25.01.2020 Views

syapollll

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Lorem ipsum

FILTERS

Syapol

Syapol

ENERO / 2019

40 na sulatin • ng STEM 183

I-SYAPOL


nila

laman

3

Aj Ivherson L. Nalangan

4

Ramon Benedict V. Elloso

5

Princess Nicole Ricafort

6

Corneliani Jon G. Melo

7

コスプレ

Gianna Bernice R. Artajos

13

Sofia Aviel A. Surell

14

Dan Michael C. Alfaras


15

Marcus Philip L. Flores

16

Gianna Bernice R. Artajos

17

Eliiamae B. Ang

27

Sara Derica Resol

30

Aj Ivherson L. Nalangan

32

Elliamae B. Ang

34

Sara Derica Resol


35

Sofia Aviel A. Surell

37

Dan Michael C. Alfaras

38

Princess Nicole Ricafort

39

Aj Ivherson L. Nalangan

41

Corneliani Jon G. Melo

43

Dan Michael C. Alfaras

43

Alyanna Divine Bayani

44

Gianna Bernice R. Artajos

45

Lester Dave Salazar

50

Princess Nicole Ricafort

51

Lester Dave Salazar

52

Alyanna Divine Bayani

53

Alyanna Divine Bayani

54

Gianna Bernice R. Artajos


nila

laman

55

56

Elliamae B. Ang

Patrick Cortez

57

Stefano Franco Binay

58

Lester Dave Salazar

59

Alyanna Divine Bayani

61

Aj Ivherson L. Nalangan

62

Eliiamae B. Ang

63

Ramon Benedict Elloso

64

Princess Nicole Ricafort

66

Ramon Benedict Elloso

67

Stefano Franco Binay


Paunang

Salita.


Ano pa ang hinihintay mo? Syapol Play!

Elliamae B. Ang

PUNONG PATNUGOT


03

N A L A N G A N

Dalawa,

Apat,

Dalawa

replektibong sanaysay


E L LO S O

04

SEA

Games

Hosted

ng

Pilipinas

posisyong papel


laraw

05 R I CA F O R T

larawang sanaysay

Tambayokona


M E L O

06

Ayoko Na,

Suko Na Ako

ang sanaysay


lakbay sanaysay

07 A R TA J O S

Cosplay

コスプレ


08


09 A R TA J O S

Cosplay

mania


cellphone, parehas kaming gusto

nang magpahinga, at parehas naming

alam kung anong gusto namin.

Lumabas kami ng SMX Convention

Center para pumunta sa isang maliit

na café na pangalan ay The Black

Scoop, isang café na nagbebenta ng

kape, boba tea, at iba pang matamis

na inumin. Bumili ako ng ng white

chocolate mocha habang bumili si

Kloie ng paborito niyang cookies

and cream. Napahinga namin ang

masakit naming mga paa, at namamagang

braso sa pagbuhat ng

mabigat na bag na puno ng aming

merchandise.

“This is just the first day” bulong ni

Kloie habang siya ay nag-scroll sa

kanyang Instagram. Pinagmasdan

ang aking pagod na mata at tumango

bilang tugod. Kasi gusto ko

matipid ang aking energy. Ang original

na plano ay kakain kami ng ramen

sa isang kainan na tawag ay

Ramen Nagi para sa hapunan, para

sa aking birthday treat kay Kloie.

Nagpalipas kami ng ilang minuto sa

loob ng SM MOA, tagos ng SMX

Convention Center, binayaan namin

ang mga taong tumitimgin sa amin

habang kami ay naglalakad kung

saan. Sa mga ibang tao, mukha kami

kakagaling lang sa costume party,

pero ang realidad, kami ay dalawang

pagod na estudyante na gustong

kumain ng ramen.

Paglipas ng oras, sumuko navkami

at nag-book kami ng Grab para

makauwi nalang. Naghintay kami sa

harap ng 2Go store sa may SM

MOA, nakikita parin namin ng mga

grupo ng cosplayers na nasa loob

ng SMX lumabas sila at nag paalam

kami sakanila, dahil makikita naman

namin sila sa susunod na araw,

nakakaaliw na makita iyon. Dumating

ang sundo namin at pumasok

kami sa kotse, nagsali-salitan kami

matulog habang naka-share kami ng

headset na naka-connect sa cellphone

ko, tumutugtog ng musika

galing sa mga anime. Tinignan ko sa

bag ko ang dalawang pitaka ko,

yung unang pitaka ay para pambili

ng kahit ano-ano, habang yung pangalawa

ay para sa mga importanteng

bagay katulad ng bayad para

sa pamasahe, pagkain, at pang

emergency.

Nakauwi kami ni Kloie at binayaran

ko ang driver ng 230 – 300 pesos

para sa fare, nung nagutom kami

kasi hindi kami kumain ng ramen,

kumain nalang kami ng pizza at fries

sa SNR, tapos bumalik kami sa condo

ko para makatulog. Kailangan

namin yan kasi may isa pang araw

na magaganap.

10

lakbay sanaysay


11 A R TA J O S

Setyembre 29, 2019 (Linggo)

Ako ang unang nagising dahil tumunog ng 8:00 ang alarm ko kaya ako rin muna

gumawa ng lahat. Inilabas ko lahat ng binili ko kahapon sa bag ko, inayos

ko ang susuotin ko mamaya, si Yuuri Katsuki galing sa anime na Yuri! On Ice,

at naligo na ako. Nagising naman si Kloie dahil sa ingay ko, pero sinabi niya

“My feet hurt man”. Nasa banyo ako nang kinakausap ko siya habang ako ay

naliligo “Same dude”. Sarap kung kami lang ang nasa condo at wala ang pamilya

ko. Ang rason kung bakit wala ang pamilya ko (Nanay, tatay, ate) kasi

kung lahat kami matutulog sa condo at dumagdag pa si Kloie, hindi kami kakasya.

Kaya pinyagan ng nanay ko na kahit kami nalang ni Kloie matulog sa

condo, basta wala nang iba. Nung ayos na lahat ng gamit namin at susuotin,

ang orihinal na plano ay mag-book ng Grab papunta sa SMX, Ngunit,

Inalok kami ng magulang ni Kloie para ihatid kami sa SMX. Hindi naman ako

nagrereklamo (ulit), kasi masaya na ang pitaka ko para sa mga gastos ng

transportasyon. Nung dumating ang kanyang magulang, sinabi niya na mag

mimisa muna tayo bago pumunta sa kombensyon. Ulit, hindi ako nagrereklamo

kasi hindi naman ako yung nag-mamaneho. Habang nagmimisa kami, napansin

ko na kapag maaga kami ni Kloie pumunta sa kombensyon, mas maaga

at mas madali kaming mapapagod, at yung mga magagandang cosplayers

pumupunta sila ng hapon pa. Ang mga plano na pupunta ng maaga ay hindi

nasunod, pero ulit wala namang problema.

