28.10.2017 Views

OCTOBER 28, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

8

Showbiz Editor: JANICE DS. NAVIDA

Proud pang ikinuwento sa mga Kapuso stars, Patrick...

HIRIT NI JENNYLYN: BINUNTIS AKO, INIWAN

NG TATAY NG ANAK KO, NINAKAWAN PA ‘KO!

S

A tinagal-tagal ni Kim Chiu sa showbiz industry,

ngayon lang pala siya nabigyan ng solo-starrer

movie, ang horror film na Ghost Bride, kaya hindi

niya napigilang maging emosyonal tungkol

dito sa panayam sa kanya sa Tonight

with Boy Abunda.

“I’m very thankful for how many

years, parang hindi ko alam na this

time will come. And this is not my movie,

this is Star Cinema’s movie and this is

Direk Chito’s (Roño) movie,” pahayag

ng bida rin sa Ikaw Lang ang Iibigin serye.

Pero sey ng host na si Boy Abunda, of course, pelikula

niya rin ito and Kim humbly said, “Thank you.”

To lighten up the mood, tinanong ni Kuya Boy ang

tungkol sa bagong grupo nina Kim, Angelica Panganiban

and Bela Padilla called AngBeKi.

Eksplanasyon ni Kim, pinagsama-samang Twitter

names nilang tatlo ang name ng group.

“Twitter name lang ‘yan. Pinagsama ‘yung Angelica,

Bela and Kim. Sakto naman, mga bakla naman kami,

babaeng bakla. So, sige, AngBeKi na lang tayo,” paliwanag

ni Kim.

Nagsimula raw silang maging close na tatlo nang maggatecrash

siya sa party. Sila raw talaga ni Bela ang may

common friend. And then, sumama siya sa aktres sa isang

party wherein invited ito at naroroon din si Angelica.

“Hanggang sa inumaga na kami,

nagkuwentuhan na kami and everything.

Hanggang sa lagi na kaming

nagsasama, napa-funny-han

naman kami sa isa’t isa, sa kalokohan

ng isa’t isa. ‘Yung may matapang,

may hindi matapang, may

pala-tawa,” kuwento ni Kim.

When asked kung ano ang

pinag-uusapan nila, say ni Kim,

“About love and life” kaya natanong

siya kung ano ang napaguusapan

about love.

Natawa si Kim, pero basta

sey niya, masaya silang

tatlo para sa isa’t isa.

“Masaya kami sa mga nararamdaman

naming love sa

isa’t isa. Support lang kami,

hindi kami ‘yung tipong ‘Hoy,

‘wag siya!’ ‘Hoy, ‘wag ‘yang

ganyan!’ Hindi. Support lang

kami,” sabi pa ni Kim.

Sa ngayon ay busy si Chinita

Princess sa promo ng

Ghost Bride at sa taping ng

ILAI na talaga namang inaabangan

araw-araw ng Kimerald

fans nila ni Gerald Anderson.

NAGING malaman at puno ng aral ang inspirational

talk na ibinigay ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado

sa mga up and coming Kapuso stars kamakailan.

Dito ay ibinahagi niya ang lahat ng personal niyang

karanasan sa loob ng 15 years na pananatili niya sa

showbiz, mula noong nagsisimula pa lang siya hanggang

sa marating ang kinalalagyan niya ngayon.

At talagang kahanga-hanga naman ang mga nalampasan

niyang pagsubok sa buhay kaya if there’s anyone

na perfect talaga na magbigay ng inspirational talk

sa mga kabataan, siya na ‘yun.

Sa nasabing talk, isa sa mga naitanong kay Jen ay

kung ano ang lowest point niya in life at kung paano

niya na-overcome?

Ang bongga ng sagot niya, “Lowest point in life ko

ay noong nabuntis ako. Sabi ko, ‘Oh, my gosh, paano

na?’ Kasi ako ‘yung breadwinner. Nabuntis ako, tapos

iniwan ako ng father ng baby ko, hindi ko na alam ang

gagawin ko.

“Ang dami pang nangyari sa buhay ko, nanakawan

pa ‘ko, inubos ‘yung pera ko sa account ko, ganu’n. Parang

hindi ko na alam kung paano ako makakabangon.

