10.01.2015 Views

20140707pi

20140707pi

20140707pi

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

ANG

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo XLV Blg. 13

Hulyo 7, 2014

www.philippinerevolution.net

Editoryal

Panagutin si Aquino

at kanyang mga kasabwat

Tumiklop ang Korte Suprema sa dumadaluyong na paglaban ng

mamamayang Pilipino sa Disbursement Acceleration Program

(DAP) nang ideklara nito na labag sa konstitusyon ng Pilipinas

ang paggamit ng DAP.

Bagama't ang desisyon ay

binutasan upang malusutan ni

Benigno Aquino III ang kriminal

na pananagutan, di nito naiwasan

na mapatingkad kung papaanong

ang pondong publiko ay

ginagamit ng naghaharing rehimen

alinsunod sa kapritso at

pabor sa interes nito sa pulitika.

Ang gayong desisyon ay

magpapasikad sa pakikibaka ng

mamamayan para sa

ganap na pagtatanggal

ng

sistemang

pork barrel

at para panagutin

ang rehimeng

Aquino sa pandarambong

at korapsyon.

Ang DAP

ay isang

sistemang

inimbento

ng rehim

e n g

Aquino

na nagbibigay

kay

Aquino ng pribilehiyo na

mamudmod ng bilyun-bilyong

piso ng pondong

publiko ayon sa kanyang

sariling kapasyahan.

Sinimulan ang sistemang

DAP sa ilalim ng pamumuno ni

Department of Budget and Management

(DBM)

Sec. Florencio

"Butch"

Abad mula

2011. Lahat ng kautusan ng

DBM na naglabas ng umabot sa

P177 bilyon ay pinirmahan at

inaprubahan ni Aquino.

Iginigiit ng iba't ibang sektor

ang detalyadong pagtutuos ng

paggastos sa DAP. Ayon kay

Aquino, ginastos ito sa mga proyektong

para diumano sa “kaunlarang

pang-ekonomya.” Ang totoo,

inilaan ito ni Aquino sa mga

proyekto ng kanyang mga alipures

upang tiyakin ang kanilang

suporta at katapatan.

Sa disenyo ng desisyon ng

Korte Suprema, tinangka nitong

iabswelto si Aquino dahil “mga

ispesipikong bahagi” lang umano

ng DAP ang hindi konstitusyunal.

Dagdag pa'y di raw mananagot

ang sinuman sa mga nagdaang

pagdispalko sa kabangyaman

sa ilalim ng DAP. Bunga

nito, nabigyan ng butas si Aquino

para makaiwas sa posibleng

impeachment o pagsasakdal sa

Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Bakit nga naman

siya isasakdal ng mismong

mga taong nakikinabang sa

DAP at PDAF.

Gayunman, ang pagsasampa

ng impeachment sa

Mababang Kapulungan ay

makatutulong para tukuyin

at ihiwalay ang mga

alyado ni Aquino sa Kongreso

na malaon nang nakikinabang

sa DAP at PDAF at

tumatangging panagutin

ang Hari ng Pork Barrel sa kanyang

mga krimen.

Ang desisyon ng Korte

Suprema at ang lumalakas na

sigaw ng bayan para panagutin

at patalsikin si Aquino ay

lalong magtutulak sa naghaharing

pangkating Aquino na

gawin ang lahat para makapanatili

sa poder lampas sa 2016

upang makaiwas sa kriminal

na kaso. Dahil dito, dapat todo-largang

ilantad, ihiwalay

at patalsikin ang rehimeng

Aquino bago ang eleksyong

2016.

Isang epektibong paraan ng

pagbubuo ng opinyong publiko

na lubusan nang maghihiwalay

sa pangkating Aquino ang paglulunsad

ng malawakang mga

asembliyang bayan sa mga komunidad,

paaralan, pabrika,

upisina, simbahan at kung saan-saan

pa. Sa gayong mga lugar

ay dapat maipahayag ng

mamamayan ang kanilang mga

hinaing laban sa rehimeng

Aquino at sa mga kasinungalingan

nito sa ilalim ng ilusyon

ng “matuwid na daan” at “mabuting

pamamahala.”

ANG

Taon XLV Blg. 13 Hulyo 7, 2014

Ang Ang Bayan ay inilalabas sa

wikang Pilipino, Bisaya, Iloko, Hiligaynon,

Waray at Ingles.

Maaari itong i-download mula sa

Philippine Revolution Web Central na

matatagpuan sa:

www.philippinerevolution.net

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontribusyon sa anyo ng mga

artikulo at balita. Hinihikayat din ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa ikauunlad

ng ating pahayagan. Maaabot

kami sa pamamagitan ng email sa:

angbayan@yahoo.com

Dapat ditong tipunin ng

sambayanang Pilipino hindi lamang

ang kanilang galit sa

korapsyon ng rehimeng Aquino,

kundi ang kanilang disgusto sa

mga pananagutan nito sa malawakang

kawalang-trabaho,

mababang sahod, pagtaas ng

presyo ng pagkain at gamot, sa

kawalang-lupa at sa paparaming

mga kaso ng pangangamkam

ng lupa.

Dapat din itong managot sa

mga patakarang nagbubunsod

ng pagtaas ng matrikula sa

mga pribado at paaralang publiko,

kriminal na kapabayaan sa

milyun-milyong biktima ng kalamidad

at sa nagpapatuloy na

pagpapaluwas ng mga migranteng

mangggagawa, sa paparaming

bilang ng pang-aabusong

militar, at sa paglulunsad ng

todo gera laban sa masang

magsasaka. Dapat ding usigin

ang rehimeng Aquino sa pambansang

kataksilan nito nang

lagdaan nito ang Enhanced Defense

Cooperation Agreement

(EDCA) at pahintulutan ang todo-largang

presensyang militar

ng US sa bansa. ~

Nilalaman

Editoryal: Panagutin si Aquino

at kanyang mga kasabwat 1

DAP, PDAF, BUB: Pork barrel pa rin 2

Di nasisiyahan sa rehimen, dumarami 3

Planong terorismo sa Davao, pakana ng US 4

Bagong pakana ni Marañon sa Negros 4

Demolisyon sa Batangas, Cavite at QC 5

Lakbayan laban sa CARP, inilunsad 6

Pribatisasyon ng PCMC at BGH, tinutulan 7

AFP, nagtamo ng 29 kaswalti sa SMR 8

Inisyatiba sa digma, hawak ng BHB sa NEMR 8

4 sundalo, patay sa Bicol 9

Pambobomba sa Bayugan, kinundena 9

Isa pang buntis, inaresto 9

NGO sa Panay, niransak 9

Ang Ang Bayan ay inilalathala dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas

DAP, PDAF, BUB:

Pork barrel pa rin

Priority Development Assistance

Fund (PDAF), Disbursement

Acceleration Program

(DAP) at ngayo'y "bottomup

budgeting" (BUB). Anuman

ang pabagu-bagong tawag dito

ng naghaharing rehimeng Aquino,

iisa lang ito sa esensya—ang

maanomalyang paggamit ng

naghaharing pangkating Aquino

ng malalaking pondong publiko

para mabigyang-pabor ang mga

alyadong pulitiko at matiyak ang

kanilang katapatan.

Nang lumabas ang desisyon

ng Korte Suprema na nagdedeklarang

di konstitusyunal ang

ilang bahagi ng DAP, nagkumahog

ang Malacañang na sabihing

ginastos naman ang umaabot sa

P177 bilyong pondong nagmula

sa kaban ng bayan para sa mga

proyektong kapaki-pakinabang

sa mamamayang Pilipino.

Sa aktwal, hindi naresolba

ng DAP ang matitingkad na

problema ng disempleyo, mababang

pasahod, kawalang-lupa,

karalitaan at nagtataasang mga

presyo. Bagkus, lumala pa ang

mga ito sa ilalim ng rehimeng

Aquino.

Ang tanging nakinabang sa

DAP ay ang mga tagasuporta ni

Aquino, mga myembro at alyado

ng Liberal Party, kanyang mga

kaibigan at malalaking negosyante.

Ginamit ito para pondohan

ang mga proyekto ng mga

pinapaborang pulitiko ni Aquino

na nagbabando ng kanilang mga

pangalan, at malalaking proyekto

sa ilalim ng Public-Private

Partnership Program.

Kung tutuusin, mahigit 500

ulit na mas malaki ang pondong

inilihis ni Aquino kung ikukumpara

sa kasong korapsyon na isinampa

kay Gloria Arroyo matapos

niya gamitin ang P366 mil-

2 ANG BAYAN Hulyo 7, 2014

yong pondo ng Philippine Charity

Sweepstakes Office sa

bagay na wala sa badyet na pinagtibay

ng Kongreso.

Marami sa mga pinondohan

ng DAP ni Aquino ay kwestyunable,

tulad ng P4.5 bilyon para

sa "dagdag na mga bagon ng

tren" samantalang wala ito sa

programa ng DOTC; P1.82 bilyon

para sa maanomalyang

programang PAMANA na pangcounterinsurgency;

P6.9 bilyong

dagdag na alokasyon para

sa mga korporasyon ng gubyerno;

P8.5 bilyon para sa "stimulus

program" sa ARMM; P1.29

bilyon para sa mga Agrarian

Reform Community ng DAR; at

P625 milyon para sa sarbey na

isasagawa raw ng DAR at DA.

Mula nang ideklara ng Korte

Suprema na iligal ang PDAF

noong 2013 at may naisampang

petisyon dito hinggil naman

sa DAP, bumaling na ang

Malacañang sa bagong paraan

ng pamumudmod ng "pork barrel":

ang "bottom-up budgeting."

Alinsunod sa disenyo nito,

di na lamang mga kongresista

at senador ang maaaring

"magtukoy" ng mga programang

popondohan, kundi mga

upisyal ng mga lokal na gubyerno

at mga non-government organizations

(NGO) sa mga lokalidad.

Walang anumang pagkakaiba

sa sangkap ang PDAF, DAP

at BUB: sangkot pa rin dito ang

lihis na gamit ng pondong publiko,

mga ahensya ng gubyernong

daluyan ng pondo at mga

NGO na tagapagpatupad ng

proyekto.

Pero mas masahol

pa ang BUB

sa PDAF at DAP

dahil di hamak na

mas malawak at

mas malalim na

ang inaabot dito

ng sistemang padrino

sa reaksyunaryong

burukrasya. Mula

2013 ay lumobo rin ang pondong

hawak nito mula P8.4 bilyon

tungong P20.03 bilyon.

Bilang kalihim ng DILG, si

Mar Roxas ngayon ang pinakapangunahing

tagapamudmod

ng "pork barrel" ng BUB sa buong

Pilipinas. Garapalan niya

ngayong ginagamit ito para bilhin

ang suporta ng mga lokal

na upisyal bilang paghahanda

sa pagtakbo niya sa pagkapresidente

sa 2016.

Samantala, inianunsyo ng

blokeng Makabayan sa Mababang

Kapulungan ng Kongreso

na magsasampa ito ng kasong

"impeachment" laban kay

Aquino, matapos na ang DAP

ay ideklarang labag sa konstitusyon.

Anang mga progresibong

kinatawan, hindi pwedeng

magpalusot si Aquino sa pagsasabing

"malinis ang intensyon"

niya nang gamitin niya

ang DAP. Ang totoo, noong senador

pa lamang siya ay tutol

siya sa ginagawa ni Gloria Arroyo

na pagkontrol ng pondong

inilalaan para sa mga kagawad

ng Kongreso.

Ang pag-impeach o pagsasakdal

kay Aquino sa Kongreso

ay isasagawa ng Makabayan

kahit sadyang mahihirapan

itong bumwelo. Ang Mababang

Kapulungan ng Kongreso ay dinodominahan

ng mga kaalyado

ni Aquino at sila mismo ang tumatanggap

at nakikinabang sa

DAP at iba pang pondong hawak

ni Aquino. ~

Di nasisiyahan

kay Aquino, dumarami

PATULOY na dumarami ang mga

Pilipinong di nasisiyahan sa administrasyon

ni Benigno Aquino

III. Ito ay ayon sa pinakahuling

sarbey na isinagawa ng Ibon

Foundation noong Abril 24-30.

