Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
OKTUBRE 28, 2017 7

After magpakaligaya abroad sa piling ni John Lloyd...

ELLEN, BALIK-’PINAS,

PASABOG INAABANGAN NA

N

GAYON pa lang, marami na ang nag-aabang sa

pag-uwi sa ‘Pinas ni Ellen Adarna na isa sa mga

Bench models na rarampa sa 30 th anniversary

show ng naturang clothing line na gaganapin

sa MOA sa Nov. 18, 2017.

Tiyak kasing hindi magpapatalbog

si Ellen sa mga makakasabayan niyang

sexy stars tulad nina Kim Domingo,

Sanya Lopez, atbp..

Hot item at kontrobersiyal si

Adarna dahil sa relasyon nila ni John

Lloyd Cruz. Siguradong siya ang hahabulin ng mga

dadalong entertainment press sa Bench event.

MAY sama ng loob o tampo nga ba si Willie Revillame

sa kanyang mga co-hosts sa Wowowin? Bakit

bigla-bigla, eh, nag-solo na ito sa pagho-host ng

nasabing game show?

Ipinagtataka ng mga viewers ang pagkawala ng mga

co-hosts ni Revillame sa magkakasunod na araw ng

Wowowin. Noong Huwebes at Biyernes na special episode

ng Wowowin bilang tribute sa mga bayaning sundalo

na nakipaglaban sa giyera sa Marawi City, sinolo

ni Willie ang pagho-host kahit na malat at may

karamdaman siya. Naitawid naman nang maayos ni

Willie at hindi mo aakalain na may iniinda siyang

karamdaman. Ang saya-saya niya nang maglaro ng

Putukan Na ang mga sundalong contestants.

Well, mas masaya sana kung kumpletong nandu’n

ang mga co-hosts ni Revillame na sina Ariella

Arida, Donita Nose, Ashley Ortega, atbp..

Sa pagkakaalam namin, maayos na nagpaalam

muna sa Wowowin si Ariella dahil nagsu-shooting

siya ng pelikulang The Revengers na isa sa mga entries

sa MMFF.

Si Ashley naman, bukod sa regular teyping ng

Super Ma’am ay may pelikula ring ginagawa?

Si Donita Nose ay maraming TV guestings at

mga out-of-town shows.

So, hindi ba nila prayoridad ang Wowowin na

nagbigay sa kanila ng magandang exposure? Kahit

sana si Donita Nose ay nagpaiwan sa WWW.

MAY fallback si Aljur Abrenica sakaling wala siyang

serye at pelikulang ginagawa. May singing voice siya

na dapat niyang i-develop nang husto. Minana ni

Aljur ang kanyang talent sa pagkanta sa kanyang

ama na isang singer sa banda.

Nang mag-guest si Aljur at ang kanyang ama sa

Magandang Buhay, nahilingan silang kumanta. Dapat

karirin na rin ni Aljur ang pagiging singer-performer.

Ang acting career naman niya ay matagal na niyang

na-establish. Kaya habang naghihintay ng magandang

project at exposure sa Dos, pag-ukulan niya ng panahon

ang kanyang singing career. At least, may maipagmamalaki

siya kapag kinuha sa mga shows. Hindi niya

kailangang mag-lip synch!

Samantala, hindi rin dapat sisihin si Aljur kung hindi

pa sila nagpapakasal ni Kylie na siyang gustong mangyari

ni Robin Padilla. Si Kylie mismo ang ayaw magpakasal

kay Aljur. Nasa tamang edad na silang pareho at alam na

ang buhay na gusto nilang tahakin.

Karapatan ni Kylie na gawin ang mga bagay na makabubuti

sa kanya. At sa ngayon, si Aljur at ang anak na si

Alas ang priority niya.

EXCITED na si Yasmien Kurdi sa kanyang upcoming

teleserye sa GMA-7, ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka na

mula sa direksiyon ni Maryo J. Delos Reyes.

