10.01.2015 Views

201404-06pi

201404-06pi

201404-06pi

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

MAYO-HUNYO 2014

2lakas ng masa | ABRIL-HUNYO 2014

Pagkatapos pirmahan ni Aquino ang EDCA

Balikatan Exercises sa Gitnang Luzon

at sa buong bansa,

Nagdulot ng higit na panlilinlang

at pinsala

igit na pambubulabog ng mga

Hsundalo ng Armed Forces of the

Philippines (AFP) at ng mga tropang

Amerikano ang naranasan ng mga

mamamayan ng Tarlac, Zambales,

Nueva Ecija at Pampanga sa

nakaraang Balikatan Exercises na

ginanap noong Mayo 6 hanggang

16. Ito na ang pinakamalaking

Balikatan na dinaluhan ng mahigit

3,000 Amerikanong sundalo,

mahigit 4,500 tropang AFP na

dinagdagan pa ng 60 tropang

Australyano at 25 na kasapi ng

Hawaii National Guard. Ito man ang

ika-30 paglulunsad ng Balikatan

sa bansa, ngayong Mayo naman

ang unang pagkakataon matapos

lagdaan ni Noynoy Aquino at ni

Barack Obama ang kasunduang

Enhanced Defense Cooperation

Agreement (EDCA) na isang

kasunduang militar sa pagitan ng

US at ng Pilipinas.

Mapaminsala at mapanlinlang

na Balikatan

Ang mga pagsasanay pangkombat

ay isinagawa sa Naval Education

and Training Center sa San Antonio,

Zambales, sa Fort Magsaysay,

Nueva Ecija, sa Clark Air Base

sa Angeles City, Pampanga, sa

Crow Valley, Tarlac at sa Marine

Base sa Ternate, Cavite at maging

sa Palanan, Isabela. Kapansinpansin

ang mga nagliliparang

mga jetfighters sa himapapwid

ng Gitnang Luzon noong mga

nakaraang linggo. Ito ay ilan lamang

sa mga binibidang makabagong

kagamitan ng US kabilang pa

ang attack at combat helicopters

na kasamang dumaong ng isang

barkong pandigma sa Subic.

Tulong para sa mga nasalanta

naman ang pagpapanggap ng

mahigit 200 tropang Amerikano

na ipinakat sa Guinobatan, Albay

at sa Legazpi City noong Abril 21

hanggang Mayo 17. Gayundin ang

presensya ng mga Amerikanong

tropa sa Tacloban City, Cebu at

Bohol. Ang mga tropang ito ay

lumahok din sa mga operasyon

laban sa rebolusyonaryong

kilusan at nagkumpuni

ng mga imprastrakturang

pangkomunikasyon at paniktik sa

lugar.

Katulad ng mga nakaraang

Balikatan, matinding pinsala na

naman ang idinulot ng naturang

aktibidad sa hanay ng mga

mamamayan ng Gitnang Luzon at

maging sa iba pang rehiyon. Ilang

araw na binulabog ng mga sundalo

ang mga baryong malalapit sa

kanilang mga pagsasanay dahil

sa mga pagpapaputok ng mga

matataas na kalibre ng baril at

iba pang mga pasabog, pagooperasyon

sa mga lupang

sakahan at sa mga gubat kung

saan naghahanapbuhay ang mga

magsasaka at mga katutubo, at

maging pagpasok sa mga baryo

ng walang pahintulot ng lokal na

gobyerno. Nag-iwan ang mga

tropang ito ng matinding kalat,

pinsala sa kabuhayan, takot

at panibagong pangamba sa

mamamayan dahil sa inaasahan

pang mas madalas nang

paglulunsad ng mga pagsasanay

militar dahil sa kasunduang EDCA.

Panibagong pagtataksil

sa mamamayan

Tiyak na patitindihin pa ng EDCA

ang mga aktibidad tulad ng

Balikatan Exercises. Nakasaad sa

kasunduang ito ang pagbibigay

pahintulot ng Pilipinas na ipagamit

sa Amerikanong sundalo ang

anumang pasilidad militar ,

mga lapagan ng sasakyang

panghimpapawid at mga daungan

sa bansa, at ang pagtatayo ng

iba pang mga eksklusibong

imprastraktura na tanging mga

sundalong Amerikano lamang ang

makakagamit. Mas maraming

sundalong Amerikano rin ang

pahihintulutang pumasok sa bansa

sa mas pinadalas na pagsasanay

at iba pang tulungang operasyon.

Makakapagtago rin sila ng mga

sandata rito, makakapagkarga

ng langis at iba pang suplay, at

makakapagpahinga habang sila

ay naglulunsad ng operasyon,

paniniktik, at pag-iistasyon sa

Timog Silangang Asya.

Hindi pa man napirmahan ang

kasunduan pero kapansin-pansin

na ang pagpapaunlad ng AFP at ng

gobyerno sa ilang mga pasilidad sa

Cagayan Valley, La Union, Cavite,

Cebu, General Santos, Cagayan De

Oro, Zamboanga, Samar, Palawan,

kabilang pa ang mga kampo militar

ABRIL-HUNYO 2014 | lakas ng masa

3

at reserbasyon sa Subic, Pampanga,

Tarlac at Nueva Ecija. Ito nga ay

walang iba kundi ang panibagong

banta ng pagpapanumbalik ng

mga base militar ng US sa bansa

na magreresulta sa malawakang

pagpapalayas, pagsasamantala at

pandarambong sa yaman ng bansa

at pagyurak sa karapatang pantao

ng mga Pilipino.

EDCA at Charter Change

para sa dayuhan

Layunin ng EDCA na tiyakin ang

estratehikong pagposisyon ng US

sa Pilipinas , kagaya ng sa Japan,

South Korea, Thailand at Australia,

para sa higit pang pagtutok at

pagpasok nito sa ekonomiya

at pulitika sa Asya kung saan

malaking kakumpetensya nito

ang Tsina. Dahil sa matinding

krisis na pinagdadaanan ng US,

nagkukumahog itong makapanatili

bilang makapangyarihang bansa

sa daigdig, sa pamamagitan ng

pagtitiyak ng kontrol nito sa rehiyon

ng Asya Pasipiko.

Lubos naman itong sinalubong ng

pinakamasugid na tuta ng US na

rehimeng Aquino. Bagamat walang

pangako ang US na ipagtatanggol

ang Pilipinas kapag lalong tumindi

ang pakikipag-agawan nito ng

teritoryo sa Tsina, gagamitin ito

ni Aquino upang panatilihin ang

ilusyon ng matatag niyang gobyerno

at pagtakpan ang kasalukuyan

niyang administrasyong hitik sa

korupsyon, kriminal na kapabayaan,

at patung-patong na pagpapahirap

sa sambayanan.

Ang EDCA ay labag sa Saligang

Batas ng Pilipinas, kaya naman

itinutulak din ng gobyernong Aquino

ang Charter Change upang bigyang

katwiran ang EDCA kasabay ng

4

lakas ng masa | ABRIL-HUNYO 2014

matinding pagsusulong ng mga

malalaking kapitalista sa higit pang

pagbubukas sa ekonomiya ng

bansa sa mga dayuhan. Gusto nilang

ipatupad ang pagbibigay pahintulot

sa mga dayuhan na magmay-ari ng

100% ng anumang negosyo’t pagaari

sa Pilipinas na siya namang

tinututulan ng malawak na hanay

ng mamamayan.

Tuloy ang kasaysayan

ng paglaban

Isang mahabang kasaysayan ng

pakikibaka ang magpapatunay sa

pagupunyagi ng sambayanang

Pilipino sa pagtindig at pagtatanggol

sa pambansang patrimonya at

soberanya. At nananatiling sandata

nito ang sama-samang pagkilos.

Ilang dekada nang tumitindig ang

mga katutubong Aeta sa Zambales

at Tarlac para ipagtanggol at bawiin

ang kanilang lupang ninuno na

ninakaw noon ng mga Amerikano

upang gawing mga reserbasyong

militar. Noong Setyembre 16, 1991

nagtagumpay ang sambayanan na

patalsikin ang mga base militar ng

US sa Subic at Clark. Itinaboy naman

ng mga mamamayan ng Bicol ang

mga sundalong Amerikano noong

Balikatan 2009. Ilang beses na ring

binigo ng sambayanan ang mga

panukalang Charter Change ng

mga nagdaang rehimen.

