11.01.2015 Views

20140907pi

20140907pi

20140907pi

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

ANG

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo XLV Blg. 17

Setyembre 7, 2014

www.philippinerevolution.net

Editoryal

Ibayong paglagablabin

ang armadong pakikibaka

sa Kabisayaan at buong kapuluan

Puspusang sumusulong ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka

sa buong bansa. Sa isyung ito ng Ang Bayan, tampok ang

mga ulat ng tagumpay ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa

pagsusulong ng armadong rebolusyon sa mga rehiyon ng Kabisayaan,

partikular na sa Eastern Visayas, sa Panay at sa isla ng Negros.

Kabilang ang mga rehiyong

ito sa pangunahing mga target

ng malawakang kontra-rebolusyonaryong

kampanyang panunupil

na Oplan Bayanihan ng

Armed Forces of the Philippines

(AFP) sa ilalim ng rehimeng US-

Aquino. Subalit matapos ang

apat na taon, ang tanging maipagmamalaki

ng mga upisyalmilitar

ay ang mga hungkag

na deklarasyong "nalipol

na ang kalaban" at

"natamo na ang kapayapaan."

Nakahanay din ang mga rehiyong

ito sa mga pinakanaghihikahos

sa buong bansa. Bunga

ito ng pag-iral ng malalawak na

monopolyo sa lupa at ng pinakamalulupit

na anyo ng pyudal

na pagsasamantala. Pinaghaharian

ang mga rehiyong ito ng

malalaking asendero, kabilang

yaong may kontrol sa malalawak

na palayan sa Samar,

malalawak na

nyugan sa Leyte

at libu-libong

ektaryang mga tubuhan sa Panay

at Negros.

Ang mga programang pampasiklab

tulad ng Jalaur Dam sa

Iloilo, mga haywey sa Samar at

iba pang mga proyekto ay nagsisilbing

palabigasan lamang ng

mga bulok na upisyal ng rehimeng

Aquino at mga lokal nitong

kasabwat.

Tulad ng buong sambayanang

Pilipino, walang kapantay ang

sidhi ng pagnanais ng mamamayan

ng Kabisayaan para sa rebolusyonaryong

pagbabago. Ang

kalakhan ng Kabisayaan ay nagaalburutong

bulkang nagbabantang

sumabog sa harap ng tumitinding

tunggalian ng mga uri.

Malawak ang kilusan ng mga

manggagawang bukid sa Negros

para bungkalin ang

mga tiwangwang na

lupa para sa produksyon

ng pagkain. Tahasan

itong paghihimagsik

sa batas ng

mga despotikong

malalaking panginoong

maylupa.

Gayon din ang

paghihimagsik ng mga

magniniyog sa Leyte

na naggigiit ng kanilang

mga karapatan sa

lupa. Ilampung libong

ektaryang lupaing ninuno

ang ipinaglalaban ng mamamayang

Tumanduk sa Panay laban

sa pangangamkam ng lupa ng

AFP.

Ang rebolusyonaryong armadong

pakikibaka sa Kabisayaan

ay sumusulong kaakibat ng patuloy

na lumalawak at umiigting

na antipyudal na kilusang magsasaka.

Kung saan maigting ang

makauring pakikibaka, doon pinakamaraming

nagnanais na

maging Pulang mandirigma, doon

pinakamalalim ang suportang

tinatamasa ng BHB at doon pinakamainit

ang apoy ng armadong

rebolusyon.

Ang mga rehiyon sa Kabisayaan

ang pangunahing sinalanta

ng bagyong Yolanda noong nagdaang

taon. Humambalos ito

ANG

Taon XLV Blg. 17 Setyembre 7, 2014

Ang Ang Bayan ay inilalabas sa

wikang Pilipino, Bisaya, Iloko, Hiligaynon,

Waray at Ingles.

Maaari itong i-download mula sa

Philippine Revolution Web Central na

matatagpuan sa:

www.philippinerevolution.net

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontribusyon sa anyo ng mga

artikulo at balita. Hinihikayat din ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa ikauunlad

ng ating pahayagan. Maaabot

kami sa pamamagitan ng email sa:

angbayan@yahoo.com

nang husto sa mamamayang

lublob na sa putik ng kahirapan

at kaapihan. Lalo pa silang pinahirapan

ng labis na pagpapabaya

ng rehimeng US-Aquino, ng

napakabagal, lubhang kulang at

batbat ng anomalyang tugon ng

mga ahensya ng reaksyunaryong

gubyerno.

Taliwas sa ipinakita ni Aquino,

kaagad na kumilos ang mga

rebolusyonaryong pwersa kaisa

ng mamamayan sa Kabisayaan

upang organisahin ang malawak

na kilusan ng mga magbubukid,

mangingisda at minoryang mamamayan

at kolektibong harapin

ang pinsala ng Yolanda. Kaagad

silang nagtulung-tulong upang

kumpunihin ang mga nawasak

na tahanan at kagamitan sa produksyon,

padaluyin ang tulong

mula sa ibang rehiyon at mula sa

mga pambansa at internasyunal

na ahensya at pasimulan

ang mga kolektibong

sakahan at pasiglahin

ang produksyon.