Makakasama niya sa serye ang premyadong aktresdirektor

na si Ms. Gina Alajar at sina Mike Tan, Jackie

Rice, Martin del Rosario at Ina Feleo.

Bukod kay Direk Maryo J., co-directors din sina

Neal del Rosario at Rado Peru.

Ngayon pa lang, curious na ang mga viewers kung

ano ang istorya ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Tiyak na

sasabak muli rito sa heavy drama scenes si Yasmien

Kurdi.

MARAMING viewers ang naaaliw sa game show na

Celebrity Bluff. Napaka-lively kasing

host ni Eugene Domingo. Idagdag pang

may simpatikong Edu Manzano na

Master Bluffer at nagpapakilig sa kababaihan

tuwing nagsasayaw kapag siya

ang napili ng contestant. Plus factor

din ang comedian na si Boobay at si

Isko Salvador a.k.a Brod Pete.

Lately, isinasama na rin at madalas mag-guest sina

Super Tekla at Boobsie Wonderland. Bukod sa naaaliw

na ang mga viewers ay may mga kaalaman din silang

natututunan.

Riot ang Halloween episode ngayon ng Celebrity

Bluff kaya dapat panoorin.

BAGO pa sumapit ang Pasko, ang Undas ang isa sa

mga pinaghahandaan ng mga Pinoy. Likas kasing

mahilig sa horror stories ang ating mga kababayan

kaya bukod sa pagdalaw sa puntod ng mga yumaong

mahal sa buhay, aligaga rin tayo sa mga Halloween

costume parties.

Ang pamilya nina Pepito (Michael V.) at Elsa

(Manilyn Reynes) sa Pepito Manaloto ay nanood ng

horror movie, kaya ginugulo sila ng manika ni Clarissa

(Angel Satsumi) na umiiyak at nakikita kung

saan-saang sulok ng kanilang bahay. Pinatingnan

sa exorcist, nagpausok at ipina-bless nila ang bahay.

Ang PM office staff naman ay nagdaos ng Halloween

party na may pa-contest pang Best Halloween

Costume.

PERSONAL: Our deepest condolences sa mga naulila

nina Baldo Marro, Vincent Daffalong at ng aming kasamahan

sa panulat na si Vir Mateo.

Maraming tinulungang artista noon si Vir Mateo

tulad nina Jestoni Alarcon, Rosanna Roces, atbp.. Naging

publicist din siya ng Jukebox Queen na si Imelda

Papin. Kapatid niya ang character actor na si Renato

“Gido” del Prado.

Nakaburol si Vir Mateo sa Jade Funeral Homes sa

Camarin, Caloocan City. Nakatakda siyang i-cremate sa

Nov. 4 at iuuwi sa bayan niya sa Hagonoy, Bulacan. ☺

Kahit nakauna pa sa kanya...

VILMA, UMAMING NASAKAL

KAYA HINIWALAYAN SI BOBOT

TULUY-TULOY pa rin ang taping

ng comedy show na Home Sweetie

Home kahit wala ang bida nilang

si John Lloyd Cruz. Mismong ang

bossing ng show na si Edgar Mortiz ang

nagkumpirma nito nu’ng dalawin namin

siya sa taping ng HSH last Wednesday.

Nakausap din namin ang komedyanteng

si Jobert Austria na isa sa mga mainstays

ng sitcom at sinabi niya na wala pa

raw pasabi ang management sa kanila

kung kailan ang last taping nila.

For as long as maganda ang rating nila,

mukhang tuloy pa rin daw ang show kahit

wala si John Lloyd. Marami kasi ang maaapektuhan

kapag isinara na ang show lalo

pa’t nalalapit na ang Pasko.

Isa si Jobert sa mga labis na nalungkot

nu’ng mabalitang magpapahinga muna si

John Lloyd sa show. Nalungkot din siya

sa mga naglabasang video scandal ni

Lloydie sa social media.