Ayon sa naturang sarbey,

umaabot na sa 47% ng mamamayan

ang "di nasisiyahan" sa pamamalakad

ni Aquino. Mas malaki

ito nang 4% kung ikukumpara

sa katulad na sarbey na isinagawa

noong Oktubre 2013.

Kumpara rin sa nagdaang

sarbey, bumaba nang 3% tungong

36% ang bilang ng mamamayang

kuntento sa gubyernong

Aquino.

Taliwas ang resulta na ito sa

ipinangangalandakan ng mga

propagandista at midyang maka-Aquino

na patuloy na itong

tumatamasa ng malawak na suporta

ng mamamayan. Ayon sa

Ibon, ang resulta ng kanilang

sarbey ay sumasalamin sa negatibong

sentimyento ng mamamaayan

sa harap ng kawalan ng

pagbabago sa ilalim ng gubyernong

Aquino.

Samantala, dumami rin ang

mga Pilipinong naniniwalang halos

walang nagbago sa kalagayan

ng korapsyon at karalitaan sa

bansa sa loob ng tatlong taong

panunungkulan ni Aquino. Tatlo

sa lima o 64.9% ang nagsabing

nananatili at walang positibong

mga resulta sa ekonomya ang

"kampanyang anti-korapsyon" ng

rehimen habang 23.9% lamang

ang naniniwalang nabawasan ang

korapsyon. Walo sa sampu ang

nagsabing lumalala ang karalitaan.

Pito sa bawat sampung Pilipino

ang nagsasabing mahirap ngayon

ang kanilang pamilya.

Ang Ibon Foundation ay

isang independyenteng institutusyong

nananaliksik sa mga

usaping sosyo-ekonomiko na kinakaharap

ng mamamayan. ~

ANG BAYAN Hulyo 7, 2014

3

"Planong terorismo"

sa Davao, pakana ng US

Pakana ng gubyernong US ang ginawang pag-anunsyo ni Benigno

Aquino III noong Hulyo 1 na may napipintong teroristang

atake sa Davao City. Malinaw na ang layunin ng gayong anunsyo

ay bigyang-matwid ang pagpapalakas ng presensya at panghihimasok-militar

ng US sa Davao City sa ilalim ng "gerang anti-terorismo."

Sinalubong ng batikos ang

ginawang anunsyo ni Aquino na

pasasabugan umano ng bomba

ng isang Abdul Basit Usman ang

mga instalasyon sa Davao City.

Sinundan ang anunsyo ni Aquino

ng malakihang pagpapakat

ng mga pwersang pulis at militar

sa palibot ng syudad at paghihigpit

sa kilos ng mga tao. Matapos

ang ilang araw, napilitan

ang Malacañang na bawiin ang

inianunsyong "planong teroristang

atake" nang aminin nitong

di kumpirmado ang impormasyon.

Ayon kay Kasamang Rubi del

Mundo, tagapagsalita ng National

Democratic Front-Southern

Mindanao Region, walang

ibang pakay ang ginawang anunsyo

ni Aquino kundi ang bigyang-matwid

ang paglulunsad

sa Davao City ng "gerang antiterorismo"

at ang pagpasok ng

mga dayuhang tropang Amerikano

sa ilalim ng Enhanced Defense

Cooperation Agreement

(EDCA).

Ang EDCA ay isang bagong

kasunduang militar na pinirmahan

ng US at rehimeng Aquino

upang pahintulutan ang militar

ng US na magtayo ng mga base

at pasilidad nito sa Pilipinas sa

loob ng mga kampo ng AFP. Binibigyan

nito ng karapatan ang US

na magtayo ng mga imprastruktura,

maglagak ng mga armas,

tumanggap ng kahit ilang sundalong

Amerikano, maglunsad ng

mga operasyong militar at iba

pa.

Sa pagpapakana ng huwad

na "planong teroristang atake"

sa Davao City, nais ng militar ng

US at ni Aquino na ipilit sa alkalde

nitong si Mayor Rodrigo

Duterte na pahintulutan ang

malakihang presensya ng mga

sundalong US sa syudad. Ilang

ulit nang nagpapahayag si Mayor

Duterte ng pagtutol sa pagpasok

ng mga tropang Amerikano

sa kanilang syudad at sa

pagtatayo nito ng mga pasilidad

at mga base militar sa ilalim ng

EDCA.

Bago ito, inianunsyo ng militar

ng US na isasara na nito ang

himpilan ng Joint Special Operations

Task Force-Philippines

(JSOTF-P) sa loob ng Camp

Navarro sa Zamboanga City.

Mula sa 700 pwersa, tinataya ng

militar ng US na maiiwan na lamang

doon ang 30 nitong tauhan

sa katapusan ng taon.

Ang totoo, sa ilalim ng EDCA

ay mas marami ngayong sundalo

ng US ang makapananatili sa Pilipinas

sa iba't ibang mga kampo

ng AFP sa buong bansa.

Samantala, nagrali noong

Hulyo 4 ang mga progresibong

grupo sa pamumuno ng BAYAN

sa harap ng embahada ng US sa

Maynila upang magprotesta laban

sa EDCA. Ang protesta ay

inilunsad sa araw ng "huwad na

kalayaan" ng Pilipinas at bahagi

ng lumalakas na pagtutol sa ED-

CA mula nang pirmahan ito noong

Abril.

Sa kasalukuyan, tatlong

magkakahiwalay na petisyon laban

sa kasunduan ang nakahapag

sa Korte Suprema. Hinihiling

ng mga nagpetisyon na kagyat

nang itigil ang implementasyon

ng kasunduan at ideklara

itong labag ito sa konstitusyon.