Sa kasalukuyan, naghahanda ang

mga magsasaka at katutubo sa

mga apektadong probinsyang

ito para sa paglahok sa isang

malaking pagkilos ng mga

magbubukid kung saan kasama

sa kanilang panawagan ang

pagbabasura sa EDCA, Charter

Change at Balikatan, paglaban sa

agresibong interbensyong militar

ng imperyalismong US at ang

pagpapatalsik at pagwawakas

na sa makadayuhan at kontramamamayang

rehimeng US-

Noynoy Aquino.

5

i Noynoy Aquino, bilang pangulo

Sng Republika ng Pilipinas,

ang kasalukuyang tumatayong

kinatawan ng mga naghaharinguri

o ang pagsasabwatan ng

malalaking panginoong maylupa,

at ng mga malalaking dayuhan

at Pilipinong kapitalista na

kinukumpasan ng imperyalistang

Estados Unidos. Siya ay kasapakat

sa pagtataguyod ng mga ugat

ng kahirapan sa ating bayan :

ang imperyalismo, burukrata

kapitalismo at pyudalismo.

Narito ang ilan sa mga matitingkad

na dahilan kung bakit dapat nang

wakasan ang panunungkulan ni

Noynoy Aquino.

1KAWALAN NG TUNAY

NA REPORMA SA LUPA

AT LUMALALANG

KALAGAYAN NG MGA

MAGBUBUKID

Papalapit na ang pagtatapos

ng epektibidad ng batas na

Comprehensive Agrarian Reform

Program Extension with Reforms

(CARPER). Kung matatandaan,

mahigit sa 1.2 milyong ektarya

pa dapat ang maipapamahagi sa

mga magsasakang wala o kulang

ang sinasaka. Ngunit hanggang sa

kasalukuyan, nananatiling pito sa

sampung magsasaka ay wala pa

ring sariling lupang sinasaka. Sa

ABRIL-HUNYO 2014 | lakas ng masa

5

DAHILAN KUNG BAKIT

DAPAT NANG PATALSIKIN

SI NOYNOY AQUINO

ilalim ng asenderong-pangulong

Noynoy Aquino, lalong napatunayan

ang kahungkagan ng CARPER.

Nananatili ang konsentrasyon

ng malalawak na lupain sa mga

asyenda sa kamay ng iilang

panginoong maylupa tulad ng sa

Hacienda Luisita. Nagbabadya

pa ang muling rekonsetrasyon

ng mga lupang sakahan dulot ng

malawakang pakana ng gobyerno

tulad ng pagbabanta sa mga

magsasaka ng pag-iilit sa kanilang

lupa kung hindi makakapagbayad ng

amortisasyon. Lumalawak din ang

pagpapalayas sa mga magsasaka

at maging sa mga katutubo katulad

ng kalagayan ng mga mamamayan

sa military reservation sa Capas,

Tarlac.Patuloy na tinatapatan ng

pandarahas ng estado ang mga

magsasakang lumalaban para sa

kanilang karapatan sa lupa.

2

PATONG-PATONG NA

PAGPAPAHIRAP SA

MAMAMAYAN

Walang napala ang mga

manggagawa sa ilalim ng rehimeng

Aquino. Patuloy na ipinapatupad

ang patakarang kontraktwalisasyon

habang wala itong binibigay na

makabuluhang dagdag sahod sa

apat na taon nitong panunungkulan.

Pinagkakasya ng manggagawang

Pilipino ang minimum na sahod

sa nagtatasang presyo ng bilihin

kabilang na ang bigas, at iba pang

6

lakas ng masa | ABRIL-HUNYO 2014

mga singilin tulad ng tubig at

kuryente.

Patuloy na ginigipit ang mga

manggagawang Pilipino sa

mapanupil na mga patakaran at

pagbabawal sa unyon. Maraming

Pilipino ang humahantong sa mga

alternatibong hanapbuhay para

itawid ang gutom ng pamilya sa

araw-araw. Patuloy na itinataboy

ang mga Pilipino para mamasukan

sa ibayong dagat. Samantalang,

milyon-milyong Pilipino pa rin ang

walang hanapbuhay.

Lalong nawalan ng pag-asa na

makapagtapos sa pag-aaral ang

mga kabataan dahil sa panibagong

bigat na dulot ng dagdag 2 taon

sa batayang edukasyon habang

papadausdos ang kalidad ng

edukasyon sa bansa. Nananatiling

kakarampot ang pondo sa

serbisyong pangkalusugan at

pabahay kaya di nito matugunan

ang batayang pangangailangan ng

mamamayan.

Pinagmamayabang ni Aquino ang

kaniyang Pantawid Pamilyang

Pilipino Program o 4PS, isang

programang ang pondo ay inutang

lamang ng gobyerno sa dayuan,

at patuloy na nanlilinlang ng

mga maralitang Pilipino sa kabila

ng maagang pagkakalantad ng

korupsyon nito at layunin na ilayo

ang mamamayan sa paglaban.

3

MAS MATINDING

KORUPSYON AT HINDI

PAGPAPANAGOT KAY

ARROYO

Bigo ang rehimeng Aquino na

panagutin ang kriminal na si

Gloria Arroyo. Sa halip, lalo lamang

lumala ang korupsyon sa ilalim

ng ‘matuwid na daan’ umano ng

gobyerno. Tumanggi si Aquino na

tanggalin ang presidential pork

barrel habang patuloy na nailalantad

ang mga pulitiko at personalidad na

nakikinabang sa mga ito. Patuloy

ang pag-iwas ni Noynoy Aquino sa

isyu ng korupsyon kaya nananahimik

ito pagdating sa pagpapanagot

kay Janet Lim Napoles at sa mga

kaugnayan nitong mga sendaor at

kongresista. Sa halip na tutukan at

magsalita hinggil sa mga paglilitis

ng Senado, pilit pang binabaon ng

administrasyong Aquino ang isyu

ng pork barrel at nililito ang mga

mamamayan. Patunay din ang isyung

ito ng mas matinding pagkakabitakbitak

ng mga naghaharing-uri sa

gobyerno.

4

KRIMINAL NA

PAGPAPABAYA SA

BIKTIMA NG KALAMIDAD

Sunud-sunod ang mga kalamidad

ang pinagdaanan ng ating bansa sa

panahon ng panunungkulan ni Pnoy.

Ang hagupit ng Habagat sa Metro

Manila, ang pananalanta ng bagyong

Pablo sa Mindanao, ang mga lindol

sa Cebu at Bohol, ang bagyong Santi

sa Gitnang Luzon at ang pinakahuli

ay ang delubyong hatid ng bagyong

Yolanda sa Kabisayaan. Aabot sa

daan-daan libong mga mamamayan

ang apektado sampu ng kanilang

mga kabuhayan.

Sa lahat ng ito, napakainutil ng

pagtugon ng goyernong Aquino na

higit na nagpalubha sa kalagayan

ng mga nasalanta. Sa kabila ng

nakapakalaking donasyon na

dumating o ipinangako sa Pilipinas,

nananatiling di sapat para sa relief at

rehabilitasyon ang inilalan ng tulong

ng gobyerno. Walang makabuluhang

tulong ang inilaan para sa mga

magsasakang tinamaan ang

kabuhayan. Kalakhan sa mga

tulong ay kinurakot na ng gobyerno.

Ginamit pa ng gobyerno ang

mga kalamidad na ito para

patindihin ang kampanyang

panunupil at interbensyong

militar ng US sa Pilipinas. Sa

kasalukuyan, nag-ooperasyon

ang mga sundalo ng AFP sa mga

maituturing na pinakamalalakas na

rebolusyonaryong base sa Visayas

at Mindanao pero patuloy itong

binibigo ng mga mamamayang

lumalaban.