Habang nakatuon

ang mga

rebolusyonar-

Nilalaman

Editoryal: Ibayong paglagablabin ang digmang

bayan sa Kabisayaan at buong bansa 1

2 M16, nasamsam sa Negros 3

Oplan Bayanihan, binibigo sa EV 4

13 armas, nasamsam sa Panay 4

4 na aksyong militar sa South Cotabato 5

Korapsyon sa badyet ng NIA 6

Impeachment, pinatay sa Kongreso 6

People’s Initiative laban sa pork barrel 7

9 na sibilyan, pinaslang nitong Agosto 8

Paramilitar, pinabubuwag ng mga Lumad 10

Presyo ng pagkain, sumisirit 10

Pagkilos laban sa LBC-Davao, inilunsad 10

Ang Ang Bayan ay inilalathala dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas

yong pwersa sa rehabilitasyon,

walang patid ang mga pwersa ng

AFP sa ilalim ng 8th at 3rd ID sa

kanilang kontra-rebolusyonaryong

digma. Sa gitna ng malawakang

pinsala at sa kabila ng

idineklarang tigil-putukan ng

Partido Komunista ng Pilipinas

sa mga nasalantang lugar, tuluy-tuloy

ang panghahalihaw ng

mga pasistang sundalo at ang

mga kampanya nito ng pagsupil.

Gumamit ang kaaway ng pasistang

terorismo laban sa mamamayang

nagkukusang kumilos

upang makabangon sa salanta

at malakas na nagpoprotesta sa

labis na pagpapabaya ng naghaharing

rehimen.

Hinuhubaran ng tuluy-tuloy

na pagsulong ng armadong rebolusyon

sa Kabisayaan ang mapanlinlang

na maskara ng Oplan

Bayanihan at nilalabanan ang

pasistang bangis nito. Ginagamit

ng Bagong Hukbong Bayan ang

mga taktika ng pakikidigmang gerilya

upang tuluy-tuloy na paigtingin

ang digmang bayan.

Sa layuning dalhin ang digmang

bayan sa bago at mas mataas

na antas, dapat ibayo pang

paglagablabin ang armadong

pakikibaka sa Kabisayaan at sa

buong bansa. Dapat palakasin

ang kumand ng BHB at buuin

ang plano sa digma sa antas ng

rehiyon at subrehiyon. Dapat

puspusang panghawakan ng

mga kumand ng BHB ang inisyatiba

sa gera at sagpangin ang lahat

ng pagkakataon upang bigwasan

ang kaaway. Dapat ilunsad

ang paparami at papalaking

mga taktikal na opensibang tiyak

na maipagwawagi. Ibayong

palawakin at palakasin ang mga

milisyang bayan at itaas ang kakayahan

nito sa nagsasarili at

koordinadong mga pagkilos.

Ibayo ring palawakin, palakasin

at paigtingin ang antipyudal na

mga pakikibakang masa ng daan-daan

libo hanggang milyong

magsasaka. ~

2 ANG BAYAN Setyembre 7, 2014

2 M16, naagaw ng BHB sa Himamaylan City

Nagtamo ng tatlong kaswalti ang

47th IB (dalawang patay at isang

sugatan) nang tambangan sila ng

isang yunit sa ilalim ng Apolinario “Boy” Gatmaitan

Command ng BHB noong Hulyo 17 sa Sityo Madaha,

Barangay Buenavista, Himamaylan City sa

Negros Occidental. Nakasamsam din ang BHB ng

dalawang M16 at dalawang bandolier ng mga bala.

Samantala, sa Sorsogon, nagsagawa ang Celso

Minguez Command ng aksyong pamarusa laban sa

lambat-paniktik ng 96th Military Intelligence Company

(MICO) noong Hulyo 3 sa Barangay Casay,

Casiguran. Napatay ng BHB si Domingo Tisoy,

alyas Buyong, isang sagadsaring ahente ng 96th

MICO.

Isinagawa ang operasyong partisano sa tapat

mismo ng detatsment ng Alpha Coy habang nakikipag-inuman

si Tisoy kasama ang mga sundalo ng

31st IB. Nasugatan din sa palitan ng mga putok

ang isang Corporal Deprisa, na tumatayong hepe

ng nasabing detatsment.

Bilang aktibo ring elemento ng CAFGU, madalas

maggiya si Tisoy sa mga operasyong militar at

sangkot siya sa ilang kaso ng ekstrahudisyal na pamamaslang,

kabilang ang pagpatay kay Joseph

Benson, isang sibilyang inakusahan nilang “poste”

ng BHB sa Barangay Escuala, Casiguran noong Mayo

9, at kay Jose Espera sa Barangay Bentuco, Gubat

noong Hunyo 15, 2008. Pinalabas ng militar na

kasapi umano ng BHB si Espera. ~

Oplan Bayanihan, binibigo

sa Eastern Visayas

Umaabot na sa

10,000 malalaki't

maliliit na

operasyong kombat ang nailulunsad

ng 8th ID sa Eastern Visayas

(EV) mula 2012 na sumaklaw

sa 48 bayan at 136 na barangay

sa Samar at Leyte. Konsentrado

ang mga pang-aatake

ng 8th ID sa hangganan ng tatlong

prubinsya sa Samar kung

saan nito pinaniniwalaang pinakamalakas

ang mga baseng gerilya

sa isla. Dito ay

minomobilisa ang

pwersa di lamang ng

AFP at PNP kundi ng

iba't ibang ahensya ng

reaksyunaryong gubyerno

para dahasin at linlangin

ang mamamayan. Sa pamamagitan

nito, nilalayon ng 8th

ID na pawalansaysay

ang rebolusyonaryong kilusan

sa EV at ilipat na sa Philipppine

National Police and mga operasyong

"counterinsurgency" pagsapit

ng 2016.