“Pero siyempre, sa tulong ng mga friends ko, ng family

ko, ng manager (Becky Aguila) ko lalo

na, sila talaga ‘yung nag-lift sa akin,”

kuwento ni Jen.

Siyempre, ang malaking pinagkakautangan

din niya ng loob kung bakit

nandito pa rin siya hanggang ngayon

ay ang home network niya, na nang

time na nabuntis siya ay puwedengpuwede

siyang idemanda.

“Actually, breach of contract nga ‘yun, eh, na

nabuntis ako. Pero pinalampas nila, binigyan pa rin

nila ako ng chance.

“So, sobrang thankful ako sa GMA at sa pamilya

ko, sa mga friends ko. Talagang hindi nila ako iniwan

kahit ano ang nangyari,” pahayag ni Jen.

Marami pang ibinahagi si Jen na kinapulutan

ng aral ng mga aspirants lalo na pagdating sa professionalism

at tamang attitude sa mga katrabaho.

Thankful ang mga bagets dahil ang dami raw nilang

natutunan sa Ultimate Star.

Wala pang bagong soap si Jen sa GMA-7 at baka

raw next year na, but she’s back in Metro Manila

Film Festival this year dahil isa sa mga official entries

ang movie nila ni Derek Ramsay na All of You

under Quantum Films.

“PETMALU” at “Lodi” ang tawag

ngayon kay Jhong Hilario

ng mga avid televiewers ng

FPJ’s Ang Probinsyano dahil

sa napakahusay na pagganap

nito sa serye bilang Homer/

Alakdan na miyembro ng mga

rebelde (Pulang Araw).

Effortless acting nga ang

sinasabi nila tungkol sa performance

ni Jhong at kamuhimuhi

raw talaga ang karakter

nito na isang traydor na kalaban

ni Cardo (Coco Martin).

In one of his interviews ay

sinabi ni Jhong na talagang

proud and honored siya na makasama

sa FPJAP at ayaw niyang

matapos ang serye nang

hindi siya nakakapag-guest.

We also learned na talagang

sa bawat episode ay

pinaghahandaan niya ang

kanyang mga eksena lalo na

nga ang malalaking eksena

nila ni Coco at isa na nga rito

ay ang pagtutuos nila.

Samantala, patuloy sa

pamamayagpag ang FPJAP sa national TV ratings. Pinaguusapan

din ito sa social media sa pagiging trending topic ng

palabas gabi-gabi at paglikom ng libu-libong tweets.☺

WINNER . . . (mula sa p.7)

sila nagkaroon ng ganitong event.

“No, no,” sambit ni Ben. “It wasn’t because of that.

Like what I said earlier, ‘di ba, if we gonna do it next year,

then, we have to do it this year, kasi 30 th . Kung gagawa

kami ng 29 th, we will going to do on the 31. Mas tama ‘yung

ganito. ‘Yun lang ‘yun.”

Binati naman namin si Ben for being consistently

on top as the leading local clothing brand in the market

after 30 years.

“Yeah,” pagsang-ayon niya. “I was really surprised

because, alam mo, na-surprised din ako because with

the latest survey conducted by the Singaporean groups,

it came out in the PDI (Philippine Daily Inquirer), ‘di

ba, that we are the number two top in mind of the millennial

and I am so happy with that.”

‘Yun na.☺

Kasal daw ang gusto para kay Kylie…

SORRY NI ALJUR, ‘DI

TANGGAP NI ROBIN

HINULI ang dating aktor na si Cogie

Domingo kasama ang isang babae

at lalaki sa aktong bumibili diumano

ng shabu sa Parañaque. Nagulat kami

nang mapanood namin ito sa flash report

ng DZMM Teleradyo.

Inaresto diumano si Cogie ng mga operatiba

ng Philippine Drug Enforcement

Agency (PDEA) Regional Office 4-A nu’ng

madaling araw ng Friday.

Ayon sa radio patrol reporter na si Joyce

Balancio, hindi pa kumpirmado kung ito

ba’y pinagplanuhan ng PDEA o nataon lang

na nandu’n si Cogie habang isinasagawa

ang naturang buy bust operation.

Naka-detain ngayon si Cogie sa Camp

Vicente Lim sa Calamba, Laguna.

Hindi pa nagbibigay ang PDEA ng

karagdagang impormasyon patungkol sa

nangyaring operasyon.