5PAGTATAKSIL SA

BAYAN AT LABIS NA

PAGPAPAKATUTA SA US

Sobra-sobrang pagpapakatuta ang

ipinamalas ni Aquino sa pagpasok

nito sa panibagong kasunduang

militar kasama ang gobyerno ng

US, ang EDCA. Kung matatandaan,

sa mga unang taon ng kaniyang

panunungkulan makailang

beses na sinalubong ni Aquino

ang pagpasok ng mga barkong

ABRIL-HUNYO 2014 | lakas ng masa

pandigma ng US. Ilang beses itong

nagpakita ng suporta sa US sa mga

planong pang-ekonomiya nito sa

Asya kaya naman lubus-lubos ang

pagpapatupad ni Aquino ng Public-

Private Partnerships kasama ang

mga imperyalistang bayan.

Ngayon, muli na namang

pinagtaksilan ni Aquino ang

sambayanang Pilipino sa pagpasok

sa EDCA. Malaking banta ito sa ating

pambansang kalayaan, sa likas na

yaman ng ating bansa, at maging

sa kabuhayan at karapatang pantao

ng mamamayan.

obra na. Tama na. Ang apat

Sna taong panunungkulan ni

Noynoy Aquino ay apat na taong

pagpapatindi ng pagsasamantala,

pagpapahirap at pandarahas sa

sambayanang Pilipino. Dapat na

siyang patalsikin ng sambayanang

Pilipino kasabay ng patuloy na

pagsusulong ng demokratikong

rebolusyong bayan upang ibagsak

ang kasalukuyang sistema at itayo

ang isang sosyalistang lipunan.

7

8

lakas ng masa | ABRIL-HUNYO 2014

Mga unang hakbang sa proyektong CLLEx, inumpisahan

Pagtutol sa makadayuhan at

kontra-mamamayang programa,

umiigting

atuloy na lumalaki ang banta

Plaban sa kabuhayan at tirahan

ng mga mamamayang apektado

ng proyektong Central Luzon Link

Expressway (CLLEx). Ipinabatid

sa mga apektadong mamamayan

sa Nueva Ecija na patatapusin

na lamang ang anihan ng palay

ngayong tag-araw at sisimulan na

ang pagtatambak sa mga lugar na

dadaanan ng naturang proyekto.

Namataan sa bandang Hacienda

at Sta Monica ng Aliaga ang kada

tatlong araw na pagtatayo ng

mga pananda sa mga bukid na

tatamaan ng CLLEx. Bukod rito,

nito lamang Marso ay ipinatawag

na rin ng DPWH at ECOSYSCORP,

Incorporated ang mga kapitan

ng mga barangay sa Aliaga at

Zaragosa para sa diumanong

paglulunsad ng mga pagpupulong

at konsultasyon. Lahat ng ito ay

hudyat na ng pagsisimula sa unang

yugto ng proyektong CLLEx.

Proyektong Kontra-Mamamayan

Magdudulot ang CLLEx ng pinsala sa

hindi bababa sa 23 barangays mula

Tarlac City, La Paz, Zaragosa, Aliaga

at Cabanatuan City. Permanenteng

mawawalan ng pagkukunan ng

kabuhayan ang mga magsasaka sa

kanilang lupang binubungkal kung

saan aabot ng 184.2 ektarya (30.7

kilometro x 60 metro) ang saklaw

ng unang yugto ng naturang

proyekto. Hindi pa kasama rito ang

mga lupa na masasagasaan ng

apat na interchange na itatayo sa

Amucao, La Purisima, San Juan-

San Felipe at Caalibangbangan.

Magdudulot rin ito ng pagkasira

ng mga sistema ng patubig o

irigasyon tulad ng sa GAPOMACA,

sa barangay ng Pantoc at Umangan

ng Aliaga at iba pa. Dagdag pa rito

ay malaki ang magiging epekto

nito sa produksyon ng palay kung

saan sa Cabanatuan pa lamang ay

tinatayang 35,000MT produksyon

ng palay na ang mawawala.

Maging ang mga tahimik na mga

pamayanan ay mabubulabog tulad

nang sa Sitio Putot, Barangay Bucot,

sa Purok1 ng Barangay Umangan,

sa Sitio Pulo ng Caalibangbangan

at sa iba pa kung saan mismong

mga tahanan ng mga residente ang

tiyak na madedemolis.

Bukod sa mga direktang

mawawalan ng tirahan at maalisan

ng karapatang magbungkal sa

kanilang mga bukid, isa pang

malubhang epekto nito ay

ang paglala ng pamalagian at

pangmatagalang pagbaha sa mga

bayang sasagasaan ng CLLEx.

Proyektong Makadayuhan

Ang CLLEx ay bahagi lamang ng

programa ng reaksyonaryong

gobyerno na magsisilbi sa

malalaking lokal at dayuhang

negosyo. Ang naturang expressway

ay nakadugtong sa mga samu’t

saring proyektong highway sa loob

ABRIL-HUNYO 2014 | lakas ng masa

9

KONTRA-KARATULA

Nagsabit ang mga

magsasaka ng

isang malaking

karatula para

ipabatid ang

kanilang mariing

pagtutol sa

iba’t ibang porma

ng pagpapalayas

at pangangamkam

ng lupa sa

buong probinsya.

MATUWID NA DAAN

Napakaraming

mga proyektong

expressway at

highway ang nais

ipatupad ng

gobyernong Aquino

na ang pangunahing

makikinabang

ay pawang malalaking

negosyo at

dayuhan lamang.

10

lakas ng masa | ABRIL-HUNYO 2014

ng 200 kilometrong erya palibot

ng Metro Manila. Sa partikular

ay pagdurugtungin ng CLLEx ang

Kanluran at Hilagang Gitnang

Luzon at mga dagat nito na West

Philippine Sea at Dagat Pasipiko.

Layon ng lahat ng ito na mapabilis

ang daloy ng mga negosyo tulad ng

pagmimina, paghahakot ng likas na

yaman at hilaw na materyales at

transportasyon ng mga produktong

pang-eksport at imported kasama

na ang smuggling. Magsisilbi

rin umano ito sa turismo ngunit

kaakibat din nito ay paglala ng

human trafficking, drug trafficking,

at prostitusyon.

Titiyakin ng proyekto ang mabilis

na transportasyon ng mga

lokal at dayuhang malalaking

mamumuhunan tulad ng :

• APECO, Food basket at Coconut

Plantation ng mga Angara; at Ben

Ham Rise sa Aurora;

• Minang ginto ng Canadian na

Oceana Gold sa Nueva Vizcaya;

• Bio-Ethanol ng Hapon sa Isabela

• Casecnan Hydro Power ng

California Energy sa lugar ng

katutubong Bugkalot;

• Limang libong ektaryang Wind

Farm sa Caranglan;

• Pantabangan at Aulo Dam Water

Sports;

• Smuggling sa Dingalan

International Free Port;

• Retirement Village sa Gabaldon at

marami pang iba.

Lahat ng mga ito ay matitiyak na

maiuugnay sa Hacienda Luisita

Incorporated; sa Metro Clark/Green

City Project sa mga reserbasyong

militar sa Capas-Mabalacat/

Angeles; Manila Bay Coastal City

sa bunganga ng Pampanga River;

Subic Free Port; Bataan Export

Processing Zone sa Mariveles at

iba pa.

Nakabalangkas rin ang naturang

proyekto sa paglilingkod sa

mga tropang Amerikano sa

pamamagitan ng kasunduang

EDCA. Titiyaking may mahusay

na daanan ang mga sundalong

Amerikano para sa mas mahusay

nitong interbensyong militar sa

bansa. Kaya naman malaki ang

pakinabang ng pwersang miitar ng

Estados Unidos sa SCTEx, TPLEx,

CLLEx 1 & 2 at NLEx upang mabilis

na matahi ang Subic-Clark-Fort

Magsaysay/Dinggalan Bay-Poro

Point at NCR.