Kabilang sa mga inihapag nilang

dahilan ang pagiging tagibang

pabor sa interes ng US ng kasunduan

at paglabag nito sa soberanya

at mga batas at proseso

ng gubyerno ng Pilipinas. ~

“One Island, One Region”

Bagong pakana ni Marañon sa Negros

Isa na namang bagong pakana ang niluluto ni

Gov. Alfredo Marañon, Jr. ng Negros Occidental

para makapangamkam ng lupa para sa mga

proyektong agribisnes at mga plantasyon ng oil

palm tree, rubber tree, pinya, saging, kape at pastuhan

ng mga baka at tupa. Kakutsaba niya sa gayong

pakana si DILG Sec. Mar Roxas, na galing din

sa angkan ng malaking asendero.

Inilatag ni Marañon ang planong nagngangalang

"One Island, One Region" sa isang pulong ng

178 lokal na upisyal at sektoral na kinatawan ng

Negros Occidental at Negros Oriental noong Hunyo

24 sa Bacolod City. Alinsunod dito, pagdudugtungin

nina Marañon at mga dayuhang mamumuhunan

ang Canlaon City at Vallahermoso (Negros

Oriental) sa Sagay City, San Carlos City at Salvador

Benedicto ng Negros Occidental. Pinaglalawayan

din nila ang malalawak na katabing mga bayan

4 ANG BAYAN Hulyo 7, 2014

at barangay ng Hinobaan, Ilog

at Kabankalan City sa Negros

Occidental at mga bayan ng Basay,

Bayawan at Mabinay sa

Negros Oriental para sa agribisnes.

Sa ngayon ay nag-oopereyt

na at magpapalawak pa ang

Copper Development Corp., Goring

Mining and Exploration at

Eagle Cement Corp. sa mga

hangganan ng Basay at Hinobaan.

Magmimina na rin ang Epithermal

Gold Corp., Essence

Mining Corp. at Philmet Exploration

Corp. sa mga hangganan ng

Binalbagan at Himamaylan City

sa Negros Occidental at Tayasan,

Ayungon at Jimamalud sa

Negros Oriental.

Agad namang sinang-ayunan

ni Roxas ang plano, at sinabing

"executive order" lang mula sa

Malacañang ang kailangan para

maipatupad ito. Ang pagpapahintulot

sa "One Island, One Region"

ay karugtong ng pagsuporta

ni Roxas kay Marañon noong

eleksyong 2013 laban sa iba

pang elemento ng naghaharing

uri sa isla. Kapalit ng pagpabor

sa gobernador ang mahigpit na

suporta ni Marañon sa kandidatura

ni Roxas sa pagkapresidente

sa 2016.

Hindi naman agad mapasang-ayon

si Gov. Roel Degamu

ng Negros Oriental dahil batid

niya na pakana ito ng malalaking

reaksyunaryong uri sa Negros

Occidental para mapakinabangan

nila ang mga rekurso ng

magkakalapit na atrasadong bayan

at barangay sa hangganan

ng dalawang prubinsya. Dehado

ang mga naghaharing uri ng

Negros Oriental sa gayong areglo.

Ang Negros Occidental (populasyon:

2,907,859) ay bahagi

ng rehiyon ng Western Visayas.

Nasa timog-silangan nito ang

Negros Oriental (populasyon:

1,286,666) na saklaw ng Central

Visayas. ~

Demolisyon sa Batangas,

Cavite at QC

Magkakasunod na demolisyon ng mga tirahan ng mga maralitang

lunsod ang isinagawa ng gubyernong Aquino nitong

nagdaang mga araw. Pinakahuli ang naganap noong Hulyo

4, nang idemolis ang 277 bahay ng mga maralita sa Barangay

Laiya Aplaya, San Juan, Batangas. Bago ito, marahas ding dinemolis

ang mga bahay ng 77 pamilya sa Barangay Zapote III, Bacoor

City noong Hunyo 25. Kinabukasan, dinemolis naman ang mga tirahan

ng 70 pamilya sa K-9 St., West Kamias, Quezon City.

Sa Batangas, nagbarikada

ang Samahan ng Kabahayan at

Mangingisda ng Balabacan Laiya

para pigilan ang demolisyon,

ngunit ilang daang myembro ng

demolition team at mga armadong

pulis ang humarap sa kanila.

Planong gawing beach resort

ang 25-ektaryang lupain

sa tabing-dagat ng Sityo Balabacan

ng Laiya Development

Corp. at Macaria Development

Corp., parehong pag-aari ni

Federico Campos III, na siyang

umaangkin sa lupa.

Humiling sa korte ang mga

residente ng temporary restraining

order (TRO) matapos

ipaabot ni Sheriff Romeo Macaraig

at Senior Supt. Jireh Omega

Fidel, provincial director ng

PNP-Batangas ang kautusan ng

demolisyon na inilabas ng municipal

at mga regional trial

court noong Setyembre 2013.

Ayon sa kautusan, 1,000 residente

ang dapat lumisan

sa lugar.

Sa Cavite, sinalakay ng mga

tauhan ng David M. Consunji,

Inc. (DMCI), kasama ang 80

pulis at bumbero, ang barikadang

itinayo ng mga residente

ng Barangay Zapote III laban

sa demolisyon. Isang residente

ang nasugatan nang gibain na

ng demolition team ang mga

bahay. Wala man lamang inihandang

lugar ang lokal na pamahalaan

para sa kanilang relokasyon

at binigyan lamang ng

P5,000 ang kada pamilya.

Ang mga residente ay 20

taon nang naninirahan sa lugar.

Nais silang palayasin sa

pitong-ektaryang lupaing balak

tayuan ng kondominyum ng

DMCI, na pag-aari ng isang

malaking kumprador.

Sa Quezon City, sinalakay

din ng mga pulis at tauhan ng

lokal na gubyerno ang barikada

ng mga nagpoprotestang residente

sa West Kamias. Pinalalayas

sila sa kanilang komunidad

upang bigyang-daan

ang mga programa

sa ilalim ng Private-

Public

Partnership

ng rehimeng

Aquino. Ilang beses

nang tinangkang

idemolis ng

lokal na gubyerno

ang komunidad

pero ilang

beses din itong

ANG BAYAN Hulyo 7, 2014

5

nabigo dahil sa organisadong

paglaban ng mga residente.