Subalit nangangarap nang

gising ang 8th ID. Sa buong panahon

ng implementasyon ng

Oplan Bayanihan sa EV, nagtamo

ang kaaway ng 341 kaswalti—255

patay at 86 na sugatan.

Mahigit walong beses ang laki

nito kumpara sa 14 na Pulang

mandirigmang napatay, walong

nasugatan at 18 nadakip ng kaaway

sa panahon ding ito.

Pilit na inaabot ng 8th ID

ang re-

syo na isang batalyong militar

bawat larangang gerilya, pero

masyado nang banat ang mga

pwersa nito. Hanggang 10% lamang

ng isang erya ang kaya nitong

konsentrahan sa isang panahon,

kaya libre ang BHB na

kumilos sa nalalabing 90%.

Hindi rin mapagtakpan ng

mga pakitang-gilas ng AFP ang

malubhang kabiguan ng reaksyunaryong

gubyerno na bigyan

ng mga kinakailangang serbisyo

ang mamamayan. Ang inilulunsad

na mga "medical and dental

mission," "tree planting" at iba

pang aktibidad ng 8th ID sa

rehiyon ay desperadong tangkang

burahin ang bakas ng dugo

ng mga paglabag nito sa karapatang-tao

sa ilalim ng Oplan Bayanihan.

Hindi rin naiangat

ng mga dambuhalang

proyekto

ng rehimeng

Aquino ang

matinding

karalitaan

ng mamamayan

sa EV. Bilyun-bilyong

pisong

halagang

mga proyekto ang

ANG BAYAN Setyembre 7, 2014

3

inilunsad sa mga itinuturing

na baseng gerilya, kabilang

ang P470-milyong Payapa at

Masaganang Pamayanan (o

PAMANA) na tumatarget sa

baseng masa ng BHB at nasa

pangangasiwa ng Office of

the Presidential Adviser on

the Peace Process. Nariyan

din ang P12-bilyong halaga

ng mga kalsada na ipinagawa

ng Regional Peace and Order

Council, ang 14 na proyektong

panturismong nagkakahalaga

ng P888.8 milyon, ang

P1.6-bilyong Samar Pacific

Coastal Road at ang P900-bilyong

Samar Peace and Prosperity

Road (pareho sa

Northern Samar). Pinakamalaki

sa lahat ang $357.15-milyong

mga proyekto ng US Millennium

Challenge Corp. na

karamihan ay mga kalsada.

Sa kabila ng lahat ng ito,

bumagsak pa ang katayuan ng

rehiyon at ito na ngayon ang

ikalawa sa pinakanaghihirap

sa buong bansa. Walang napala

ang mga maralita ng rehiyon

sa bilyun-bilyong pisong

mga proyektong ito at ang tanging

nakinabang ay ang mga

bulok na upisyal ng militar at

sibil na burukrasya. Walang

nagbago sa mga batayang

problema ng mamamayan—ang

kawalan ng lupa at

serbisyong panlipunan, nagtataasang

mga presyo, ang

bagsik ng militarisasyon at iba

pa. Bagkus, pumatong pa rito

ang pinsalang dulot ng bagyong

Yolanda at ang kriminal

na kapabayaan ng reaksyunaryong

gubyerno.

Ang lahat ng ito ay matabang

lupa para paigtingin pa

ng BHB ang mga taktikal na

opensiba sa rehiyon upang tuluyan

nang gapiin ang Oplan

Bayanihan at makapag-ambag

sa pakikibaka ng mamamayan

para patalsikin ang rehimeng

US-Aquino. ~

13 armas, nasamsam

ng BHB sa Panay

Labintatlong armas na may iba't ibang kalibre ang nasamsam

ng Bagong Hukbong Bayan sa Panay sa mga

aksyong militar na inilunsad mula Hunyo hanggang

Agosto para labanan ang pinatinding pang-aatake ng 3rd ID at PNP-

Region 6. Anim na sundalo rin ang napatay at walong iba pa ang nasugatan

sa mga labanang ito.

Nagsimula ang pananalasa

ng militar at pulisya sa mga sonang

gerilya sa isla noong Abril

nang magtambak ng dagdag na

tropang militar ang AFP na katumbas

ng isang batalyon mula

sa Division Reconnaissance

Company at 47th IB. Pinaaktibo

rin ang mga operasyong kombat

ng PNP sa rehiyon.

Mula Mayo hanggang Agosto,

walang humpay na sinalakay

ng 82nd IB ang mga bayan ng

Tigbauan, Miag-ao, Igbaras, Tubungan,

Leon at San Joaquin sa

katimugang bahagi ng Iloilo, at

ang Sibalom at San Remigio sa

Antique. Hanggang Agosto ay

nagpapatuloy pa rin ang operasyon

ng may 100 tropa ng kaaway

sa erya ng Lambunao-Maasin

sa sentral na bahagi ng Iloilo.