Umiigting na pakikibaka ng

mamamayan

Tunay ngang palalalain lamang

ng proyektong ito ang dayuhang

pandarambong sa likas na yaman

at dayuhang panghihimasok sa

ating bansa, kapalit ang pagkawala

ng tirahan at kabuhayan ng libulibong

mamamayan. Ngayon pa

lang ay malawak na pagkakaisa na

ang binubuo ng mga mamamayan

ng Nueva Ecija at gayundin

ng iba pang probinsya para sa

panawagang pagtutol sa kontramamamayan

at makadayuhang

proyektong CLLex. Ang paglabang

ito ay siya ring bibitbitin na

panawagan ng mga mamamayang

apektado sa kanilang paglahok

sa Lakbayan ng mga Magbubukid

ngayong Hunyo kasama ang libulibong

magbubukid sa buong bansa

na nagkakaisa para ipanawagan

ang tunay na reporma sa lupa

at ang pagpapatalsik sa kontramagsasakang

pangulong Noynoy

Aquino.

ariing kinundena ng mga

Msamahang magsasaka ang

panibagong pandarahas sa loob

ng Hacienda Dolores sa Porac,

Pampanga. Si Menelao Barcia,

isang lokal na lider at kagawad

ng barangay ay walang awang

pinagbabaril kasama ang kaniyang

asawa noong Mayo 2 ng mga

hinihinalang tauhan ng sabwatang

Leonardo-Lachenal Holdings,

Inc. , FL Property Management

Corporation at Ayaland sa Hacienda

Dolores. Bagamat sugatan ay

naisalba ang buhay ng asawa

nitong si Maria samantalang si

Menelao ay hindi na umabot nang

buhay sa ospital.

Si Barcia ay pangalawa na sa

mga pinatay na lider magsasaka

sa naturang Hacienda ngayong

taon. Nauna rito ang kaso ni

Arman Padino noong Enero na

pinagbabaril kasama ang dalawa

pang magsasaka habang patungo

sila sa kanilang bukid.

Ang naturang pangyayari ay

bahagi pa rin ng pananakot ng

mga naturang kumpanya sa

mga magsasakang nananatili

at nakikibaka para sa kanilang

karapatan sa lupang sakahan sa

Hacienda Dolores. Dagdag ito sa

napakarami nang naunang mga

kaso ng pananakot gaya ng paninira

ng mga ari-arian at pananim,

pagdakip at iligal na pagkulong,

sapilitang pagpapapirma sa mga

waiver at maging pagpapaulan ng

mga bala.

ABRIL-HUNYO 2014 | lakas ng masa

11

Sa nagpapatuloy na pakikibaka para sa lupa,

Lider magsasaka sa Hacienda

Dolores, pinaslang

Ang Hacienda Dolores ay 2,000

ektaryang lupain sa Porac na

malapit sa Subic-Clark-Tarlac

Expressway na ngayon ay inaangkin

ng Leonardo-Lachenal Holdings,

Inc. at FL Property Management

Corporation, pawang may ugnayan

sa Ayaland, at may planong magtayo

ng 1,125 ektaryang pang-idustriya,

panturismo, pangkumersyal at

pangresidensyal na Alveria estate.

Noong 2005 naglabas ang

Department of Agrarian Reform

ng kautusan na bakuran na ang

humigit kumulang 750 ektaryang

lupain kung saan kabilang ang

mga sakahan ng mga magsasaka.

Bagamat ang mga lupaing ito ay

sinasaka na ng mga magsasaka

simula pa noong panahon ng mga

Kastila noong 1830’s, ginagamit

ng gobyerno at ng mga kapitalista

ang hungkag na batas na CARP

para alisan ng karapatan ang mga

magsasaka sa lupa.

Sa kabila ng mga pandarahas at

pananakot, matibay pa rin ang

paninindigan ng mga magsasaka

na ipagtanggol ang kanilang mga

lupang sakahan. Sa kasalukuyan,

ang mga samahang magsasaka ng

Hacienda Dolores ay naka kampo

sa harap ng DAR sa San Fernando

bilang protesta at sila ay mananatili

doon hanggang sa darating na

Lakbayan sa huling linggo ng Hunyo

kung saan sila ay aanib sa iba

pang mga magsasaka sa rehiyon

sa isang martsang magbubukid

patungong Maynila.

lakas ng masa | ABRIL-HUNYO 2014

12

Kilos-protesta sa Araw ng Paggawa,

nilahukan ng mamamayan

aan-daan libong manggagawa

Dsa buong kapuluan ang

nagmartsa at nagprotesta

sa nakaraang ika-128 taong

pagdaraos ng Pandaigdigang

Araw ng Paggawa noong Mayo 1.

Nagkaroon ng mga kilos protesta

sa iba’t ibang bahagi ng bansa

kabilang na sa mga sentrong bayan

sa Gitnang Luzon tulad ng Angeles

City sa Pampanga at Tarlac City sa

Tarlac.

Sa pangunguna ng mga tunay,

palaban at makabayang unyon at

pederasyon ng mga manggagawa,

lumahok sa pagkilos ang iba’t

ibang sektor katulad ng mga

manggagawang pang-agrikultura,

mga magsasaka, mga maralita,

mga guro, mga kawani ng

gobyerno, mga pari at iba pang

taong simbahan, mga kababaihan,

mga estuyante’t kabataan at

marami pang iba.

Mariing kinundena ng mga

manggagawa ang papatinding

pagsasamantala sa mga

manggagawang Pilipino kabilang

na ang patuloy na panggigipit ng

gobyerno at ng mga malalaking

negosyante sa murang pasahod sa

paggawa, kontraktwalisasyon, at

karahasan sa mga manggagawa.

Tiyak pa itong palalalain ng

pagpasok ng gobyernong Aquino

sa kasunduang EDCA at ang

nakaambang pagraratsada sa

Charter Change. Ang mga batas

at kasunduang ito ay magdudulot

ng mga sumusunod : a.) Todong

presyur at todong pagpiga sa dati

nang binabarat na lakas paggawa.

Ibayong pag-atake sa sahod,

seguridad sa trabaho at mga

benepisyo, b.) Mas masahol na

pagwasak sa kapaligiran alangalang

sa tubo, c.) Mas masahol

na pangangamkam at pagkakait

ng lupa sa mga magsasaka

at pambansang minorya at d.)

Tahasang dayuhang pag-aari at

pagkontrol sa mga negosyo, lupain,

public utilities, mass media at iba

pang serbisyo.

Ipinanawagan din ng mga

manggagawa ang pagtatakwil

at pagpapatalsik sa rehimeng

US-Noynoy Aquino sa batayang

wala itong makabuluhang

ginawang pagbabago sa buhay ng

mamamayan sa nakalipas na unang

hati ng termino nito. At sa halip ay

nagpatupad ng mga patakaran at

programa na lalong nagpasidhi sa

kalagayan ng mga manggagawang

Pilipino.

Naglunsad naman ang

rebolusyonaryong konseho ng mga

unyon, ang Revolutionary Council of

Trade Union (RCTU), ng mga oplanpinta

at mga pagtitipon bilang

pakikilahok at pakikiisa sa mga

manggagawa ng buong daigdig.

Nagkaroon din ng mga katulad na

pagtitipon at mga martsa sa iba

pang panig ng mundo tulad ng

Japan, China, North Korea, India,

Italy, France, at maging sa Estados

Unidos kung saan lumahok rin ang

mga migranteng manggagawang

Pilipino roon.

URING

MANGGAGAWA,

HUKBONG

MAPAGPALAYA!

ABRIL-HUNYO 2014 | lakas ng masa

13

lakas ng masa | ABRIL-HUNYO 201

14

Ika-41 taong pagkakatatag

ng NDFP, ipinagdiwang

pinagbunyi sa buong bansa

Inoong buwan ng Abril ang ika-41

taong pagkakatatag ng Pambansa

Demokratikong Prente ng Pilipinas

o National Democratic Front of the

Philippines (NDFP).Naglunsad ang

mga rebolusyonaryong pwersa

ng iba’t ibang klase ng pagtitipon,

pangkulturang aktibidad, mga

raling iglap, mga operasyonpinta

sa kalsada, at iba pa upang

ipamalas ang kasalukuyang

paglawak at paglakas ng NDFP.

Ang NDFP ay ipinundar noong

1973 at naitatag noong Abril 24.

Mula noon, ito ay kumatawan sa

milyun-milyong nagkakaisang

mamamayan sa ilalim ng mga

bandila ng mga itinatayong

demokratikong gobyernong bayan

o organo ng demokratikong

kapangyarihan sa buong kapuluan.

Sa pamumuno ng Partido Komunista

ng Pilipinas –MLM, binibigkis ng

NDFP batay sa saligang alyansa

ng manggagawa at magsasaka,

ang pinakamalawak na hanay ng

mga progresibo at makabayang uri,

sektor at pwersa ng sambayanang

Pilipino at pinalalahok ang mga ito

sa rebolusyon.

