25.01.2020 Views

syapollll

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

21 A N G

Kahit na mayroon nang modernong

mundo sa labas ng kanilang

nayon, nagawa pa rin nilang

buhayan ang mga tradisyunal na

gawain nila. Nanatili ang hangi o

Earth oven bilang pamamaraan

nila ng pagluto. Nanatili ang kahulugan

ng mga tatu sa mukha

nila, kung saan ipinapakita ang

kanilang mga tagumpay. Nanatili

ang mga laro na sumusubok sa

kanilang sense of direction at

agility para sanayin sila sa pangangaso.

Nanatili ang halaga ng

haka na isang sayaw ng digmaan.

Nanatili ang pagbati na

kia ora na nangangahulugang

“have life and be healthy”.

Talagang makikita mo ang

pagpapahalaga nila sa kanilang

kultura. Malaki ang respeto ko

sa katangian nilang ito dahil ang

mga gawain at bagay ng kultura’y

madaling mawala sa

makabagong mundo, ngunit nagawa

nilang yakapin at panatilihin

ang mga ito hanggang

ngayon.

Nang maranasan na namin ang

bawat isa sa Houses of Learning,

dumako naman kami sa sumunod

na parte ng tour –

ang pag-angat ng hangi mula

sa lupa. Ipinakita nila sa

amin ang pamamaraan ng

pagluto ng iilan sa pagkain na

kasama sa aming buffet. Kumbaga,

ito ay parang

live viewing ng isang hangi. Mula

sa lupa, inilabas nila ang mga

manok, karot, at patatas na kanilang

niluto. Ang masarap na

amoy ay lumibot sa lugar, at

tuluyan nang nagutom ang lahat.

Ngunit, hindi pa oras para kumain.

Pagkatabi nila ng aming

pagkain, pinapunta nila kami sa

isang silid na mukhang teatro.

Ikwinento ng kanilang kapitan

na ito ay inukit ng disenyong

mukhang ribcage dahil kumakatawan

daw ito sa kanilang mga

ninuno. Sa pamamagitan ng

aming pagdalo sa loob nito, nagawa

raw naming buhayin ang

kanilang mga ninuno. Sa simpleng

pahayag na ito, nakita ko

ang pagpapahalaga nila sa mga

nauna sa kanila. Kung malaki

ang respeto ng mga taga-New

Zealand sa mga Maori, mas malaki

naman ang respeto ng Maori

sa mga ninuno nila. Malaki ang

pagpapasalamat nila sa mga ito

dahil sa pagtuklas sa kinikilala

nilang tirahan ngayon.

Dito sa loob ng silid, ang mga

Maori ay kumanta’t sumayaw.

Agaw-pansin ang kanilang mga

boses at ang masining na

pagkumpas ng kanilang mga kamay.

Makikilala mo talaga ang

talento nila kapag napanood mo

ang mga pagtanghal na ito.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!