17.01.2015 Views

201410-12pi

201410-12pi

201410-12pi

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

TOMO 36 BILANG 4 BASAHIN AT TALAKAYIN

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan

E D I T O R Y A L

Paigtingin ang rebolusyonaryong pakikibaka

laban sa bagong nagbabangong diktadurang US-BS Aquino

W

alang nagawa ang rehimen ni Benigno S. Aquino III kundi bawiin ang pahayag nitong bukas ang kanyang

rehimen sa pagpapalawig ng kanyang termino. Ibinunsod ito ng maingay na pagtatambol ng mamamayang

Pilipino sa kanilang panawagang pigilan ang anumang pagtatangka ng rehimeng Aquino na makapanatili sa pwesto

nang lagpas sa taong 2016. Subalit, hindi ito nangangahulugang dapat nang magluwag ang sambayanan. Hangga’t

nananatili si Aquino sa estado poder, tiyak na gagawin ng kanyang rehimen ang lahat ng marurumi at mararahas na

pagmamaniubra para lamang makuha ang kanyang gusto at maiwasan ang anumang pananagutan sa mga krimen

nito laban sa mamamayan.

Sa kasalukuyan, iwinawasiwas ni Aquino ang

mahigpit na kontrol ng kanyang rehimen sa larangan

ng ekonomya, pulitika at militar kung saan tanging

mga kapanalig niya at ang among imperyalismong US

ang nakikinabang. Walang lugar sa reaksyunaryong

gubyerno ang mamamayang

Pilipinong nakararanas ng

gutom at labis na kahirapan.

Inilalantad ng pangkating

Aquino ang pagbabagong-bihis

bilang panibagong diktador.

Sa larangan ng ekonomya,

patuloy na pinaiingay ng

mga kaalyado ni Aquino sa

kongreso at sa Department of

Energy ang nilikhang krisis ng

reaksyunaryong gubyerno sa

enerhiya. Kaakibat nito ang

paghahabol sa emergency

powers upang bigyang

kapangyarihan si Aquino na

kontrolin at lustayin ang bilyunbilyong

pondo ng Malampaya

at iba pa. Ang paggawad

ng emergency powers ay

katumbas ng lantarang pagaalok

sa mga dayuhang

korporasyon na pagharian at

pagkakitaan ang sektor ng enerhiya sa bansa tulad na

lamang ng ginawa ni Fidel Ramos noong Abril 1993.

Samantala, nagkukumahog ang mga alipures ni

Aquino sa kongreso sa pagsusulong ng Charter Change

upang tanggalin ang mga hadlang na pang-ekonomikong

probisyon sa reaksyunaryong

konstitusyon. Tatanggalin

ang mga limitasyon at

restriksyon upang ibukas

ang ekonomya ng bansa sa

balangkas ng Trans-Pacific

Partnership Agreement ng

imperyalismong US. Tampok

dito ang pagbibigay ng 100

porsyentong pagmamay-ari ng

mga dayuhang korporasyon

sa mga negosyo, empresa at

lupain sa bansa upang akitin

ang mga mamumuhunan at

palakihin ang foreign direct

investments sa bansa. Ito ay

katumbas na ng buu-buong

pagbebenta ng mga yaman

ng bansa sa mga dayuhan. Sa

halip na paunlarin ang lokal na

ekonomya, plano ni Aquino na

ganap na itali ang ekonomya

ng Pilipinas sa ekonomya ng

NILALAMAN

1 Editoryal

4 Nasyunalisasyon, hindi emergency powers,

ang sagot sa suliranin sa industriya ng enerhiya

6 DAP ni Aquino: ang ninakaw na kinabukasan

mula sa mamamayan

8 Ganap na kabiguan ang tinatahak na landas

ng Oplan Bayanihan

10 Kabataang Makabayan: dakilang pamana sa

bago at susunod na mga henerasyon

2 KALATAS

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

Tomo 36 Bilang 4

12 Inspirasyon ang buhay at pakikibaka

ng mga dakilang martir sa pagsulong

ng gawaing propaganda at kultura

15 Balitang TO

17 Dagdag sahod at benepisyo, iginiit ng mga guro

Lupa at hustisya, sigaw ng mamamayan sa

Linggo ng mga Magbubukid

18 Kaarawan ni Andres Bonifacio, ginunita

Anibersaryo ng Kabataang Makabayan, ipinagdiwang

19 Araw ng mga Bilanggong Pulitikal, ginunita

Bantay Karapatan

20 Araw ng Karapatang Pantao, ginunita

21 CIA torture report, umani ng pagkundina

PKP, umagapay sa mga biktima ng bagyong Ruby

22 Ika-46 Anibersaryo ng PKP, ipinagdiwang sa TK

23 Kultura

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng

rebolusyonaryong mamamayan ng Timog

Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-

Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido

Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong

Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Pamatnugutan ang mga

mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng

ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo

at mungkahi, balita at rebolusyonaryong

karanasan na maaaring ilathala sa ating

pahayagan.

Ito ay tumatanggap ng mga liham sa:

kalatastk@gmail.com

mga dayuhang bansa, partikular na ng imperyalismong US

na pasimuno ng imperyalistang globalisasyon. Nilalayon

ng mga imperyalistang bansa na isalba ang kani-kanilang

mga ekonomya mula sa krisis ng kapitalismo.

Sa balangkas ng imperyalistang globalisasyon at ng

mga patakarang neoliberal na deregulasyon, liberalisasyon

at pribatisasyon, lalo nang nawalan ng puwang ang mga

lokal na negosyo at empresa sa pambansang ekonomya.

Ibubunsod nito ang pandarambong ng mga dayuhang

korporasyon at mga lokal na kasapakat nila sa likas na

yaman ng bansa at ang labis na pagsasamantala sa lakaspaggawa

ng mamamayang Pilipino. Ang tunguhin ng

programang pang-ekonomya ng rehimeng US-BS Aquino

ay pahigpitin ang kontrol ng mga naghaharing uri sa bansa

at igapos ang ekonomya ng bansa sa imperyalismong US.

Bago pa man ang taong 2010, puspusan ang

paghahanda ng pangkating Aquino at ng Partido Liberal

sa panliligaw sa imperyalismong US upang matiyak na

madodomina nila ang buong lehislatura at makukuha ang

pinakamataas na pwesto sa ehekutibo. Sa unang araw

pa lang ng pag-upo ni Aquino sa pagkapangulo, tinrabaho

na ng kanyang rehimen ang pagpapatalsik sa dating

punong mahistrado ng hudikatura na si Renato Corona,

midnight appointee ni Gloria Arroyo. Hindi nag-aksaya ng

panahon ang rehimeng US-BS Aquino upang maipusisyon

ang kanyang alipures at makontrol ang lahat ng sangay

ng reaksyunaryong gubyerno. Kaya ganoon na lamang

kahigpit ang paghawak ni Aquino sa pondo ng bayan.

Binubusog at pinoprotektahan niya ang masusugid niyang

tagasuporta kahit na yaong mga batbat na ng anomalya

tulad nina Florencio Abad, Proceso Alcala at Alan Purisima.

Ang mga pumapalag naman ay tinatakot niyang gigipitin

ang pondo tulad na lamang ng kasalukuyang punong

mahistrado ng Korte Suprema na si Ma. Lourdes Sereno

na nagdesisyon laban sa Disbursement Acceleration

Program (DAP) at Priority Development Assistance Fund

(PDAF) na kapwa mga anyo ng pork barrel.

Mula 2011, aabot sa P177 bilyon ang nakopo ng

pangkating Aquino sa pamamagitan ng DAP. Iba pa rito

ang ilang trilyong pondo na ang paggastos ay nasa solong

diskresyon ni Aquino. Ginagatasan ng mga burukratakapitalista

ang pondo ng bayan sa pangunguna ng

pangkating Aquino—ang nuno ng korapsyon at katiwalian

sa reaksyunaryong gubyerno. Ginagamit nila ito para

bumili ng impluwensya na lalo lamang nagpatigas sa

kultura ng pampulitikang padrino sa reaksyunaryong

pulitika. Sa nakaraang deliberasyon ng pambansang

badyet, tiniyak na malalaking halaga ang makukuha ng

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

mga kapanalig ni Aquino. Maliban dito, kumukuha ng

suporta ang rehimeng Aquino sa imperyalismong US

at sa malalaking burgesya kumprador at panginoong

maylupa habang nagbibigay ng konsesyon sa kanila.

Tampok na halimbawa nito ang programang Public-

Private Partnership kung saan sina Henry Sy, Manny

Pangilinan, Danding Cojuangco, Lucio Tan at mga

pamilyang Ayala at Lopez ang mga paboritong gawaran

ng mga proyektong gatasan. Sila rin ang nagbigay ng

pinakamalaking kontribusyon sa kampanya ni Aquino sa

pagkapangulo.

Bilang isang diktador, pangunahing sinasaligan ng

rehimeng US-BS Aquino ang lakas-militar nito. Nasa

prayoridad ng rehimeng US-BS Aquino ang pagbili

ng mga armas, sasakyang-pandigma at iba pang mga

kagamitang militar. Katunayan, pagkalaki-laking P144

bilyon ang hinihinging badyet ng Department of National

Defense at Armed Forces of the Philippines para sa

taong 2015. Matapos ang karumaldumal na pagpaslang

kay Jeffrey “Jennifer” Laude

noong Setyembre 2014, buong

kagarapalan pang ibinida ni

Heneral Gregorio Catapang,

chief-of-staff ng AFP ang 426

joint activities ng mga tropang

Pilipino at Amerikano dito sa

bansa.

Sa balangkas ng Oplan

Bayanihan, nagpapatuloy

ang lipas-nang-taktika ng

pagsasampa ng gawa-gawang

kaso sa mga lider-aktibistang

kritikal sa reaksyunaryong

gubyerno. Patuloy ang

panunugis sa mga organisador, pagpaslang, pagdukot,

tortyur at panggigipit. Sa kanayunan, mas pinasidhi

ang kampanyang supresyon laban sa rebolusyonaryong

kilusan. Sa kasalukuyan, pokus ng atake ng pasistang

militar ang Mindanao. Mula sa 48 batalyon noong Mayo

2014, aabot na sa 55 kabuuang bilang ng batalyon ang

naghahasik ng lagim sa iba’t ibang rehiyon sa Mindanao.

Sa Timog Katagalugan, lagpas 29 na batalyon ng

pinagsanib na pwersa ng AFP-PNP-CAFGU ang nakakalat

sa kabuuang 266 kampo at ditatsment sa buong

rehiyon. Samantala, 13 batalyon ang panagupang

pwersang gamit sa kombat at operasyon sa pagtugis

sa Bagong Hukbong Bayan at mga rebolusyonaryo sa

kanayunan. Bagamat papatindi ang pasistang atake ng

“Sapat ang puhunang

naipunla ng

rebolusyonaryong kilusan

sa buong rehiyon upang

makabuluhang mag-ambag

sa pambansang pagsisikap

na umigpaw sa mas mataas

na antas ng digmang

bayan”

rehimeng US-BS Aquino laban sa mamamayan, hindi

ito nangangahulugang papalakas ang reaksyunaryong

armadong pwersa. Ang pagtindi ng pasismo ay

nangangahulugang hindi na makapaghari sa dating

paraan ang reaksyunaryong rehimen. Hindi na umuubra

ang mabubulaklak na pananalita upang linlangin ang

mamamayan at ilihis ang kanilang atensyon sa tunay na

problemang kinakaharap ng lipunan kaya tinatapatan

na ng bala ang makaturangang mga panawagan at

pakikibakang masa ng sambayanan.

Sa gitna ng napakaraming isyung panlipunang

kinakaharap ng mamamayan, dapat magpakahusay

sa pagtatahi ng mga ito at maidireksyon sa malakas

at maigting na panawagan sa pagpapabagsak sa

nagbabangong diktadurang US-BS Aquino. Hinog na

hinog ang mga panlipunang kundisyon upang ganap

na maihiwalay sa mamamayan ang pangkating Aquino

hanggang sa pagpapatalsik sa rehimen. Nasa bentaheng

pusisyon ang rebolusyonaryong kilusang masa kapwa

sa kalunsuran at kanayunan

upang magkamit ng tagumpay

sa pulitika at organisasyon,

at ibunsod ang daluyong ng

mga pakikibakang bayan at

protestang masa sa iba’t ibang

bahagi ng rehiyon at ng buong

bansa.

Upang ganap na pilayan

hanggang sa maibagsak ang

naghaharing rehimeng US-BS

Aquino, dapat paigtingin ang

pagsusulong ng armadong

pakikibaka sa kanayunan.