Kumakatawan ang NDFP sa

demokratikong gobyernong

bayan pagdating sa mga usapang

pangkapayapaan sa naghaharing

estado o gobyerno at siyang

nagtutulak sa pagsusulong ng

mga pambansa demokratikong

pagbabago sa lipunan upang

tugunan ang ugat ng armadong

tunggalian. Ito rin ay kumakatawan

sa sambayanang Pilipino sa

pagbubuo ng diplomatikong

relasyon sa iba pang mga gobyerno

ng ibang bansa at pagbubuo

ng internasyunal na antiimperyalistang

pagkakaisa.

Sa pagsulong sa panibagong

taon ng NDFP, ipinanawagan

nito ang ibayong pagkakaisa ng

sambayanang Pilipino upang

labanan ang papaigting na

atake ng naghaharing-uri at ng

imperyalistang US sa bansa sa

pamamagitan ng EDCA at ng

nakaambang Charter Change.

Iginiit din nito ang pagpapalaya sa

mga NDFP consultants kabilang na

ang mag-asawang Benito Tiamzon

at Wilma Austria at ipinanawagan

ang muling pag-usad ng usapang

pangkapayaapaan na ngayon ay

tutuntong na dapat sa pagbubuo

ng kasunduan para sa mga sosyoekonomikang

usapin. Idiniin nito

ang pagsusulong sa 12 Puntong

Programa ng NDFP para sa tunay

na panlipunang pagbabago at

kapayapaang nakabatay sa

katarungang panlipunan.

Sa kasalukyan, ang NDFP

ay binubuo ng 18 alyadong

reboluysonaryong organisasyon

kabilang na ang Partido Komunista

ng Pilipinas at ang Bagong

Hukbong Bayan. Pinakabago

sa mga ito ang LUMABAN na

rebolusyonayong organisasyon ng

mga abogado at manananggol,

at ang COMPATRIOTS ang

rebolusyonaryong organisasyon

ng mga migranteng Pilipino

(mamamayang nagtatrabaho o

naninirahan sa ibayong dagat).

ABRIL-HUNYO 2014 | lakas ng masa

15

ANG MGA ALYADONG

ORGANISASYON NG NDFP :

• Artista at Manunulat ng

Sambayanan (ARMAS)

• Christians for National Liberation

(CNL)

• Cordillera People’s Democratic

Front (CPDF)

• Katipunan ng mga Gurong

Makabayan (KAGUMA)

• Kabataang Makabayan (KM)

• Katipunan ng Samahan ng mga

Manggagawa (KASAMA)

• Makabayang Kawaning Pilipino

(MKP)

• Liga ng Agham Para sa Bayan

(LAB)

• Revolutionary Organization of

Lumads (LUMAD)

• Lupon ng Manananggol para sa

Bayan (LUMABAN)

• Makabayang Kilusan ng Bagong

Kababaihan (MAKIBAKA)

• Makabayang Samahang

Pangkalusugan (MASAPA)

• Moro Resistance and Liberation

Organization (MRLO)

• Pambansang Katipunan ng mga

Magbubukid (PKM)

• Revolutionary Council of Trade

Unions (RCTU)

•Revolutionary Movement of our

Compatriots Abroad and their

Families (COMPATRIOTS)

• Partido Komunista ng Pilipinas

(PKP-MLM)

• Bagong Hukbong Bayan

(BHB / NPA)

lakas ng masa | ABRIL-HUNYO 2014

20

NANG

MAGBANGON

ANG MGA

API

MAIKLING KUWENTO

NI KA YUHUM

ulang pula at sumisingasing sa

Pgalit ang mukha ng panginoon.

Pero nang mga sandaling iyon,

walang maibulalas na katapangan

ang kanyang bibig. Hawak ang

kapirasong papel at bolpen ay

nanginginig pa ang kamay na isaisa

nyang inilista ang mga pangalan

ng mga lider magsasaka na walang

pag-aatubiling nagpakilala pa

sa kanya. Nagmistulang estatwa

naman ang kanyang mga disipolong

maton habang inaantay ang

imamando ng kanilang panginoon.

Patirik pa lang ang araw noon.

Sinorpresa ng hindi bababa sa

40 masang katutubo mula sa 3

tribu ang panginoong maylupa

na si Mr. Onyok at ang kanyang

mga maton. Walang sabi-sabing

winasak nila ang mga bakod at

pinagbubunot ang mga poste.

Tinangka niyang pigilan ang mga

ito. “Hoy, hoy, mga baluga! Anong

ginagawa nyo Tigilan nyo yan!

Tigilan nyo yan!” Pero tila bingi ang

mga masang katutubo sa kanyang

dumadagundong na boses. Habang

abala ang karamihan, hinarap siya

ng mga lider katutubo. “Sa amin

ang lupang ito. Kaya sa araw na

ito ay aming binabawi ang lupang

iyong kinamkam.” Walang naisip

na isagot ang panginoon. Sa dako

roon, kanyang namataan ang ilang

mga katutubong nakayukod sa

mga pilapil na may dala-dalang

bonghat. “Ayaw ko ng away.

Kunin ko na lang ang inyong mga

pangalan,” ang tanging naisambit

ng panginoon sa boses na bgilang

nabasag.

Nayanig ang langit sa pagbabangon

ng mga api. Itong panginoong

natakot mapatalsik sa trono, agad

naghanap ng kakampi at gagawing

mersenaryo. Kumpare nyang si

Kapitan ang agad na sumugod

sa tribu. Kanyang nadatnan ang

mga masang nagsisimula nang

gumawa ng bahay. Naninikluhod

ang kanyang boses na nakikiusap.

“ Hinay-hinay lang mga mahal

kong kababaryo. Tigilan muna

ninyo itong trabaho. Ayusin natin

ito sa mahinahong paraan para

walang gulo. Ako na munang

bahala, magtiwala sana kayo.”

At napahinto nga mga masang

katutubo. Itong nagsasalita’y

kinikilala kasi nilang santo. Natapos

ang usapan sa malalim na buntong

ABRIL-HUNYO 2014 | lakas ng masa

21

hininga at taimtim na dasal. “Sya

nawa, Amen.”

Subalit, makalipas ang ilang araw,

sumambulat na kulog itong balita.

Ngalan ng mga lider katutubo’y

nakatala sa Bibliya. Ang sabi,

sila’y may sabpena. “Damage to

Property” ika banggit ng nakasulat.

“Pagkakasala’y matutubos ng

dalawampung libong piso bawat

isa. Kung hindi, kayong pinagpalang

nakatala ay makukulong. Sa sala

ng husgado kayo’y pumarito at

kung hindi kayo’y ipapaaresto.”

Ang mga tribu’y nagulantang.

Hindi nila napaghandaan itong

tusong hakbang. Saang sulok ng

kabundukan nila makakalap ang

halagang dalawampung libong

piso Presyo ng puso ngayon ay

singkwenta pesos lamang kada

sako. Wala ng palay na mababayo.

Halaga ng karne ng baboy dikut ay

siento singkwenta pesos lamang

kada kilo. Said na ang laman ng

kamoteng kahoy. Lipas na ang

mga pananim sa uma. Sandaling

nagnilay-nilay ang mga masang

nasasakdal. At sa huli’y umabot sa

isang pagpapasya.

Dumating na ang araw ng pagtutuos.

Lulan ng isang dyip,mga masang

katutubo’y sisksikan sa loob. Meron

pang nakasabit at nasa taas ng

bubong. Pagdating sa bulwagan ay

agad nagpalinga-linga. Napurnada

na! Pangakong abugado ng NCIP

(ahensya ng gobyernong may

responsibilad sa interes ng mga

katutubo) ay wala pa. At wala na

yatang balak magpakita kahit man

lang bula. Sugod ang mga masa sa

munisipyo! Si Mayor ng marinig ang

kanilang kwento, napabilib sa mga

katutubo. Itong mga kaharap niya’y

may pinaglalabang prinsipyo. Ang

lakas ng kanilang pagkakaisa ay

nagbunga ng isang alyado. Kaagad

silang binigyan ni mayor ng isang

abogado.

