15.11.2017 Views

NOVEMBER 15, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

NOBYEMBRE 15, 2017 11

OPINYON MO, I-TEXT MO!

Send to 2786 for SUN subscribers,

0922-9992-786 for other networks

bulgar_opinyon_message

Ano ang masasabi mo na

hindi invited si VP Leni sa

ASEAN gala dinner?

TALAGANG hindi

siya iimbitahin kasi

Liberal Party siya.

Ganyan talaga ang

buhay kapag hindi ka

kakampi. Tama ba,

administrasyong Duterte?

— 0912-9305***

TAMA lang na

hindi siya imbitahan.

Paano naman kasi niya

ire-represent ang

‘Pinas, eh, ayaw niya

sa drug war at panira

pa siya sa imahe at

layunin na maging

drug free ang ‘Pinas.

— 0916-2113***

TAMA lang na

hindi imbitahan si VP

Leni Robredo. Wala

kasi siyang ginagawa

kundi siraan ang

gobyerno ni Pangulong

Duterte. Wala

kaming tiwala sa

kanya. Matinong Pilipino

kami! — 0915-

7100***

TAMA lang na hindi

imbitahan si VP Leni,

panira lang siya. Tama

na ang ginawa niyang

paninira. Hindi siya

nakatutulong sa bansa.

— Lorraine

DAPAT lang ‘yan!

Wala namang kuwenta

si VP Leni, eh! Puro

panira lang ang ginagawa

kay Pangulong

Duterte! Wala namang

naitutulong. Dapat

talagang ma-impeach

na ‘yang si Leni

Robredo! — Ralph Ian

BAKA kasi ikuwento

ni VP Leni kay

U.S. President Trump

ang tunay na sitwasyon

dito, he-he-he! —

0928-6500***

DAPAT talaga na

wala ang dilawang si

VP Leni sa buong

okasyon ng ASEAN

Summit! Bukod kasi

sa hindi naman siya

ang tunay na nanalo sa

pagka-VP, sinisiraan

pa niya ang ating

gobyerno sa ibang

mga bansa. Isa siyang

traydor sa sambayanang

Pilipino! Ang

kapal ng mukha niya,

ayaw pa niyang

umalis sa puwestong

hindi naman sa kanya!

— Eagle

PEKENG INSPEKTOR NG LPG

Nais naming magreklamo sa nangyari sa amin nitong

nakaraan kung saan nabiktima kami ng mga nagpakilalang

inspektor daw sila ng LPG. Hinakot nila ang lahat ng aming

tangke ng gas sa tindahan at nagsabi pa ito sa amin na may

kasama silang pulis at binalaan na maaaresto kami kung

hindi kami susunod sa kanilang gusto. Nag-iwan pa sila sa

amin ng parang calling card at ang pangalan ng kumpanya

nila ay De Lumen Valdez Zamora and Associates mula sa

Kamias Q.C. Magsilbi sanang babala ito sa lahat at magingat

sa mga pekeng inspektor ng LPG dahil baka maubos

din ang inyong kabuhayan. Salamat! — Carlo

TALAGANG hindi

dapat imbitahin ang

fake at traydor na si VP

Leni Robredo! Nangingisda

lang ‘yan ng foreign

officials o delegates

at the expense ni

Pangulong Duterte. Sa

mata pa lang ni VP

Leni, mababasa mo na

ang pagiging manggagamit,

mang-aagaw,

makasarili at pagkatraydor!

Gusto lang

niya na masira si

Pangulong Duterte! —

0933-5595***

HINDI naman tama

‘yan dahil bilang

mga propesyunal, kailangan

ay may parte

rin sa ASEAN ang

bise-presidente. Isantabi

man lang sana

ang political issues

nila sa okasyong ito.

— Carmen

BAKA ayaw lang

talagang pumunta ni

VP Leni at sinasabi

na hindi siya imbitado.

— Danilo

PAMEMERSONAL

na ‘yan! Igalang naman

sana nila ang bisepresidente.

Kahit ano

ang mangyari, siya ang

VP natin at hindi na

‘yun mapapalitan

hanggang sa matapos

ang termino niya. —

Von Andres

PANGGULO lang

kasi si VP Leni kaya

hindi siya isinama.

Papangit lang ang

view kapag nandoon

siya, sasabihin pa ng

mga delegado, may

nakakalat sa ASEAN,

he-he-he! — Ruben

KONTRA kasi si

VP Leni kaya hindi

siya invited. — Mac-

Tuazon JPrecie

HINDI bagay si VP

Leni sa mga ganyang

klase ng pagtitipon.

Hindi kasi siya belong

dahil hindi siya

ang tunay na nanalo

sa eleksiyon. —

Christian

LAGI namang ganyan

ang administrasyon,

lagi nilang ineexempt

si VP Leni

kaya hindi rin nararamdaman

ng sambayanang

Pilipino. Sa

mga simpleng okasyon

lang ay wala siya,

paano pa sa malakihan?