Ilunsad ang paparaming bilang

ng mga anihilatibo at atritibong aksyong militar laban sa

mersenaryong tropa ng kaaway tulad na lamang ng

matagumpay na reyd ng mga Pulang mandirigma sa

ilalim ng Lucio de Guzman Command-NPA Mindoro sa

istasyon ng pulisya ng Paluan sa Occidental Mindoro

noong Nobyembre 2014. Gawin itong inspirasyon ng

iba pang mga kumand ng BHB sa buong rehiyon upang

birahin ang kaaway at magdulot ng maririing patama sa

ulo at katawan nito. Sapat ang puhunang naipunla ng

rebolusyonaryong kilusan sa buong rehiyon upang

makabuluhang mag-ambag sa pambansang pagsisikap

na umigpaw sa mas mataas na antas ng digmang bayan

at mailatag ang mga rekisitos sa pagkakamit ng

estratehikong pagkapatas sa susunod na mga taon.

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

3 KALATAS

PANGUNAHING LATHALAIN

Nasyunalisasyon, hindi emergency powers,

ang sagot sa suliranin sa industriya ng enerhiya

Ilang buwan bago matapos ang taong 2014, naghahabol na ang mga alipures ni Benigno S. Aquino sa kamara

upang aprubahan ang hinihingi niyang emergency powers para sa napipinto diumanong kakulangan sa

suplay ng enerhiya sa susunod na taon partikular sa mga buwan ng Marso hanggang Mayo. Matapos ang mahigit

apat na taon na paghahari sa bansa, walang anumang ginawang mapagpasyang hakbangin ang rehimen upang

paunlarin ang sektor ng enerhiya. Bagkus, gagawin lamang itong gatasang baka upang pagkakitaan ng rehimen

at ng malalaking burgesyang kumprador na malapit sa kanya.

Ang suliranin sa sektor ng enerhiya ay idinulot ng

matagal na panahon ng pagpapabaya ng mga nagdaang

rehimen sa pagbubuo ng kumprehensibong plano sa

pagpapaunlad nito. Mula noon hanggang

ngayon, lahat ng mga batas na inaprubahan

sa power industry ay pawang nagbigay daan

sa monopolyo ng iilang malalaking burgesya

kumprador tulad ng San Miguel Corporation

ni Danding Cojuangco, Meralco at First Gen.

Corporation, at ng Aboitiz Power Corporation. Sa loob

ng napakahabang panahon, pinagkakitaan ng mga

kumpanyang ito ang mga prosesong dinaraanan ng

kuryente mula sa generation, transmission hanggang

sa mismong distribusyon nito sa mga konsyumer.

Hindi solusyon ang pagbibigay ng emergency

powers kay BS Aquino. Bagkus, panganib ang hatid

nito sa mamamayang Pilipino. Una na rito ang

pagpapaubaya ng reaksyunaryong gubyerno sa

malalaking korporasyon na dambungin ang likas na

yaman ng bansa nang walang pagpapanagot. Upang

makuha ang pinakamaraming kontrata bago pa

ang panahon ng tag-init sa taong 2015, mamadaliin

ng rehimen ang pagpapasok ng mga kumpanyang

ito nang walang malinaw na pagsisiyasat kung

anu-ano ang maaaring maging implikasyon ng

mga itatayong imprastraktura sa

kalikasan at sa kabuhayan

ng mamamayan.

Pangalawa, magdudulot

ito ng papataas na halaga ng

kuryente dahil sa pagpasok

ng mga independent

power producers (IPP) na

ang pagtingin sa enerhiya

ay isang negosyong

pagkakakitaan at hindi

batayang serbisyong

panlipunan na dapat

ay natatamasa ng

mamamayan. Buhay

na karanasan ng mga

konsyumer ang paglobo ng

bayarin sa kuryente matapos igawad ang

emergency power kay Fidel Ramos noong 1993. Labis

na pahirap ang idinulot nito sa mamamayan.

Pangatlo, naglalaway ang rehimeng US-BS

Aquino na makopo ang 140 bilyong pisong pondo ng

Malampaya. Gagamitin ito diumano upang saulian

ang mga gagastusin sa pagpapaandar ng generator

sets ng mga industriya at empresang papasok sa

Interruptible Load Program (ILP). Habang ang

malalaking korporasyong ay may paniyak na kita,

walang katiyakan ang mamamayan sa serbisyong

4 KALATAS OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

panlipunang dapat na libreng

natatamasa ng ordinaryong

mamamayan.

Simula nang maupo sa pwesto

si BS Aquino, aabot na sa 15 bilyong

piso mula sa pondong Malampaya

ang ginastos ng rehimen hindi

para paunlarin ang sektor ng

enerhiya. Halos kalahati o 6.258

bilyong piso nito ay inilaan para sa

Armed Forces of the Philippines

at Department of National

Defense. Kung sa nakaraang taon

ay nagamit ng rehimeng US-BS

Aquino ang pondong Malampaya

batay sa sarili nitong diskresyon,

ang paggawad kay BS Aquino

ng emergency power ay

lalong magbibigay sa kanya

ng di nahahangganang

akses sa pondo upang

malustay sa pansarili nitong

interes. Sa pamamagitan

ng kapangyarihang ito,

maiisantabi ang mga

batas na nagtitiyak ng

regulasyon at maaaring

laktawan ang mga proseso

ng paniyak ng gubyernong

mapapangalagaan ang kalikasan

at mga mamamayan.

Ang pagpapapasok ng IPP

sa power industry at paggastos

ng pondong Malampaya upang

bigyang kompensasyon ang mga

papasok sa ILP ay hindi lamang

mga simpleng pagbibigay ng

insentibo sa malalaking burgesya

kumprador. Maaalalang ang

malalaking negosyanteng ito ang

nagbigay ng pinakamalalaking

halaga sa kampanya sa

pagkapangulo ni BS Aquino noong

2010. Sa ganitong kaayusan, tiyak

na ang kapalit ng bawat pabor

mula kay BS Aquino ay suporta

para sa naghaharing pangkatin.

Malinaw na ang pangunahing

motibasyon ni BS Aquino ay ang

pagpapalakas ng impluwensya

upang makapanatili sa estado

poder.

Ang paglutas sa malaon

nang problema sa sektor ng

enerhiya ay dapat magmula sa

saligang katangian nito bilang

isang batayang serbisyong

panlipunan. Dapat nang ibasura

ang mga polisiyang ibinunsod ng

“Ang paglutas sa malaon

nang problema sa sektor

ng enerhiya ay dapat

magmula sa saligang

katangian nito bilang isang

batayang serbisyong

panlipunan.”

mga patakarang pribatisasyon,

deregulasyon at liberalisasyon na

naglalayong dambungin ang mga

likas na yaman ng bansa at gawing

negosyo ang mga serbisyong

panlipunan tulad ng enerhiya.

Sa halip na emergency powers

ang pagkaabalahan ng kongreso

at Malakanyang, dapat nitong

pagtuunan ang pagbabalangkas

ng batas na magpapawalang bisa

sa inutil na Electric Power Industry

Reform Act (EPIRA) na naging

sanhi ng malalaking suliranin sa

industriya at mataas na presyo ng

kuryente sa bansa.

Isinusulong ng

rebolusyonaryong kilusan ang

nasyunalisasyon ng enerhiya

bilang isang mahalagang industriya

sa pagpapaunlad ng ekonomya

ng bansa. Dapat isabansa ang

mga likas na yamang maaaring

maksimisahin para makalikha

ng enerhiya tulad na lang ng

mga geothermal at hydropower

plant. Sa lahat ng pagkakataon,

dapat iuna ang kapakanan ng

mamamayan at tiyaking hindi

mapipinsala ang kanilang buhay

at kabuhayan. Gayundin, dapat

tiyaking hindi ito magdudulot

ng polusyon at pagwasak ng

kalikasan.

Kailanman, hindi

mapagkakasundo ang interes

ng masang anakpawis at ng

rehimeng US-BS Aquino at

mga kapanalig nito. Ang nais

ng rehimen ay panatilihin ang

kasalukuyang sistemang

panlipunan kung saan malaya

nilang dambungin ang mga

yaman ng bansa at gawing

negosyo ang mga serbisyong

panlipunan. Sa kabilang banda,

ang nais ng malawak na hanay ng

sambayanan ay isang lipunang

may pagkalinga sa kagalingan ng

mamamayan. Matibay ang

paninindigan ng rebolusyonaryong

mamamayan na ibagsak na ang

rehimeng US-BS Aquino at isulong

ang demokratikong rebolusyong

bayan upang itayo ang isang

gubyerno kung saan matiwasay at

masagana ang pamumuhay ng

mamamayan.

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

5 KALATAS

DAP ni Aquino: ang ninakaw na kinabukasan

mula sa mamamayan

Sa pagkabunyag ng sagad-sa-butong “pambababoy” ng rehimen sa kaban ng bayan sa pamamagitan ng

Disbursement Acceleration Program o DAP, nagngingitngit at nagpupuyos ang kalooban ng mamamayang

nagnanais na wakasan ang katiwalian ng reaksyunaryong gubyerno at patalsikin na ang magnanakaw na rehimeng

BS Aquino sa poder.

Ginamit ni Aquino ang DAP upang patuloy na

makapagkulimbat ng daang bilyong pondo mula sa

kaban ng bansa. Maanomalyang idineklara ni Aquino

bilang diumano’y “savings” ang laang badyet sa

iba’t ibang ahensya’t programa ng reaksyunaryong

gubyerno at isinentralisa ito sa ilalim ng presidential

pork barrel na kinaratulahang DAP. Ginamit ng

rehimen ang DAP upang palawigin ang impluwensya

at kapangyarihan nito sa reaksyunaryong gubyerno

sa kabi-kabila nitong pagbibigay ng mga suhol

sa mga kaalyado sa kongreso at mga lokal na

pamahalaan. Itinago ng rehimen sa mamamayan

ang paglulustay hanggang sa mabunyag ito at ngayon

nga ay kinaratulahang DAP. Hanggang sa kasalukyan,

hindi maipaliwanag ng Department of Budget and

Management (DBM) ang ginawang paglulustay at

nagsasabwatan ang lahat ng ahensya ng gubyerno

upang pagtakpan at bigyang matwid ang baluktot na

DAP at ang pagnanakaw ng gubyerno sa pondo ng

bayan.

Nang idineklara ng Korte Supremang iligal ang DAP,

halos baligtarin ni Aquino ang langit at

lupa upang depensahan ang paggamit

nito ng pondo ng bayan para sa

DAP. At tulad ng isang sindikadista,

ginipit ni Aquino sa pamamagitan

ng sunud-sunurang kongreso ang

Korte Suprema upang mapilitan

itong baligtarin ang kanyang pasya

at paburan ang patuloy na pag-iral

ng DAP. Upang bigyang matwid ang

baluktot na DAP, ipinangalandakan

ni Aquino na isa diumanong

matagumpay na programa ng

kanyang rehimen ang DAP at

kung gayon ay inaabswelto nito sa

anumang pananagutan si Florencio

“Butch” Abad, ang kalihim ng DBM. Ipinagmalaki rin

ng inutil na rehimen na ang tanging hangarin nila sa

pagpapatupad ng DAP ay ang diumano’y pagpapalago

ng ekonomya para sa pagpapabuti ng kalagayan ng

maraming naghihirap na mamamayan sa bansa.

Ngunit saan nga ba ginamit ng gubyernong

BS Aquino ang ninakaw nitong DAP Taliwas

sa mga nais palabasin ng rehimeng BS Aquino,

walang makabuluhang epekto ang DAP sa paglago

ng ekonomya at lalong hindi ito nakatugon sa

pangangailangan ng mga mahihirap. Walang ibang

nakinabang dito kundi ang magnanakaw na rehimen

ni Aquino at mga alipures niya. Ginawa itong

karagdagang pork barrel at ginamit na panuhol sa

kongreso at iba pang upisyal ng gubyerno.

Ang mga pangunahing nagpasasa sa bilyunbilyong

pondo ng DAP ay pangunahing mga alyado

ni Aquino. Sa Timog Katagalugan, nangunguna sina

Joseph Emilio Abaya, dating kinatawan ng unang

distrito ng Cavite at ngayon ay kalihim ng Department

of Transportation and Communication (DOTC) at

Elpidio Barzaga Jr., kasalukuyang kinatawan ng ikaapat

na distrito ng Cavite. Tumanggap si Abaya ng

hindi bababa sa P281 milyong pondo habang si

Barzaga naman ay tumanggap ng hindi bababa

sa P60.5 milyong pondong nagmula sa DAP.

Si Abaya ang dating tagapangulo ng House

Committee on Appropriations noong ika-

15 Kongreso habang naging myembro

naman ng House prosecution

panel si Barzaga noong

panahon ng impeachment ni

Renato Corona.

Ang lalawigan ng Cavite

ay pumapangalawa sa mga

probinsyang nakatanggap

6 KALATAS

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

ng pinakamalaking pondong nagmula sa DAP.