Walang bolahan o masikot-sikot

pang usapan. Kaagad nilang

inilahad ang aping kalagayan.

Payak, matapat at matalas na

propaganda-ahitasyon ang umantig

sa damdamin ng abugadong petiburges.

Nakabig ang kanyang

simpatya at nanindigan sa panig

ng mga api. Kaagad ay nangakong

ipagtatanggol sila sa hukuman ng

mga poon.

Nagmartsa na sila ngayon

patungong sala ng hukom. Sa

loob ng malamig na kwarto, nasa

sentro ang hukom at sa isang tabi,

naroroon ang panginoong si Onyok.

Posturang mayabang, nakataas

pa ang noo. Pero nang makitang

sumisikip na ang kwarto sa dami

ng mga katutubo ay nagbago ang

anyo. Butil-butil ang pawis, sapusapo

ang dibdib.

Napansin ng hukom ang kalagayan

ng panginoon. “Lumabas muna

kayo’t maghintay ng tawag. Huwag

kayong tatakas kung ayaw n’yong

makulong.”

Pansamantalang nilisan ng mga

masa ang kwarto ng hukom. Sa

labas tahimik ang lahat. Ang ilang

nasasakdal ay nangangatog na

ang tuhod – malamig kasi doon

at hindi pwedeg magdapog. Ang

iba naman’y pinagpapawisan na

ng malapot – masikip kasi ang

lugar, sa dami nila ay kulang ang

espasyo. Ang lider ang bumasag sa

katahimikan. “Kung makukulong

tayong lahat, ipapakiusap ko sa

lakas ng masa | ABRIL-HUNYO 2014

22

hukom na pauwiin kayo at ako

na lang ang ikulong.” Kaagad na

sumagot ang isa. “ Hindi! Kung ang

mga lider ay ikukulong, pakukulong

na tayong lahat!” Agad namang

sumigunda ang iba pa. “Wa, wa!

Pitig ya habain. Pakukulong na

tayong lahat!” “Naku, ako na

lang!,” banggit uli ng lider. “Kasi

pag ako lang mag-isa ang nakulong

at kayo ay malaya, marami

kayong maghahanap ng aking

pampyansa!” Tawanan na ang

lahat. Natigil lamang ang kasiyahan

nang muli na silang ipatawag.

Tinawag ang mga nasasakdal.

Kahit kinakabahan ay pumaroon sa

harapan ang mga lider. At sinimulan

na ang padasal. Oops, ingles ang

litanya. Matapat na nagsalita

ang mga katutubo. “Pasensya na

kagalang-galang na hukom. Kami

po’y hindi nakapag-aral dahil sa

matinding kahirapan. Salitang

banyaga, di namin maintindihan.”

“Sige,sige! Ano palang gusto

nyong lenggwahe Tagalog o

kapampangan” tanong ng hukom.

“Kapampangan!,” sabay-sabay

pang sagot ng mga katutubo. Kaya

ang nangyari, naging kapampangan

ang usapan sa hukuman.

Sinimulan na ang paglilitis. “Tutu

pen a makabonet kayu enyang

minta keng bale ni Mr. Onyok,”

tanong sa lider. “Ali pu. Misabi kami

pen!” At parang nagrorosaryong

tumugon ang iba pa. “Wa! Wa! Pitig

ya habain! Pitig ya habain” At ganon

na nga ang nangyari. Sa bawat

tanong, di lang lider ang sumasagot.

Hindi mapigil ng hukom maging

ng tagapamayapa ang mga masa

na magsalita kahit hindi sila ang

nasasakdal. Sa paglilitis na iyon,

binigyang linaw ng mga masang

katutubo ang misteryo ng kanilang

kahirapan at pagpapakasakit.

Pangangamkam ng lupa ni Onyok,

sa korte nabulgar!

Sapu ang dibdib na para bang

aatakehin ng sakit sa puso,

nagmistulang impyerno para kay

Onyok ang mga sandaling iyon.

Bigo ang panginoong turuan ng

leksyon itong matatapang na mga

katutubo. At para naman hindi

tuluyang magdilim ang langit,

itong hukom nagbaba na ng hatol.

“O sige, eh dako kayu pakulong

ngeni pero pag inulit nyo pa ing

panira ing ari-arian, pakulong da

kayu. Nung ke kayu ya ing gabon,

magdemanda kayu!”

Pinagbunyi ng mga masang

katutubo ang di nila pagkakulong.

Pero itong babala sa isip nila ay

nagmarka. Paano na ngayon

Paano na nila mababawi ang lupang

kinamkam Alam nilang hindi

sapat na may abogado na silang

kaibigan para ilaban ang kaso

sa korte. Naalala nila ang sabi ng

mga kasama noon. “Kilusang masa

lamang ang makakapagpanalo ng

laban na ito.” Pero paano nga ika

kung gagamitan na sila ng batas

Kaya ganon na lang ang kanilang

tuwa nang ang kanilang hukbo’y

dumating na. “Bakit ngayon

lang kayo abe” ang kanilang

bungad kasabay ng mahigpit na

pakikipagkamay. Nagmistulang

piging kaagad ang pagkikita kahit

murang saging lamang na nilaga

ang kanilang pinagsaluhan. At

kahit walang kapeng pampainit

sa sikmura, nagliliyab na dapog

ang nagdagdag init sa maalab na

balitaan. Nang gabing iyon, ang

hukbo at masa ay magkasanib

na nag-aral ng rebolusyonaryong

karanasan. Sa pamumuno ng

ABRIL-HUNYO 2014 | lakas ng masa

23

Partido, matalas na nalagom ang

mga aral sa pakikibaka.

Binati ng Partido at hukbo ang mga

masa sa kanilang matagumpay na

pagkilos. Nang magbangon ang

mga api, nayanig ang langit at

nangatog ang tuhod ng panginoon.

Ang pagdulog sa korte ni Onyok at

paggamit ng reaksyonaryong batas

ay patunay lamang sa pagkilala

ng panginoon sa kapangyarihan

ng nagkakaisang lakas ng mga

katutubo. Ang pagkakaisa ding

ito ang nakahamig ng suporta

ng ilang pulitiko at abogado. Ito

rin ang naging makapangyarihan

nilang sandata sa pagharap sa

husgado. Kaya may dapat pa bang

ipag-alinlangan Pinatunayan

ng mismong rebolusyonaryong

karanasan nila kung gaano kalakas

na sandata ang sama-samang

pagkilos. Muli silang tinanong ng

mga kasama. “ Kayo ba’y pursigido

pang bawiin ang lupang kinamkam

ni Onya” Iisa ang tono at sabaysabay

pa ang kanilang sagot. “Wa!

Wa! Ipaglaban tamu ing luta tamu!”

Sa pamumuo ng Partido ang hukbo

at masa ay nagkunot ng noo,

nagsunog ng kilay sa pagbubuo

ng pagkakaisa. Tinanglawan sila

ng rebolusyonaryong teorya ng

Marxismo-Leninismo-Maoismo

sa pagbalangkas ng plano sa

pagkilos. At ito na ang kanilang

mga napagkaisahan.

Pulungin uli ang mga tribu at

ipamalita aang ating tagumpay!

Ihandang muli ang mga masa sa

gagawing pagbawi. Mas maraming

mgatribu ang kalahok, kasama ang

mga kababaihan at kabataan. Mas

matatag at malakas na kilusang

masa ang ating katugunan

sa anumang panggigipit ng

reaksyonaryong batas. Armadong

pakikibaka ang katapat ng

reaksyonaryong pandarahas.

At bilang suporta sa pakikibaka ng

mga masang katutubo, ginawaran

ng Demokratikong Gubyernong

Bayan sa papamagitan ng Bagong

Hukbong Bayan ng ‘babala’

ang panginoong si Onyok sa

kasong pangangamkam ng lupa

at panggigipit sa mga masang

katutubo. Ano pa mang kontramamamayang

kanyang gagawin ay

tiyak na kanyang pananagutan sa

mamamayan at rebolusyonaryong

kilusan.