Nu’ng una pa man daw naging malapit

si Lloydie kay Ellen Adarna ay naalarma

na si Jobert. May kakaiba raw siyang

feeling towards Ellen. Pero siyempre, ano

naman ang magagawa nila para hadlangan

si Lloydie na mapalapit kay Ellen?

True.

SPEAKING of Direk Bobot Mortiz,

ibinulgar ng Star for All Seasons na si

Lipa Congresswoman Vilma Santos sa

two-part special birthday tribute sa

kanya sa Magandang Buhay na napanood

nu’ng Huwebes at kahapon, Biyernes,

na ang dati niyang kalabtim ang

kanyang first boyfriend.

Inamin din ni Congw. Vilma na ang

dahilan ng hiwalayan nila ni Direk Bobot

ay ang pagiging sobrang mahigpit nito

bilang boyfriend.

Pero hindi man sila nagkatuluyan,

Santos pa rin naman ang napangasawa

ni Direk Bobot. Ito ay ang youngest sister

ni Charo Santos na si Milet.

PINATIKIM ng sikat na clothing line na

Bench ang media at bloggers ng mga dapat

abangan sa major event nila titled Under

The Stars (Bench Denim & Underwear

Show) na magaganap sa SM MOA

Arena on November 18, Saturday.

Ginanap ang press preview para sa

nalalapit na biggest fashion event sa Ibiza

Beach Club, BGC, Taguig City last October

23.

Reynang-reyna ang Miss Universe Philippines

2016 na si Maxine Medina habang

nangunguna sa pagrampa kasunod ang iba

pang female Bench Bodies endorsers na

sina Kim Domingo, Sanya Lopez, Bianca

King at Beauty Gonzalez.

Umaapaw naman ang mga muscles sa

katawan ng male Bench Bodies na sina

Albie Casiño, Addy Raj, Bruno Gabriel

(anak ni Lani Lobangco, ang buong pangalan

ay Bruno Gabriel Santos), David Licauco,

Mark Mugen, Kiko Estrada at Marco

Gumabao.

After ng press preview, nakausap namin

ang may-ari ng Bench na si Ben Chan. Datirati

ay every other year ginaganap ang

Bench fashion show. But last year, hindi

raw sila nakapag-mount ng fashion

event dahil kung ginawa nila last year,

then they have to do it again this

year since it’s their 30 th anniversary.

“So, we opted to do it this year

instead. This time, you know,

we’re quite prepared for our anniversary

so it’s gonna be something

bigger and better,” sey ni

Ben.

Promise pa ng clothing magnate,

this year is going to be bigger

than the last one. They even

tapped a Canadian group to be

part of the show. Canadian din

ang direktor ng show and Bench

resident director na si Robi Carmona

ang choreographer. Although,

the overall concept

came from Canada.

Kinumpirma rin ni Ben na

makakasama sa Under The

Stars ang international models

na sina Ivo Buchta, Trevor Signorino at

Pietro Boselli (tinaguriang Hottest Math

Teacher).

“Yes, yes, they’re all confirmed,” excited

na sabi ni Ben Chan. “As a matter of fact, we

just communicated with them and told them

they have to be here. We don’t know what’s

gonna happen because Nov. 13 is gonna be

a holiday up to the 15, ‘di ba? Of the Economic

(Asean Summit), ‘di ba? So, baka

ma-delay ang flight. So, I hope not.”

May nagtanong kay Ben kung may

mga artista ba na “magpapasabog” ulit

sa show.

“You know, those pasabog are not part

of the show. It was on their own, so, bahala

sila. I’m not sure (kung meron). I’m just

saying na hindi naman namin controlled

‘yun. Alangan namang hahabulin ko sila sa

stage? It’s up to them.”

Nilinaw din ni Ben na walang kinalaman

ang isang active feminist group sa nangyaring

kontrobersiya sa nakaraang fashion event ng

Bench kaya inabot nang three years bago ulit

(Sundan sa p.8)