Samantala, sa Capiz, may

200 tropa ng 61st IB na suportado

ng dalawang helicopter

gunship ang nag-operasyon sa

bayan ng Tapaz noong Hulyo 1-

12. Kasabay ding inatake ng

47th IB at PNP ang mga bayan

ng Cuartero, Dumarao, Maayon,

lahat sa silangang Capiz at ang

bayan ng Lemery sa hilagang

Iloilo.

Sinalubong ng BHB sa ilalim

ng Coronacion “Waling-waling”

Chiva Regional Operational

Command ang mabangis na mga

pananalakay ng kaaway. Sumusunod

ang ilan sa matatagumpay

nitong taktikal na opensiba:

Hunyo 30. Dalawa ang napatay

at isa ang nasugatan sa 14-

kataong yunit ng 61st IB nang

tambangan sila ng BHB sa Sityo

Tagsik, Lahug, Tapaz, Capiz.

Kumaripas ng takbo ang mga bayarang

sundalo nang banatan sila

ng BHB. Walang habas na

nagpaputok ang mga tumalilis

na sundalo nang may isang oras.

Hulyo 1. Tatlong sundalo ng

82nd IB ang napatay at dalawa

ang nasugatan nang pasabugan

ng mga Pulang mandirigma sa

ilalim ng Napoleon Tumagtang

Command (BHB-Southern Front)

ang sinasakyan nilang siksbay sa

tabing-haywey sa may hangganan

ng Calampitao at Nalundan

sa bayan ng Guimbal, Iloilo. Hindi

napansin ng mga sundalo ang

command-detonated explosive

(CDX) dahil nakakabit ito sa taas

ng punongkahoy.

Hulyo 9. Sinalakay ng isang

yunit ng BHB sa ilalim ng Nonito

Aguirre, Sr. Command sa silangang

Panay ang armory sa

compound ng despotikong pa-

4 ANG BAYAN Setyembre 7, 2014

nginoong maylupang si Sixto

Castella sa Barangay Gibato,

Dumarao, Capiz at nasamsam

ang 13 armas na may iba't

ibang kalibre. Kinabibilangan

ito ng isang M16, isang KG-9

machine pistol na may silencer,

isang Thompson submachine

gun, tatlong pistolang

kal .45, isang pistolang 9

mm, isang kal .38 rebolber,

apat na shotgun, isang homemade

shotgun at mga bala.

Hulyo 17. Isa ang napatay

at dalawa ang nasugatan sa

tropa ng 82nd IB sa aksyong

harasment ng isang yunit ng

NTC-BHB sa Barangay Mayang,

Tubungan, Iloilo. Bilang

ganti, pinatay ng militar ang

sibilyang si Geraldo Tabaquirao

Larbo, residente ng Barangay

Mayang, at pinalabas

na kaswalti siya ng BHB. Dinakip

din nila at tinortyur ang

isa pang sibilyang si Jake Erwin

Tadiaque, residente ng

Barangay Jolason, Tubungan.

Hulyo 17. Isang sundalo

ng 61st IB ang nasugatan sa

operasyong harasment ng

BHB sa Barangay Roosevelt,

Tapaz, Capiz.

Hulyo 24. Isang sundalo

ang nasugatan nang paputukan

ng isang yunit ng BHB ang

detatsment ng 61st IB at

CAFGU sa Barangay Abangay,

Tapaz, Capiz. Katatapos lamang

noon ng isang linggong

operasyong militar ng 61st IB

sa Abangay at kanugnog nitong

mga barangay.

Agosto 18. Pinasabugan

ng BHB ng CDX ang Silver

Dragon Incorporated sa Barangay

Guintas, Sigma, Capiz

at nasira ang isang backhoe

at isang roller na nagkakahalaga

ng mahigit P10 milyon.

Pinarusahan ang nasabing

kumpanya sa konstruksyon

dahil sa paulit-ulit na paglabag

nito sa mga patakaran ng

rebolusyonaryong kilusan. ~

4 aksyong militar, inilunsad

sa South Cotabato

Umabot sa pito ang kaswalti ng mga pulis at sundalo

matapos maglunsad ng serye ng operasyong harasment

ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa mga bayan

ng Tampakan, T'boli at Lake Sebu sa South Cotabato noong Agosto

15, 16 at 21. Ang mga operasyon ay isinagawa ng mga pwersa ng BHB

sa Front 72 at Front 73 sa ilalim ng Mt. Alip Command, ang Panrehiyong

Kumand ng BHB sa Far South Mindanao.

Isang pulis at isang sundalo

ng 27th IB ang nasugatan nang

hagisan ng granada ng isang tim

ng BHB ang detatsment ng

South Cotabato Public Safety

Company ng Philippine National

Police (PSC-PNP) sa Barangay

Sta. Cruz, Tampakan bandang

alas-4:30 ng umaga noong Agosto

15.

Hindi bababa sa apat ang nasugatan

at isa ang napatay nang

dalawang beses na harasin ng

mga sapper team ng BHB ang

nagpapatrulyang mga elemento

ng 27th IB sa Barangay Tudok

sa bayan ng T'boli noong Agosto

15 at 16.