Tumanggap ang lalawigan ng hindi bababa sa P492.8

milyong pondo mula noong taong 2011. Gayunman,

sa kabila ng pagbuhos ng pondo sa lalawigan, walang

naramdamang kabutihan at alwan ang mamamayang

Caviteño at nanatiling kulang ang mga ospital at

pasilidad medikal at napakababa din ng badyet

na inilalaan para sa mga paaralan, pampublikong

pamantasan at suporta sa agrikultura sa lalawigan.

Nagkamal din ng napakalaking pondo mula sa

DAP ang mga pinakamasusugid na alipures ni Aquino

tulad ni Proceso Alcala, ang kasalukuyang kalihim ng

Department of Agriculture (DA). Tumanggap ang

ahensyang pinamumunuan ni Alcala ng hindi

bababa sa P4.4 bilyong pondo. Samantala,

ang DOTC na pinamumunuan

ngayon ni Abaya ay tumanggap

naman ng pondong hindi bababa

sa P4.5 bilyon mula din sa

maanomalyang DAP.

Karamihan sa mga

proyektong pinaglaanan ng

pondo ay walang kinalaman

sa kaunlaran at kagalingan ng

mamamayan tulad ng sinasabi

ni Aquino. Sa halip na ilaan ang pondo sa

mga kagastusang makapagbibigay ng karagdagang

trabaho sa mga manggagawa, makakapagpataas ng

kanilang sahod at produktibidad at mga serbisyong

panlipunan, kalakhan ay napunta sa pagpapautang

sa mga negosyante, panginoong maylupa at mga

institusyong pampinansya tulad ng Bangko Sentral

ng Pilipinas (P49.8B o 33.2% ng DAP). Mahigit P4

bilyon ang ibinigay sa mga kumpanyang nakakuha

ng kontrata sa mga proyektong PPP. Labing-pitong

bilyong piso (P17 bilyon) ang napunta sa ibinayad sa

mga dayuhang media at consultants at P7.6 bilyon para

sa pagpapaganda ng mga opisina ng mga ahensya ng

gubyerno. Ginastusan din ng DAP ang global media

campaign ng gubyerno sa halagang P500 milyon

at nagbayad ng P450 milyon sa isang kumpanyang

Koreano para lamang sa disenyo ng Jalaur River

Multipurpose Project. Ginamit rin ang P571 milyon

para sa pagpapaganda ng mga opisina ng DILG,

Kongreso, Department of Tourism at ng Malakanyang

habang ang P35.2 bilyon ay pondong lumpsum na

inilagay sa iba’t ibang proyektong mapipili.

Tulad ng PDAF, ang DAP ang pinakamalaking

pinagkukunan ni Aquino at mga kasapakat ng

kulimbat. Ginawa ito ng rehimen sa kapinsalaan

ng mamamayan. Pinasimunuan ni Butch Abad ang

pagdaloy ng pondo sa sariling bulsa ng mga tiwaling

pulitiko sa pamamagitan ni Napoles at iba pang mga

dummy. Dagdag pa rito, nalantad rin na ang mahigit

P4 bilyon para sa rehabilitasyon ng MRT at LRT ay

napunta rin sa DAP ni Aquino kung kaya’t ngayon,

pinababalikat sa sambayanan ang sakripisyo at bigat

ng pagsasaayos ng serbisyo ng riles.

Sa inaprubahang 2015

badyet, higit na pinalala ng

rehimen ang matagal nang

nagaganap na katiwalian sa

reaksyunaryong gubyerno.

Malisyosong binago ng kongreso

ang depinisyon ng “savings”

upang ikutan ang desisyon ng Korte

Suprema at gawing ligal ang pagkuha

ng pondo ng mga ahensya ng gubyerno

at ilaan ito para maging presidential pork

barrel. Sa nasabing pambansang pondo,

P500 bilyon rito ay presidential lumpsum

at malalaking tipak ng pondo para sa mga

ahensyang batbat ng katiwalian – DOH, DSWD,

DPWH, DOLE at CHED sa halagang P35.5 bilyon. Hindi

kailanman, isusuko ng mga naghaharing uri ang lahat

ng oportunidad upang makapagnakaw sa kaban ng

bayan at patuloy na magpasasa dito.

Ang hangarin ng mamamayan para sa tunay na

pagbabagong panlipunan ang tiyak na bibigo sa

pandarambong ng rehimeng BS Aquino sa bayan

hanggang sa tuluyan nang mapatalsik ang tiwali at

anti-mamamayang rehimen. Ang sama-samang

pagkilos ng mamamayan sa balangkas ng

demokratikong rebolusyon ng bayan laban sa

nabubulok na sistemang umiiral ang siyang patuloy

na magpapaikot sa gulong ng rebolusyon.

Magpapatuloy ito hanggang sa tuluyan nang makamit

ng mamamayan ang matagal na nilang inaasam na

tunay na pagbabago na ipapatupad ng isang

rebolusyonaryong gubyernong tunay na kumakalinga

sa mamamayan.

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

7 KALATAS

Ganap na kabiguan ang tinatahak na landas

ng Oplan Bayanihan

S

entro ng kahihiyan ang rehimeng US-BS Aquino at mersenaryong tropa ng Armed Forces of the

Philippines (AFP) sa kabiguan nitong abutin ang sariling target na kakayanin nitong durugin at wasakin

ang rebolusyonaryong kilusan sa buong bansa bago matapos ang 2016. Mula sa unang paghahambog na ng

rehimen at ng AFP na magiging isang “inconsequential force” na lamang diumano ang Communist Party of the

Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) bago matapos ang termino ni BS

Aquino sa 2016, pinalawig pa ito hanggang 2019.

Naglulubid ng kasinungalingan

at nangangarap ang mersenaryong

AFP sa pagyayabang nito na

diumano’y kontrolado na nila ang

Kabikulan; habang ipapasa na

lamang sa PNP ang mga erya sa

Hilagang Luzon; na naabot na ang

“katahimikan” sa Gitnang Luzon at

Timog Katagalugan, at napahina na

umano nila ang rebolusyonaryong

kilusan sa Compostella Valley,

Samar at Negros. Pawang

pagdedeliryo lamang ito ng

rehimeng US-BS Aquino at

ng mersenaryong AFP upang

pagtakpan ang katotohanang

patuloy na lumalakas at

lumalawak ang rebolusyonaryong

kilusan sa kabila ng todong pagatake

ng pasistang pwersa ng

reaksyunaryong gubyerno.

Desperasyon ang nagtulak

sa rehimeng US-BS Aquino para

ikonsentra nito ang 55 batalyon

ng AFP sa Mindanao, laluna sa

mga erya ng Southern Mindanao

Region (SMR), North-Eastern

Mindanao Region (NEMR) at

North-Central Mindanao Region

(NCMR). Itinakda nila bilang

pambansang prayoridad ang

pagwasak sa rebolusyonaryong

kilusan sa Mindanao.

Sa Timog Katagalugan,

mahigit 29 batalyong pwersa ng

AFP-PNP-CAFGU ang nakapakat

sa iba’t ibang panig ng rehiyon.

Kung aalisin ang mga yunit

na hindi aktwal na kasama sa

mga operasyong militar, aabot

sa mahigit 13 batalyon ang

pwersang panagupa ng mga

pasista sa rehiyon. Nakalatag

ang walong (8) panagupang

batalyon sa Region IV-A at anim

(6) sa Region IV-B. Nakapaloob

ang kabuuang pwersa ng mga

mersenaryong tropa sa ilalim

ng Southern Luzon Command

(SOLCOM) na sumasaklaw sa

erya ng Cavite, Laguna, Batangas,

Rizal at Quezon (CALABARZON) at

Mindoro, Marinduque, Romblon

(MIMARO); at Western Command

na sumasaklaw sa Palawan at

West Philippine Sea. Mapapansin

din ang mahigpit na ugnayan ng

mga brigada at batalyon ng AFP sa

mga hangganan ng Quezon-Bicol

at TK-Gitnang Luzon.

Makikitang lampas-lampas

na sa target ng Oplan Bayanihan

ang pakat ng kaaway sa rehiyon.

Nagpapatuloy na diin ng pokus ng

kaaway sa bigat ng deployment ng

8 KALATAS OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

mga pwersa nito sa hangganang Rizal-Laguna-Quezon

at sa South Quezon-Bondoc Peninsula (SQBP). Sa mga

ito, nakapakat ang aabot sa tig-pitong (7) batalyon na

mayroong pwersang pangkombat na mahigit apat

(4) na batalyon bawat isa. Pangalawa rito ang isla ng

Mindoro na may nakapakat na anim (6) na batalyon

kung saan ang pwersang pangkombat ay lagpas

ng dalawa (2) batalyon. Pangatlo ang lalawigan ng

Batangas na may nakapakat na lagpas tatlong (3)

batalyon kung saan mahigit dalawang (2) batalyon

ay pwersang pangkombat. Samantala, limang (5)

batalyon ang nakapakat sa isla ng Palawan kung

saan higit sa dalawang (2) batalyon ang pwersang

pangkombat.

Desperado ang kaaway na ilatag ang kanyang

pwersa sa rehiyon upang abutin ang balangkas ng

one-on-one na taktika sa bawat larangan sa isang

takdang panahon. Tampok dito ang karanasan

ng SQBP sa kasagsagan ng pananalasa ng Oplan

Bayanihan noong 2012. Umabot noon sa apat (4) na

panagupang batalyon, humigit-kumulang sa tatlong

(3) batalyon ng CAFGU at dalawang (2) kumpanya

ng Public Safety Management Company (PSMC) ang

nakakalat sa SQBP. Hindi pa kasama rito ang mga

taktikal na deployment ng Division Reconnaissance

Company (DRC) ng 2nd IDPA. Mahigit 100 baryo ang

sabay-sabay na sinaklaw ng operasyon ng kaaway.

Gayunman sa kabila ng katangian at deployment

ng kaaway sa mga lokalidad ng rehiyon, hindi

nawalan ng inisyatiba sa pulitika at militar ang mga

rebolusyonaryong pwersa. Nananatiling nakatindig,

lumalakas at lumalawak ang rebolusyon sa rehiyon

dahil sa umaapaw na suporta at pagtangkilik ng masa.

Ang rebolusyonaryong kamalayan ng mamamayan

sa rehiyon ay may naabot nang antas ng tatag at

kahinugan na hinubog ng kanilang buong pusong

paglahok sa demokratikong rebolusyong bayan. Ang

mga pasistang atake ay napangibabawan ng puspusan

at pursigidong pagsusulong ng rebolusyonaryong

mamamayan ng digmang bayan. Bagaman sinubok

ng matitinding dagok, nananatiling buhay at

nagpapanibagong sigla ang mga rebolusyonaryo at

masa upang sumulong sa mas mataas na yugto ng

rebolusyon.

Pinanday ang rebolusyonaryong kilusan ng

halos kalahating siglo ng buhay at kamatayang

rebolusyonaryong pakikibaka. Binigo nito lahat ng

kampanyang supresyon ng mga nagdaang rehimen—

Oplan Katatagan mula sa prototype na nakilala

sa tawag na Oplan Cadena de Amor (OCDA) ng

diktadurang US-Marcos; Oplan Lambat Bitag I, II,

III at IV ng rehimeng US-Aquino I at rehimeng US-

Ramos; Oplan Makabayan ng rehimeng US-Estrada;

Oplan Balangai, Oplan Guardian Knot, Oplan Bantay

Laya I at II ng rehimeng US-Macapagal Arroyo at ang

kasalukuyang Oplan Bayanihan ng rehimeng US-BS

Aquino.

Sa kabila ng mga nakamit na pinsala sa pakikipagtuos sa

kaaway, ito ay pansamantala lamang. Naipreserba ang

lakas ng rebolusyon at nagkamit ng mga dramatikong

pagsulong at tagumpay ang rebolusyonaryong kilusan

at mamamayan. Sa kanayunan tinatamasa ang

produkto ng puspusang pagsusulong ng rebolusyong

agraryo. Patuloy na lumalawak at tumatatag ang

mga baseng masa—ang di natutuyuang balon ng

suporta para sa armadong pakikibaka. Lumalakas

ang kilusang masa at patuloy na sumusulong ang mga

pakikibakang antipyudal at antipasista. Ang BHB ay

nakapaglunsad ng matatagumpay na mga taktikal na

opensiba (TO) na nagdulot ng mariing patama sa ulo

at katawan ng pasistang kaaway. Tampok dito ang

matagumpay na TO noong Nobyembre 7 sa Paluan,

Occidental Mindoro ng Lucio de Guzman Command-

BHB Mindoro kung saan nasamsam ng mga Pulang

mandirigma ang 23 armas. Ikinasawi ito ng hindi

bababa sa pitong elemento ng kaaway at ikinasugat

ng apat na iba pa.

Nakahukay na ang libingan ng Oplan Bayanihan

tungong ganap na kabiguan. Nasa paborableng

kalagayan ang rebolusyonaryong kilusan upang

sumulong sa kalitatibong igpaw sa susunod na mga

taon. Mataas and diwa at optimismo ng mga kadre at

kasapi ng Partido, kumander at mandirigma ng BHB at

lahat ng rebolusyonaryong mamamayan na

magpunyaging sumulong sa estratehikong

pagkakapatas tungong ganap na tagumpay.

