You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
13 S U R E L L
Kinse
Anyos
Amoy sinigang ang gumising sa akin. Tunog ng pagkaing piniprito ang
aking narinig. “O, gising ka na pala,” sabi ng aking nanay na naghahain ng
almusal sa lamesa. “Kumain ka na rito.” Umupo ako at pinagmasdan ang
tahimik na kapaligiran sa labas. Magandang manirahan dito sa probinsya.
Tahimik at maaliwalas. Nakita ko ang mga kaibigan kong maagang
naglalaro sa labas. “Hoy, Aviel! Sali ka na!” sigaw ng isa kong kaibigan.
“Mamaya! Kakain muna ako!” Nagngitian kami at nagpatuloy siya sa
paglalaro. Umupo ang nanay ko sa harap ko at sinabing, “Babalik na tayo
ng Manila bukas kaya lubus-lubusin mo na.” Nakakalungkot. Gusto ko
pang manatili rito. Kumain ako nang tahimik. Tumingin ulit ako sa labas at
nakitang wala na sila. “Ma, tapos na po ako. Labas lang ako.” Lumabas
ako ng bahay at hinanap sila.
Ilang taon na ba ako? Kinse anyos. Ilang taon na ang kalaro ko? Ganoon
din. Nakita ko siyang umiiyak sa ilalim ng punong mangga. Magulo ang
suot at paligid. “Daphnie?” tawag ko at bigla siyang nagulat at nagpunas
ng mga luha. “Bakit? Lalaro na ba tayo?” Umupo ako sa tabi niya at umiling.
“Bakit ka umiiyak?” tanong ko sa kanya. “Ha? Hindi ah! Wala ‘to, laro
na tayo!” Pagkatayo niya, biglang nanghina at nanginig ang mga tuhod
niya. Napatingin ako sa tinitingnan niya, bigla niya ‘kong hinawakan.
Isang lalaking naninigarilyong nakatitig sa kanyang katawan. Hinila niya
ako palayo at tumakbo. Tumigil kami sa bahay nila at bigla na naman siyang
umiyak. “Sino yun?!” tanong ko ngunit iling lamang siya nang iling.
“Natatakot ako, Aviel.” Niyakap ko siya at pinatahan.
Pagkabalik namin ng Manila, may binalita sa’kin ang aking nanay. “Buntis
si Daphnie! Napakalandi talaga n’ong batang iyon!” Malandi ba talaga o
napilitan?
replektibong sanaysay