15.11.2017 Views

NOVEMBER 15, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

NOBYEMBRE 15, 2017

IMPORTS NG SLR,

UMANGAT!

SA wakas, nakaangat na sa lupa ang Sta. Lucia Lady Realtors nang makakuha rin ng unang panalo laban sa

Victoria Sports-UST, 25-19, 25-21, 25-19, na nanatiling wala pa ring napagwawagian na laro sa pagpapatuloy

kahapon ng 2017 Super Liga Grand Prix sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Matapos ang apat na sunud-sunod na pagkatalo,

nagawang maitaas ng Realtors ang kanilang bandila laban sa

pinasadsad pa na VS-UST sa 0-3 naman na kartada.

Naasahan ng Lady Realtors ang trio nina Ukranian

reinforcement Dana Anisova, Canadian Marisa Field at local

star Pam Lastimosa para sa unang panalo ng prestigious club

league ng volleyball.

Bumanat si Anisova ng 11 kills para sa 13 points, habang

sina Field at Lastimosa ay may tig-11 puntos para sa Lady

Realtors na dinomina ang blocking department, 8-2, na isinaere

ng TV5 at ESPN5.

“Marami pa rin kaming errors and lapses then, hindi pa

rin nagko-connect ang setter at middle hitters natin. Buti na

8TH WORLD CUP BOWLING TITLE,

SINUNGKIT NI PINAY TABORA

MULI na namang isinilang ang isang Filipino na

magtataas ng bandila ng Pilipinas sa larangan ng bowling,

dahil world class na ang galing ng Pinay na si Krizziah

Tabora at kahilera na niya ngayon ang mga elite league na

Pinoy bowlers.

Ka-level na niya ngayon sa husay ang mga keg legends

na sina Paeng Nepomuceno at Bong Coo, makaraang

magkampeon at bumida sa QubicaAMF Bowling World

Cup sa Mexico nitong nakaraang weekend.

Unang nag-third seed matapos ang qualifying games,

pinayuko ni Tabora ang Malaysian na si Siti Safiyah sa all-

Asia final, 236-191, upang ibigay sa Pilipinas ang maagang

pamasko sa bansa na ikawalong World Cup title. Umiskor

ng strikes si Tabora sa frames five to nine upang pakabugin

ang karibal.

“I know people at home have been

watching on the live streaming, and I’ve

already got lots of notifications from friends

and family,” tuwang-tuwang sabi ni Tabora sa

QubicaAMF website na lumabas sa ABS-CBN

News online. ”It has been a good year for me,” dagdag

ni Tabora, na unang pinadapa si Colombian Rocio

Restrepo sa semifinals, 249-222. “Our ladies team

won bronze in the SEA Games, and then, we got silver

in the Asian Indoor Games. But this is far and away, the

best.” Bukod kay Tabora, unang nasungkit nina Nepomuceno

at Coo, Lita dela Rosa at CJ Suarez ang prestihiyosong

World Cup titles.

(MC)

TADLAS AT HALLASGO, NAGHARI AT

REYNA SA MILO MARATHON BUTUAN

BUTUAN CITY – Matapos ang isang maikling pahinga, bumalik na ang 41st National MILO Marathon, Linggo nang

umaga sa Father Saturnino Urios University Gym kung saan mga pamilyar na mukha ang naghari at nagreyna. Nabawi ni

Bobby Tadlas ang korona na huli niyang nahawakan noong 2015, habang kinumpleto ni Christine Hallasgo ang pagwalis

ng mga premyo para sa kanilang koponan ang Malaybalay Runners.

Pinili ni Tadlas na tumakbo noong isang taon sa Tagbilaran at umoras ng 1:13:41 sa 21-km karera. Pumangalawa

si Jemarwin Cabran (1:18:31) at sinundan ni Alvirg Busa (1:21:18). Si Hallasgo ay nagkampeon sa

Cagayan de Oro nang dalawang beses mula noong 2014 hanggang 2015 at nakatikim muli ng tagumpay

(1:30:45), sapat para mapabilang sa Top 10 ng kalalakihan. Iniwan ni Hallasgo sina Janette

Mendoza (1:47:59) at ang kapwa Malaybalay Runner na si Jaylou Maloloy-on (1:51:27).