24 lakas ng masa | ABRIL-HUNYO 2014 Buhay na biyaya, galing sa maykapal

BATAS AT

KASUNDUAN

ni Ka Winn

Sa lupang reserba sa Capas

Anim na baryo’y mawawasak

Kampo militar, itatayo

Palalayasin, katutubo

SA BCDA na pinataw

Mga bukirin masasaklaw

Sa magsasaka, aagawin

Likas na yaman kakamkamin

EDCAng Aquino at Obama

Labag sa ating soberanya

Pambabastos na kasunduan

Mamamayan, niyuyurakan

Sambayanan, tuloy ang laban

Palayasin sa Malacanang

Mga buwaya sa gobyerno

Patalsikin, Noynoy Aquino!

LIMANG TULA

HINGGIL SA

PAGPAPATALSIK

KAY NOYNOY

AQUINO

TALS IK

ANG HUKBO

AT ANG MASA

ni Ka Mark

Dapat bigyang pansin, halawan ng aral

Pano na ang buhay kung wala tong kulay

Magsilbi sa masa, tanggi at siyang tunay

Sarili’y hubugin, matuto sa masa

Maling kinagisnan aking itatatwa

Mithiin ng masa’y aking isusulong

Matitipong lakas tungo sa daluyong

Ituon ang galit, sa papet-pasista

Yaman nating likha, siya ang nag-pasasa

Siyang nagpapahirap, ating patalsikin

Baya’y palayain, demokrasya’y kamtin

SAPAGKAT

SILA’Y API

ni Ka Inyang

Sapagkat sila ay api at dukha

Sa kayamanang ikaw ang lumikha

Ngunit di ikaw ang tinitingala

Niyuyurakan mga manggagawa

Maso mo ay malaki ang magagawa

Sapagkat ika’y busabos at mang-mang

Sa pagbungkal ay halos gumagapang

Ngunit, di iyo ang mahal na lupa

Ninanakawan mga magsasaka

Karet mo’y papatid sa tanikala

Sapagkat sila ay iilan lamang

Ang marami ay ginagawang mang-mang

Gintong palasyo kayo ang gumawa

Ngunit, kayo lang nagpapakasasa

Ganid, buktot at walang kasinsama

Sapagkat kayo’y babangon, lalaban

Mula sa kumunoy ng kahirapan

At dudurugin ng ngitngit ng bayan,

Ng lakas ng manggagawa’t magsasaka

Ang sandata’t kalasag ng pasista

ABRIL-HUNYO 2014 | lakas ng masa

25

DALUYONG NG

MAGBUBUKID

ni Ka Niel

Pagsilip pa lang ng araw papunta na sa bukirin

Tigang na lupaing sakahan, akin nang pagyayamanin

Puhunang bisig at karit, panahon ay ibubuhos

Butil ko na aanihin, pamilya’y mairaraos

Subalit bakit ganito ang panginoon kong amo

Sa matagal nang panahon, siya lang ang naniniguro

Sa utang kami’y ginapos, hatian ay hindi pantay

Buhay nami’y sinangla sa dayuhan na papatay

Nagtatayugang gusali, malawak na subdibisyon

Sa turista’y paraiso, sa masa ay konsumisyon!

Kapamilya’t kababaryo, maramihang pinalayas

Ang lider sa Malakanyang lumantad ang pagkaahas

Halina mga kasama, kapwa ko nagtatanim

Lupaing kanilang ninakaw, muli nating babawiin

Sumama sa manggagawa, mamamayang inalipin

Sumulong parang daluyong, ang papet ay patalsikin!

ANG HUKBO’T

MAGSASAKA

ni Ka Chris

Ang punong nagbigay silong

Na pinatatag ng panahon

Tulad ng masang nagbabangon

Bagong Hukbong Baya’y kinanlong

Magsasaka ay susulong

Prinsipyo’t lakas ang baon

Ang mapang-aping panginoon

Lubusan nang maibabaon

Sa mga marahas na hamon

Punglo ang tanging itutugon

Ang matagalang digmang bayan

Ay tutungo sa kalayaan.

lakas ng masa | ABRIL-HUNYO 2014

26

Mula sa

MAIKLING

KURSO SA

LIPUNAN AT

REBOLUSYONG

PILIPINO

Unang Bahagi :

Mayaman ang Pilipinas

Ngunit Bakit

Naghihirap ang

Sambayanang

Pilipino

ng Maikling Kurso sa Lipunan

Aat Rebolusyong Pilipino ay

naglilinaw sa kalagayan ng

Pilipinas at mamamayang Pilipino,

tatlong pundamental na problema

ng lipunang Pilipino, kasaysayan

ng sambayanang Pilipino, at

demokratikong rebolusyong

bayan. Sinasagot nito ang mga

kwestyong: Ano ang kalagayan at

mga problema ng sambayanang

Pilipino, Ano ang mga pinagmulan

sa kasaysayan ng mga problemang

ito, at Paano natin babaguhin ang

kasalukuyang lipunang Pilipino

Ang kursong ito ang nagsisilbing

pangkalahatang kursong masa at

pinag-aaralan bago o pagkatapos

ng espesyal na kursong masa.

Tinatalakay ng espesyal na kursong

masa ang mga problemang

partikular sa uri o sektor na ating

inoorganisa, ang kasaysayan ng at

rebolusyonaryong solusyon sa mga

problemang ito.

ABRIL-HUNYO 2014 | lakas ng masa

27

ANG BAYANG PILIPINAS AT

MAMAMAYANG PILIPINO

1. Anu-ano ang mga katangian ng

Pilipinas

Ang Pilipinas ay isang kapuluang

may klimang tropikal at mabundok

na kalupaan. Mayroon itong 30

milyong ektaryang sukat ng lupain.

Binubuo ito ng 7,100 pulo. Tatlo rito

ang malalaking grupo ng mga pulo:

Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang Pilipinas ay nasa Timog-

Silangang Asya. Napapaligiran ito

ng Karagatang Pasipiko, Dagat

Tsina at Dagat Celebes. Nasa

bandang hilaga nito ang Tsina

at bandang timog naman ang

Indonesia at Hilagang Borneo.

Ang populasyon ng Pilipinas ay

mahigit 90 milyon. Pitumput limang

porsyento (75%) ang naninirahan

sa kanayunan at 25% ang nasa

kalunsuran.

May ilang lahing pinagmulan ang

mga Pilipino. Pangunahin sa mga ito

ang lahing Malayo. Makabuluhang

ambag sa makalahing komposisyon

ng mamamayan ang Indones at

Tsino. Mayroon ding halong mga

lahing Arabe, Indian, Espanyol,

Amerikano at Negrito, pero maliit

na porsyento lamang ang mga ito.

Pambansang minorya ang di bababa

sa 14% ng populasyon. Kabilang sa

kanila ang mga unang nanirahan

sa kapuluan sa loob ng ilampung

libong taon bago dumating ang

mga kolonyalistang Espanyol.

Hanggang nitong ilampung taong

nagdaan, sila ang naninirahan sa

mas malaking bahagi ng kapuluan

bago sila itinaboy at inapi ng mga

mang-aagaw ng lupa.

Mahigit 100 lenggwahe at diyalekto

ang sinasalita ng mga mamamayan.

Ang limang lenggwaheng sinasalita

ng nakararami ay Tagalog, Cebuano,

Iloko, Hiligaynon at Waray. Ang

Tagalog ang pangunahing basihan

ng pambansang wika. Sinasalita

ito ngayon ng mamamayan sa ibat

ibang katatasan.

2. Anu-ano ang likas na yaman ng

Pilipinas

Sagana sa likas na yaman ang

Pilipinas. Dahil sa mga kabundukan

na karamihay dating bulkan, sa

maraming ilog at sa klimang

tropikal, matabang-mataba ang

lupaing pang-agrikultura ng

Pilipinas. Bagay ito sa maraming

klase ng pananim na makakain

tulad ng palay, mais, gulay, prutas

at halamang-ugat, at iyong

magagamit sa industriya tulad ng

abaka, goma, niyog, tubo at iba pa.

Malawak ang kagubatan ng

Pilipinas. Sagana ito sa mga

kahoy at iba pang yamang-gubat

na magagamit sa ibat ibang

pangangailangan ng mamamayan.

