25.01.2020 Views

syapollll

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

29 R E S O L

Alam ko namang hindi masamang suportahan at gayahin kung ano

ang mayroon sa mga dayuhan. Pero siyempre, mayroon pa rin

tayong sariling atin. Pwede naman tayong magmahal ng iba pero

hindi naman iyon ay sapat na dahilan para mawala ang nasyonalismo

bilang isang Pilipino. Oo Malaya tayo. Malaya tayong iwagayway

ang bandila ng Pilipinas, malaya tayong pumili ng wika at malaya

tayong ibahagi ang iba’t ibang kultura na mayroon tayo at wala

tayo sa kamay ng dayuhan.

Pero, sapat ba iyon para sabihing malaya tayo? Oo, ikaw na

nagbabasa nito. Maaaring malaya tayo ngunit paano naman ang

kapwa natin? Malaya kaya sila sa pananamantala ng kapwa nating

Pilipino? May kalayaan din kaya sila tulad natin? Tama nga si Antonio

Luna, kaaway natin ang ating mga sarili, at iyon ang pinakamahirap

kalabanin. Pilipinas, bakit ka nagkakaganyan? Hindi ko

alam. Ikaw? Alam mo ba kung bakit?

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!