Pangungunahan nina Tadlas at Hallasgo ang lahat ng mga pumasa sa takdang oras para

sa National Finals sa Dis. 3 sa Cebu City. Nais ni Tadlas na umangat mula sa 18th place

sa National Finals noong 2016 sa Iloilo City.

Samantala, ang 10-km ay napunta kina Ruel Alguffera (35:03) at Lovely Andrin

(45:36), habang ang 5-km ay nakuha nina Rico Jay Patanao (17:22) at Afjeel

Clampiano (22:34). Ang 3-km karera para sa kabataan ay pinagwagian

nina John Paul Escoro (11:43) at An Mansacoban (13:33).

Gaganapin ang huling karera ng MILO Marathon sa CDO sa

Linggo. Ito na ang huling pagkakataon para makasali sa pinakamatanda

at pinakaprestihiyosong takbuhan sa Pilipinas. (A. Servinio)

PANOORIN SA UFC: BISPING KAPALIT

NI SILVA KONTRA GASTELUM SA CHINA

INANUNSIYO ng UFC, ang world’s

premier Mixed Martial Arts (MMA)

organization, na si number 2-ranked UFC

contender Michael Bisping (31-8, ng

Manchester, England) ay kumpirmadong

papalitan si Anderson Silva na tinanggal sa

Shanghai event, bunga na rin ng paglabag nito

sa USADA Anti-Doping Policy.

Ayon sa Philboxing, ang UFC Fight Night

Shanghai ay magiging Bisping vs. Gastelum na

idaraos sa Mercedes-Benz Arena, Shanghai sa

Nob. 25, 2017.

Isa sa ‘most accomplished athletes’ sa

UFC, hawak ni Bisping ang pinakamaraming

panalo sa UFC history, may 20 Octagon wins

sa panahon ng mahaba at matagumpay niyang

MMA career.

Ranked second sa Middleweight division

at kamakailan ay natalo ng titulo kay Georges

lang nandiyan ‘yung ibang imports natin na kayang-kaya

‘yung outside hits,” ayon kay Sta. Lucia Realty Head Coach

Jerry Yee. ”Ang hirap noon kapag natalo pa kami. So, kahit

papaano may konting pressure roon. We needed a win so we

got a win,” dagdag niya. ”Ito ang mga baby step namin so,

we’ll take it.”

Nasayang naman ang 9 na puntos nina Dimdim Pacres

at tig-8 points nina Carla Sandoval at Caitlyn Viray para sa

Golden Tigresses na umani pa rin ng 3 talo. (MC)

Laro sa Huwebes - (FilOil Flying V Centre) 4:15 p.m. –

Cocolife vs. Iriga City; 7:00 p.m. –

Generika-Ayala vs. F2 Logistics.

St-Pierre sa UFC 217. Pakay ni Bisping na

bumida sa China at patunayan na siya pa rin

ang isa sa all-time greats, pormado at matikas

pa para sa titulo.

Panoorin si Bisping ng MMA fans sa

Shanghai para sa isang pinakamatikas na laban

ng alamat laban sa no. 8-ranked Middleweight

Kelvin Gastelum (14-3, 1 NC, mula sa Arizona,

U.S.) na first time sa Octagon.

Nagkapangalan si Gastelum sa

Middleweight division kontra kina Tim

Kennedy at Johny Hendricks. Tulad ni

Bisping, si Gastelum ay dating winner ng The

Ultimate Fighter at ngayon, ang 26-year-old

ay walang takot na titibagin ang dating

kampeon.

Sa co-main event, haharapin ni China’s elite

MMA welterweight star Li Jingliang (13-4,

fighting ng Beijing, China) sa Welterweight clash

si Zak Ottow (15-4, ng Milwaukee,

Wisconsin, USA ).