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

9 KALATAS

Kabataang Makabayan: dakilang pamana

sa bago at susunod na mga henerasyon

“Itinuturo ng katwiran ang tayo’y umasa sa ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan.

Itinuturo ng katwiran ang tayo’y maglakas na maihapag ang naghaharing kasamaan sa ating bayan.

Panahon na ngayon…dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at

pagdadamayan. Ngayon ay panahong dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na

magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan; panahon na ngayong dapat makilala ng

mga Pilipino ang pinagbuhatan ng kanilang mga kahirapan.

Kaya, mga kababayan, ating idilat ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa

tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayang tinubuan.” 1

Ito ang tinuran ni Kasamang Jose Maria Sison,

ang tagapangulong tagapagtatag ng Kabataang

Makabayan (KM) noong ika-30 ng Nobyembre 1964.

Limampung taon makalipas ang makasaysayang

araw na ito, binibigyang pugay ng sambayanan ang

libu-libong kabataang Pilipinong inialay ang kanilang

talino at buhay upang paglingkuran ang sambayanan

at isulong ng demokratikong rebolusyon para sa

pagkakamit ng tunay na kalayaan at pambansang

demokrasya.

Ang KM ang naging talibang organisasyon ng

kabataang Pilipino. Puspusan itong nakibaka kasama

ang malawak na hanay ng sambayanan para makamtan

ang ganap na kalayaan laban sa imperyalismong US,

burukrata-kapitalismo at pyudalismo. Naipamalas ng

mga kabataan ang walang kaparis na pagtataguyod

sa makatarungang adhikain ng masang api at buong

pusong tinanganan ang makauring prinsipyo ng

demokratikong rebolusyon.

– Andres Bonifacio

ang mga welga sa loob at labas ng pamantasan.

Noong Pebrero 1969 inilunsad ang welga sa UPLB

upang ipaglaban ang kalayaang pang-akademiko. Ang

mga putok ng welga at mga pakikibakang inilunsad

rito ay lumaganap at naipunla ang mga makabayan at

progresibong ideya na siyang nagtulak hindi lamang sa

mga kabataan na kumilos laban sa mga naghaharing

rehimeng kontrolado ng imperyalismong US. Ang

paglaganap ng progresibo at makabayang kamalayan

ay mga diklap na tutungo sa Sigwa ng Unang Kwarto

(First Quarter Storm o FQS). Lumahok ang maraming

kabataan mula sa rehiyon sa FQS upang igiit ang

pambansang demokrasya at kalayaan. Sa pagtatapos

ng dekada 1970, nakalatag na ang mga balangay ng

KM at SDK sa iba’t ibang pamantasan at komunidad ng

mga magsasaka, mangagawa at maralitang lungsod sa

iba’t ibang lalawigan sa rehiyon.

Sa Timog Katagalugan, ang mga unang balangay

ng KM ay ipinundar mula sa mga binuong sirkulo ng

mga makabayang guro at mag-aaral ng Unibersidad

ng Pilipinas-Los Baños (UPLB) noong kalagitnaan

ng dekada 1960. Nagmula rin dito ang mga unang

balangay ng Samahan ng Demokratikong Kabataan

(SDK). Magkatuwang ang KM at SDK na nagtayo ng iba’t

ibang progresibong organisasyon ng mga kabataan sa

iba’t ibang bahagi ng rehiyon at pinamuan nila kasama

ng mga aktibistang estudyante, guro at mga kawani

1 Mula sa Talumpati sa Pagtatatag ng Kabataang Makabayan ni Kasamang Jose Maria Sison na inilathala sa Makibaka

para sa Pambansang Demokrasya.

10 KALATAS

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

Malaki ang papel na ginampanan ng KM sa

paglalatag ng paborableng kundisyon para sa

pagsusulong ng demokratikong rebolusyon at

pagpapalakas ng Partido Komunista ng Pilipinas sa

Timog Luzon. Kabilang sila sa mga unang nagtayo ng

mga larangang gerilya sa bahaging ito at isinulong ang

pakikidigmang gerilya noong 1971 sa hilagang bahagi

ng Bundok Banahaw (Nagcarlan, Laguna), ibabang

Sierra Madre (Sampaloc at Atimonan sa Quezon),

hangganang Quezon-Bikol (Tagkawayan, Quezon), at

Batangas (San Juan, Tuy at Nasugbu). Maraming mga

kabataan ang buong panahong sumapi sa Bagong

Hukbong Bayan at lumahok sa armadong pakikibaka

sa kanayunan.

Walang kapagurang nilabanan ng KM ang mga

nagdaang makadayuhan at antimamamayang

rehimen. Iminulat nila ang mga kabataan hinggil

sa mga batayang suliranin ng lipunang Pilipino at

kung paano baguhin ito. Pinangunahan nila ang

hanay ng sektor sa mga pagkilos upang ibagsak ang

naghaharing diktadurang US-Marcos. Aktibo silang

lumahok sa pakikibaka para palayasin ang mga

base militar ng US sa Pilipinas noong pahanon ng

rehimeng US-Corazon Aquino. Nilabanan nila ang

mga neoliberal na polisiya ng rehimeng US-Ramos

na lubusang nagpahirap sa sambayanan. Kabilang

sila sa nagpatalsik sa sindikatong rehimeng US-

Estrada at lumaban sa rehimeg US-Arroyo na labis na

nagpakatuta sa imperyalimong US. Sa kasalukuyan,

nagpapatuloy ang pakikibaka ng mga kabataan kasama

ang malawak na hanay ng sambayanan sa tuluyan

nang pagpapatalsik sa nagbabangong diktadurang

US-BS Aquino na sukdulan nang nagpapahirap sa

mamamayang Pilipino.

Ani Kasamang Jose Maria Sison, sa paglahok ng

kabataan sa pakikibaka ng sambayanan, nahuhubog

ang kanilang isipan para sa pambansa-demokratikong

adhikain ng mamamayan. Namumulat ang kabataan

sa kalagayan ng lipunan kaya’t nauunawaan niya na

tanging sa pamamagitan ng demokratikong rebolusyon

malulutas ang mga suliranin ng mamamayan. Nakikita

nila na nararapat lumahok sa armadong pakikibaka

ang paparaming bilang ng mga kabataan at dapat

sumapi sa Bagong Hukbong Bayan.

Sa pagtanggap sa hamon ng panahon, libu-libong

kabataan na ang tumutungo sa kanayunan upang

sumapi sa BHB at lumahok sa digmang bayan at

mga nangagsipag-organisa hindi lamang sa hanay ng

sektor kungdi maging sa hanay ng mga manggagawa,

magsasaka at mga maralitang komunidad. Marami

sa kanila ang naging mga Pulang kumander at

mandirigma ng BHB na walang pag-iimbot na nag-alay

ng kanilang mga buhay para sa dakilang adhikain ng

rebolusyon. Sinuong nila ang bawat hirap at sakripisyo

upang paglingkuran ang sambayanang Pilipino at

labanan ang mga nagpapahirap dito. Kasama sila ng

mga manggagawa sa mga welga sa mga pagawaan.

Kasama sila sa pagsusulong ng rebolusyong agraryo sa

mga kanayunan upang lutasin ang dantaong

kahilingan ng magsasaka para sa lupa. Sila’y

nagmumulat at nag-oorganisa upang tuparin

ang tungkuling gapiin ang kaaway sa lahat ng

larangan ng digma.

Sa gabay ng Partido Komunista ng

Pilipinas, patuloy na magagampanan ng mga

kabataan ang kanilang tungkuling baguhin

ang lipunan. Kakapit bisig ng iba pang

kilusan para sa pambansang pagpapalaya at

sosyalistang hinaharap sa malawak na

Pambansang Demokratikong Prente ng

Pilipinas (NDFP) patuloy silang magsisilbing

inspirasyon sa milyun-milyong kabataan sa

dantaon pang hinaharap. Ang landas na

kanilang tinalunton at hinawan ay patuloy na

susundan upang isulong ang digmang bayan

hanggang sa tagumpay.

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

11 KALATAS

Inspirasyon ang buhay at pakikibaka ng mga dakilang martir sa

pagsulong ng gawaing propaganda at kultura

Integral na bahagi ang gawaing propaganda at kultura sa kabuuan ng rebolusyonaryong gawain.

Napakahalagang maiparating sa malawak na hanay ng masa ang linya, programa, pagsusuri at patakaran

ng rebolusyonaryong kilusan. Sa pamamagitan nito napag-iisa ang isip, damdamin at pagkilos ng mamamayan

upang aktibong lumahok sa rebolusyon. Ayon kay Kasamang Mao, “kapag ang masa ay may iisang puso ang

lahat ay nagiging madali. Isang batayang prinsipyo ng Marxismo-Leninismo ang tulungan ang masang makita

ang kanilang sariling interes at magkaisa upang ipaglaban ang mga ito” 1 .

Nararapat na alalahanin at bigyang pagpupugay

ang mga dakilang martir na puspusan at buong pusong

tinanganan ang tungkulin sa gawaing propaganda

at kultura. Ilan sa kanila si Emmanuel Delos Reyes

o Ka Wendy, Renante Medina o Ka Luis at Racquel

Aumentado o Ka Nica.

Ka Wendy: mahusay na lider at propagandista

Masinop at masigasig sa paggampan ng gawain si

Emmanuel Delos Reyes o mas kilala bilang Ka Wendy.

Nagtapos sya ng AB Political Science sa Divine World

College of Calapan (DWCC) bilang isang iskolar.

Naging manunulat din sya sa pahayagan ng mga

estudyante ng DWCC. Makikitaan si Ka Wendy ng

mga katangian ng isang mahusay na lider, ahitador at

propagandista. Naging tagapagsalita sya ng Bagong

Alyansang Makabayan-Mindoro Oriental (BAYAN-

Mindoro Oriental).

Nang magdesisyon si Ka Wendy na buong

panahong maglingkod sa sambayanan, gumampan

sya ng iba’t ibang gawain sa rebolusyonaryong

kilusan. Isa sa puspusan nyang tinanganan ang

gawaing propaganda at naitalaga sya bilang istap ng

Kalatas, ang rebolusyonaryong pahayagan ng Timog

Katagalugan.

Bilang manunulat ng rebolusyon, inilarawan

ni Ka Wendy ang buhay at pakikibaka ng masa.

Ginamit nya ang lenggwahe ng masa at ipinarating

ang mga pahayag ng rebolusyon sa pinakamabilis

at pinakamaagap na panahon upang makarating ito

sa malawak na hanay ng mamamayan. Mahigpit

na tinanganan ni Ka Wendy ang linyang masa sa

paggampan ng kanyang tungkulin. Malinaw sa kanya

na nakaugat sa kongkretong kalagayan ng masa ang

istilo at nilalaman ng propaganda ng rebolusyon.

Nasawi si Ka Wendy sa isang labanan sa Tiaong,

Quezon noong 2005 habang gumagampan ng gawain

bilang war correspondent.

Ka Luis: mandirigmang manunulat

Tubong Batangas si Renante Medina o mas kilala

bilang Ka Luis. Nag-aral sya ng kolehiyo sa University

of the Philippines-Los Baños (UPLB) at naging aktibo sa

mga isyu na kinakaharap ng mga estudyante. Naging

bahagi sya ng publikasyon ng mga estudyante at naging

kasapi ng Epsilon Chi Fraternity. Habang nag-aaral,

1 Mula sa Pananalita sa Istap sa Patnugutan ng Pahayagang Shansi-Suiyan (Abril 2, 1948), MZD, MPAMTT, Bolyum

IV, 241.

12 KALATAS

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

nag-aalab ang aktibismo sa puso ni Ka Luis. Madalas

syang ilarawan na matalino, mahusay magsulat,

magiliw at masayang kasama. Maalalahanin sya at

madaling makitungo sa lahat. Simple lamang syang

manamit na kadalasan ay t-shirt, maong, tsinelas o

sandals na modjo at sombrero.

Nagdesisyon si Ka Luis na kumilos nang buong

panahon at iambag ang buong lakas at talino sa

kanayunan at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan (BHB).

Panahon din ito ng paglulubos ng IDKP sa Kilusang

Kabataang Estudyante, kung saan malakas ang

panawagan na isanib at iambag ang lakas ng kabataan

sa batayang sektor na inaapi’t pinagsasamantalahan.

Isa sa malugod na tumugon sa panawagang ito si

Ka Luis. Walang pag-aalinlangan, hindi nya tinapos

ang kanyang kurso sa pamantasan at buong pusong

tinahak ang landas patungo sa kanayunan.