SMX

Kloie.


12

Pagkatapos ng misa, sinundo kami sa SMX muli mga bandang 3:00 ng hapon.

Ganon din ginawa namin, una sa guard, pila para sa wrist band, tapos pumasok

na sa kombensyon. Nung pumasok kami muli, may mga tao na pinapaalam

kung pwede silang mag picture sa amin ni Kloie. Nahihiya at natuwa

naman kami sa mga taong nagtatanong. Sa buong araw, ginustuhan naming

ang mga nakikita at naririnig naming sa communidad ng mga gusto sa anime

at ang pagsasama namin ni Kloie.

Natapos ang araw nung sinabi ni Kloie na sumasakit na ang tiyan niya. Kinbahan

ako, hindi dahil sa pag-alis ng maaga, pero sa pagkikita na ang aking

kaibigan ay may sakit. Sa huli, umalis na siya, sinundo siya muli ng kanyang

mga mabait na magulang, tapos ako naman ay nakauwi na sa condong

tinulugan namin kagabi. Nung natapos ang lahat, gusto namin bumalik at

umulit ng dalawang araw. Kahit sa sobrang maraming na planomg bago,

maayos naman ang mga plano at masaya naman na nangyari iyon. Kapag napunta

ka sa isang lugar, na kasama mo ang tao na gusto mong makasama, lahat

ng plano na ginawa sa simula, wala iyong pake dahil mas importante na

magkasama kayo hanngang sa huli.

lakbay sanaysay

lakbay sanaysay


13 S U R E L L

Kinse

Anyos

Amoy sinigang ang gumising sa akin. Tunog ng pagkaing piniprito ang

aking narinig. “O, gising ka na pala,” sabi ng aking nanay na naghahain ng

almusal sa lamesa. “Kumain ka na rito.” Umupo ako at pinagmasdan ang

tahimik na kapaligiran sa labas. Magandang manirahan dito sa probinsya.

Tahimik at maaliwalas. Nakita ko ang mga kaibigan kong maagang

naglalaro sa labas. “Hoy, Aviel! Sali ka na!” sigaw ng isa kong kaibigan.

“Mamaya! Kakain muna ako!” Nagngitian kami at nagpatuloy siya sa

paglalaro. Umupo ang nanay ko sa harap ko at sinabing, “Babalik na tayo

ng Manila bukas kaya lubus-lubusin mo na.” Nakakalungkot. Gusto ko

pang manatili rito. Kumain ako nang tahimik. Tumingin ulit ako sa labas at

nakitang wala na sila. “Ma, tapos na po ako. Labas lang ako.” Lumabas

ako ng bahay at hinanap sila.

Ilang taon na ba ako? Kinse anyos. Ilang taon na ang kalaro ko? Ganoon

din. Nakita ko siyang umiiyak sa ilalim ng punong mangga. Magulo ang

suot at paligid. “Daphnie?” tawag ko at bigla siyang nagulat at nagpunas

ng mga luha. “Bakit? Lalaro na ba tayo?” Umupo ako sa tabi niya at umiling.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ko sa kanya. “Ha? Hindi ah! Wala ‘to, laro

na tayo!” Pagkatayo niya, biglang nanghina at nanginig ang mga tuhod

niya. Napatingin ako sa tinitingnan niya, bigla niya ‘kong hinawakan.

Isang lalaking naninigarilyong nakatitig sa kanyang katawan. Hinila niya

ako palayo at tumakbo. Tumigil kami sa bahay nila at bigla na naman siyang

umiyak. “Sino yun?!” tanong ko ngunit iling lamang siya nang iling.

“Natatakot ako, Aviel.” Niyakap ko siya at pinatahan.

Pagkabalik namin ng Manila, may binalita sa’kin ang aking nanay. “Buntis

si Daphnie! Napakalandi talaga n’ong batang iyon!” Malandi ba talaga o

napilitan?

replektibong sanaysay


A L FA R A S

14

Tama Na!

Itigil Na!

Alam naman nating ang motorsiklo ay isa sa mga pinakadelikadong uri ng

sasakyan sa lansangan. Masagi lang ang katawan ng motorsiklo ay maari

ng magdulot ng aksidente dahil mawawalan agad ng balanse ang nagmamaneho

nito at kung ikaw ay mamalasin, maari ka pang magkaroon ng

fatal injury. Ngunit dahil trapik sa Metro Manila, kahit alam natin na

delikado sumakay sa motorsiklo, pinipilit pa rin nating sumakay dahil makalulusot

ito sa masikip na daanan. Dahil dito, nauso ang public transport

application na Angkas na kung saan maari silang magbook para ihatid sa

ninanais na destinasyon. Pero hindi katagalan ito ay binatikos sa kadahilanang

may mga rider na minomolestya ang mga pasahero at may mga

rider na nahulihan ng ipinagbabawal na gamot.

Kaya kung ako ang tatanungin, dapat nang itigil ang Angkas hangga’t hindi

pa lumalala at dumadami ang nabibiktima nito. Dahil naniniwala ako na

ang pagbabawal ng Angkas ay makababawas sa tsansa ng mga masasamang

loob na gumawa ng krimen dahil karamihan sa mga gumagawa nito

ay gumagamit ng Angkas at nagpapanggap bilang isang Angkas rider para

makahanap ng mabibiktima. Maari rin na lumuwag kahit papano ang

lansangan dahil bilang nagmamaneho rin ng sasakyan, masasabi ko na isa

sa kadahilanan kung bakit mas lalong tumatagal ang trapiko dahil sa sobrang

daming motorsiklo sa lansangan na ang babagal magpatakbo kung

ikukumpara sa malaking sasakyan. Karamihan din sa mga nagmamaneho

nito ay walang disiplina sa kadahilanang sila ay tinuruan lang ng kanilang

kamaganak at nakakuha ng lisensya dahil may kakilala sa LTO. Higit sa lahat,

mas mapapanatag rin ang mga Pilipino sa pagbabawal ng Angkas

dahil mababawasan na rin ang mga riding-in tandem dahil mababawasan

ang nagmomotor na gumagawa ng krimen.

posisyong papel


15 F L O R E S

Ngiting

Tagumpay

larawang sanaysay


A R TA J O S

16

Nakauwi Rin


17 A N G

Kia Ora: Ang

Pagkilala sa

Tribong Maori

Naglalakad ako sa lamig ng hapon ng New Zealand, ang aking kamay ay

nakabulsa sa dyaket habang nagmamadali para makapasok na sa loob ng

estrukturang mainit-init. Pinili kasi naming lakarin na lamang ang distansya

mula sa aming hotel na nagngangalang Sudima patungo sa susunod na

destinasyon sa aming biyahe sapagkat hindi naman ito malayo. Ngunit dahil

unti-unting lumalapit ang dapithapon, ang atmospera ay patuloy na

lumalamig. Sama-samang nagmadali ang aking pamilya na may siyam na

miyembro, kumpleto pati ang mga asawa ng tatlo kong kuya. Binibilisan

ang paglakad para makarating na rin sa gathering place ng tour na aming

sinalihan.