Noong Agosto 21, nagtamo

ng di pa malamang bilang ng

kaswalti ang 27th IB nang harasin

ng dalawang sapper team ng

BHB ang detatsment ng naturang

yunit-militar sa Sityo Blit,

Barangay Ned sa bayan ng Lake

Sebu. Inilunsad ang aksyong militar

habang ang karamihan ng

mga sundalo ay naglulunsad ng

operasyong kombat sa Sityo

Tawan Dagat sa nasabing barangay.

Ang PSC-PNP at 27th IB ay

aktibong protektor ng dambuhalang

dayuhang minahan ng ginto

na Sagittarius Mining Inc.-

Glencore-Xstrata at San Miguel

Energy Corporation (SMEC) na

nagmimina ng coal. Ang SMEC

ay pag-aari ni Eduardo “Danding”

Cojuangco, tiyuhin ni Benigno

Aquino III.

Samantala, naglabas ang

BHB ng bidyo hinggil sa dalawang

tropa ng 8th IB na inaresto ng

mga Pulang mandirigma noong

Agosto 22 sa Barangay Buntungon,

Impasug-ong, Bukidnon

habang namamalengke. Nang

arestuhin, nakumpiska mula sa

dalawa ang isang kal .45 na pistola

at mga bala ng M203 at

M16. Kasalukuyan pa silang iniimbestigahan

tungkol sa posibleng

pagkakasangkot sa mga krimen

laban sa mamamayan at rebolusyonaryong

kilusan. ~

ANG BAYAN Setyembre 7, 2014

5

Korapsyon sa panukalang

badyet ng NIA

Muling sumingaw ang masangsang na amoy ng korapsyon

nang talakayin ang panukalang badyet ng National Irrigation

Authority (NIA) para sa 2015. Tatanggap ng P28.82

bilyong pondo para sa 2015 ang NIA, 28 beses na mas malaki sa

P1.065 bilyong badyet nito ngayong 2014.

Tanda ng anomalya, kapansin-pansin

na mas malaki pa ang

halagang inilaan sa “badyetpang-irigasyon”

ng malawak na

kalunsuran ng National Capital

Region (NCR) kumpara sa Central

Luzon na tinaguriang "rice

granary" ng bansa. Tatanggap

ng P9.89 bilyon ang NCR, mas

malaki nang P1 bilyon kaysa sa

P8.8 bilyong inilaan sa agraryong

rehiyon ng Central Luzon.

Kaduda-duda rin ang malawak

na pleksibilidad na ibinigay ni

Benigno Aquino III sa bagong

manedyer ng NIA, kabilang ang

kapangyarihang baguhin ang paraan

ng paggamit ng pondo ng

ahensya.

Bukod sa NIA, tatlo sa apat

na pangunahing ahensyang

pang-agrikultura ang tatanggap

din ng pinalobong badyet sa

2015. Ang Philippine Coconut

Authority ay pinaglaanan

ng P4.07 bilyon

mula sa P2.3

bilyon; ang National

Food Authority,

ng P4.25

bilyon; at ang Fertilizer

and Pesticide

Authority, ng

P57.976 milyon.

Metro Manila

Katatapos din lang balasahin

ang mga tauhan ng mga ahensyang

ito na direkta na ring nakapailalim

sa Malacañang, partikular

sa upisina ni Francis “Kiko"

Pangilinan, ang Presidential

Assistant for Food Security. Ibig

sabihin, direkta na ring hahawakan

ng Malacañang ang pinalobong

pondo ng mga ahensyang

ito.

Tiyak na sa pagmamaniobra

ng mga alipures ni Benigno Aquino

III, ang labis na pinalaking

badyet ng NIA at iba pang ahensyang

pang-agrikultura ay maililihis

para gamiting pondong

pang-eleksyon ng mga kandidato

ng naghah

a r i n g

pangkatin

sa 2016.

Impeachment,

ibinasura sa Kongreso

IBINASURA ng mga myembro

ng Komite sa Hustisya ng

Kongreso noong Setyembre 3

ang tatlong magkakahiwalay

na petisyon para sa impeachment

ni Benigno Aquino III.

Sa botong 54-4, idineklara ng

mga kongresista na "insufficient

in substance" o

"kulang sa batayan" ang mga

nakasampang reklamo matapos

lamang ang dalawang

pagdinig.

Kinundena ng blokeng Makabayan

ang minadaling botohan

sa loob ng komite. Hindi

ito kataka-taka, ayon sa Bagong

Alyansang Makabayan,

lalupa't mayorya ng mga

myembro ay mga benepisyaryo

ng DAP. Kabilang dito si

Rep. Niel Tupas, pinuno ng

komite, na tumanggap ng

P12.5 milyong pondo mula sa

DAP.

Pinakamalaki ang natanggap

na DAP ni House Majority

Leader Neptali Gonzales II,

ang pangunahing tagapagtanggol

ni Aquino sa Kongreso.

Umabot sa P203 milyon

ang isinuhol ni Aquino kay

Gonzales mula 2011 hanggang

2014.

Milyun-milyon din ang natanggap

ng iba pang kapartido

ni Aquino na nasa komite.