Tinututulan ng mga residente

ang paglilipat sa kanila sa

Rodriguez, Rizal at Payatas,

Quezon City. Bukod sa malayo

ito sa mga pwesto nila tulad sa

palengkeng Nepa-Q Mart, ang

relocation site sa Rodriguez ay

nalubog sa matinding baha noong

2012. Tinatanggihan din nila

ang “murang pabahay” sa Payatas.

Bukod sa marami sa kanila'y

wala sa listahan ng mga

“benepisyaryo,” dagdag na pasanin

sa kanila ang buwanang

hulog na P950.

Bukod sa tatlong kaso ng demolisyon,

marami pang mga residente

ng maralitang mga komunidad

sa Sta. Mercedes, Maragondon,

Cavite ang nanganganib

na mapatalsik sa kanilang

mga tirahan para mabigyangdaan

din ang proyektong ekoturismo

ng MTV Investment

Properties Holding Corp. na

pag-aari ng mga Virata. Pinalalayas

na nga sila sa kanilang komunidad

ay sinisingil pa sila ng

P5,000 bawat buwan mula Enero

2014. Bahagi ito ng panggigipit

sa kanila para mapatalsik sa lugar.

Sa kaugnay na balita, hiniling

ng Alyansa Kontra Demolisyon

at KADAMAY sa Commission

on Audit na imbestigahan

ang paggastos sa Informal Settler

Fund (ISF). Sa partikular,

nais nilang ipasiyasat ang mga

transaksyon sa pagitan ng gubyernong

Aquino at mga kumpanya

sa konstruksyon ng mga resettlement

area tulad ng New

San Jose Builders na pag-aari ng

byenan ni Executive Secretary

Paquito Ochoa.

Taun-taon ay naglaan na ng

P10 bilyon sa ISF mula nang ianunsyo

ng rehimeng Aquino noong

2012 ang planong relokasyon

ng 20,000 pamilyang naninirahan

sa mga pangunahing estero

sa Metro Manila. ~

Lakbayan laban sa CARP,

inilunsad

Tatlong libong magsasaka at kanilang mga tagasuporta ang

nagmartsa sa Mendiola noong Hunyo 30 sa pagtatapos ng

isang-linggong lakbayan laban sa planong muli pang palawigin

ang huwad na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Nanawagan silang tuluyan

nang wakasan ang CARP noong

Hunyo 30, ang nakatakdang

araw ng pagtatapos nito. “Sa

loob ng 26 na taon,” ani Rafael

Mariano, tagapangulo ng Kilusang

Magbubukid ng Pilipinas

(KMP), “bigo ang CARP na wasakin

ang monopolyo at kontrol

sa lupa ng mga asendero. Hindi

maaasahan si Aquino at ang

kanyang CARP na ipamahagi

ang lupa." Nanawagan si Mariano

sa mga magsasakang Pilipino

na maglunsad ng serye ng

mga aksyong protesta na maggigiit

ng libreng pamamahagi

ng lupa at pag-ibayuhin ang

mga kampanyang bungkalan sa

kanayunan.

Ang mga nagmartsang

magsasaka ay kasapi ng mga

samahang kaanib ng KMP sa

Central Luzon, Cagayan, Ilocos,

Southern Tagalog at Bicol.

Sa Central Luzon, nagsimulang

magtipon ang mga magsasaka

sa Angeles City at Porac,

Pampanga noong Hunyo 24 bago

tumulak papuntang Metro

Manila. Sumanib ang mga magsasaka

mula sa Tarlac, Panga-

“Lakbayan...,” sundan sa pahina 7

Tangkang pagtataas ng matrikula

sa PUP, napigilan

MATAGUMPAY na napatigil ng mga estudyante ng Polytechnic

University of the Philippines (PUP) ang tangkang pagtataas ng

matrikula sa ilang kampus nito. Nagkilos-protesta ang mahigit

1,000 estudyante sa upisina ng Commission on Higher Education

noong Hulyo 2 habang nagpupulong ang mga upisyal ng

nasabing pamantasan. Nag-walk out din at naglunsad ng iba

pang mga protesta ang mga mag-aaral noong Hulyo 1.

Sa hakbang na tinawag ng pamunuan ng PUP na “standardization,”

itataas sana mula sa dating P12 kada yunit tungong

P100 kada yunit (o 830%) ang matrikula sa mga kampus nito sa

Cabiao (Nueva Ecija), Sta. Maria at Pulilan (Bulacan), Gen. Luna

(Quezon), San Pedro at Sta. Rosa (Laguna) at San Juan City.

Itataas din ang mga laboratory fee, sports fee, library fee at iba

pa. Dahil dito, maaaring umabot sa P3,000 kada semestre ang

babayaran ng mga estudyante ng PUP mula sa dating halos P500

lamang kada semestre.

Binatikos din ng mga estudyante ang rehimeng Aquino na

siyang may basbas sa unti-unting komersyalisasyon ng mga

State Universities and Colleges (SUC). Alinsunod sa "Roadmap

to Public Higher Education Reform" ng rehimen, babawasan ang

subsidyo at badyet ng mga SUC kaya inoobligang magtaas ng bayarin

ang mga ito at maghanap ng iba pang mapagkakakitaan.~

6 ANG BAYAN Hulyo 7, 2014

mula sa pahina 7

sinan at Ilocos Sur. Nagkaroon din ng pagtitipon sa Cabanatuan

City ang mga magsasaka mula sa Nueva Ecija at Aurora na tutol

sa Aurora Pacific Economic Zone at Freeport Project (APECO).

Sumama rin ang mga magsasaka mula sa Barangay Matusalem sa

Roxas, Isabela.