Kung tutuusin, marami nang naganap sa araw na ito. Nabisita na namin ang

iba’t ibang tanawing taglay ng Rotorua sa kinaumagahan. Ngunit ngayon

pa lamang namin makikilala ang tanyag na tribo ng mga Maori. Sa tulong

ng Tamaki Maori Village Evening Cultural Experience, aming makikilala ng

lubusan ang mga katutubo ng New Zealand na binibigyan ng mga mamamayan

ng malaking halaga’t respeto.

Mahilig ako sa mga karanasang ganito. Bukod sa kagustuhang dumalo sa

mga zoo, aquarium, theme park, at museo tuwing nagbabakasyon, mahilig

ako sa mga karanasang kultural. Malawak ang mundo’t punong-puno ng

mga taong may iba’t ibang pinanggalingan. Maraming kultura, tradisyon, at

paniniwalang pwedeng matuklasan pa. Maraming lahi ng tao na pwedeng

makilala pa.


lakbay sanaysay

18

Pagdating namin sa gathering place

sa pagitan ng alas-singko at alas-sais,

agad kong nakilala ang mga Maori sa

pamamagitan ng kanilang receptionist

na parte rin ng kanilang tribo. Sa

kanyang pagbati sa amin, nakita ko

na ang kabaitan at kasiyahang taglay

ng mga taong ito. Pinapasok niya kami,

kasama ang sari-saring pamilyang

dumalo rito mula sa iba’t ibang sulok

ng mundo. Narinig ko sa mga usapan

ang mga salita mula sa Europa, Australya,

Tsina, at iba pang mga bansa.

Tila napakarami ring gustong

masaksihan ang buhay ng tribong

Maori.

Nang kami’y makumpleto, nagsimula

na ang tour. Ang mga pintuan sa

gathering place ay isinara at ang mga

bintana’y tinakpan para dumilim ang

silid. Pagkatapos, nagsimula ang

isang bidyo na kanilang ipinalabas sa

pader. Ito’y patungkol sa pinanggalingan

ng mga Maori. Ang kanilang tribo

pala’y nag-umpisa sa eastern Polynesia,

bago lumakbay sa iba’t ibang

isla tulad ng Hawaii at Samoa bago

makarating sa New Zealand. Sila ay

nakarating dito sa pamamagitan ng

pagsakay sa kanilang mga barko na

tinatawag nilang waka at paglayag sa

panahon na akala pa ng mga tao’y

patag ang mundo. Dito sa bidyong

ito, nakita ko ang kanilang katangian

ng dedikasyon at determinasyon. Kahanga-hanga

ang kanilang tiyaga sa

pagbiyahe na walang tiyak na destinasyon,

hanggang sa nahanap at

natuklasan nila ang tirahan nilang

New Zealand.

Pagkatapos ng bidyo, naghiwalayhiwalay

ang mga turista sa iba’t ibang

bus para tumungo na sa mismong

Tamaki Maori Village. Ang mga sasakyang

ito ay ikinumpara sa kanilang

mga waka, na parang kami ay lumalakbay

para tuklasin din ang kanilang

tirahan. Waka Kotaku ang tinawag sa

aming bus, at ito na rin ang naging

pangalan ng aming tour group na kanila

namang ikinumpara sa isang

panibagong tribong dumadalo para

makipagkilala.

Ayon sa aming drayber na Maori rin,

dito nanggagaling ang saysay ng kanilang

Ceremony of Welcome. Ikwinento

niya ang magaganap na pagbigay

ng peace offering para ipakita

na ang aming “tribo” ay hindi pumunta

sa kanilang tirahan para sila ay

awayin, kundi para lamang makihalubilo

sa kanilang mga tao. Habang

patungo sa lugar, namili ang aming

drayber ng isang kapitan para sa

aming grupo. Ibinigay niya ang karaniwang

katangian nito – matangkad,

matapang, at malakas na lalaki – bago

siya nagtanong sa grupo kung sino

ang aming pipiliin. Nung hindi kami

sumagot, siya na mismo ang naghanap

ng representatibo. Hindi ko

na maalala ang pangalan ng lalaking

kanyang napili, ngunit alam ko na

siya’y isang ama na mula sa London.

Sa kanya itinakda ang responsibilidad


19 A N G

Pagdating sa lugar ng bandang alas-otso ng gabi, hindi pa nagsisimula lumubog

ang araw. Maliwanag pa rin ang langit nang kami’y lumakad palapit sa

pasukan ng Tamaki Maori Village. Dito naipon ang mga turistang puno ng

kuryosidad para sa paparating na Ceremony of Welcome. Lahat ay matiyagang

naghihintay habang ang bawat kapitan ng tour groups o mga “tribo”

ay binigyan ng briefing. Kami rin mismo ay pinagsabihan na huwag tatawa,

mag-iingay, at maglalakad-lakad habang nagaganap ang seremonya.

Nang matapos ang mga panuto, nag-umpisa na ang Ceremony of Welcome.

Habang kumakanta at nagbibigkas ng kanilang mga battle cry at chant,

lumabas ang mga Maori. Namangha ako nang makita ko ang kanilang mga

kakaibang facial expressions, sabay-sabay na pagkilos, at ang galaw ng katawan

at kamay. Pati rin sa kanilang mga katutubong kasuotan at sa mga tatu

na nakaukit sa ibabang bahagi ng kanilang mukha. Dito sa seremonya, nakita

ko ang katangian nila ng pagiging mabangis at walang takot.


20

Sa gitna ng mga aksyong kanilang isinasagawa, lumalapit ang iilang mga

Maori na may hawak na silver fern, na kilala rin bilang simbolo ng New Zealand.

Ang dahon ay kanilang inilalapag sa harap ng bawat kapitan. Tungkulin

ng kapitan kunin ito bago bumalik sa puwestong pinanggalingan bilang

pagpapakita ng pagtanggap ng peace offering. Nang makuha na ng bawat

kapitan ang mga dahon, nagwakas ang seremonya. Kung kanina ay mabangis

ang asta ng mga Maori, ngayon naman ay naging magiliw. Malugod nila

kaming binati at tinanggap, at tuluyan nang pumasok ang bawat “tribo” sa

tirahan na kanilang ibinukas para sa amin.

Pagkapasok namin ang una naming naranasan ay ang mga Houses of Learning,

kung saan ipinapakita ng mga Maori ang kanilang mga kultura, tradisyon,

gawain, kasanayan, paniniwala, at iba pa. Kanilang ipinapakilala sa amin

ang mga ito sa pamamagitan ng pagtuturo at tsaka sa mga gawaing interactive.

