25.01.2020 Views

syapollll

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

41 M E L O

Rakrakan

Festival

Biyernes ng umaga, March 1, 2018 naghahanda kami ng mga tropa ko umalis

papunta sa isang event. Ang event na yun ay “Rakrakan Festival” isang music

festival na unang beses palang namin lahat mararanasan. Naghanda na agad

ako ng aking susuotin at mga dadalhin ko para sa event. Mga alas tres ng

hapon nagkita-kita kami ng mga tropa ko sa SM Bicutan.

Pagdating namin sa SM Bicutan nag-isip kami kung paano kami makakapunta

sa Circuit Makati kung saan gaganapin yung event, at kung ano ang sasakyan

namin. May dalawa kaming pagpipilian, pwede kaming sumakay sa UV

papuntang makati o mag-grab nalang papunta para mas sure kami na sa

mismong event kami makakababa, at mas madali yun kaya ayun ang pinili

namin. Bigla naming na-realize na ‘yung UV sa bicutan papuntang makati ay

dadaan din sa Circuit Makati at mas mura pa ‘yun kaso huli na namin narealize

yun dahil nasa loob na kami ng sasakyan at pa Skyway papuntang

makati. Hindi gano’n ka trapik ang aming naranasan sa daan dahil maluwag

naman sa Skyway ngunit pagbaba namin sa may Magallanes nakaranas kami

ng kaunting trapiko dahil papuntang Cubao yung ruta na dinaanan

namin. Isang oras mahigit kaming nasa byahe nang makarating kami sa Circuit

Makati, pagbaba namin pumunta kami agad sa entrance ng event at

may dalawang bouncer na nakaharang sa entrance tinanong kung ilang taon

na kami at sinabi namin na 18 na kami kaya pinapasok din naman kami.

Pagpasok namin inabutan kami agad ng tig-iisang redhorse na bote. Sobrang

daming taong sumasabay sa kanta ng nagtatanghal na banda, may

mga nag-iiskateboard, may mga grupo ng taong nag sisigarilyo sa gilid. Nakisali

agad kami doon sa isang set ng banda at sobrang saya at sobrang

sarap tumalon dahil feel na feel namin habang tumutugtog ang banda.

lakbay sanaysay

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!