Kabilang dito sina Isabela

Rep. Giorgidi Aggabao (P88

milyon), Dasmariñas, Cavite

Rep. Elpidio F. Barzaga Jr.

(P60.5 milyon), Mindoro

Oriental Rep. Reynaldo Umali

(P12 milyon), Eastern Samar

Rep. Ben Evardone (P63 milyon)

at Marikina Rep. Miro

Quimbo (P10 milyon).

Ang nabanggit na mga

kongresista ay susi sa pagpapatalsik

sa noo'y chief justice

na si Renato Corona noong

2013. ~

6 ANG BAYAN Setyembre 7, 2014

People's Initiative laban

sa sistemang pork barrel

Mahigit 20,000 ang nagprotesta noong umaga ng Agosto 25

sa Luneta Park sa Manila laban sa lahat ng anyo ng pork

barrel. Layunin din ng pagtitipong tinaguriang “Stand Up,

Sign Up Against All Pork” (o Manindigan, Pumirma Laban sa Lahat ng

Pork) na ibwelo ang pambansang kampanya para mag-ipon ng sampung

milyong pirma para sa panukalang batas na isinusulong ng People's

Initiative Against Pork Barrel (PIAP).

Pagsapit ng hapon, nagmartsa

patungo sa Mendiola ang

mga progresibong grupo upang

batikusin ang rehimeng Aquino

sa pagpapanatili ng sistemang

pork barrel at pakana nitong baguhin

ang konstitusyon.

Ang pork barrel ay ang sistema

ng paggamit ng naghaharing

rehimen sa kabang-bayan para

patatagin ang kapangyarihang

pampulitika nito sa pamamagitan

ng pagbibigay ng pabor sa mga

pulitikong sumusuporta rito.

Isang taon na ang nakararaan

mula nang malantad ang korapsyon

sa paggamit ng pork barrel

na Priority Development Assistance

Fund (PDAF) at mga anomalya

sa Disbursement Acceleration

Program (DAP) ni Aquino.

Kapwa ito idineklara ng Korte

Suprema na labag sa reaksyunaryong

konstitusyon. Gayunpaman,

nalantad na pinananatili ng rehimeng

Aquino ang sistemang pork

barrel sa pambansang badyet sa

pamamagitan ng tinaguriang

Bottom-Up Budgeting at samutsaring

mga mekanismo.

Naging malawak ang paglahok

ng mga upisyal ng Simbahang

Katoliko at iba pang simbahan.

Nagpahayag ng suporta sa

pagkilos sina Cardinal Antonio

Tagle at Archbishop Socrates

Villegas, presidente ng Catholic

Bishops Conference of the Philippines

(CBCP). Naglabas naman

ng panawagan ang Catholic

Educational Association of the

Philippines (CEAP) sa mga

myembrong eskwelahan nito na

sumuporta sa pagkilos. Dumalo

sa protesta si Ret. Archbishop

Oscar Cruz at mga pari at madre

mula sa Association of Major

Religious Superiors of the Philippines.

Lumahok din ang National

Council of Churches of the Philippines

(NCCP) at Philippine

Council of Evangelic Churches.

Kasabay ng pagkilos sa Luneta,

naglunsad din ng kaparehong

aktibidad sa iba't ibang

lunsod at bayan sa Southern Tagalog,

Bicol, Western Visayas,

Ilocos-Cordillera at Mindanao.

Nagtayo ng mga kubol para sa

signature campaign o kampanyang

pagpapapirma sa mga palengke,

simbahan, eskwelahan

at iba pang mataong lugar.

Sa Cordillera, sinimulan ang

paglikom ng mga pirma sa Baguio

City, sa pamumuno ng grupong

Tongtongan ti Umili. Sa Vigan

City, nagsagawa rin ng protesta

ang mga taong-simbahan,

tagapagtaguyod ng karapatangtao

at kabataan.

Sa Southern

Tagalog, nagtayo

ng mga

sentro para

sa pagpapapirma

sa Calamba

City, Biñan,

Sta. Rosa, at Calauan

sa Laguna at sa Dasmariñas at

Bacoor sa Cavite. Sa Bicol, naglunsad

ng mga kilos-protesta sa

Albay, Camarines Sur, Camarines

Norte at Sorsogon.

Sa Iloilo City, ang signature

campaign ay inilunsad kasabay

ng isinagawang porum at sinundan

ng martsa-rali sa Plazoletagay.

Sa Roxas City, 1,500 ang

nagsagawa ng “Run after Corruption”

bilang protesta. Sinimulan

din ang signature campaign

sa Kalibo, Aklan sa pangunguna

ng simbahan at People’s

Solidarity.

Layunin ng PIAP na sistematikong

pukawin at pakilusin ang

mga komunidad, eskwelahan at

iba't ibang lugar-trabahuan

upang mabuo ang pagkakaisa at

makakalap ng kinakailangang bilang

ng pirma para sa ganap na

abolisyon ng pork barrel. Mulat

ang PIAP na haharap sila sa mabibigat

na balakid mula sa reaksyunaryong

estado at handa silang

pangibabawan ang mga ito.

Bago ganapin ang pagtitipon

sa Rizal Park, naunang isinagawa

ang People's Congress sa Cebu

City noong Agosto 23, na siyang

nag-apruba ng borador na

panukala ng people's initiative.

