28.10.2017 Views

OCTOBER 28, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

28, 2017

TV host, ibang klase raw…

GINAWA NI WILLIE SA MGA SUNDALONG NAKIPAGLABAN

SA MARAWI, NEVER MAKAKALIMUTAN

MAGKASABAY ang Wowowin at ang aming

programa sa Radyo 5 (Cristy Ferminute) pero

nu’ng Huwebes nang hapon, pakiramdam nami’y

nakatutok din kami sa programa ni Willie

Revillame habang nagraradyo kami, dahil

sa sangkatutak na text messages na tinatanggap

namin.

Kinukuwentuhan kami ng aming mga

regulars, pinanonood nila ang espesyal

na pagpupugay na ibinigay ng Wowowin

para sa ating mga kapulisan at kasundaluhan, pero

nakikinig din sila sa CFM.

Gumawa na naman ng panibagong kasaysayan sa

mundo ng telebisyon si Willie Revillame. Habambuhay

na namang maaalala ng publiko ang pagpapahalagang

inilaan niya para sa mga kababayan nating limang buwan

na nakipaggiyera sa Marawi.

Ngayon pa lang ay lutang na lutang na ang komentong

wala sa likaw ng bituka ni Willie ang pulitika pero mas

masahol pa sa mga nakaupong opisyal ang tulong na

naibibigay niya sa ating mga kababayang kapuspalad

at sa mga kasundaluhan at kapulisan.

Komento ni Teacher NL, “‘Nay, habang nagpapatawa

kayo sa CFM, hayun naman si Willie sa Wowowin na

nagpapaiyak ng manonood dahil sa napakamakabuluhan

niyang pagbibigay ng papuri sa mga sundalo at pulis na

nag-alay ng kanilang lakas at buhay para sa ating bayan.

“Ayokong ngumalngal nang mag-isa rito. Nu’ng

makita ko pa lang ang mga sundalo at pulis na naputulan

ng paa at nasugatan sa giyera sa Marawi, eh, higit pa sa

bigwas at suntok sa dibdib ang naramdaman ko.

“Hats-off ako kay Willie, nagawa niya ang ganyang

episode na hindi naisip ng ibang shows. Ibang klase ang

puso ni Revillame. Nakakakilabot ang episode na ito,”

papuri ni Teacher NL sa Wowowin at kay Willie.

May pahabol pa si Teacher NL, “Ang galing ni Dessa,

ang Lolo Rico (Puno) mo naman, eh, hindi na kaya ang

mga high notes, kaya itinututok niya na lang ang microphone

sa audience!”

Pahayag naman ni Marichu Firmacion Espiritu, ang

aming regular listener na mula nu’n hanggang ngayon ay

patuloy pa ring nakasuporta kay Willie, “Siya na po talaga!

Hindi ako nagkamali ng paghanga sa kanya, siya lang

ang TV host na nakapagpapaiyak sa akin ng ganito.

“Luha ito ng kaligayahan dahil minsan pang binigyan

ng hope at importance ni Willie ang mga pulis at sundalo

nating five months na nakipaggiyera sa Marawi. Napakagenerous

niya, alam niya kung sinu-sino talaga ang

hahandugan niya ng tulong.

“Para kay Willie, mas maraming suwerte at biyaya

pa ang darating sa kanya. Petmalu, lodi!” pagbati pa ni

Marichu kay Willie Revillame.

Kahapon ang ikalawang sultada ng Wowowin para sa

mga magigiting nating kababayan. Ilang oras lang ang

napanood natin pero habambuhay na magkakaroon ng

espasyo si Willie Revillame sa puso ng publiko dahil sa

kabutihan ng kanyang kalooban.

At uulit-ulitin namin ang lengguwahe ng mga milenyal,

pahiram — petmalu, lodi!

BINA-BASH ngayon ang tinaguriang Miss Body

Beautiful nu’ng kasagsagan ng kanyang career, si

Vivian Velez, dahil sa maaga niyang “pagpatay” kay

XPLOSION. . . . (mula sa p.8)

malagay sa tama at ayos ang lahat. ‘Yun ang dapat pagaralang

gawin ni Aljur.