Dream come true kay Li ang laban sa

UFC sa China nang unang talunin sina

Frank Camacho, Bobby Nash at Dhiego

Lima. Ipakikita ng 29-year old ang striking at

wrestling skills at patunayang siya ang

pinakamatikas na MMA athlete ng China

ngayon. Mapipigilan ba si Li ni American

Ottow sa ambisyon nito? (MC)

CEBU BOYS AT DUMAGUETE, GOLD

SA TENNIS AT SEPAK SA BATANG PINOY

15

DUMAGUETE CITY- Umagaw ng eksena ang mga tennis, softball at sepak takraw

players sa 2017 Batang Pinoy Visayas Leg na ginawa sa Lamberto Macias Sports and

Cultural Center dito.

Sinungkit ng Cebu City ang ginto sa boys at inangkin ng La Carlota ang girls sa team sa

lawn tennis at umabante sa next round ang mga Cebuano sa sepak takraw at ang kanilang

counterpart sa softball ay nagwagi vs. Guimaras, 6-1, at ang basketball team galing sa

Mandaue ang umabanse sa finals.

Nakakuha ang host Dumaguete ng 2 pang ginto sa swimming na sina Rangze Benedict

Quilicot sa 100m backstroke (1:27.75) at Monique Ram Uypitching sa 100m breaststroke

(1:24.92 sa 12-under girls) at ang softball team ng Baybay, Leyte ay nanalo, 7-0.

Tinalo ng mga Cebuano ang Dumaguete City, 2-1, sa boys, 1-2, sa girls lawn tennis.

Habang namamayagpag ang mga Cebuano sa tennis at sepak takraw, patuloy na nilulunod

ng mga manlalangoy ng Aklan ang mga kalaban at ang mga mananakbo sa Leyte ay nagpapakin

ng alikabok sa athletics. Sumisid ang Aklanons ng 2 pang ginto at 1 pilak at tumapos sa

swimming para sa kabuuang 15-10-4 medals at tinanghal na best swimmer sina Kyla

Soguilon at Jennuel Booh de Leon sa 12-under boys dahil sa limang gold medals.

Target ni Soguilon ang 6 gold, subalit, nabigo ang kanyang team sa 200-m freestyle relay

mula sa Bacolod sa quartet nina Jhannna Neri, Janine Marie Sabina Yusay, Raela Duchess

Grace Uy at Marie Louise Lacson (2:07.49).

Sumosyo sina Chloe Laurente ng Ormoc, Angel Lyn Docabo ng Bohol at Gabriel

Manigque ng Tagbiliran City ng tig-5 ginto.

Ang ipinagmamalaki ng Leyte na sina Jayvee Alvarez, Christian Zamora

at Chin Chin Alkuino ay nagwagi sa kanilang events sa athletics at ang

kanilang kababayan na sina Jane Bianca Combate at Shane Avryl Demiao

ay umabanse sa finals sa 200m girls.

Dinomina ni Alvarez ang 800m boys (2:10.5 seconds), wagi si

Zamora sa discuss throw boys (38.00 meters) at nanalo si Alkuino sa

800m girls (2:22.7 seconds).

Impresibong tinalo nina Alvarez at Alkuino sa takbuhan

ang mga kalaban mula sa Cebu, Bago at Bacolod at

pinayuko ni Zamora sa hagisan ng bakal na bola.

Gagawin ang finals sa chess, boxing, basketball

at volleyball sa Nob. 16 kasabay ng ibang

sports kasama ang iba pang ball

games. (Clyde Mariano)

PUWERSAHANG ibinuslo ni Cris Soberano ng San

Beda Red Lions ang bola sa depensa ni Jaymar

Perez at Wilson Baltazar ng LPU Pirates sa 2017

NCAA Season 93 Men’s Basketball Tournament

sa Smart Araneta Coliseum kung saan nakauna

ang Red Lions sa best-of-3 final series sa iskor na

94-87. Sino kaya ang mananaig sa Game 2?

(Neb Castillo)

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!