Sa mga kabundukan at kapatagan,

makukuha ang maraming mineral

tulad ng ginto, tanso, langis,

pilak, karbon, bauxite, uranyum

at nikel. Sapat ang mga ito para

makapagsarili ang Pilipinas sa

pagpapaunlad ng mga industriya.

Sagana sa isda at iba pang yaman

ang mga ilog, lawa, look at dagat.

Maaaring kontrolin ang prinsipal

na mga ilog para mapatubigan

ang mga sakahan at mabigyan

lakas ng masa | ABRIL-HUNYO 2014

28

“Habang may tatsulok, at

sila ang nasa tuktok, hindi

matatapos itong gulo.”

-mula sa isang rebolusyonaryong awitin

ABRIL-HUNYO 2014 | lakas ng masa

29

ng kuryente ang bawat parte

ng bayan. Ginagamit din para

sa transportasyon ang mga ilog,

lawa, look at dagat. Marami ring

mahuhusay na daungan ang

Pilipinas.

Kung ang mamamayang Pilipino

mismo ang gagamit at lilinang sa

likas na yaman ng Pilipinas para

sa sariling pakinabang, sobrasobra

pa ito para sustinihin ang

populasyong makailang beses ang

laki kaysa kasalukuyan. Gayunman,

ang mamamayang Pilipino ay

pinipigilan ng imperyalismong

United States, katutubong

pyudalismo at burukratang

kapitalismo na gamitin ang likas

na yaman ng Pilipinas para sa

sariling bentahe. Sa ngayon, ang

likas na yamang ito ay nililinang

ng imperyalismong US at lahat ng

alipuris nito para sa sarili nilang

ganansya at ayon sa makikitid

nilang pakana na nakapipinsala sa

masang anakpawis.

NAHAHATI SA IILANG

NAGHAHARING URI AT

NAKARARAMING

PINAGSASAMANTALAHAN AT

INAAPI ANG LIPUNANG PILIPINO

1. Sinu-sino ang kumokontrol

at nagpapasasa sa yaman ng

Pilipinas

Ang kumokontrol at nagpapasasa

sa yaman ng bayan ay ang

imperyalistang US at iba pang

dayuhang imperyalista, at ang

kasabwat nilang lokal na mga

naghaharing uri na malaking

burgesyang kumprador at

panginoong maylupa. Isang

porsyento (1%) lamang sila ng

populasyon ng Pilipinas.

Sila ang lubos na nakikinabang

sa likas na yaman ng bayan, sa

pwersang paggawa at sa likhang

yaman ng mamamayang Pilipino.

Kontrolado nila ang reaksyunaryong

gubyerno at reaksyunaryong

armadong pwersa sa Pilipinas.

Sila ang mga naghaharing uri na

nang-aapi at nagpapahirap sa

sambayanang Pilipino.

2. Ano ang kalagayan ng

sambayanang Pilipino

Binubuo ang sambayanang Pilipino

ng mga manggagawa, magsasaka,

mala-proletaryado, petiburgesya

at pambansang burgesya. Binubuo

nila ang 99% ng populasyon ng

Pilipinas.

Ang sambayanang Pilipino ay isang

makapangyarihang pwersa para

sa pag-unlad. May angkin silang

lakas at talino para magpakahusay

sa ibat ibang larangan ng gawain

sa lipunan at may dakilang

tradisyon ng magiting na

paglaban sa dayuhan at lokal na

pagsasamantala at pang-aapi.

Kaya nilang magtayo ng lipunang

nagkakaisa, makatarungan at

maunlad.

Sa lakas at talino ng sambayanang

Pilipino, naipundar ang malawak na

agrikultura, mga pabrika, minahan,

transportasyon at komunikasyon

na bumubuhay sa lipunan. Dapat

sanay sila ang nagtatamasa sa

mga biyaya ng mga ito. Pero

sila ang naghihirap at matinding

pinagsasamantalahan at inaapi

ng mga dayuhan at lokal na

naghaharing uri.

Pinipiga ng iilang imperyalistang

dayuhan at mga lokal na

lakas ng masa | ABRIL-HUNYO 2014

30

naghaharing uri ang lakas at talino

ng mamamayan para sa kanilang

pakinabang. Kaya, mayaman

man ang Pilipinas, dumaranas

ng sobrang kahirapan ang

sambayanang Pilipino.

Naghihirap ang mga manggagawa

dahil wala silang pag-aaring

mga kagamitan sa produksyon

at nagbebenta ng kanilang

lakaspaggawa upang lumikha

ng tubo para sa mga kapitalista

kapalit ng napakababang sahod, di

makataong kalagayan sa paggawa

at kawalan ng seguridad sa trabaho.

Pinagsasamantalahan sila ng mga

kapitalistang dayuhan at lokal.

Ang mga magsasaka, na ang

mayorya ay wala o kulang ang lupa

ay inaapi at pinagsasamantalahan

ng luma at bagong tipong mga

panginoong maylupa. Pasanin

nila ang mataas na upa sa lupa,

mababang sahod at usura. Patuloy

silang inaagawan ng lupa ng mga

panginoong maylupa, burukratang

kapitalista at korporasyong

dayuhan. Marami sa kanila, laluna

ang saray ng maralita at mababang

panggitnang magsasaka ay

napipilitang magbenta ng kanilang

lakas-paggawa sa isang takda

o mahabahabang panahon para

sa kanilang ikabubuhay. Sila ang

malaproletaryado sa kanayunan.

Bukod sa malaproletaryado

sa kanayunan, may iba pang

seksyon ng malaproletaryado na

bumubuo ng malaki-laking parte

ng populasyon. Pinakamarami

sa kanila ang mga maralitang

mangingisda at yaong mga nasa

kabayanan at kalunsuran tulad ng

mga kargador, karpintero, kantero,

katulong sa tindahan, drayber sa

traysikel, maglalako at iba pang

wala ring sapat na kagamitan sa

produksyon. Dahil sa malakolonyal

at malapyudal na kondisyon, hindi

sapat ang kanilang sahod, hindi

regular at kulang ang kanilang kita,

at wala silang tiyak na trabaho.

Dumadausdos naman ang

kabuhayan ng petiburgesya.

Pababa nang pababa ang tunay

na halaga ng maliit nilang kita.

Namemeligro ang seguridad nila

sa trabaho. Bumabagsak din ang

maliliit nilang negosyo dahil sa taas

ng interes sa utang, taas ng buwis,

at mga kabulukan sa burukrasya.

Ginigipit ang pambansang burgesya

ng malalaking kapitalistang

dayuhan na nagtatambak ng

yaring produkto sa Pilipinas at

nagmamanipula sa mga saligang

patakaran ng reaksyunaryong

gubyerno kaugnay ng ekonomya,

pananalapi, taripa at pagbubuwis

at lokal na pagbebenta ng mga

kalakal. Nasasagkaan din ng

pyudalismo ang kanilang pagnanais

na paunlarin ang kapitalistang

produksyon. Dahil sa mga ito,

may panganib at nangangamba

silang mabangkrap. Nauunsyami

ang kanilang ambisyong maging

malaking burgesya at magtayo ng

estadong kapitalista sa ilalim ng

paghahari ng uri nila.

ABANGAN SA SUSUNOD NA ISYU

IKALAWANG BAHAGI :

ANG KASAYSAYAN NG PILIPINAS AY

KASAYSAYAN NG TUNGGALIAN NG

IILANG NAGHAHARING URI AT NG

MALAWAK NA MASANG INAAPI AT

PINAGSASAMANTALAHAN

ABRIL-HUNYO 2014 | lakas ng masa

31

PALAISIPAN

REBOLUSYONARYONG

GABAY SA

REPORMA SA LUPA

Gamitin ang mga mata at

isip sa paghahanap ng mga

salita na nakasulat sa ibaba

at punan ang mga kulang

nilang letra.

1. Manggagawang _ _ kid

2. Reporma sa Lu_ _

3. Na_ _ _nalisasyon

4. Int_ res

5. Agri_ _ltu_a

6. Pr_du_to

7. Us_ra

8. Itaas ang S_hod

9. Pangi_ _ _ng Maylupa

10. Kom_ _ _kasyon

11. Monopol_ _

12. Ko_ _ _ syante

13. Im_ _ _yalismo

14. Kapita_ _ _ta

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!