Wala na ngang

ginagawa sa bansa,

tinatanggalan pa ng

karapatan sa mga

pagtitipon. Hay, naku!

— Esther

Good news para sa mga spicy-lover diyan...

AYON SA PAG-AARAL: PAGKAIN NG

MAAANGHANG, EPEKTIB PAMPAGALING

NG BREAST CANCER!

SPICY-LOVER ka ba, hanggang anong level

ng spiciness ang kaya ng dila mo? Kung mahina

ang dila mo sa maaanghang na pagkain, siguradong

may katabi kang pitsel ng tubig para

mabanlawan ang init at anghang nito, pero kung

spicy-lover ka, no questions asked, nae-enjoy mo

ang food kapag spicy flavored ito. At alam ba

ninyong may medical benefits ang anghang ng sili

lalo na sa mga taong may cancer?

Ayon sa bagong pag-aaral, ang sili ay nakatutulong sa

paglaban sa sakit na breast cancer. Natuklasan ng mga

siyentipiko na ang spicy ingredient ay nagdudulot ng pagkasira

ng mga cancer. Anila, ang capsaicin na active component ng

sili ay maaaring bumuo ng “specialized channels” na papalibot

sa cancer cells at kusang papatay sa mga ito.

Gayundin, may kakayahan daw ang compound na ito na

puksain ang iba pang uri ng cancer tulad ng colon, bone at

pancreas. Gayunman, ang capsaicin

compound na taglay ng sili ay hindi raw

effective kung ito ay kakainin, malalanghap

o kaya ay ituturok at sa halip, ang payo ng

mga researcher ay magiging mas epektibo

ito kung magiging sangkap ito sa pills o

cancer medicines na irereseta sa mga

pasyente.

Pahayag ni Dr. Lea Weber, naglathala

ng pag-aaral sa journal na Breast Cancer

– Targets and Therapy, “ang capsaicin ay

may kakayahang magsimula ng apoptosis

(cell death) na nagpapahina at nagpapabagal sa pagdami ng

cancer cells upang mabuo sa iba pang uri ng cancer, tulad

halimbawa ng osteosarcoma, colon at pancreatic cancer cells

habang pinananatili nitong safe ang normal cells sa loob ng

katawan ng pasyente”.

Dagdag pa rito, kapag daw naabot ng capsaicin compound

ang targeted cancer cells, ang spicy ingredient na ito ay kusa

Dear Maestro,

April 9, 1998 ang birthday

ko. Naisipan kong sumangguni

sa inyo dahil

gusto ko sanang malaman

kung ano ang magiging

kapalaran ko. Makapagaaral

pa kaya ako? Kung oo,

anong kurso ang bagay sa

akin para ako ay umunlad

at umasenso? Nais ko ring

malaman kung makapagaasawa

ba ako ng mayaman

o mananalo sa lotto?

Umaasa,

Ms. Aries ng Santa Ines,

Bacolor, Pampanga

Dear Ms. Aries,

Ayon sa birth date mong

9 sa destiny number na 4

(4+9+1998=2011/ 20+11=

31/ 3+1=4) sa zodiac sign na

Aries, sinasabing sa 2020, na

may sumatutal na 4 (20+20=

40/ 2+0=4) na siya ring destiny

number mo, ibig sabihin

nito, sa taong 2020, magkakaroon

ng malaking sorpresa sa

buhay mo basta ‘wag ka lang

gagaga-gaga at ito ay mangyayari

sa eksaktong edad mong

22 na may sumatutal ding kuwatro

o 4 (ang 22 ay 2+2=4).

Kaya sa edad mo pa lang

na 21, mararamdaman mo na

ang “significant event” na ito

sa buhay mo na maaaring napakalaking

suwerte at napakagandang

kapalaran.

Kung magpo-focus ka sa

iisang “ultimate objective” na

gusto mong makamit sa buhay,

siguradung-siguradong

umanong idinidikit ang sarili

nito sa edge ng cell membrane

at saka tini-trigger ang cell receptor na kung tawagin ay

TRPV1. Ang receptor na TRPV1 ay ang channel na

nagkokontrol sa substances tulad ng calcium at sodium sa

paglabas-masok nito sa cancer cells. Kapag na-‘switched on’

na ng capsaicin ang TRPV1, ang cancer cell ay nagsisimulang

N i JHOZEL FERNANDEZ

ma-overdrive hanggang sa mag-self destruct. Habang parami

nang parami ang namamatay na cancer cells, napipigilan na

raw nito sa paglaki ang tumor hanggang sa tuluyang mapuksa

ang sakit.