May iilang parteng nagtatawag sila ng mga boluntaryo mula sa grupo,

habang minsan naman ay inaanyayaan nila ang lahat na sumali. Dito ko

nasaksihan ang simple nilang pamumuhay at ang kagandahan ng kanilang

kultura.


21 A N G

Kahit na mayroon nang modernong

mundo sa labas ng kanilang

nayon, nagawa pa rin nilang

buhayan ang mga tradisyunal na

gawain nila. Nanatili ang hangi o

Earth oven bilang pamamaraan

nila ng pagluto. Nanatili ang kahulugan

ng mga tatu sa mukha

nila, kung saan ipinapakita ang

kanilang mga tagumpay. Nanatili

ang mga laro na sumusubok sa

kanilang sense of direction at

agility para sanayin sila sa pangangaso.

Nanatili ang halaga ng

haka na isang sayaw ng digmaan.

Nanatili ang pagbati na

kia ora na nangangahulugang

“have life and be healthy”.

Talagang makikita mo ang

pagpapahalaga nila sa kanilang

kultura. Malaki ang respeto ko

sa katangian nilang ito dahil ang

mga gawain at bagay ng kultura’y

madaling mawala sa

makabagong mundo, ngunit nagawa

nilang yakapin at panatilihin

ang mga ito hanggang

ngayon.

Nang maranasan na namin ang

bawat isa sa Houses of Learning,

dumako naman kami sa sumunod

na parte ng tour –

ang pag-angat ng hangi mula

sa lupa. Ipinakita nila sa

amin ang pamamaraan ng

pagluto ng iilan sa pagkain na

kasama sa aming buffet. Kumbaga,

ito ay parang

live viewing ng isang hangi. Mula

sa lupa, inilabas nila ang mga

manok, karot, at patatas na kanilang

niluto. Ang masarap na

amoy ay lumibot sa lugar, at

tuluyan nang nagutom ang lahat.

Ngunit, hindi pa oras para kumain.

Pagkatabi nila ng aming

pagkain, pinapunta nila kami sa

isang silid na mukhang teatro.

Ikwinento ng kanilang kapitan

na ito ay inukit ng disenyong

mukhang ribcage dahil kumakatawan

daw ito sa kanilang mga

ninuno. Sa pamamagitan ng

aming pagdalo sa loob nito, nagawa

raw naming buhayin ang

kanilang mga ninuno. Sa simpleng

pahayag na ito, nakita ko

ang pagpapahalaga nila sa mga

nauna sa kanila. Kung malaki

ang respeto ng mga taga-New

Zealand sa mga Maori, mas malaki

naman ang respeto ng Maori

sa mga ninuno nila. Malaki ang

pagpapasalamat nila sa mga ito

dahil sa pagtuklas sa kinikilala

nilang tirahan ngayon.

Dito sa loob ng silid, ang mga

Maori ay kumanta’t sumayaw.

Agaw-pansin ang kanilang mga

boses at ang masining na

pagkumpas ng kanilang mga kamay.

Makikilala mo talaga ang

talento nila kapag napanood mo

ang mga pagtanghal na ito.


New

Zealand

22

Hindi ko alam kung bakit, pero parang walang ni-isang sintonado sa kanilang

tribo. Humiyaw at pumalakpak ng masigla’t maligalig ang mga tao

sa tanghalan nang matapos ang bawat kanta. Ipinakita namin ang buong

pusong pagpapasalamat sa kanila habang puno ng tuwa’t ligaya.

Pagkawakas ng kanilang pagkanta, dumating na ang huling parte ng tour

– ang hapunan. Lumabas kami sa tanghalan at pumunta sa isang dining

hall, kung saan hinanda nila ang isang buffet. Nandito ang mga manok,

patatas, at karot na kanilang iniluto sa hangi. Bukod dito, mayroon ding

ibang gulay para makabuo ng salad, isda, steak, at iba pang masarap na

pagkain. Ninamnam ng aking pamilya ang bawat pagkaing nakita. Kadalasan,

hindi naman ako matakaw na tao. Ngunit sa gabing iyon, hindi

ko mapigilang bumalik-balik sa linya para kumuha ng pagkain. Malasa

ang bawat hinain at talagang nakakabusog. Ang kanilang mga dessert

din na chocolate cake at pavlova ay simple, pero may katamtamang

tamis.

Habang kami’y kumakain, patuloy nila kaming kinantahan. Ang atmospera’y

naging kalmado ngunit masaya. Nilalapitan din ng mga staff na

Maori rin ang bawat lamesa para kamustahin ang bawat pamilya.

Talagang napakamagiliw nila bilang tao. Masasabi mong maihahalintulad

ito sa pagiging hospitable ng mga Pilipino.


23 A N G

Syempre, lahat ng bagay ay may wakas, kaya ang tour namin ay

natapos din nang dumating ang dapithapon sa oras ng bandang

alas-nweve at alas-diyes. Nung busog na ang lahat ng turista, kami’y

ipinabalik sa labas at ipinasakay muli sa aming mga nakatalagang

bus. At habang bumibiyahe pabalik sa gathering place,

naramdaman ko ang pagka-kuntento sa mga karanasan ko sa kanilang

piling. Sulit na sulit ang 4,485 pesos kada tao na ginastos para

makasama sa tour na ito. Para nga sa akin, hindi matutumbasan ng

halaga ang aking naranasan. Hindi matutumbasan ng halaga ang

kayamanan ng kanilang kultura, tradisyon, at pagkatao.

Sa una, wala akong alam tungkol sa mga Maori. Ngunit nang matapos

ang tour, natuklasan ko ang kagandahan ng kanilang tribo, mula

sa mismong pisikal na katanggian hanggang sa kanilang mga

personalidad. Kahit na sila ay katutubo, hindi mababa ang tingin sa

kanila ng mga tao. Sa halip nito, nabibigyan sila ng espasyo para

ipagpatuloy ang pamumuhay nila’t pausbungin ang kanilang lahi.

Dito sa New Zealand makikita talaga ang pagpapahalaga sa pagkapantay-pantay

sa kabila ng mga pagkakaiba. At dahil sa ganitong

kaugalian, ang mga Maori ay patuloy na sumasagana sa

lupang kanilang pagmamay-ari.

Nang bumaba na kami ng bus, binati muli kami ng lamig ng

gabi. At habang naglalakad ang pamilya ko pauwi, ang sigla’t ligayang

aming napulot sa Tamaki Maori Village ay patuloy na nanatili.


24




27 R E S O L

English vs. Fil

(Bakit Ka

Nagkakagany

Simula’t huli, isyu ang Ingles laban sa Filipino. Kadalasan dito sa

Pilipinas, itinuturing ang taong marunong at magaling mag-ingles

bilang isang matalino dahil kayang makipagsabayan sa mga

dayuhan. Marahil, hindi nila maiintindihan na mapapasang-ayon

sila sa’yo. Pero bakit nga ba napakataas ng antas ng wikang ingles

sa ating bansa? Dahil ba sa trabaho, edukasyon, at sa araw araw,

kadalasang ginagamit ang wikang ito? Bakit ganito natin ito pinahahalagahan

kaysa sa ating sariling wika?

