sabi niya, tapos na ang happy

days ng mga pulis-scalawag. Sa kalagitnaan ng

kanyang panunungkulan, itinatag niya ang

PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) na

huhuli raw sa mga scalawag na pulis at ngayon,

sabi niya, magta-tandem sila ni Año sa “internal

cleansing” sa PNP.

Dahil dito, lumalabas tuloy na bigo si Gen.

“Bato” na linisin ang PNP at dahil malapit na

siyang magretiro ay tila iiwan na raw niya ang

PNP na marami pa ring natirang mga scalawag

na parak, hu-hu-hu!

KUNG PULIS DAW ANG NAGSAGAWA

NG DRUG-BUST, MALAMANG NAPA-

TAY NA SI COGIE DOMINGO KASI

laga ng balikbayan box.

Ibig sabihin, kabuuang P450,000 kada taon

ang puwede nilang ipadala sa kani-kanilang

pamilya sa kondisyong ang mga kagamitang

ito ay hindi pangnegosyo kundi mga personal

na gamit lamang.

Alam ninyo, isang magandang hakbang para

sa bagong pamunuan ng Bureau of Customs

na kailangang maitama sa lalong madaling panahon

ang alituntunin sa balikbayan box para

manumbalik ang kumpiyansa ng taumbayan sa

Customs.

Marami nang katiwalian sa BOC at hindi

naman siguro tama na habambuhay na lang

nating ikokonsidera na “marumi” ang kanilang

‘NANLABAN’ DAW ITO — Arestado sa antidrugs

operations ang aktor na si Cogie

Domingo at dapat siyang magpasalamat dahil

mga ahente ng PDEA (Philippine Drugs Enforcement

Agency) ang nakahuli sa kanya kaya

buhay pa siya.

Kung nagkataon daw na mga mamamataytaong

pulis ang nagsagawa ng drug-bust kay

Cogie, malamang ang laman ng mga balita ay

nanlaban siya kaya siya napatay, boom!

DAPAT PANGALANAN NA NI P-DU-

TERTE ANG MGA TAGA-SHOWBIZ NA

SANGKOT SA DROGA — Hindi lang si

Cogie, kundi maraming artista na rin daw ang

natiklo sa mga nakaraang anti-drugs operations

ng mga awtoridad.

Dahil dito, dapat na talagang ilabas ni

Pangulong Duterte ang pangalan ng mga tagashowbiz

na sangkot sa droga, para malaman

ng publiko, na ang ilan sa mga iniidolo nilang

mga artista at sikat na personalidad ay kung

hindi adik ay drug pusher naman, period!

‘PAIHI GANG’ NI ‘JOKER’ SA BA-

TANGAS CITY PROTEKTADO RAW NG

MGA TIWALING PARAK — Ilang police

officials daw ang nagbibigay-proteksiyon sa

“Oil Pilferage Syndicate” o “Paihi Gang” ni

“Joker” sa Batangas City.

Aba, kung totoo ito, sobrang bad naman

ng mga police official na protektor ng “Oil

Pilferage Syndicate” kasi magkapera lang ay

hindi na nila alintana na puwedeng pagmulan

ng malaking trahedya, pagsabog at sunog ang

ginagawang pagnanakaw ng “Paihi Gang” ng

mga produktong petrolyo sa mga oil tanker sa

Batangas City, mga buwisit!

ahensiya.

Itinuturing nating bagong bayani ang ating

mga OFW, kaya hindi tamang pahirapan natin

sila nang ganito.

Hirap na sila sa pagtatrabaho sa ibang bansa

at hirap din ang kalooban na malayo sa

kanilang pamilya, dapat pa ba silang pahirapan

ng gobyerno sa ganitong sistema?

May katanungan ka ba, reklamo o nais

ihingi ng tulong? Sumulat sa

AGARANG SOLUSYON ni Sonny

Angara, BULGAR Bldg., 538 Quezon

Ave., Quezon City o mag-email sa

agarangsolusyon.bulgar@gmail.com