Gumampan ng gawain si Ka Luis bilang

mandirigmang manunulat. Taglay ang mga aral

ng kilusang pagwawasto, bilang manunulat ng

Kalatas, mahigpit syang lumalahok sa gawain ng

SYP (sandatahang yunit pampropaganda) upang

mag-gawaing masa at makipamuhay sa masang

pinagsasamantalahan. Sa ganito, nagiging buhay

sa kanyang panulat ang karanasan at pakikibaka

ng masang pinagsasamantalahan sa kanayunan.

Inilathala nya sa Kalatas ang mayaman at hindi

maiigang istorya ng buhay at paglaban ng masa.

Umikot sya sa iba’t ibang larangang gerilya sa rehiyon

upang mabuo ang mga kwento ng magiting na

pakikibaka ng mamamayan katuwang ang BHB at sa

pangunguna ng Partido.

Inalay ni Ka Luis ang kanyang buhay sa isang

labanan sa Quezon noong 2006.

Ka Nica: rebolusyonaryong kadre, ina at

mandirigmang pangkultura

Nagtapos si Racquel Aumentado o mas kilala

bilang Ka Nica ng kursong Forestry sa UPLB. Nang

matapos ang kanyang pag-aaral, naorganisa si Ka Nica

sa kanilang baryo sa Infanta, Quezon. Namulat sya sa

tunay na kalagayan ng mamamayan at naging aktibo

sya sa gawaing pangkultura sa kanilang komunidad.

Pinangunahan nya ang pagtatatag sa grupong

pangkultura na TEKA MUNA na naglalayong itaas

ang kamulatan at organisahin ang masa upang samasamang

kumilos.

Nagpasya si Ka Nica na buong panahong kumilos sa

sonang gerilya bilang kasapi ng BHB na nasa gawaing

pangkultura. Masasabi ng sinumang nakakilala kay Ka

Nica na isa syang huwarang rebolusyonaryong kadre,

ina at mandirigmang pangkultura.

Sa kanyang panahon, naging masigla ang mga

proyektong pangkultura gaya ng paglalabas at

pagtatanghal ng album ng mga rebolusyonaryong

awitin ng ARMAS-TK at paglalathala ng Dagitab, ang

rebolusyonaryong magasin ng TK. Nag-organisa din

siya sa kanayunan nang siya ay maging bahagi ng

iskwad sa kultura. Tangan ang kanyang baril, sukbit

ang gitara at dala ang lapis at papel, tumungo sya

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

13 KALATAS

sa masa upang tumulong sa pagpapapalakas ng

pagtatayo ng base, repormang agraryo at pagbubuo

ng grupong pang-organisa hanggang maging ganap

na samahang masa. Ipinamalas ng iskwad sa kultura

na malaki ang ambag ng gawaing pangkultura sa pagoorganisa

at pagbubuklod sa masa. Dahil turol ang

halaga ng gawain sa propaganda at sining, nag-aral

na gumuhit si Ka Nica upang makapag-ambag ng mga

sining biswal sa mga publikasyon tulad ng Kalatas at

Dagitab. May ambag din siyang mga tula at minsang

nagboses sa mga tulang nilalapatan ng musika. Ang

magandang tinig ni Ka Nica ay maririnig sa mga

rebolusonaryong awiting nasa album ng Dakilang

Hamon, Martsa Kan Bicolandia at Alab ng Digmang

Bayan—mga awiting naghahatid ng inspirasyon sa

buhay at pakikibaka ng masang inaapi. Kasama si Ka

Nica sa nagbigay ng mga palihan sa sining at kultura

sa mga kasamang mandirigma at maging sa masa.

Masigasig siyang nagturo at nag-ambag ng kanyang

kaalaman at kung paano gagamitin ang sining sa

pagsusulong ng matagalang digmang bayan.

Mapagmahal at matatag na ina si Ka Nica.

Pinangarap nya ang isang rebolusyonaryong pamilya

upang makapag-ambag sa rebolusyon. Bagama’t

hindi nawala ang damdamin at hangaring mapalapit

sa kanyang nag-iisang anak, sinikap niyang maging

matatag at labanan ang pangungulila. Napakatibay

ng kanyang katatagan at sakripisyo upang iambag

nang buung-buo ang kanyang sarili sa armadong

pakikibaka.

Inialay ni Ka Nica nang walang pag-aalinlangan

ang kanyang buhay sa isang labanan sa Quezon noong

2006. Sinalo niya ang unang hudyat ng mga putok ng

kaaway na nagsilbing senyales sa mga kasama upang

maghanda sa isa na namang labanan.

Pag-alabin ang gawaing propaganda at kultura

Mabibigyan lamang ng pinakamataas na

pagpupugay at parangal ang mga dakilang martir ng

rebolusyon tulad nina Ka Wendy, Ka Luis at Ka Nica sa

pamamagitan ng matapat, puspusan at buong pusong

paggampan ng rebolusyonaryong gawain ng bawat

rebolusyonaryo. Dugo at sakripisyo ng mga dakilang

martir ang naghawan ng daan sa mga nakamit na

tagumpay ng rebolusyonaryong kilusan. Sa tuwing

mababasa natin ang Kalatas at Dagitab at maririnig

ang mga rebolusyonaryong awitin, alalahanin natin

sina Ka Wendy, Ka Luis at Ka Nica. Alalahanin natin

kung paano sila lubos na nagtiwala at sumandig sa

masa, naghubog ng proletaryong paninindigan at

kamalayan bilang mga rebolusyoaryo at kung paano

ito naging patnubay sa gawaing propaganda at kultura

at sa kabuuan ng rebolusyonaryong gawain.

Inspirasyon ang buhay at pakikibaka nina Ka

Wendy, Ka Luis at Ka Nica sa mga bagong usbong na

rebolusyonaryo na tanganan ang hamong pag-alabin

ang gawaing propaganda at kultura at kung paano

higit na makakapag-ambag sa kabuuang

rebolusyonaryong adhikain. Puno ng optimismo ang

kinabukasan ng rebolusyon. Mahalagang armado ang

bawat rebolusyonaryo ng wastong pananaw,

pagsusuri at aktitud upang ibigay ang ganang-kaya sa

pag-abot ng mga rekisitos tungong estratehikong

pagkapatas hanggang ganap na tagumpay.

14 KALATAS

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

BALITA

Balitang TO

Sunud-sunod na aksyong militar sa isla ng Mindoro,

matagumpay

Dalawampu’t isang (21) matataas na kalibre

ng baril at iba pang mga kagamitang militar

ang nakumpiska ng mga Pulang gerilya sa ilalim ng

Lucio de Guzman Command-Bagong Hukbong Bayan

Mindoro sa reyd na isinagawa sa munisipyo ng Paluan,

Occidental Mindoro noong Nobyembre 7, 2014.

Nasamsam ng mga Pulang mandirigma ang pitong

(7) M14, labing-tatlong (13) M16, isang 12-gauge

shotgun, dalawang pistol, mga bala at iba pang gamitmilitar.

Napatay ang pitong sundalo at nasugatan ang

apat na kabilang sa abusadong 76th Infantry Battalion

(IB), PNP-Public Safety Battalion at PNP-408th Public

Safety Maneuver Forces sa labanang tumagal lamang

ng 20 minuto. Samantala, dinala ng mga Pulang

mandirigma sa pag-atras ang mayor ng Paluan na si

Carl Michael Pangilinan at ang kanyang municipal

administrator upang babalaan sa pang-aabuso sa

maralitang mamamayan ng Paluan, pagsangkot at

pagkandili sa mga iligal na pagtotroso, iligal na droga

at iba’t ibang sindikatong nag-oopereyt sa kanyang

bayan sa Occidental Mindoro. Si Pangilinan ay isang

sindikadistang pinoprotektahan ng mga pasista at

reaksyunaryong militar

mula 76th IB at 408th

PNP.

Ang matagumpay

na TO ay tanda ng

mahigpit na pagkakaisa

ng masa at hukbong

bayan. Nagbunyi ang

mamamayan ng Paluan

at mga karatig-lugar sa

pagpaparusa ng LdGC–

BHB Mindoro sa palalo,

mabangis at kawatang

76th IB at abusadong

PNP. Makabuluhan ang

ginampanang papel ng

masang Mindoreño sa

pagtitiyak ng tagumpay

ng opensiba mula sa paghahanda, sa aktwal na

opensiba hanggang sa ligtas na pag-atras ng BHB.

Buhay na patotoo ito na hindi kailanman masasaid ang

malalim na balon ng suporta ng mamamayan sa BHB at

rebolusyon na ipinuhunan ng mga rebolusyonaryong

nauna nang nag-organisa sa isla.

Makasaysayan ang araw ng paglulunsad ng

TO sapagkat tuwing Nobyembre 7, inaalala ng

rebolusyonaryong mamamayan sa TK ang buhay

at pakikibaka ng magigiting na kadre ng Partido

Komunista ng Pilipinas at BHB na sina Ka Armando

Teng at Ka Lucio de Guzman. Kabilang sila sa mga

kapita-pitagang haligi ng rebolusyonaryong kilusan

na namuno sa pagpupunla at pagpapayabong ng

rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan sa

Mindoro. Ang tagumpay na ito ay alay sa kagitingan ng

lahat ng mga rebolusyonaryong martir na naghawan

ng landas para sa pagsulong at patuloy na pagliliyab

ng apoy ng pakikibaka.

Nauna pa rito, naging matagumpay ang

operasyong isnayp ng isang tim ng BHB Mindoro sa

nakakampong mga sundalo ng 4th IB at paramilitar sa

Sityo Anahaw, Brgy. Panaytayan, Mansalay, Oriental

Mindoro noong Oktubre 25, 2014, ganap na ika-7 ng

umaga. Nasugatan ang

isang trainee na CAFGU

sa nasabing operasyon.

Target ng operasyon

ng BHB ang Peace and

Development Teams

(PDTs) ng militar sa

lugar na tuluy-tuloy na

sangkot sa mga kaso ng

panggigipit, pananakot,

iligal na pag-aresto at

sapilitang pagrerekluta

sa CAFGU sa mga

katutubong mangyan at

mga magsasaka.

Isang araw matapos

ang isnayping, hinaras

naman ng isang tim

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

15 KALATAS

ng BHB ang isang impormer ng militar sa parehong

barangay. Mula nang matagumpay na nadurog

sa ambus ng BHB ang isang platun ng 23rd DRC

sa Panaytayan, Mansalay noong Marso 6, 2010,

kinampuhan at pinaglunsaran ng mga PDTs ng 4th

IB ang mga sityo at pamayanan ng mga katutubong

mangyan sa nasabing barangay.

Noong Oktubre 7, 2014 naman ay inisnayp ng

isang tim ng BHB ang higit isang platun ng 4th IB

na kabilang sa laking kumpanyang reaksyunaryong

pwersa na nag-operasyon sa So. Alyanon, Brgy.

Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro. Sa isang putok

na umalingawngaw, nagkagulo ang mga sundalong

pauwi na sana sa kanilang kampo matapos ang isang

linggong operasyon.

Noong Oktubre 10 naman, naglunsad ng

magkasabay na reyd ang mga Pulang mandirigma

sa pastuhan-asyenda ni Tamayo sa So. Sigman, Brgy.

Camurong at ang bahay ng drug lord na si Antonio

Roy Montenegro sa Brgy. Wawa, parehong sa Abra

de Ilog, Occidental Mindoro. Nasamsam ng BHB ang

isang carbine, isang 12-gauge shotgun at isang cal.22

rifle with scope.

Si Montenegro ay kapatid ng isang heneral sa PNP,

kapatid ng dating mayor at bayaw ng kasalakuyang

mayor ng Abra de Ilog. Ginagamit niya ang koneksyon

sa reaksyunaryong gubyerno upang tuluy-tuloy na

makapagkalat ng droga sa lugar sa kabila ng malawak

na pagtutol ng mamamayan. Si Tamayo naman ay

gumagamit ng armadong grupo upang linlangin at

palayasin ang mga katutubong Iraya para palawakin

ang saklaw ng kanyang lupain. Labis ang kagalakan ng

mamamayan ng Mindoro dahil sa matatagumpay na

operasyon ng BHB.

Pamamarusa sa operatibang paniktik ng kaaway sa

Quezon, matagumpay

Ginawaran ng rebolusyonaryong hustisya ng isang

yunit ng Apolonio Mendoza Command - BHB Quezon

si Lamberto “Berting” Segui sa Veronica, Lopez noong

tanghali ng Nobyembre 14. Si Berting ang salarin sa

tatlong magkakaibang kaso ng pamamaslang mula pa

noong 1984 hanggang sa pinakahuling biktima nito

noong 2013. Si Lamberto ay isang asset at paniktik ng

kaaway na bumiktima sa tatlo nitong kaanak. Una rito

ang pagpatay niya kay Antonio “Onyok” Segui noong

1984. Pangalawa ang pagpaslang sa kanyang kapatid

na si Francisco “Pangki” Segui noong Marso 24,

1995. Nitong nakaraang taon, si Berting at ang anak

nitong si Bryan ang mga salarin sa karumal-dumal na

pagpaslang sa kapatid ng una na si Carlos Segui noong

Marso 28, 2013.