Ingles ang wikang gamit sa pagsulat ng mga batas sa Pilipinas.

Kung Pilipino rin lang naman ang makikinabang, bakit wikang Ingles

pa rin ang ginagamit? Dahil ba hindi lahat ng Pilipino

marunong mag tagalog at wikang ingles ang pangalawa nating

wika? Hindi ba parang ginagamit natin ito ng lubusan? Ginagamit

na natin ito para manlamang sa kapwa? Karamihan sa mga bihasa

sa ingles ay mga edukado at ang ilan sa kanila ay ginagamit ang

wikang ito upang pagsamantalahan ang kapwa Pilipino. Dahil nga

hindi naman medyor ng kurso nila ang wikang Filipino, ganoon nalang

kababa ang tingin nila sa ating sariling wika dahil hindi naman

daw nila ito magagamit sa labas ng bansa. Paano nga ba ito umabot

sa ganitong punto?


28

ipino

an?)

Maaaring sa paaralan nagsimula dahil maganda ang turo ng Ingles hanggang

umabot sa puntong nagkakaroon ng kakulangan sa pagpapahalaga ng iba

pang paksa, lalo na ang paksang Filipino. Ayon sa philstar, “Matagumpay ang

pagpapalaganap ng wikang Ingles sa ating bansa kaya naman hindi lang ito

karaniwang midyum kundi ito ay gagamitin na sa gobyerno at pambatasang

serbisyo. At ang katutubong wikang Pilipino ay magagamit sa tahanan at dahil

hindi nila kayang maaabot ang ingles dahil sa kahirapan ng kanilang mga

bokabularyo.” Nakaiinsulto at nakalulungkot dahil siguradong pinagpalakpakan

ito ng mga hangal na namumuno. Hindi ba’t napakalaki ng halaga ng

wika sa isang bansa dahil ito ang susi ng pagkakaisa? Pero bakit iba ang

nangyayari sa Pilipinas? Imbis na magkaisa, hinahati tayo ng wika para

hamakin ang isa’t isa?

Sa henerasyon ngayon, karamihan sa mga kabataan ay mas gustong gamitin

ang wikang Ingles dahil nauuso at iniisip nila kapag na kapag purong Ingles o

Taglish ang kanilang gamit, maituturing agad na matalino, sikat at mayaman.

Gawa na rin ng pagusbong sa teknolohiya sa bansa na nagiging dahilan ng

pagkakaroon ng mental colonialism. Na kung ano ang uso sa ibang bansa ay

uso rin sa kanila. Mga kanta, istilo ng pananamit, paraan ng pananalita, kultura,

atbp. Dahil dito, ilan sa mga kabataan ang nagiging dayuhan sa sariling

bansa. Ang mas nakakalungot ay mas may kamalayan pa sa sila sa ibang

bansa kaysa sa sariling atin.


29 R E S O L

Alam ko namang hindi masamang suportahan at gayahin kung ano

ang mayroon sa mga dayuhan. Pero siyempre, mayroon pa rin

tayong sariling atin. Pwede naman tayong magmahal ng iba pero

hindi naman iyon ay sapat na dahilan para mawala ang nasyonalismo

bilang isang Pilipino. Oo Malaya tayo. Malaya tayong iwagayway

ang bandila ng Pilipinas, malaya tayong pumili ng wika at malaya

tayong ibahagi ang iba’t ibang kultura na mayroon tayo at wala

tayo sa kamay ng dayuhan.

Pero, sapat ba iyon para sabihing malaya tayo? Oo, ikaw na

nagbabasa nito. Maaaring malaya tayo ngunit paano naman ang

kapwa natin? Malaya kaya sila sa pananamantala ng kapwa nating

Pilipino? May kalayaan din kaya sila tulad natin? Tama nga si Antonio

Luna, kaaway natin ang ating mga sarili, at iyon ang pinakamahirap

kalabanin. Pilipinas, bakit ka nagkakaganyan? Hindi ko

alam. Ikaw? Alam mo ba kung bakit?


N A L A N G A N

30

Paraiso

Inagahan naming pamilya ang pag gising

upang maghanda ng gamit para sa isang linggong

bakasyon sa isa sa mga lugar na madalas

dayuhin ng mga turista, ang Palawan. Mga

damit, gadyets, importanteng dokumento, at

pera ang baon namin papunta rito. Sa

halagang ₱3,500 kada tao mula Manila papuntang

Palawan, masasabi kong sulit na ang

promo na to dahil ang kadalasang presyo ng

flight ay mahigit ₱5,000. Umaga pa lamang ay

agad na kaming pumunta ng paliparan upang

hindi mahuli sa aming flight. Hindi naman ganoon

kalayo ang aming tinitirhan sa NAIA 2

kaya nag-arkila na lang kami ng tricycle sa

halagang ₱50 para sa apat. Dahil maaga kami

dumating, napag-isipan naming mag-almusal malapit sa Jollibee.

Umorder kami ng Breakfast Meal na Longganisa w/ Rice na ₱79

per meal. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami para hindi

kami maiwan ng aming flight. 30 minuto bago ang flight,

tinawagan ni Mama ang binook niyang staycation house na aming

tutuluyan.

Pagkababa namin sa airport, sinundo kami ng van ng nabook naming

staycation house upang dalhin kami roon. Pagdating namin

doon ay agad nagtanong si Papa kung saan masarap

mananghalian. Nirekomenda ng isang staff ang Ka Inato Restaurant.

Agad namin itong pinuntahan upang tikman ang iba’t ibang

luto rito. Laking gulat naming na ang nag-assist sa amin ay isang

pipi o mute. Iba’t ibang putahe ang aming pinili tulad ng sinigang

na isda, binusog na pusit, okoy, at lumpia. Isa ito sa mga kainan na

tumatak sa akin dahil binigyan nila ng oportunidad na makapagtrabaho

ang mga PWD at ang pagiging mapagtanggap nila sa mga bisita

o turista.


31 N A L A N G A N

Sumunod na araw, pinuntahan

namin ang Puerto Princesa Underground

River na kilala bilang

isa sa mga bagong 7 Wonders of

the World. Puno ito ng iba’t

ibang turista, mapa Pilipino o

dayuhan ay tinatangkilik ito.

Iba’t ibang rock formation ang

makikita rito. Masasabi kong napakaswerte

ko na makita ang

kamangha-manghang lugar na

ito dahil hindi lahat ng tao ay

may kakayahang makapunta rito.

Binisita naman namin ang Palawan

Wildlife Reserve and Conservation

Center na isang crocodile

farm. Maliban sa mga buwaya,

makikita rin dito ang iba’t

ibang klase ng hayop tulad ng

mga tarsier, mga ibon tulad ng

parrot, at marami pang iba.