Noong Hunyo 28-30, nagtipun-tipon at nagkampo ang mga

magsasaka mula sa iba't ibang bahagi ng Luzon

sa tapat ng Department of Agrarian Reform

(DAR) sa Quezon City. Noong Hunyo 30, binarikadahan

nila ang mga tarangkahan ng gusali

bago magmartsa patungong Mendiola.

Naglunsad din ng kilos-protesta noong

Hunyo 30 ang 400 magbubukid na

kabilang sa KMP-Negros at National

Federation of Sugar Workers sa upisina

ng DAR sa Bacolod City. Isinigaw nila

ang tuluyang pagwakas sa CARP. ~

Pribatisasyon ng PCMC at BGH, tinutulan

Nagsayaw-protesta ang mga kawani at pasyente

ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC

o Lungsod ng Kabataan) noong Hunyo 28 para tutulan

ang planong paglilipat nito sa Lung Center of the

Philippines. Ang makulay na protesta, na pinamunuan

ng #SavePCMC Alliance ay laban sa komersyalisasyon

at pribatisasyon ng ospital.

Ang paglilipat ng ospital ng mga bata ay bahagi

ng planong Quezon City Business District

(QCBD), isang malawak na proyektong pang-imprastruktura

na sasaklaw sa lupa ng ospital, pati

na ang lupa ng katabing Philippine Science High

School. Kanugnog lamang nito ang Barangay San

Roque, kung saan ilanlibong pamilya na ang napalalayas

mula nang maupo si Aquino.

Sa balangkas ng Public-Private Partnership ni

Aquino, plano ng Department of Health na ipaubaya

sa mga pribadong mamumuhunan ang operasyon

ng ospital ng mga bata oras na matuloy ang

planong paglilipat nito.

Para bigyang-matwid ang relokasyon, sinisingil

ng pambansang gubyerno ang PCMC (na pag-aari

rin ng gubyerno) ng P1.3 bilyon bilang kabayaran

sa 34-na-taong pananatili nito sa 3.7-ektaryang

lupa ng gubyerno. Hindi ito kayang bayaran ng

PCMC dahil napakaliit ng subsibyong inilalaan ng

pambansang gubyerno at hindi rin kaya ng ospital

na lumikom ng pondo para rito. Iginigiit ng

#SavePCMC Alliance na dapat ibigay ng pambansang

gubyerno sa PCMC ang lupang kinatitirikan

nito.

Malaki ang epekto ng napipintong komersyalisasyon

at pribatisasyon ng PCMC sa serbisyong

pangkalusugan sa mga bata. Sa mahigit 130,000

pasyenteng sineserbisyuhan ng PCMC kada taon,

60% nito ay mula sa mahihirap.

Apektado rin ang 1,000 doktor, nars at kawani

kung matutuloy ang pribatisasyon ng PCMC. Sa

paglilipat ng pangangasiwa ng ospital sa pribadong

entidad, maaaring mawalan sila ng seguridad sa

trabaho o di kaya'y matanggal dito.

Samantala, nagrali ang mga kawani ng Baguio

General Hospital (BGH) noong Hunyo 27 para tutulan

ang nagaganap noon na pagpirma sa Memorandum

of Agreement sa pagitan ng maneydsment ng

ospital at ni Manny Pangilinan, kinatawan ng pribadong

Makati Medical Center. Ang MOA ay bahagi

ng mga hakbang para sa tuluyang pribatisasyon

ng BGH sa ilalim ng programang Public-Private

Partnership ng rehimeng Aquino.

Sa ilalim ng pribatisasyon, ituturing nang negosyo

ang lahat ng mga serbisyo ng ospital sa ngalan

ng modernisasyon. Mangangahulugan ito ng pagtatanggal

ng mga regular na kawani, at pagpalit sa

kanila ng mga kontraktwal. Sa ngayon, hawak na

ng mga ahensyang kontraktwal ang ilan sa mga

serbisyo ng ospital.

Ang BGH ang tanging pampublikong ospital sa

Baguio City. Ang pagsasapribado nito ay mangangahulugan

ng pagkawala ng isang batayang serbisyo

ng mga residente ng syudad at kalapit na mga

prubinsya. ~

ANG BAYAN Hulyo 7, 2014

7

AFP, nagtamo ng 29 kaswalti

sa Southern Mindanao

Labintatlong sundalo ang napatay at 16 ang nasugatan sa panig

ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa magkakasunod na

aksyong militar na inilunsad ng Comval-North Davao-South

Agusan Subregional Command at Comval-Davao East Coast Subregional

Command ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) noong Hunyo 20, 22

at 30 sa Compostela Valley, Davao del Norte at Davao Oriental.

Davao del Norte. Binigo ng

mga Pulang mandirigma ng BHB

ang tangkang pagkubkob ng mga

tropa ng 72nd IB nang pasabugan

nito ng command-detonated

explosive (CDX) ang mga umaatakeng

sundalo sa Sityo Mabuhay,

Barangay Dacudao, San

Isidro bandang alas-6 ng umaga

noong Hunyo 22. Isang sundalo

ang napatay at tatlong iba pa

ang nasugatan. Isang kasapi ng

BHB ang namartir sa labanang

ito.

Compostela Valley. Dalawang

elemento ng 25th IB ang

napatay at isa ang nasugatan

nang pasabugan sila ng CDX ng

isang yunit ng BHB sa Sityo Saog,

Barangay San Isidro, Monkayo

noong Hunyo 20, mga alas-

5:30 ng umaga. Pagkalipas ng

apat na oras, dalawa pang tropa

ng nasabing batalyon ang nasugatan

sa operasyong pasabog ng

mga Pulang mandirigma sa Sityo

Anagase, Barangay Casoon,

Monkayo.

Alas-3 ng hapon ng Hunyo

22, naglunsad muli ng operasyong

pasabog ang mga Pulang

gerilya kung saan napatay ang

limang elemento ng 46th IB at

nasugatan ang apat na iba pa sa

Barangay Ampawid sa bayan ng

Laak.