Samantala, matagumpay na isinagawa ng isang tim

ng AMC-BHB Quezon ang pag-isnayp sa ditatsment ng

CAFGU sa San Isidro, Lopez noong Nobyembre 9 kung

saan sugatan ang isang elemento ng kaaway.

Ayon kay Ka Armine de Guia, tagapagsalita ng BHB

Quezon, paggawad ng rebolusyonaryong hustisya sa

mga biktima ng karahasang militar at paglabag sa

karapatang pantao ang mga isinagawang aksyong

militar at pamamarusa ng BHB. Indikasyon din ito ng

muling paglakas ng BHB at buong rebolusyonaryong

kilusan sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista

ng Pilipinas.

“Determinado ang mga Pulang kumander at

mandirigma ng bawat yunit ng BHB na iabante sa mas

mataas na antas ang digmang bayan sa

pamamagitan ng pagpapahusay sa

taktika at teknika. Makaaasa tayo ng

ibayong pagsigla ng armadong

pakikibaka at mas maunlad na

pakikidigmang gerilya ng masa sa mga

darating na taon bilang panalubong na

putok sa tarangkahan ng estratehikong

pagkapatas tungong ganap na

tagumpay ng digmang bayan,”

pagtatapos ni de Guia.

16 KALATAS

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

Dagdag sahod at benepisyo,

patuloy na iginiit ng mga guro

Sinalubong ng mga guro at mga kawani sa sektor

ng edukasyon ang Pandaigdigang Araw ng mga

Guro noong Oktubre 5 sa pamamagitan ng paglulunsad

ng mga kilos-protesta sa iba’t ibang panig ng bansa.

Iginiit nila ang pagtataas ng kanilang sweldo, pagdagdag

ng mga benepisyo at paglaban sa mga antimamamayang

polisiya at programa ng rehimeng BS Aquino sa sektor

ng edukasyon. Hinamon ng mga guro ang rehimeng BS

Aquino na kung hindi ito natitinag sa mga kilos-protesta

para bigyang-pansin ang kanilang matagal nang mga

panawagan, nakahanda silang itaas ang kanilang laban

at ihantong ito sa malawakang pagliban o mass leave.

Matapos ipatupad ang Salary

Standardization Law noong

panahon ng rehimeng Arroyo,

hindi na nadagdagan pa ang

sahod ng mga guro at mga kawani

sa sektor ng edukasyon at ngayon

patuloy na pinipigilan ng inutil na

rehimeng BS Aquino ang pagsasabatas

ng House Bill 245 na may layuning itaas

ang sweldo ng isang guro mula sa P18,549 kada buwan

tungong P25,000 kada buwan at sweldo ng mga kawani

mula P9,000 kada buwan tungong P15,000 kada buwan.

Iginiit din ng mga guro ang kagyat ng pagbabasura ng

programang K-to-12. Daing nila ang kawalan ng

kahandaan ng gubyerno sa ipinatupad na sistema.

Habang ipinatutupad ito, wala namang maibigay na mga

gagamiting libro at modyul sa pagtuturo at

kumprehensibong treyning para sa pagpapatupad ng

bagong kurikulum. Nananatiling kulang na kulang ang

mga pasilidad at kagamitan para sa implementasyon ng

programa. Nagdurusa ang mga batang estudyante sa

kawalan ng mga libro. Dulot rin ng sistemang ito,

napipintong mawalan ng trabaho ang higit sa 85,000

guro sa mga kolehiyo at unibersidad sa taong 2016

hanggang 2017. Sa ilalim ng K-to-12, ang mga General

Education subjects o GE ay ituturo na sa hayskul at

tatanggalin na sa kurikulum sa kolehiyo. Anila, mas

makabubuting ilaan ang badyet ng programang K-to-12

sa pagpapaunlad ng mga pasilidad at kagamitan ng mga

pampublikong paaralan sa buong bansa.

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

Lupa at hustisya,

sigaw ng mamamayan sa

Linggo ng mga Magbubukid

Pinangunahan ng Katipunan ng mga Samahang

Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-

TK) ang pagkilos ng mamamayan sa rehiyon bilang

pagsalubong sa Linggo ng mga Magbubukid. Sinimulan

ang iba’t ibang mga pagkilos sa TK noong Oktubre 15

upang padagundungin ang laban ng mga magbubukid

para sa tunay na repormang agraryo at hustisyang

panlipunan. Sa harap ng Kongreso, nagkampo sila

upang ipanawagan ang pagsasabatas ng House Bill 252

o ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB). Pagsapit ng

Oktubre 21, nagmartsa sila kasama ang iba pang sektor

patungong Department of Agrarian Reform hanggang sa

Mendiola. Ipinakita ng mamamayan ng TK ang naging

kainutilan ng DAR at Malakanyang sa pagtugon sa

dantaong kahingian ng anakpawis at ang kahungkagan

ng pekeng CARP/CARPER ng gubyerno. Muli nilang

iginiit ang kanilang karapatan sa lupa at pinagtibay ang

pakikibaka laban sa asyenderong rehimeng BS Aquino.

Nanindigan ang mga nagmartsang magbubukid na

dapat nang patalsikin ang makapanginoong maylupa at

antimamamayang rehimeng BS Aquino at labanan ang

anumang balak nito na magpalawig ng panunungkulan

lagpas sa taong 2016.

Mananatiling matibay na batayan ng kagyat

na pagpapatalsik sa rehimeng BS Aquino ang hindi

nito pagtugon sa matagal nang kahilingan ng mga

magbubukid para sa tunay na repormang agraryo.

Pinatutunayan lamang ng rehimeng BS Aquino na

kailanma’y hindi ito pumanig sa mamamayan at bagkus

pinaninindigan nito ang pagkatig sa kanyang mga

kauring mapagsamantala.

Sinamantala na rin ng nagtipong mamamayan ang

pagbibigay ng suporta kina Benito Tiamzon at Wilma

Austria sa inilunsad nitong piket at kilos-protesta sa

harap ng Quezon City Hall of Justice. Sina Tiamzon at

Autria ay mga bilanggong pulitikal at tagapagtaguyod

ng karapatan ng mga magbubukid. Kasabay ng kanilang

panawagan para sa tunay na reporma sa lupa at

hustisyang panlipunan, ang kagyat na pagpapalaya sa

lahat ng bilanggong pulitikal na nakapiit sa iba’t ibang

kulungan sa buong bansa.

17 KALATAS

Kaarawan ni Andres Bonifacio,

ginunita

Ginunita sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang ika-

151 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres

Bonifacio sa pamamagitan ng mga kilos-protesta. Mula

Liwasang Bonifacio hanggang Mendiola, sama-samang

nagmartsa ang mga progresibong organisasyon at

mamamayan mula sa Timog Katagalugan at mga kalahok

sa Manilakbayan 2014.

Malakas ang panawagan ng iba’t ibang progresibong

organisasyon sa pagpapatalsik sa korap at tiwaling

rehimeng BS-Aquino. Binatikos ang nagpapatuloy na

karahasan sa bansa na dulot ng Oplan Bayanihan ng

rehimen. Mariing iginiit ang kagyat na pagpapalayas

sa militar sa Mindanao na siyang dahilan ng talamak na

paglabag sa karapatang pantao

sa isla.

Kinundena nila ang sukdulang

pagtataksil ng rehimeng BS-

Aquino sa bayan at sa dakilang

hangarin ng Katipunan na

pinamunuan noon ni Andres

Bonifacio. Tinuligsa nila ang

sagadsaring pagpapakapapet ni

Aquino sa imperyalismong US sa

pagpapatupad nito ng Enhanced

Defense Cooperation Agreement

na nagpapahintulot lalo sa US na

mag-istasyon ng mga sundalong

Amerikano at magtayo ng mga

base militar sa bansa.

Samantala, naglunsad naman

ng mga kilos-protesta ang mga

maralitang lungsod sa paggunita

sa Linggo ng mga Maralitang Lungsod. Iginiit rin nila ang

tuluyan nang pagpapatalsik sa rehimeng US-BS Aquino

na dahilan ng talamak na demolisyon sa mga komunidad

ng mga maralitang lungsod. Sa Tondo, kung saan lumaki

si Bonifacio, nagrali ang mga residenteng maaapektuhan

ng mga nakatakdang demolisyon sa lugar. Anila, dapat

tularan ng sambayanang Pilipino si Andres Bonifacio na

walang pag-iimbot na inialay ang kanyang buhay sa

paglaban sa mga dayuhang mananakop upang makamit

ang pambansang kalayaan at demokrasya.

Anibersaryo ng Kabataang

Makabayan, ipinagdiwang

Mainit na ipinagdiwang ng mga

rebolusyonaryong kabataan at

mamamayan ang ika-50 taong anibersaryo ng

pagkakatatag ng Kabataang Makabayan nitong

ika-30 ng Nobyembre. Ginunita at pinagpugayan

ng KM, NDFP, CPP at NPA ang libu-libong mga

kabataang martir na nag-alay ng kanilang buhay

upang paglingkuran ang sambayanan at isulong

ang demokratikong rebolusyon.

Ani Armando Sumulong, tagapagsalita ng

KM-Timog Katagalugan, ang pagkakatatag ng KM

sa mismong kaarawan ni Gat Andres Bonifacio

ay nangangahulugan ng kanilang pagyakap at

komitment na ipagpatuloy

ang kasalukuyang bagong tipo

ng pambansa-demokratikong

rebolusyon. Nasa hustong

edad ang kabataan, na nasa

kasibulan ng kanilang buhay,

para iambag ang kanilang talino,

husay, panahon at buhay sa

pagsusulong ng digmang bayan.

Ang hinahangad na

masaganang buhay ng mga

kabataan ay matutupad lamang

sa pagyakap sa masalimuot at

puno-ng-sakripisyong buhay sa

pagrerebolusyon. Kailangang

maramihang tumungo ang

mga kabataan sa kanayunan,

humawak ng sandata at

makisalamuha, magmulat,

mag-organisa at kapit-bisig na

makibaka kahanay ng masang anakpawis.

Inilunsad ng mga balangay ng Kabataang

Makabayan ang mga programa at aktibidad sa

pagdiriwang sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Samantala, naglunsad ng isang kulturang

pagtatanghal ang mga mag-aaral ng Unibersidad

ng Pilipinas-Los Baños bilang pagpupugay sa

dakilang ambag ng KM sa pagsusulong ng

pambansang demokrasya at kalayaan.

18 KALATAS OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

Pandaigdigang Araw ng Pakikiisa sa mga Bilanggong Pulitikal,

ginunita

Pitong araw na pag-aayuno ang isinagawa

ng mga bilanggong pulitikal sa iba’t ibang

piitan ng bansa bilang paggunita sa Pandaigdigang

Araw ng Pakikiisa sa mga Bilanggong Pulitikal

noong Disyembre 3 hanggang Disyembre 10.

Bilang protesta laban sa persekusyong pulitikal ng

rehimeng US-BS Aquino, nais nilang ipahayag na

ang maghimagsik laban sa isang mapagsamantalang

rehimen at sistema ay makatarungan. Sila ay ipiniit

sa bisa ng mga inimbentong mga kasong kriminal sa

pag-aakalang sa pamamagitan nito ay kaya silang

busalan at itali ang mga kamay. Ngunit nagkakamali

ang rehimen sapagkat ang kanilang paniniwala at

pakikibaka ay di kailanman kayang hadlangan ng

rehas na bakal.

ipinanganak ni Andrea Rosal bunga ng matinding

hirap sa kundisyon sa Camp Bagong Diwa sa Taguig

habang sa kasalukuyan, si Miradel Torres ay

kasisilang pa lamang sa isang sanggol. Patuloy

silang ipinipiit ng rehimeng BS Aquino.

Nagsagawa rin ng serye ng mga protesta ang

mga kaanak ng mga bilanggong pulitikal, mga

organisasyong masa at mga delegasyon mula

sa Manilakbayan at Timog Katagalugan. Mula

Liwasang Bonifacio nagtungo sila sa Manila Trial

Court upang suportahan ang mag-asawang Benito

at Wilma Tiamzon na pawang mga konsultant

sa usapang pangkapayapaan. Nagmartsa sila

patungong Department of Justice at kinundina

ang kawalan nito ng aksyon sa kriminalisasyon ng

mga pulitikal na aktibidad. Nagsagawa din ng kilosprotesta

sa harap ng Philippine General Hospital

upang ipanawagan ang pagpapalaya kay Miradel

Torres na noo’y kapapanganak lamang.

Samantala, ang mga bilanggong pulitikal na

nakapiit sa New Bilibid Prison ay nagmartsa at

kinundina ang mga gawa-gawang kasong kriminal

na isinampa sa kanila.