Naghahain din sila dito ng crocodile

sisig at tamilok o mga

woodworms.

Sa huling araw namin dito ay

bumili kami ng pasalubong sa

Baker’s Hill. Marami ang namimili

dito ng iba’t ibang klaseng

pasalubong na pagkain. Marami

ring bata ang nagsasaya dito dahil

may playground sa bandang

dulo ng lugar na ito. Maganda

rin ang tanawin dito kaya bawat

sulok ay may makikita kang kumukuha

ng litrato. Bumili kami

ng iba’t ibang klase ng pasalubong

tulad ng hopia at iba’t

ibang klaseng tinapay.

Sa isang linggong pamamalagi

namin dito ay masasabi ko na isa

itong paraiso na dapat pangalagaan

at pag-ingatan. Mas lalong

tumibay ang relasyon ng aming

pamilya sa bawat alaalang nabuo

namin dito. Kung may

pagkakataon, ninanais ko bumalik

dito upang bumuo pa ng mga

bagong alaala na aking babaunin

pagbalik sa realidad.

Sinunod naman namin ang pagikot

sa iba’t ibang isla sa El Nido.

Mula Puerto Princesa ay

nagbook kami ng tour sa 7 isla sa

El Nido sa halagang ₱6,000 para

sa apat. Napuntahan namin ang

Starfish Island, Small Lagoon,

Big Lagoon at iba pang isla na

kasama sa package. Nakilala rin

namin ang isang tour guide dito

na dating guro sa Maynila.


A N G

32

Libingan ng

Aking

Kabataan

Napakaingay ng aking mundo. Sa bawat liwayway at takipsilim na

dumaraan, hindi ako mapakali. Maraming abalang gumugulo sa

isip, na parang isang buhawing patuloy ang paglaki. Sinusundan

ako ng bawat tungkulin, na parang isang aninong hindi nawawala.

Kahit bigyan ko ito ng pansin, nadadagdagan lang naman ulit.

Panibagong responsibilidad nanaman ang bumabati pagkagising.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat unahin. Hindi ko maisip

kung ano ang dapat bigyan pansin.

Napakaingay ng aking mundo. Habang lumilipas ang oras, umiingay

pa ito lalo.

Ninanais ko lang naman ang katahimikan. Kahit isang araw lamang

na mapayapa. Yung tipong hindi ko na kailangan mamroblema sa

mga gawain. Wala nang iniisip na kinabukasan at wala nang inaalalang

tungkulin. Kahit isang saglit lang ng pahinga sa pagod ng

buhay. Isang saglit lang ng pagtigil sa paghabol sa mundong patuloy

na gumagalaw.

Sa layon na kayanin ang pagsubok, mapapatanong ka na lamang

talaga kung kailan ba nagsimula maging komplikado ang buhay?


33

Parang ang sarap balikan ng panahon kung saan ang pinakamalaking problema

ko’y pagpili ng laruang gustong gamitin. Ang mga panahon na paguwi

ng bahay, may meriendang naghihintay habang ang paboritong palabas

ay nakahanda na sa telebisyon. Walang ibang iniisip bukod sa pagpapalawak

ng imahinasyon. Walang ibang tungkulin kundi mangarap ng malaki.

Walang kahihinatnan kung matulog ng maaga. Sa halip, ika’y bibigyan pa

ng premyo kapag ito’y iyong ginawa.

Gusto kong balikan ang aking kabataan. Ang paglaro ng Nintendo DS kasama

ang aking mga pinsan. Ang walang tigil na panonood ng Spongebob

Squarepants at Hannah Montana dahil may DVD kami. Ang paglakad ng

aso kong si Sapphie tuwing hapon. Ang asaran naming magkakapatid, kung

saan ako’y pikon pa. Mas madali akong paiyakin, ngunit mas madali rin

akong sumaya. Kahit may takdang aralin, nakahahanap pa rin ng oras para

sa sarili. Kahit may mga gawain, nakahahanap pa rin ng panahon sa pamilya.

Kay tamis ng mga oras na simple pa ang buhay. Ang mga oras kung saan

ang kislap sa mga mata ay kasing liwanag ng sinag ng araw sa tanghali. Ang

mga oras kung saan ang sigla ng ngiti ay kasing laki ng pinakamatangkad

na bundok sa mundo. Ngunit, ang mga araw na ito ay nagwakas na nang

ako’y tumanda. Ang aking kabataan ay inilibing na nang dumating ang maturidad.

Siguro ganun talaga kapag tumatanda. Ang kislap ay kumukupas dahil

nakikita na ang katotohanan. Ang sigla ay napapalitan ng determinasyong

maabot ang tagumpay. Ang ingay ng mundo ay hindi na nakatago. Lahat ng

hadlang sa daigdig ay aking napagtanto.

Siguro ang mga pagsubok na dala ng edad ay hindi ko matatakasan. Pero

hindi ko dapat kalimutan ang halaga ng mga hamong hinaharap. Kailangan

ng kadiliman para makita ang liwanag. Kailangan maalala ang nakaraan para

masukat ang narating. Hindi ko dapat iwanan ang libingan ng aking

kabataan, ang simpleng buhay na ninanais muling makamtan.


R E S O L

34

Takot

Hindi ito simpleng kinakatakutan ng karaniwang kabataan na takot sa multo,

aswang, at iba pa. Kundi ang takot sa salita. Magsalita, makipag-usap,

lahat ng mga gawaing ginagamitan ng pagbigkas ng mga salita. Hindi ko

alam kung ano ang kinakatakutan ko noon. Sa dinami-raming pwedeng

katakutan, bakit iyon pa? Bakit ‘yun pang magiging dahilan ng pagbaba ng

tingin sa sarili? Bagamat minsa’y iniisip ko kung nagkulang ba ako. Madalas

na iniisip ng iba na ang bait-bait ko dahil lagi ako pumapayag sa gusto

nilang makuha sa’kin. Pero kadalasan ayaw o hindi talaga iyon ang gusto

kong sabihin. Nababaitan sila sa’kin dahil napagsasamantalahan nila ang

kabaitan ko. Sila lang naman natutuwa sa ginagawa nila. Alam nilang hindi

ako marunong humindi at natatakot na baka tingnan nila ito ng masama.

Nakatatakot kasi hindi ko man lang kayang ipagtanggol ang sarili ko. Hindi

ko din kilala sarili ko noon dahil lagi akong sinasabihan na dapat sundin ko

ang hilig ng mata ng mapanghusgang lipunan. Hindi ako pwedeng maiba

dahil kung iba ako, talo ako. Pinipilit kong tanggalin ang takot na mayroon

ako dati. Kung noon hindi ko kaya, ngayon kaya ko na.

Masarap pala sa pakiramdam na walang pakialam sa iba, basta ako ay masaya.