Isinagawa ang mga aksyong

militar na ito sa harap ng mas

pinaigting na kontra-rebolusyonaryong

kampanya ng Eastern

Mindanao Command ng AFP nitong

ikalawang hati ng Hunyo sa

lugar. Nag-operasyon ang siyam

na platun sa Laak at anim na

platun sa Monkayo. Nagpakat

din ng pwersang militar sa halos

lahat ng barangay sa Veruela at

nagdeploy ng tatlong platun sa

Loreto sa Agusan Sur at tatlong

platun sa Kapalong, Davao del

Norte.

Ang pinaigting na operasyong

militar na ito ay kasunod

ng pagpaslang ng mga elemento

ng AFP sa mga sibilyang sina

Wilfredo Estrebillo at Flaviano

Morales sa Davao del Norte nitong

Hunyo.

Inisyatiba sa labanan,

hawak ng BHB sa NEMR

Davao Oriental. Limang sundalo

ng 67th IB ang napatay at

anim na iba pa ang nasugatan

nang pasabugan ng commanddetonated

explosive ng mga Pulang

mandirigma ng Comval-Davao

East Coast Subregional

Command habang nagpapatrulya

sa Barangay Aliwagwag, Cateel

nitong Hunyo 30, bandang

alas-10 ng umaga.

Ang mga abusadong tropa ng

67th IB ay protektor ng mga mapangwasak

na malalaking magtotroso

sa prubinsya. Sa kabila

ng matinding pagsalanta ng

bagyong Pablo noong 2012 sa

Davao Oriental, patuloy ang malakihang

pagtotroso sa nalalabing

kagubatan nito. Suportado

rin ng mga burukrata kapitalista

sa lugar na sina Gov. Corazon

Malanyaon at Kongresman Elmer

Dayanghirang ang malakihang

pagtotroso sa prubinsya at

mismong ang meyor ng Cateel

na si Camilo Nuñez ay isa ring

malaking magtotroso. ~

Patuloy na hinahawakan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa

Northeastern Mindanao Region (NEMR) ang inisyatiba sa

digma sa harap ng pinaigting na opensibang militar ng Armed

Forces of the Philippines (AFP) sa rehiyon mula Enero, kung saan

nagdagdag ang AFP ng tatlong batalyon sa dating limang batalyong

nakatalaga rito.

Ayon kay Ka Maria Malaya, tagapagsalita ng National Democratic

Front-NEMR, 44 sa 50 labanang naganap sa rehiyon mula

Enero hanggang Hunyo ay pinasimulan ng BHB at aanim lamang

ang nagmula sa inisyatiba ng kaaway.

Nagtamo ng 77 kaswalti ang kaaway sa mga labanang ito (39

ang napatay at 38 ang nasugatan). Sa kabilang banda, pito ang

namartir sa BHB at pito ang nasugatan.

Sa pinakahuling ulat mula sa NEMR, tatlong elemento ng

26th IB ang nasugatan sa magkahiwalay na operasyong harasment

ng dalawang tim ng BHB sa magkanugnog na mga

barangay ng Ararat at San Juan sa Bayugan City, Agusan del Sur

noong Hunyo 16 at 17. ~

8 ANG BAYAN Hulyo 7, 2014

4 sundalo, patay sa Albay

Apat na elemento ng 9th Infantry Division ng Philippine

Army ang napatay ng mga Pulang mandirigma ng

Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa magkahiwalay na ambus

na inilunsad sa bayan ng Daraga at sa Ligao City. Nakasamsam

ang BHB ng dalawang kal .45 pistola.

Dalawang sundalo ng 9th ID Recon Coy ang napatay

nang tambangan ng isang tim ng BHB sa Barangay Busac,

Ligao City habang patungo sa kanilang kampo sa Barangay

Oma-oma sa naturang syudad noong Hunyo 28, alas-4 ng

hapon. Isang kal .45 pistola ang nakumpiska ng mga Pulang

mandirigma.

Bago ito, isang sarhento at isang sundalo ng 9th ID Civil

Military Operation (CMO) ang napatay nang ambusin ng

isang tim ng BHB sa Sityo Banasian, Barangay San Ramon,

Daraga noong Hunyo 16 kung saan nasamsam ang isang kal

.45 pistola.

Samantala, sa Sorsogon, nagtamo ng di bababa sa tatlong

kaswalti ang 31st IB nang pasabugan sila ng CDX ng

mga Pulang gerilya ng Celso Minguez Command sa

Barangay Fabrica, Barcelona noong Hunyo 21. ~

4-buwang buntis,

iligal na inaresto

Isang babaeng apat na buwang buntis ang iligal na inaresto

ng militar sa Barangay Ilayang Iyam, Lucena City sa

Quezon noong Hunyo 20. Si Maria Miradel Torres, 26 taong

gulang at kasapi ng GABRIELA-Mauban ay hinuli habang tumutuloy

sa kanyang kamag-anak dahil sa maselan niyang

kundisyon sa pagdadalantao.

Ayon sa KARAPATAN, inaresto si Torres ng mga elemento

ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at

Southern Luzon Command ng AFP at pinaratangan siyang

kasapi ng Bagong Hukbong Bayan. Ininteroga rin siya ng

isang "rebel returnee" at isang nagpakilala lamang na "PO2"

at sinabing siya ay may kasong pagpatay kahit walang maipakita

sa kanyang mandamyento de aresto. Nalaman na lamang

ng kanyang mga magulang ang kanyang kinalalagyan

nang dalhin siya sa Camp General Nakar Hospital dalawang

araw matapos siya arestuhin.

Hindi pinayagan ang kanyang ina na makita siya at makausap

habang nakadetine. Noong Hunyo 25 ay dinala siya

sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig na lalong nagpalala

sa kanyang kalagayan. Patuloy siyang dinurugo dahil

kinumpiska ang kanyang mga gamot at wala siyang pahinga.

Binatikos ng KARAPATAN ang CIDG at AFP sa pag-aresto

kay Torres. Nangangamba rin ang KARAPATAN na maaaring

sapitin ni Torres ang nangyari kay Andrea Rosal na

buntis din nang arestuhin at kalauna'y namatayan ng sanggol.