Huling napanood si Cogie sa seryeng

Someone to Watch Over Me ng GMA-

7 na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Tom

Rodriguez.

HABANG nasa kritikal na kondisyon ang

singer-actress na si Isabel Granada ay

nagawa pang mang-intriga ng ilang tao.

Instead na ipagdasal na gumaling at magkaroon

ng milagro sa kalagayan ni Isa,

‘yung iba ay pabida pang nagbabalita na

pumanaw na diumano si Isabel, tulad na

lang ni Vivian Velez (bagama’t agad din

nitong binura ang social media post). Mga

insensitive at hindi na lang hintayin ang

totoong balita mula sa pamilya ng aktres.

Iniintriga rin na magtatagpo raw ang

dating mister ni Isabel, ang actor-politician

at BeauteDerm baby na si Jericho

Genasky Aguas at ang bagong mister

ngayon ng aktres na si Arnel Cowley sa

Qatar. Kesyo gusto raw makipagbalikan

ni Jericho a.k.a. Geryk sa dating asawa.

“Guys, spare n’yo po muna kami sa

panahong ito sa intriga… Please lang…,”

unang post niya na nakikiusap.

“Para sa mga nagbbgay kulay sa napanood

na interview… ing “tune” lugud king

OKTUBRE

tau aliya mawawala nanu man ing dumalan

a situasyun.. Like a love to a

brother, parents, relatives.. Magaway kayo

at ano man mangyari anjan pagmamahal

nyo sa isat isa… but it doesnt follow also,

at “hidden” meaning.. Na Gusto ko ng

makipagbalikan sa kanya..

“Weve been together for 14 years.. 2001

to 2015.. Our marriage didnt work. But

we are all in good terms.. Ang gusto ko

ngyon mabuhay sya! Kaluguran (lab) ke,

dba kaluguran (lab) ye ren.. Pareho na

kaming may kasama o special someone..

And we love them very much. I thank

them for being united now for Isabel.

“Jaycee Parker is even the one who

supported and booked for Mama (Guwapa)

and Hubert’s (anak nila ni Isabel)

ticket. She told me too, you need

to be there for ur son and Mama

Gwapa, they need you…” dagdag-post

pa ni Geryk.

Actually, pinapauna na ni

Geryk si Mommy Guapa at si

Hubert para mauna na nilang

makita si Isabel. Pero nakikiusap

ang mag-lola na hindi nila

kayang magpunta sa Qatar na

wala siya. Gusto talaga nila itong

kasamang pumunta roon.

Sa huling update ni Geryk,

sinabi niyang... “Buong

araw akong naghintay sa harapan

ng Qatar Embassy. Unfortunately,

ginawa ang lahat ng

mga officials na tumutulong sa

akin para sa mabilis na paglabas

ng visa, pero hindi kinaya today.

Mauuna na sina Mama at

Hubert dahil sila ay Spanish

passport holder at ‘di kailangan

ng visa. Continue praying guys.”

Ipagpatuloy natin ang dasal

para sa paggaling ni Isabel.

HINDI masisisi si Robin Padilla

kung ang hinihingi niya kina

Aljur Abrenica at Kylie Padilla ay kasal.

Bilang ama, wala siyang ibang hangarin

kundi maging maayos ang kalagayan

ni Kylie. Babae ang sa kanya kaya ayaw

naman niyang maagrabyado ang anak

niya.

Kahit mag-sorry sa publiko si Aljur kay

Binoe, hindi sapat ‘yun. Hindi ‘yun ang

kailangan ni Binoe kay Aljur kundi ang

ilagay sa legal ang pagsasama ng aktor

at ni Kylie. Panagutan niya sa tamang

paraan ang pagkakaroon nila ng baby.

Du’n lang kasi mapapatunayan ni

Aljur na hindi niya talaga pababayaan ang

mag-ina niya.

Kung si Kylie mismo ang hindi pa

ready na magpakasal sila, na kay Aljur pa

rin ang responsibilidad na kumbinsihin ito

dahil ‘yun ang request ni Robin.

Sure naman na mahal ni Binoe si Kylie

at ang apo niya, pero tinitiis lang niya ang

mga ito na hindi makita dahil gusto niyang

(Sundan sa p.9)

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!