Sa kasalukuyan, patuloy na pinatitibay

ng mga on-going medical analysis at clinical

trials sa Herz-Jesu-Krankenhaus Hospital

sa Dernbach, Germany at sa Centre of

Genomics sa Cologne, Germany ang

effectivity ng paggamit sa capsaicin

compound mula sa sili para sa mas mabisa,

mas ligtas at mas praktikal na paraan ng

paglaban sa cancer diseases.

Hmmm… should we say na ang mga

spicy-lover ay safe na sa cancer? Posible,

‘di ba? Pero siyempre, tanging mga

eksperto lang ang makapagpapatunay ng pagiging

epektibo nito sa larangan ng siyensiya at medisina. For

now, kung isa ka sa mga mahilig sa maaanghang na

pagkain, eh, ‘di enjoy mo lang, at least, mayroon na rin

tayong idea na kahit paano ay hindi lang panlasa natin

ang nasa-satisfy nito kundi may naidudulot ding maganda

para sa ating kalusugan.

Malinaw ayon sa birthday...

BABAENG SA SANDALING NAG-FOCUS SA MGA HANGARIN

SA BUHAY AY TIYAK NA MATUTUP

TUTUPAD ANG MGA PANGARAP

makakamit mo ito dahil bukod

sa birth date na 9 at destiny

number na 4, ikaw din ay

nagtataglay ng zodiac sign na

Aries.

Karamihan sa mga Aries

ay natutupad nila ang kanilang

mga layunin sa buhay, sa

pagpupumilit at pakikipaglaban.

Bakit naman nasabi o

nabanggit ang salitang pakikipaglaban?

Dahil ang ruling

planet ng zodiac sign na Aries ay

Mars.

Si Mars ay ang “God of

War” sa mitolohiyang Romano

na nangangahulugang

“laging mapupuno ng pakikipaglaban

at pakikihamok ang

iyong karanasan” na sa

sandaling ikaw ay nagpatuloy,

kapag hindi ka sumuko, kapag

patuloy kang lumaban,

anuman ang hamong inihahatag

sa iyo ng tadhana, sa

bandang huli, ikaw ay magwawagi

at magtatagumpay.

Oo naman, magtatagumpay

ka sa bawat hamon ng

tadhana dahil bukod sa kahulugang

“God of War” ng planetang

Mars, siya rin ay nakatakdang

magwagi sa anumang

hamon at pakikibaka sa

buhay.

At tulad ng nasabi na,

kapag naka-focus ka sa iisang

layunin lamang, hindi ‘yung

KAPALARAN

ayon sa

inyong NUMERO

ni MAESTRO HONORIO ONG

kung anu-anong kagagahan

ang pinaggagagawa mo sa

kasalukuyan na nangangahulugan

lamang na hindi mo

napapansin, nai-scattered o

“pakalat-kalat lang ang iyong

inner energy kung saan-saang

gawain”, doon naman sa ganu’ng

sitwasyon ng buhay, u-

usad nang uusad ang panahon,

hindi mo mapapansin, tumatanda

ka na pero wala pa

ring malaking achievement na

nangyayari sa iyong buhay.

Kaya isang blessing na

matatawag ang mga sandaling

ito o sabihin na lang nating isang

“wake-up call” na ngayon pa

lang, ayusin at pagandahin mo

na ang iyong mga ginagawa

at nararanasan upang kapag

nakapag-focus ka sa iisang

layunin lamang na gustunggusto

mo talagang makamit,

walang duda, tulad ng nasabi

na, sa taong 2020, sa edad

mong 22 pataas, magtatagumpay

ka na at habambuhay

na magiging maligaya.

Kaya sa itinatanong mo

kung makapag-aaral, uunlad,

makapag-aasawa ng mayaman

at mananalo ka ba sa

lotto? Tulad ng eksakto at depenidong

kasagutan, “kung

magko-concentrate ka sa

iisang layunin lamang, halimbawa

ay ang makapag-asawa

ng mayaman, kusa mo namang

matutupad ito kung ‘yun talaga

ang gustung-gusto mong gawin

at ipatupad sa iyong buhay.

Ganundin sa pag-aaral,

kung talagang magpo-focus o

bubuhusan mo ng time at resources

na muli kang makapag-aral,

magagawa mo dahil

nga ikaw ay nagtataglay ng

strong number na nine (9) at

zodiac sign na Aries, kaya

anuman ang pag-concentratean

mo, dapat ngayon na gawin

upang pagsapit ng taong 2020

tulad ng paulit-ulit na nasabi

na, walang duda, isang

malaking sorpresa ng kapalaran

ang makakamit mo, sa

edad mong 22 pataas, isa-isa

nang matutupad ang lahat ng

pangarap mo sa buhay, magtatagumpay

at habambuhay na

magiging maligaya.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!