Ayon sa Karapatan, sa kasalukuyan ay mayroong

491 bilanggong pulitikal sa buong bansa, 220 ang

inaresto sa termino ni BS Aquino. Sa bilang na ito,

mayroong 43 na babae, 42 na matanda, 53 na

maysakit at 6 na menor de edad. Sa Timog

katagalugan, mayroong kasalukuyang 24 bilanggong

pulitikal kung saan ang 7 dito ay iligal na inaresto at

ipiniit sa panahon ni BS Aquino. Dalawa sa kanila ay

iligal na inaresto at kinasuhan habang nagdadalantao.

Matatandaang pumanaw ang sanggol na

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

Bantay Karapatan

Mamamayan sa Mindoro,

ginipit at tinakot

Dalawang insidente ng panggigipit at pananakot

ng pinagsanib na pwersa ng pulis at militar ang

naganap sa isla ng Mindoro. Unang sinaklot ng

takot ang mamamayan sa mga bayan ng Rizal at San

Jose sa Occidental Mindoro. Hinalughog ang

kanilang mga kabahayan at pinagbantaan ang mga

naninirahan doon. Nagdulot ito ng takot sa

mamamayang nakatira sa komunidad. Ganito ang

dinanas ng mga taumbaryo sa Rumbang, Rizal nang

lusubin ng mga pasista ang kanilang barangay noong

Nobyembre 16.

19 KALATAS

Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao,

ginunita

Inilunsad ng mamamayan

ng Timog Katagalugan

sa pangunguna ng Bagong

Alayansang Makabayan-

Southern Tagalog (BAYAN-ST)

ang serye ng mga protesta at

aktibidad bilang paggunita sa

ika-66 taon ng deklarasyon

ng Pandaigdigang Araw ng

Karapatang Pantao. Magkasanib

ang mamamayan ng TK at

Manilakbayan 2014 ng Mindanao

sa kanilang panawagang wakasan

ang pasismo sa kanayunan,

papanagutin ang malalaking

korporasyon sa pinsalang hatid sa

kalikasan at patalsikin ang pasista,

tuta at asyenderong rehimeng BS

Aquino.

Sa apat na taon ni BS Aquino

sa pwesto (2010-2014) naitala

ng KARAPATAN, ang alyansang

nagsusulong sa karapatang

pantao ang 226 kaso ng

pampulitikang pamamaslang,

26 kaso ng pagdukot, 104 kaso

ng tortyur at 900 kaso ng iligal

na pag-aresto. Maging ang

matataas na opisyal ng militar na

sangkot sa mga karumaldumal na

kaso ng paglabag sa karapatang

pantao tulad nina Gen. Aurelio

Baladad at Gen. Edgardo Año ay

idinestino sa Mindanao kasama

ng 55 batalyong pwersa ng Armed

Forces of the Philippines (AFP).

Samantala si General Visaya na

tigmak ang kamay sa dugo ng

kanyang mga biktima sa Northern

Mindanao Region ay itinalaga

sa rehiyong TK bilang pinuno ng

Southern Luzon Command. Ang

29 batalyon ng AFP, PNP at CAFGU

ang pangunahing tagapaghasik

ng pasismo sa mga kanayunan,

kabayanan at kalunsuran ng

rehiyon.

Kinundina ng mamamayan

ang patuloy na pangangayupapa

ng rehimen sa imperyalistang

kapangyarihan ng US at

ipinanawagan ang pagpapalayas

sa tropang militar ng Estadong

Unidos. Ang pananatili ng

tropang militar ng US sa bansa

ay magdudulot lamang ng

ibayong paglala ng mga kaso ng

paglabag sa karapatang pantao at

pagyurak sa soberanya ng bansa.

Sa isiniwalat ng US Congress na

karumaldumal na paggamit ng

mga pwersang panseguridad

ng US at CIA ng makahayup na

tortyur sa mga bilanggo nito,

hindi nakapagtatakang ito rin ang

“kasanayang” isinasalin nila sa

mga pasistang AFP sa mga

Balikatan Exercises at

counter insurgency

program ng

rehimen at

militar.

Mula sa kampuhan ng

Manilakbayan 2014 sa Liwasang

Bonifacio, libu-libong mamamayan

kabilang ang mula TK at Mindanao

ang nagmartsa tungong Mendiola

upang ipahayag sa tarangkahan

ng Malakanyang ang kanilang

panawagan para sa kapayapaan,

pagkain at katarungan para

sa mga biktima ng mga

paglabag sa kaparatang pantao.

Dumagundong ang kanilang mga

sigaw sa pagkundena sa rehimeng

US-BS Aquino at ang panawagan

sa buong sambayanang dapat

nang patalsikin si BS Aquino sa

pwesto. Si BS Aquino ay larawan

ng isang halimaw na nakakubabaw

sa sambayanan at nirerendahan

ng among imperyalismong US.

20 KALATAS OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

CIA torture report, umani ng pagkundina

Umani ng pagkundina hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa ang CIA torture report

na nagsasalarawan sa brutal at walang kaparis na pagpapahirap sa mga pinaghihinalaang may

kaugnayan sa grupong Al-Qaeda at kay Osama Bin Laden. Namimilipit sa pagpapaliwanag ang CIA at ang

mga pwersang panseguridad ng US kung papaanong bibigyang-matwid ang brutalidad at kayahupang

ginawa nila sa kanilang mga biktima.

Ilan sa mga idinitine ng CIA at tinortyur ay mga

sibilyang walang kaugnayan sa kahit anumang

grupo. Ang iba ay mga inosenteng naituro

lamang ng taong sumailalim sa tortyur para

maibsan ang pagpapahirap sa kanya. Tampok

sa mga isinagawang pagpapahirap ang hindi

pagpapatulog sa pamamagitan ng malalakas na

ilaw, nakabibinging tunog o di kaya ang pagbitin

habang nakatali ang mga kamay sa ibabaw ng

ulo, pananakit sa katawan, pagsampal sa mukha,

pag-uuntog sa pader, paggamit ng mga insekto,

pagpapaligo ng yelo, paglulublob sa tubig,

rectal feeding at rectal rehydration. Ang iba ay

nakaranas ng waterboarding na nagdudulot ng

pagkalunod sa biktima – mga pamamaraang

brutal at makahayup. Napakabrutal at hindi

makatao ang mga pamamaraang ito.

Ang mga pamamaraang ito sa pagtortyur para

makakuha ng impormasyon ay isinasagawa rin ng

mga elemento ng Armed Forces of the Phiippines

na sumailalim sa pagsasanay ng tropang

Amerikano. Bahagi ito ng mga ehersisyong

militar sa pagitan ng US at Pilipinas sa bisa ng mga

kasunduan tulad ng Visiting Forces Agreement.

Tampok na halimbawa ang kaso ni Rolly Panesa,

isang ordinaryong mamamayang pinaratangang

lider diumano ng Partido Komunista ng Pilipinas

sa Timog Katagalugan na dumanas nang labis na

pagpapahirap sa kamay ng militar.

Matapos lagdaan ang Enhanced Defense

Cooperation Agreement (EDCA) ng gubyernong

Obama at BS Aquino, higit na maiinstitusyonalisa

sa AFP ang mga karumal-dumal, makahayop at

barbarong pamamaraan at katangian ng

pakikitungo nito sa mamamayan.

PKP, umagapay sa mga biktima ng bagyong Ruby

Mabilis na tumalima ang mga

rebolusyonaryong pwersa upang

alalayan ang mga biktima ng bagyong Ruby

partikular na sa Eastern Visayas, Panay, Central

Visayas, Negros, Bicol at Southern Tagalog. Sa

direktiba ng Partido Komunista ng Pilipinas,

naglunsad sila ng iba’t ibang tipo ng mga relief

operations para makapagbigay kaagad ng tulong

sa mga nasalanta ng bagyo.

Bago pa manalasa ang bagyong Ruby,

nagbigay na ng kautusan ang Partido Komunista

ng Pilipinas sa lahat ng mga rebolusyonaryong

pwersa na paghandaan ang kalamidad. Nagorganisa

ng mga preventive evacuation ang mga

komiteng rebolusyonaryo sa baryo para matiyak

ang kaligtasan ng mamamayan, laluna sa mga

nakatira sa mapanganib na erya. Inatasan ng

PKP ang mga milisyang bayan na ihanda ang

mga ligtas na evacuation centers, tiyakin ang

mga iiwang tahanan, kagamitan, alagang hayop,

at mga pinagkukunan ng kabuhayan ng

mamamayan. Partikular na pinagtuunan ng

pansin ang mga matatanda, bata, mga buntis at

iba pang nangangailangan ng espesyal na

atensyon.

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

21 KALATAS

Ika-46 anibersaryo ng PKP, ipinagdiwang sa TK

I

pinagbunyi ng rebolusyonaryong mamamayan sa iba’t ibang bahagi ng rehiyong Timog Katagalugan ang

ika-46 anibersaryo ng muling pagtatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas. Naglunsad ng makukulay na

programa sa loob at labas ng mga sonang gerilya na nilahukan ng daan-daang mamamayan.

Mga pagdiriwang sa mga larangang gerilya

Inilunsad sa iba’t ibang larangang gerilya ang

pagtitipon ng mamamayan at Hukbong Bayan upang

ipagdiwang ang anibersaryo ng Partido.

Daan-daan ang dumalo sa pagtitipong isinagawa

sa Quezon, Rizal, Mindoro, Batangas at Palawan.

Dinaluhan ito ng masa at ng mga kasapi ng mga lokal

na balangay ng MAKIBAKA, KM, RCTU, ARMAS at PKM.

Sa programa, binalikan ang maningning na kasaysayan

ng Partido at rebolusyonaryong kilusan. Itinanghal

din ang malalaking tagumpay ng rebolusyong agraryo

(RA) na inani at patuloy na pinakikinabangan ng

mamamayan. Anang mga nagsidalo, kung wala

ang pinakamamahal na Partido at hukbo, walang

mailulunsad na kampanyang RA sa

kanilang lugar at wala kahit na ano

ang mamamayan.

Nagtuwangan ang mga kasapi

ng sangay ng Partido sa lokalidad

at ang mga Pulang mandirigma sa

paglulunsad ng mga programa mula sa

pagdidisenyo ng entablado, pagluluto

ng pagsasaluhang pagkain, pagtitiyak

ng seguridad sa perimetro ng eryang

pinaglunsaran, hanggang sa pagtatapos.

Sama-sama at taimtim na pinakinggan

ng lahat ang pahayag at pagbati ng

Komite Sentral sa mga kadre at

kasapi, mga Pulang kumander

at mandirigma ng Hukbong

Bayan at sa rebolusyonaryong

mamamayan. Iginawad ang

pinakamataas na pagpupugay

sa mga mahal na kasamang

nag-alay ng kanilang mga

buhay para sa walang pagiimbot

na paglilingkod

sa sambayanan. Sila ang

mga bayaning naghawan

ng landas na tinatahak ng

rebolusyon tungo sa pag-igpaw pasulong. Samantala

ay nagsipagtalumpati ang mga kinatawan ng mga

balangay ng KM, MAKIBAKA, RCTU, Compatriots,

PKM, ARMAS at iba pang mga alyado. Ibinahagi nila

ang mga naging rebolusyonaryong pagsulong sa kanikanilang

sektor. Naging makulay at madamdamin ang

mga pagdiriwang. Nagsagawa rin ng mass enlistment

ng mga naghahangad na sumampa sa Bagong

Hukbong Bayan.

Mga pagkilos sa kalunsuran

Inilunsad ng mga rebolusyonaryo mula sa

Compatriots, MAKIBAKA, KM at ARMAS ang isang

raling iglap noong Disyembre 23 sa sentrong bayan

ng San Pablo City sa Laguna. Suot ang kanilang

mga mao cap, binigyang pagpupugay nila ang

Partido Komunista ng Pilipinas para sa 46 na

taon ng matatag na pamumuno sa rebolusyon.

Hinimok nila ang mamamayan na lumahok sa

armadong pakikibaka. Ipinanawagan nila ang

pagpapatatag ng baseng masa at pinagpugayan

ang mga rebolusyonaryong martir.

Samantala, sa Crossing Calamba,

naglunsad din ng raling iglap ang RCTU-ST,

KASAMA-NDF-ST at KM noong Disyembre 21.

Bitbit ang mga balatenggang nagbibigaypugay

sa Partido, nagmartsa sila sa

lansangan habang nananawagan

ng pagpapaigting ng digmang

bayan sa rehiyon at buong

bansa. Iwinagayway nila ang

mga bandila ng PKP, BHB, NDF,

RCTU, KASAMA-NDF-ST at

KM. Umani ang aktibidad

ng mainit na suporta

mula sa mamamayan.

Hinadlangan nila ang

pagtatangka ng mga

otoridad na tanggalin

ang mga isinabit na

balatengga.