Pambobomba sa Bayugan City,

nagbunsod ng pagbakwit

SAPILITANG nagbakwit ang mga residente

ng Barangay Ararat at mga kanugnog

na baryo sa Bayugan City, Agusan

del Sur noong Hunyo 18 dahil sa

pambobomba at panganganyon ng 26th

IB sa kalapit na Mt. Ararat.

Nagdeploy ng dagdag na tropa ang

mga militar sa Sityo Lanao, Barangay

Magkayangyang at kinanyon nila ang

Mt. Ararat bandang alas-12:30 ng hapon,

gamit ang dalawang 105 mm howitzer.

Hindi pa nakuntento, naghulog din

ang militar ng siyam na bomba mula sa

dalawang eroplanong OV-10 mula alas-

2:30 hanggang alas-3 ng hapon. Wala

ring pakundangang inistraping ng kaaway

ang Mt. Ararat at isa pang burol

na malapit dito, gamit ang 50-kalibreng

masinggan. Ayon sa inisyal na mga ulat,

ilang bahay ng lokal na residente ang

bahagyang natamaan ng mga bomba at

bala ng masinggan.

NGO sa Panay, niransak

NIRANSAK ng tatlong hindi kilalang lalaki

ang upisina ng Panay Center for Disaster

Response (PCDR) sa Jaro, Iloilo

City bandang ala-una ng madaling araw

noong Hunyo 19. Ginapos, binusalan ng

packaging tape at ikinulong ang tatlong

babaeng relief workers ng PCDR.

Kinuha ng nakamaskarang mga lalaki

ang dalawang laptop computer, mga

flash drive, cellphone, logbook at ledger,

kamera at ilang litratong nagsadokumento

ng relief operations ng PCDR sa

buong isla ng Panay.

Ang PCDR ay isang non-government

organization (NGO) na nagbibigay ng

ayuda at rehabilitasyon sa mga biktima

ng kalamidad sa buong isla. Nitong nagdaang

mga buwan, natulungan nito ang

50,000 pamilya sa mga komunidad na

sinalanta ng bagyong Yolanda sa Northern

Iloilo, Capiz, Antique at Aklan. Katuwang

din ito ng Catholic relief agency

na Caritas International at Tulong Kabataan

Volunteer Network-Panay.

ANG BAYAN Hulyo 7, 2014

9

ANG

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo XLV Blg. 13

Hulyo 7, 2014

www.philippinerevolution.net

Editoryal

Panagutin si Aquino

at kanyang mga kasabwat

Tumiklop ang Korte Suprema sa dumadaluyong na paglaban ng

mamamayang Pilipino sa Disbursement Acceleration Program

(DAP) nang ideklara nito na labag sa konstitusyon ng Pilipinas

ang paggamit ng DAP.

Bagama't ang desisyon ay

binutasan upang malusutan ni

Benigno Aquino III ang kriminal

na pananagutan, di nito naiwasan

na mapatingkad kung papaanong

ang pondong publiko ay

ginagamit ng naghaharing rehimen

alinsunod sa kapritso at

pabor sa interes nito sa pulitika.

Ang gayong desisyon ay

magpapasikad sa pakikibaka ng

mamamayan para sa

ganap na pagtatanggal

ng

sistemang

pork barrel

at para panagutin

ang rehimeng

Aquino sa pandarambong

at korapsyon.

Ang DAP

ay isang

sistemang

inimbento

ng rehim

e n g

Aquino

na nagbibigay

kay

Aquino ng pribilehiyo na

mamudmod ng bilyun-bilyong

piso ng pondong

publiko ayon sa kanyang

sariling kapasyahan.

Sinimulan ang sistemang

DAP sa ilalim ng pamumuno ni

Department of Budget and Management

(DBM)

Sec. Florencio

"Butch"

Abad mula

2011. Lahat ng kautusan ng

DBM na naglabas ng umabot sa

P177 bilyon ay pinirmahan at

inaprubahan ni Aquino.

Iginigiit ng iba't ibang sektor

ang detalyadong pagtutuos ng

paggastos sa DAP. Ayon kay

Aquino, ginastos ito sa mga proyektong

para diumano sa “kaunlarang

pang-ekonomya.” Ang totoo,

inilaan ito ni Aquino sa mga

proyekto ng kanyang mga alipures

upang tiyakin ang kanilang

suporta at katapatan.

Sa disenyo ng desisyon ng

Korte Suprema, tinangka nitong

iabswelto si Aquino dahil “mga

ispesipikong bahagi” lang umano

ng DAP ang hindi konstitusyunal.

Dagdag pa'y di raw mananagot

ang sinuman sa mga nagdaang

pagdispalko sa kabangyaman

sa ilalim ng DAP. Bunga

nito, nabigyan ng butas si Aquino

para makaiwas sa posibleng

impeachment o pagsasakdal sa

Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Bakit nga naman

siya isasakdal ng mismong

mga taong nakikinabang sa

DAP at PDAF.

Gayunman, ang pagsasampa

ng impeachment sa

Mababang Kapulungan ay

makatutulong para tukuyin

at ihiwalay ang mga

alyado ni Aquino sa Kongreso

na malaon nang nakikinabang

sa DAP at PDAF at

tumatangging panagutin

Mga tuntunin sa paglilimbag

1. Ang sinundang pahina, na eksaktong kopya ng pahina 1 maliban sa mas

mapusyaw ang masthead o logo ay para sa mga gumagamit ng mimeo machine o

naglilimbag sa paraang v-type. Idinisenyo ito para hindi madaling makasira ng istensil.

2. Pag-print sa istensil:

a) Sa print dialog, i-check ang Print as image

b) Alisin ang check sa Shrink oversized pages to paper size

k) I-click ang Properties

d) I-click ang Advanced

e) Tiyaking naka-set sa 100% ang Scaling

d) Ituloy ang pag-print

3. Hinihikayat ang mga kasama na ipaabot sa patnugutan ng AB ang anumang

problema kaugnay ng paglilimbag sa pamamagitan ng v-type. Magpadala ng email sa

angbayan@yahoo.com

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!