Para sa sarili ko, iyon ang pinakamahalaga. Sobrang nakatutuwa dahil

hindi ko na hinahayaan ang iba na hadlangin ako.


35 S U R E L L

Ari ng

Lalaki

Hilong-hilo pa ako pagkababa ng bus

galing Pasay dahil halos siyam na

oras ang byahe patungo rito sa

Balaoan, La Union. Kami ay tumuloy

sa bahay ng aking lola roon.

Bumungad sa akin ang mga naglalakihang

puno ng manga at acasia. Malakas

at malamig ang simoy ng hangin

doon kaya masarap sa pakiramdam.

“Pumasok muna kayo sa loob at kukuha

ako ng tricycle.” Sabi ng aking

tiyahin. Pagkapasok naming sa loob,

nakita ko ang aking lolong nanonood

ng larong basketball sa telebisyon.

Yinakap kami ng lola isa-isa at dinala

sa hapag-kainan. Puno ng mga kakanin

ang lamesa tulad ng bibingka,

suman, biko, tupig, at iba pa. Kumuha

ako ng isang pirasong tupig at nang

matikman ay napakatamis ngunit hindi

nakauumay.

“Andito na tricycle!” Sigaw ng aking

tiyahin kaya napagpasyahan naming

lumabas at makasakay na patungong

Bahay Na Bato sa Luna, La Union.

Inabot ng mahigit sampung minuto

nang kami ay makarating sa Bahay Na

Bato. Pagkarating naming doon ay

maraming mga turista ang nagsidagsaan

pero wala itong

problema kaya tinuloy pa rin

naming ang pagpasok doon.

Una naming pinuntahan ang

main na atraksyon na ang mismong

bahay na gawa sa bato.

Malawak at malaki ang bahay

kaya nagkasya ang maraming

tao sa loob. Meron itong apat

na kwarto na may tigdadalawang

double deck na kama.

Pagkaakyat naman naming

sa taas ay bumungad ang terrace

kung saan matatanaw ang

malawak na dagat at magandang

kuhaan ng litrato. Sunod

na pinuntahan naming ay ang

mini garden sa liko lamang ng

bahay. Mayroong mga hayop

tulad ng parrot at pagong kaya

kinuhanan naming ito ng litrato.

Napakamaaliwalas at malinis

ang mini garden.

Pagkatapos naming kumuha ng

litrato at puntahan ang ibang

parte pa ng bahay, pumunta kami

sa mga paintings at statues


36

sa loob ng isang bahay. Ito ay parang isang museo ngunit mas pinaliit. Ang

isang kwarto ay puno ng mga paintings at mural. Merong isang mural

doong hindi pa tapos ipinta ng isang lalaki. Sa kabilang kwarto naman, may

mga malalaking estatwa at may isang estatwa roon ng isang hubad na babae.

Napagtanto naming isang koryano ang may-ari ng lugar na iyon dahil

may sarili itong estatwa roon.

Pagkalabas naman namin, marami naming estatwa ng ari ng lalaki na ibaiba

ang posisyon. Ito ang madaraanan papuntang tabing-dagat. Maraming

tao ang nagsisipagkuha ng litrato at may lalaki pang nagbabato ng bato sa

dagat upang ito ay patalbugin.

Pagkatapos naming doon ay sumaglit kami sa souvenir shop. Napakaganda

ng mga souvenir tulad ng key chain nilang gawa sa bato at mga boteng

may sand art. Numili na rin kami ng makakain upang may makain pabalik sa

bahay ng aking lola.

Sa ginawa naming pagbisita roon ay napagtanto ko na mas masayang

umalis kapag buo ang pamilya. Karamihan sa mga bumibisita rin sa lugar na

iyon ay magkakapamilya. Lalo na't ilang taong hindi nagkita-kita, nandoon

pa rin 'yung saya at pagmamahal.


37 A L FA R A S

Gusto

Naming

Bumaba!


R I CA F O R T

38

Ang Sarap

Bumalik

Sa Pagkabata

Sa nagdaang taon, hindi ko pa rin malilimutan ang mga panahon noong

tayo’y bata pa. Dito natin nararanasan madapa at tumayo kahit napakasakit

ng sugat natin sa tuhod. Nakatutuwang isipin pero aminin natin

na halos lahat tayo ay gustong bumalik sa pagkabata. Simula noong

ako’y bata, gustong gusto ko lumabas ng bahay para makipaglaro sa labas

pero sadyang mahigpit lang ang aking papa dahil tuwing alas kwatro

lamang ako pwede maglaro at kailangan makauwi ng alas sais dahil magdididilim

na. Kahit ganoon pa man, hindi ko malilimutan ang mga masasayang

alaala noong bata pa ako.

Bata pa lamang kilala na ako sa pagiging bida-bida sa kalye namin, lalo

na sa larong Chinese Garter. Ako kasi ang pinakamatangkad sa magkakaibigan

na babae kaya naman lagi sila namamangha sa tuwing ako’y

tatalon nang mataas. Isa rin ako sa pinakamabilis tumakbo. Sabi nila para

raw akong cheeta kung tumakbo, halos hindi nila ako mahabol kagaya

ng larong tumbang preso na kailangan kunin ang tsinelas at umiwas na

mataya para hindi ikaw ang tagapulot ng lata o maging preso. Ang piko

na paborito ng lahat maghahanap ng bato o basag na tiles upang gawing

pato. Marami pang ibang laro ang naranasan noon at may mga alaala ito

na hindi ko malilimutan.

Masarap maging bata pero kailangan din natin sumabay sa agos ng

buhay dahil hindi tayo bata habang buhay. Tanging alaala na lamang ang

dala-dala natin hanggang pagtanda kaya dapat itong ingatan.


39 N A L A N G A N

Pasimuno’y

Palayain,

Inosente’y

Papatayin

Noong kasagsagan ng eleksyon para sa ikalabing-anim na pangulo ng

bansa, isa sa tumatak noon ay ang plano ng isang tumatakbo na puksain

ang droga sa bansa. Ang laban kontra droga na plataporma ng administrasyong

Duterte, ang isa sa mga pumukaw ng atensyon ng mga

bumoboto. Nagsilbi itong stratehiya ng kasalukuyang Presidente na si

President Rodrigo “Digong” Roa Duterte dahil sa laganap na paggamit

ng illegal na droga sa bansa.

Nang siya’y ihalal bilang ika-16th na pangulo ng bansa, sinimulan niya

ang Drug War sa pamamagitan ng Oplan Tokhang. Sa tulong ng PNP at

AFP, ang planong ito ay isinagawa sa paraang paghuli o pagpatay sa

mga taong lulong at nagtutulak ng droga.

Sa haba ng tinagal ng Oplan Tokhang, nagkaroon ng malawakang

paghuli at pagpatay sa mga taong may kinalaman sa droga. Nagsilabasan

ang mga pangalan ng mga taong nasasangkot sa pagkalat at

pagbenta ng iba’t ibang klase ng shabu. Ang iba rito’y nasa selda na at

ang iba’y patuloy pa rin sa pagtulak hanggang ngayon. Hindi matatapos

ang problemang ito dahil malakas ang kapit ng mga kilalang drug lord sa

mismong administrasyon na nagsimula ng laban kontra droga.