22 KALATAS OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

KULTURA

Kabataan

ni Lire Rosa

Gumising ka kabataan

Imulat ang mata sa karalitaan

Na nararanasan ng mamamayan

At ng ina mong bayan

Ang lakas at enerhiya mo’y ialay

Ibigay ang talino mong taglay

Sa pakikibaka ng mga api

Ang pwersang di pagagapi

Kumilos ka kabataan

Para sa isang malayang kinabukasan

Tanganan ang hamon ng kasaysayan

Kamtin ang pangako ng kalayaan

Isanib ang iyong lakas at pakikibaka

Sa pakikibaka ng batayang masa

Sa kilusang masa sa kalunsuran

Sa digmang bayan sa kanayunan

Pulang bukas ay pangarapin

Sosyalistang lipunan ay kamtin

Iyong tanggapin ang imbitasyon

Na lumahok sa

rebolusyon

Ikaw na nagdurusa

Tulad ng duguang lupa

Ng mga alipin sa sahod

Ng maliliit na nakalugmok

Maingay na hangi’y kumakaluskos

Sa labas ng munting kubo

Ang bintana’y humulagpos

Mula sa pagkakakapit sa pako

Binutas ng matalas na ulan

Ang magkakapatong na anahaw

Bumigay na ang kawayan

At matatag na haligi’y bumitaw

Nang masilayan ang taniman

Luha’y nangilid sa nadatnan

Mula noo’y mamimilipit ang kalamnan

At tatanggap ng abuloy sa mamamayan

Hagupit

ni Ka Danaya

Anong kalupitan ang humampas

Daig pa ang bagyong lumipas

Aming kagutuma’y kampanyahan

Pinagkikitaan ang aming kahirapan

Kaya sa susunod na hagupit

Hawak sa itak ay hihigpit

Di magdadalawang-isip ikalabit

Ang gatilyo sa ngalan ng rebong galit

Sa aming matibay na tindig

Mula sa bagyong malupit

Magandang bahaghari masisilip

Bagong kinabukasa’y dadalit

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

23 KALATAS

Ang buhay ng tao sa lipunang mapagsamantala

ni Ka Karlos

Ang buhay ng uring magsasaka

Lupa nila’y inaagaw, kabuhayan nila’y ninanakaw

Sila’y gutom, sila’y pagod, sila’y pinagkaitan

Maghapong nasa ilalim ng nakakapasong init ng

araw

Bawat butil ng pawis mula sa kanilang pagal na

katawan

Nagmumula ang butil na pinakakain sa

mamamayan

Naturingang mga magsasakang nagpapakain

Sa kanilang hapag walang maihain

Walang bigas, walang prutas ni gulay

Kanilang pamilya’y gutom

Magdamag na kumakalam ang sikmura

Habang nagpapasasa ang mga among panginoong

maylupa

Ang buhay ng uring manggagawa

Nakasampung kahig na’y wala pa ring tuka

Walang trabaho, mababang sahod

Ito ang kapalit ng maghapo’t magdamag

na pagod

Karapatang regularisasyon sa kanila’y

mailap

Ang tugon ay

kontraktwalisasyon sa kanilang

hirap

Ang unyong kanilang bisig at

pagkakaisa

Pilit na binubuwag ng mga kapitalista

Tanggalan sa trabaho’y nagiging

talamak

Sila’y paulit-ulit na hinahamak

Ang buhay sa lipunang

mapagsamantala

Kay hirap, kay pait, lumalala

pa ang mga pasakit

Bala ang tugon sa kahilingang

lupa

Pagkakaisa ng mga magsasaka’y pilit

na pinupuksa

Sa kanayunan at kalunsuran, reaksyunaryong

gubyerno at sundalo

Pasista, mga hayop at hindi makatao

Mga lumalaba’y pinapaslang, masa’y kanilang

minamaltrato

Sila’y walang respeto sa mga kababaihan

Imbes na igalang, kanila pang

pinagsasamantalahan

Sagot sa maralita’y demolisyon ng mga kabahayan

Winawasak ang kabuhayan ng mamamayan

Ang taumbaya’y kanilang pinapalikas

Pinapaalis, pinapalayas

Sa mga panginoong maylupa’t kapitalista’y sila’y

nagsisilbing lakas

Nabubuhay ang tao hindi upang apihin at gawing

alipin

Sila’y isinilang hindi upang tapakan at

pagsamanatalahan

Ang tao’y may karapatang mabuhay nang malaya

Malayo sa pang-aabuso, malayo sa

pagsasamantala

May karapatan sa lupa, nakabubuhay

na sahod at desenteng trabaho

Karapatan nila ang abot kayang

atensyong medikal, mag-aral at

matuto

Sa sama-samang paklios makakamit

lamang ang pagkakapantay-pantay

Isang lipunang walang inaapi at

pinagsasamantalahan

Ngayon natin tanganan ang

karapatang lumaban

Ipaglaban ang kalayaan, kamtin ang

isang malayang lipunan

Ang lipunang mapagsamantala at

mapang-api

Tanging sa digmang bayan lamang

maiwawaksi

Tanganan ang hamon ng

kasaysayan

Uring inaapi, panahon na upang

lumaban!

24 KALATAS OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

Alaala ng bisig na nagbubungkal

ni Lire Rosa

Muling binabaybay ng aking gunita

Ang mga taong lumipas sa aking alaala

Noon sa piling ng mga nagbubungkal

Sa uring tila walang kapagal-pagal

Sa pagsikat ng umaga at

pagdating ng

gabi

Pakikibaka ang himig ng

kanilang labi

Sa kanilang mata’y walang

maitatago

Maningning ang malayang

bukas na pangako

Ang kanilang kamao’y nagpupuyos sa

galit

Kalayaan ng lupa tangi nilang giit

Ang bawat hakbang ng putikang paa

Ay pagbubuwis ng dugo sa ngalan ng

lupa

Uring magsasaka ikaw ay pag-asa

Sa sambayanan ikaw ay mayorya

Tuparin ang iyong rebolusyonaryong

tungkulin

Abutin ang mga

demokratikong mithiin

Ikaw ay balon ng hukbong bayan

Pangunahing pwersa ng digmang

bayan

Katuwang ng manggagawa, uring

nagpapanday

Isanib ang higanteng lakas na taglay

Sa kanilang piling, ang aral na

tumimo sa akin

Sa kamay ng anakpawis, ang

mundo’y kayang angkinin

Sa pulang silangan rebolusyon ang tanging

sigaw

Putok ng baril ang hudyat na aalingawngaw

BIHAG-SALITA

H U K B O Y D N E W

Q A S V N P A I R P

F Y B M K T P H K M

K A R A P A T A N Z

O N P J A L D B C X

W I K U L T U R A E

A B I L U M A D U L

E M B S A U P G P U

B S N O N R K D O I

N I K A A J P B Q S

Mga salita:

Hukbo

SQBP

Nika

Luis

Wendy

Kultura

DAP

KM

Paluan

Anib

PKP

NPA

Lumad

Sagot sa Crossword

sa Hulyo-Setyembre

2014 isyu ng Kalatas:

Pababa:

1. Martial Law

2. Rebolusyon

3. Oyster Bay

4. Bayanihan

5. Nawala

Pahalang:

1. Marcos

2. EDCA

3. BHB

4. Ben

5. New

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

25 KALATAS

Sa Dakilang Araw ng iyong Pagkakatatag

ni Ka Alex

Sa ningning mong sikat dala ay liwanag

Madilim na gabi sa lamig ng magdamag

Ikaw ang nag-adya sa gabay ng iyong sinag

Sila na lumitaw sa pag-asang inilatag

Ngayon ang panahon ng kaaya-aya

Sa pagsibol ng mga sangang pinanday sa

pakikibaka

Mamamayang lipos ng kadarilataan

naghuhumiyaw ng pag-asa

Noong una kang sumibol lahat ay sumaya

Dumaan sa maraming pagsubok, sa masalimuot

na labanan

Ngayon ay humantong sa panahong binabakas

Ang araw ng mga pangarap sa lundo ng

pahimakas

Ng mga mamamayang pag-asa ay lumakas

Ngayon ikaw ay nakaharap sa bagong mga

hamon

Sa pagsasalba sa lipunang nabubulok

Pinipihit ang sitwasyon, sa mga bagong pag-asa

Pag-asang magiging inspirasyon sa pakikibaka

Sa dakilang araw ng iyong pagsilang

Hangad ay pagsulong sa bagong antas

Sa nagbabagong sitwasyon ng ating panahon

Tumatalas, lumiliwanag ang mga tunggalian

Darating ang panahon, panahon para

magtagumpay

Ihanda ang sarili sa tumitinding pakikibaka

Dahil ito ang susi sa minimithing tagumpay

Mayabong ang tagumpay sa ika-46 na taon

Pakikibaka’y nagpapatuloy sa pagdaragdag ng

panahon

Dumaraan sa mga prosesong humihigpit ang

pagtuon

Tinataya ang tagumpay sa loob ng limang taon

Hinahangad na pagsulong, sa lumalakas na

paglamon

Sa dakilang araw ng iyong pagsilang

Uring api tinipon pagdaka sa mahigpit na

pagkakaisa

Muling sumariwa, muling lumalakas dahil sa

pag-aadya

Ang mga tagumpay dahil sa tinipong karanasan

Mga kasamang nanabik, naghihintay sa

kaganapan

Dahil ang umiiral na krisis, tumitindi,

lumalaganap

Na siyang nagbubunsod sa patuloy mong

paglakas

Upang matugunan ang dumaraming gawain

26 KALATAS OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

Apatnapu’t anim na taon na ang nakaraan

Ipinundar ang pinakadalisay na kilusan

Pinanday ng sakripisyo at kahirapan

Iginuhit ang wastong landas ng paglaban

Inilatag ang mga batayang prinsipyo

Tinanganan ang Marxismo-Leninismo-Maoismo

Ginabayan ng wastong patnubay na teorya

Nilapatan ng kongkretong taktika at estratehiya

Masusing inaral ang kasaysayan

At partikular na katangian ng digmang bayan

Ipinagtagumpay ang dalawang dakilang kilusang

pagwawasto

Na lalong pinatibay ang taliba ng proletaryado

Ang ating Partido Komunista

Ang tunay na nagmamahal sa masa

Nakikibaka para sa isang lipunan

Na walang pinagsasamantalahan

Taos-puso nitong pinaglilingkuran

Ang malawak na sambayanan

Isinusulong ang pakikibaka

Na wawasak sa lahat ng

mapagsamantala

Sa anibersaryo ng Partido

Ibigay ang pulang saludo

Sa lahat ng mga kadre at kasapi

Sa mga mandirigma ibigay ang pagbati

Sa Anibersaryo ng Partido

ni Ka Malema

Sa anibersaryo ng Partido

Itaas ang ang ating kamao

Para sa sakripisyo ng lahat ng rebolusyonaryo

Para sa mga dakilang martir, sa inalay na buhay

at dugo

46 Taon na ang PKP

ni Regons JHA

Ang paglakas ng hukbong mapagpalaya

Patunay ito ng pagbabago ng bansa

Ang pagtangkilik, pag-alala ng malawak na masa

Sa hukbong bayan kanilang pinadarama

Ang reaksyunaryong gubyerno ng imperyalismo

Naghihikahos sa kanyang paglakas sa madilim na daan

Ilang taon na ang Partido Komunista ng Pilipinas

Ngayo’y ika-46 taon ng matatag na paglaban sa kaaway na pasista

OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

27 KALATAS

Ang Inabot ng aking Paglalakbay

patungong Rebolusyon

ni Ka Suyak

Sa una, magaan naman ang aking pag-angkop sa mga mga paghahanda.

Medyo kinapos lamang sa ilang gamit. Mangyari kasing hiram lamang

ang aking badyet. Nagkaroon ng di birong byahe at lagay ng panahon

papasok sa sonang gerilya. Sa kadiliman ng gabing maulan, binagtas

namin ng mga kasama ang kasukalan. Tinawid ang pagragasa ng

ilog at inakyat ang kagubatang kinaroroonan ng tunay na hukbo ng

mamamayan, ang Bagong Hukbong Bayan. Kami'y naparito para makiisa

sa pagdiriwang ng ika-46 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas.

Mainit ang pagtanggap sa amin ng larangan. Kami'y umikot sa buong

bantayan, gumampan ng gawain sa kusina, naging tagapagbalita sa

"Radyo Pakikibaka", nagtatanghal sa mga kapehan, at naging saksi sa

mga rebolusyonaryong pag-iibigan. Nagbahagi din kami ng biswal na

disensyo sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Partido. Naranasan ko ring

magpadaloy ng isang pag-aaral sa sining biswal. Dumalo ako sa mga

pag-aaral at ehersisyo, nakapagpabunot ng ngipin at naging talabantay

sa gabi. Salamat sa lahat ng natutunan namin sa larangang ito. Asahan

ninyo ang aming pagbabalik nang mas madami at handang ibigay ang

buong panahon sa pagsusulong ng Demokratikong Rebolusyong Bayan.

Mabuhay ang ika-46 Anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas!

28 KALATAS OKTUBRE-DISYEMBRE 2014

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!