Si Cebu Archbishop Jose Palma

ang bumati sa mga delegado.

Kabilang sa mga dumalo at

nagpahayag ng lubos na pagsuporta

ang CBCP, CEAP, Integrated

Bar of the Philippines, Cebu

Coalition Against Pork Barrel,

Empowered People's Initiative

and Reform Movement Alliance

(E-PIRMA), Scrap Pork Network,

Church People’s Alliance

Against the Pork Barrel at

ang Council of Laity in the

Philippines. Dumalo rin si

Najeeb Mufti Razul bilang kinatawan

ng komunidad ng

mga Muslim.

Alinsunod sa batas

hinggil sa "people's initiative,"

kailangang mangalap ang

PIAP ng anim na milyong pirma

na kakatawan sa 10% ng buong

bilang ng mga rehistradong bo-

ANG BAYAN Setyembre 7, 2014

7

tante, at 3% ng mga botante sa

bawat distrito hanggang Nobyembre

30. Dadaan muna ito

sa proseso ng beripikasyon at

sertipikasyon ng COMELEC, at

saka lamang pwedeng magpatawag

ng reperendum hinggil

sa naturang panukala. Simpleng

mayorya o 50% ng boto

at dagdag na isa pa ang kailangan

para pumasa bilang batas

ang panukalang pagpawi

sa sistemang pork barrel.

Samantala, tanda ng tuluy-tuloy

na pagkitid ng suportang

pampulitika ng rehimeng

Aquino, nabigo ang mga

tauhan ng kanyang "yellow

army" na maglunsad ng anumang

signipikanteng pagkilos

noong Agosto 25. Taliwas ito

sa nauna nilang anunsyo na

maglulunsad ng demonstrasyon

para magpakita ng suporta

kay Aquino. Sa halip, isa

lamang "press conference"

ang inilunsad ng mga personaheng

maka-Aquino na nagbando

ng tinagurian nilang

Koalisyon ng Mamamayan para

sa Reporma (Kompre).

Bago ito, iligal na inaresto

si Genasque B. Enriquez, 41

anyos, ng pinagsanib na pwersa

ng 30th IB at pulisya sa Surigao

City, isang araw bago

ganapin ang People's Congress

kung saan nakatakda siyang

dumalo. Si Enriquez ang kinatawan

at pangkalahatang kalihim

ng Kahugpungan sa mga

Lumadnong Organisayon (KA-

SALO-Caraga Region) at pangalawang

kinatawan ng Katribu

Partylist.

Malinaw na isa itong anyo

ng harasment sa mga lider at

progresibong organisasyong

nasa unahan ng laban sa pork

barrel at iba pang kaugnay na

isyu. Nakalaya si Enriquez noong

Setyembre 4 matapos makapagpyansa

at dala ng mga

protestang isinagawa para sa

kanyang paglaya. ~

9 sibilyan, pinaslang

nitong Agosto

Apat katao ang naging biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang

sa loob lamang ng dalawang linggo sa iba't ibang dako ng

bansa nitong Agosto. Dagdag dito, limang sibilyan din ang namatay

sa pambobomba ng mga eroplano ng AFP sa South Cotabato at

pang-iistraping ng militar sa Agusan del Sur nito ring Agosto at dalawang

sibilyan pa ang dinukot at pinangangambahang pinatay ng militar

sa Maguindanao noong Hulyo. Taliwas ito sa ipinangangalandakan

ni Benigno Aquino III na naibsan na ang mga paglabag sa karapatang-tao

sa ilalim ng kanyang rehimen.

Rizal. Pinagbabaril noong

Agosto 26 ng apat na lalaking

nakasakay sa mga motorsiklo si

Atty. Rodolfo Felicio at dalawa

pang sibilyan sa Taytay, Rizal.

Natutulog noon sa loob ng isang

tent si Felicio kasama ang dalawang

katiwala ng lupa na pagaari

ng pamilyang Mejia. Si Felicio

ay myembro ng National

Union of People's Lawyers at

abugado ng pamilyang Mejia sa

sigalot sa ilang ektaryang lupa

sa Taytay.

Malapitang pinagbabaril si

Felicio sa dibdib, na agaran niyang

ikinamatay. Nasugatan sa

pamamaril ang mga katiwalang

sina Rolando Andaya at Antonio

Arcilla. Tatlumpu't anim na basyo

ng pistolang kal .45 at 9 mm

ang nakuha sa lugar na pinangyarihan.

Camarines Sur. Pinaulanan

ng bala hanggang sa mapatay

noong Agosto 26 si Librado

Adoptante Sr. ng mga lalaking

nakasakay sa motorsiklo at naka-bonnet.

Si Adoptante ay coordinator

ng Bayan Muna sa bayan

ng Baao. Pauwi noon sa kanyang

bahay si Adoptante makaraang

magpatsek-ap sa isang

ospital. Kasama ng biktima ang

kanyang asawang si Glenda at

anak na babaeng si Sally, 12

anyos. Kahit natumba na ay pinaputukan

pa ang biktima sa

ulo.