40

Bumuo rin ang planong ito ng isa

pang problema na dumagdag sa

dami ng namatay nang pasimulan

ito. Nagkaroon ng extra judicial

killing o EJK na kung saan nadadamay

rin ang mga inosenteng mamamayan

na wala naming kinalaman

sa isyung ito. Nagkaroon din

ng tinatawag na tanim droga na

naging dahilan sa pagkamatay ng

ibang inosente dahil sila’y pinagbibintangan

at nahulihan ng

ebidensiya na sa una palang ay wala

silang kaalam-alam. Tila’y

binubulag at inuuto tayo ng mga

taong nasa gobyerno na inaasahan

nating maging solusyon sa walang

katapusang problemang ito.

Unang-una pa lang tutol na ko rito

dahil mali ang kumitil ng buhay ng

ibang tao. Hindi naman tayo Diyos

upang wakasan ang buhay ng kapwa

natin. Kayang magbago ng tao

at dapat bigyan natin sila ng tyansa

upang ipakita na kaya nila. Dapat

mas bigyang pansin ang rehabilitation

sa mga nalulong sa droga dahil

hindi solusyon ang pagpatay kung

hindi dagdag problema lamang ito.

Naniniwala ako na hindi malulutas

ng administrasyong ito ang problema

sa droga dahil hindi nila

kayang ipakulong ang kamag-anak

nilang nasasangkot sa malawakang

bentahan ng droga sa buong

bansa. Takot ilabas ng ating pamahalaan

ang listahan ng mga pangalan

ng mga taong nasa itaas ng

malawakang bentahan ng droga sa

bansa. Wala silang bayag dahil hindi

nila kayang ilantad at isuko ang

kanilang kapamilya sa harap ng

madla na sila mismo ang isa sa

mga dahilan kung bakit hanggang

ngayo’y laganap pa rin ang

problemang ninanais nating mawala.

Kaya nilang isakripisyo ang

buhay ng inosenteng mamamayan

upang maging ligtas ang mga nasa

itaas ng problemang ito dahil mismong

sila’y nakikinabang dito.

Kung ikaw ang nasa posisyon ng

mga pamilyang nawalan ng mahal

sa buhay dahil sa pagkatokhang at

alam mong inosente siya, maniniwala

ka pa ba na tama ang

pagkilos ng gobyerno? Papayag ka

ba na ang nasa itaas ay nanatiling

malaya at ang inosente’y mamamatay?

Isipin mo, isipin mo.


41 M E L O

Rakrakan

Festival

Biyernes ng umaga, March 1, 2018 naghahanda kami ng mga tropa ko umalis

papunta sa isang event. Ang event na yun ay “Rakrakan Festival” isang music

festival na unang beses palang namin lahat mararanasan. Naghanda na agad

ako ng aking susuotin at mga dadalhin ko para sa event. Mga alas tres ng

hapon nagkita-kita kami ng mga tropa ko sa SM Bicutan.

Pagdating namin sa SM Bicutan nag-isip kami kung paano kami makakapunta

sa Circuit Makati kung saan gaganapin yung event, at kung ano ang sasakyan

namin. May dalawa kaming pagpipilian, pwede kaming sumakay sa UV

papuntang makati o mag-grab nalang papunta para mas sure kami na sa

mismong event kami makakababa, at mas madali yun kaya ayun ang pinili

namin. Bigla naming na-realize na ‘yung UV sa bicutan papuntang makati ay

dadaan din sa Circuit Makati at mas mura pa ‘yun kaso huli na namin narealize

yun dahil nasa loob na kami ng sasakyan at pa Skyway papuntang

makati. Hindi gano’n ka trapik ang aming naranasan sa daan dahil maluwag

naman sa Skyway ngunit pagbaba namin sa may Magallanes nakaranas kami

ng kaunting trapiko dahil papuntang Cubao yung ruta na dinaanan

namin. Isang oras mahigit kaming nasa byahe nang makarating kami sa Circuit

Makati, pagbaba namin pumunta kami agad sa entrance ng event at

may dalawang bouncer na nakaharang sa entrance tinanong kung ilang taon

na kami at sinabi namin na 18 na kami kaya pinapasok din naman kami.

Pagpasok namin inabutan kami agad ng tig-iisang redhorse na bote. Sobrang

daming taong sumasabay sa kanta ng nagtatanghal na banda, may

mga nag-iiskateboard, may mga grupo ng taong nag sisigarilyo sa gilid. Nakisali

agad kami doon sa isang set ng banda at sobrang saya at sobrang

sarap tumalon dahil feel na feel namin habang tumutugtog ang banda.

lakbay sanaysay


42

May mga grupo ring taong nakipag-usap sa amin, nagulat kami dahil sobrang

approachable ng mga tao kaya ang dami din namin naging kaibigan

sa event na iyon. Ilang set ng banda ang tinapos namin gusto namin sulitin

ang event na yun kaya halos anim na oras kaming nakatayo at tumatalon.

Umupo muna kami ng sandali at naghanap na ng makakain, sobrang mahal

ng mga pagkaing binebenta dun at di-pasok sa budget namin, ang kaya lang

namin bilhin ay turks na halos 70 pesos at 100 pesos na popcorn. Pagod na

pagod kami nung araw na iyon dahil sumali pa kami sa isang mosh pit,

unang beses ko rin yun nasubakan. Mga madali araw na nung nagyayaan na

kaming umuwi dahil pagod na din kaming lahat at nasulit nadin naman

namin and event. Paglabas namin wala kaming masakyan pauwi kasi

madaling araw na kaya nag-grab nalang ulit kami pauwi dahil wala na

kaming ibang pagpipilian. Paguwi ko sa aming bahay deretso tulog agad ako

dahil sobrang pagod at sakit ng paa ang naramdaman ko.

Sobrang solid ng araw na iyon dahil sobrang dami kong bagong naranasan

at natuklasan. Ibang iba talaga ang impact ng musika sa tao pwede kang

magkaroon ng kaibigan dahil lang sa musika. Nakakalimutan mo mga problema

mo dahil sa saya habang pinapanood mo ‘yung banda. Isa sa pinakamasaya

kong araw iyon at pinaka solid din na event at uulit-ulitin ko iyon sa

mga susunod na taon.


43


44


45


46


47


48


49


50


51


52


53


54


55


56


57


58


59

lakbay sanay


say-yanna.tif

60


61


62


63


64


65


66


67







A N G

Elliamae


B AYA N I

Alyanna Divine


A R TA J O S

Gianna Bernice


S U R E L L

Sofia Aviel


C O R T E Z

Patrick













Syapol.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!