Sa palagay namin, paligayahin muna nila si Robin

na ibigay ang gusto nito bago nila makita ni Kylie ang

saya ng aktor ‘pag nakita na sa personal ang apo.

‘Di ba?

SAAN ba talaga magpapakasal sina Anne Curtis at

Erwan Heussaff?

Hindi pa rin detalyado kung sa Australia ba, sa USA

o tama ang lumalabas na alingasngas na sa Queenstown,

New Zealand sa November 11?

Ano ba ang true?☺

Isabel Granada.

Habang nakikipaglaban si Isabel dahil sa hindi

inaasahang pagka-comatose nito sa Doha, Qatar at sa

kabila ng pagdarasal ng mga kapamilya

at kaibigan ni Isabel para malampasan

nito ang matinding dagok sa kanyang

buhay ay nag-post naman si Vivian

Velez ng pakikisimpatya. “Gone too

soon… RIP Isabel Granada.”

Natural, umalma ang mga nagmamahal

kay Isabel, bakit nga naman pinapatay agad

ang taong nakikipaglaban nga sa kanyang buhay?

Na-fake news si Vivian Velez.

Nakakalungkot lang isipin na maganda ang kanyang

layunin, kaya lang ay sumablay ang kanyang

atake, kaya siya ang inaatake ngayon sa social media.

Ibinabato tuloy ngayon laban kay VV ang pagiging

tagasuporta niya ni Pangulong Rodrigo Duterte, markado

kasi siyang nakikipaglaban para sa presidente,

sana’y maihiwalay ‘yun ng mga bumabanat sa kanya

ngayon dahil wala namang kinalaman ‘yun sa sablay

niyang pagpo-post na patay na si Isabel Granada.

Isipin na lang natin na dahil kapwa niya artista

si Isabel ay gusto lang niyang makiisa sa kalungkutan

ng pamilya, kinapos lang siya sa pananaliksik,

dahil ang “pinatay” niyang personalidad ay buhay

na buhay pa.

Inalis din agad ni Vivian Velez ang kanyang

post, sangkatutak kasi ang nagsabi sa kanya na

kritikal nga ang kalagayan ni Isabel sa Qatar,

pero buhay pa.

Ang nangyari sa aktres ay isang malaking leksiyon

para sa ating lahat, lalo na sa mga nakatira na halos

sa harapan ng makina, mag-isip muna tayo nang daang

beses bago tayo pumindot.

Isang pitik lang ang katapat ng isang habambuhay

na pagkapahiya, isang hindi pinag-isipang

pindot lang ang katumbas ng mahabang panahon

ng pagsisisi, kaya kailangang maging dobleng

ingat tayo sa pagpapakawala ng mga salita sa social

media.☺

ISKUP. . . . (mula sa kanan)

ang maging bridge, hindi po ako talaga ano sa pulitika.”

At ang dahilan daw kung bakit ayaw niyang

tumakbo bilang pulitiko?

Nagbibirong sabi ni Robin, “Kasi kawawa naman

‘yung mga senador doon, baka mabugbog ko lang.

Okay na po ako.”☺

Kaya atras na lang sa pulitika…

“KAWAWA NAMAN ‘YUNG MGA SENADOR,

BAKA MABUGBOG KO LANG” — ROBIN

WITH the new endorsements coming

her way, naniniwala si Kris

Aquino na may mga pintuan

mang nagsara para sa kanya ay may mga

bago namang magbubukas.

She admitted she really felt depressed

dahil sa mga nangyari sa kanyang

showbiz career.

“There was a period of time when I felt

depressed and scared that all doors were

closing. My sons and I are financially secure

BUT it was painful to not have a venue

to continue doing what I love most- connecting

with you and entertaining you.”

Siguro raw, dahil single mom siya at

nasa 40’s na.

“Kailangan kong i-reinvent ang sarili

ko sa ngayon,” she said.

Kaya ang ginawa niya raw, araw-araw

ay nagsimba siya.

Bale ang naging susi sa pagbabalik

niyang muli as a top endorser at entrepreneur

ay ang pagdarasal.

Ani Kris, “One should never stop

praying.’’

At ang isa pa raw nagpapalakas ng

loob sa kanya ay ang unconditional love

ng kanyang dalawang anak na lalaki.

Sa ngayon kuno, nararanasan niya

pa rin daw ang konting self doubt. Kahit

na nga raw gaano ka ka-successful, paminsan-minsan,

nakakaramdam ka pa rin

ng ganitong feeling.

So far, happy si Kris sa recent developments

sa kanyang buhay.

NANGHIHINAYANG kami sa pagkabuwag

ng KissMarc love team. Inamin

ni Marco Gallo na nalulungkot siya sa

nangyari sa kanila ni Kisses Delavin.

So far, wala pa namang official announcement

ang Kapamilya Network

tungkol sa sinasabing hiwalayan nina

Kisses at Marco as a love team. Pero ang

gusto lang daw ng baguhang aktor ay

manatili ang pagkakaibigan nila ni

Kisses.

Sayang, kasi there was this interview

na napanood namin on TV kung

saan ikinuwento ni Kisses nu’ng

minsang nagkatampuhan sila ni Marco.

Hinanap daw siya nito dahil nag-decide

siyang magkape sa second floor ng isang

resto. Maya-maya, nakita raw niyang

umaakyat si Marco na may dala-dalang

balloon at may kartolinang folded

like a book. May isinulat yata sa kartolina

si Marco na binasa nito sa harap

ni Kisses.

Sabi pa ng dalaga, “May mga kasama

pa siya at may tagahawak ng balloon

habang nire-recite niya ‘yung mga nakasulat

sa kartolina.

“Akala nga nu’ng isang matandang

nandu’n ay nagte-taping kami at nagtanong

ito, ‘Kelan ba ‘yan ipapalabas

sa TV?’”

Ito raw ‘yung sweetest moment na

ginawa sa kanya ng ka-love team.

Sa nasabing interview, kitang-kita

mo kung gaano ka-close ‘yung

dalawa. May pahampas-hampas

pa si Kisses kay Marco habang

nagkukuwento.

Marco hopes na kahit ‘di

na sila love team, makuha

niya pa rin daw sanang i-save

ang friendship nila ni Kisses.

‘Di kaya selos ang ugat ng

tampuhan ng dalawang teeners

na ito? Sana naman, magkabalikan

sila. Kahit ‘di sila

magkarelasyon sa tunay

na buhay, puwede namang

manatili ‘yung

pagiging love team nila,

‘di ba?

NAKAPAG-DONATE

na si Robin Padilla ng limang

milyong piso para sa

psycho-social intervention

ng mga batang taga-Marawi,

at limang milyon ding

halaga ng relief goods para

naman sa mga pamilyang

apektado ng digmaan.

Marami tuloy ang humikayat kay

Robin na mag-join na lang sa politics since

ang advocacy nga naman niya ay tumulong

sa mga higit na nangangailangan.

In fact, ini-encourage niya ang mga

kasamahan sa showbiz na mag-donate

para sa rehabilitation ng Marawi.

Pero ayon sa ulat, kuntento na si Robin

sa pagiging artista. Ang inaasam niya raw

ay maging tulad ni Rosa Rosal, ang veteran

actress na iginugol ang buhay sa charity

bilang volunteer ng Philippine National

Red Cross (PNRC).

Gusto raw ni Robin na maging tulay

ng mga gustong tumulong sa pagbangon

ng mga taga-Marawi mula sa giyera.

Saad niya, “Ako ‘yung bagong Rosa

Rosal. Gusto ko lang talagang magkaroon

ng linya ‘yung mga maliliit na tao

papunta ru’n sa mga gustong tumulong.

“Pero ‘yun po talaga ang problema,

‘yung linya. Hindi po alam ng mga taong

gustong tumulong kung saan sila dadaan.

“‘Yung pangarap ko na ‘yun, na ako

(Sundan sa kaliwa)

9

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!