Mula pa 2006 ay palagi nang

pinupuntahan ng mga sundalo

ng 42nd IB at CAFGU ang bahay

ng pamilyang Adoptante para

hanapin si Librado at "linisin"

umano ang kanyang pangalan sa

listahan ng mga pinagbibintangang

kasapi ng Bagong Hukbong

Bayan.

Leyte. Nirapido ng dalawang

taong sakay ng motorsiklo si

Jefferson A. Custodio, 25 anyos,

sa Barangay Punong, Carigara

noong Agosto 23. Hindi makilala

ang mga salarin dahil parehong

nakasuot ng bonnet ang mga ito.

Tinamaaan sa braso at dibdib

ang biktima na agad niyang ikinamatay.

Si Custodio ay kasapi

ng Municipal Farmers Association

in Carigara (MUFAC) na siyang

nag-aasikaso sa rehabilitasyon

ng mga komunidad na sinalanta

ng superbagyong Yolanda.

Namamahagi sila ng mga materyal

pambahay, mga binhi at punla

at mga kagamitang pansaka

sa mga magbubukid.

Bago ang pamamaslang, dumating

sa Caloocan, Leyte noong

Hulyo 2 ang mga tropa ng

78th IB at Regional Mobile

Group ng PNP-8 at agad nilang

hinanap ang mga kasapi ng MU-

FAC. Nagkampo sila sa barangay

hall, outpost ng barangay tanod

at kapilya at pilit na pinadalo sa

mga miting ang mga residente.

Pinagbawalan din nila ang mga

sibilyang lumahok sa mga rali.

South Cotabato. Tatlong sibilyan,

kabilang ang isang babae,

ang namatay nang maglun-

8 ANG BAYAN Setyembre 7, 2014

sad ng aerial bombings ang AFP

sa mga komunidad sa mabubundok

na bahagi ng bayan ng T'boli

noong Agosto 16. Daan-daan

ding mga pamilya ang napilitang

magbakwit dahil sa pambobomba.

Agusan del Sur. Dalawang sibilyan

ang napatay nang walang

pakundangang magpaputok ang

mga elemento ng 26th IB at

CAFGU sa Barangay Mahagsay,

San Luis noong

Agosto 15.

Nasa isang kubo noon

ang isang iskwad ng

BHB para tulungan ang

mga taumbaryo na anihin

ang kanilang tanim na mais.

Isinabay na rin ng

mga medik ng BHB ang

pagtsek-ap sa ilang residente.

Nang salakayin ng militar

ang BHB, may pitong sibilyan silang

kasama ang mga gerilya,

kabilang ang isang ina at ang

kanyang bagong panganak na

sanggol. Sa kabila nito ay inistraping

ng mga sundalo ang kubo.

Mabilis na nakaatras ang karamihan

ng mga sibilyan kasabay

ng BHB, subalit agad na napatay

sa pamamaril si Iya Manlapinding,

40 anyos, nang tamaan

ito sa dibdib. Isa pang biktima,

si Oto Prisyoso, 19 anyos, ay

nadaplisan lang ng bala sa hita,

subalit tinuluyan ng kaaway. Pinalabas

ng militar na mga gerilya

ng BHB ang dalawang sibilyang

napatay.

Bukidnon. Binaril at napatay

noong Agosto 14 si Maricel Lambon,

kasapi ng konseho ng organisasyon

ng Lumad sa Impasugong,

Bukidnon. Ang itinuturong

salarin ay elemento ng Special

CAFGU Armed Auxiliary (SCAA)

sa ilalim ng 8th IB. Aktibong nangangampanya

si Lambon laban

pagpapalawak ng isang plantasyon

ng oil palm sa kanilang bayan.

Davao del Norte. Inokupa ng

mga sundalo ng 60th IB ang eskwelahan

at simbahan sa Sityo

Kapatagan, Barangay Gupitan,

Kapalong noong Hulyo 18. Niransak

din nila ang bahay ni Mario

Liban at tinangay ang suplay

niyang bigas. Isinagawa ang pananalakay

matapos palayain ng

BHB ang bihag ng digma na si

Col. Rogelio Rosales sa Kapalong.

Noong Hulyo 20, dumating

ang may 40 sundalo sa Sityo

Mangkay, Gupitan kung saan ginipit

nila ang lider ng tribo na

si Datu Herminio Suminggil.

Walang patumanggang

lumapag ang mga helikopter

ng militar na nagdala

ng suplay sa kanilang

mga sakahan at nasira

ang kanilang mga pananim. Iligal

din nilang inaresto ang magasawang

sina Jerry at Tata Antonio.

Pilit na pinaaaminin ng

mga sundalo ang mag-asawa na

may kinalaman sila sa pagaresto

kay Colonel Rosales.

Nagpataw ng curfew ang

mga sundalo na nagpahintulot

ng paglabas ng mga residente sa

kanilang komunidad mula alas-7

hanggang alas-11 lamang ng

umaga. Dahil dito, hindi nakapagtrabaho

sa kani-kanilang

mga sakahan ang mga magsasaka.

Noong Hulyo 29, pinalabas

at pinahilera ng mga sundalo

ang mga residente sa Sityo Kapatagan

at pinagbantaang pagbabarilin

bilang ganti sa ambus

na isinagawa ng BHB laban sa

kanilang mga tropa noong araw

na iyon. Kinabukasan, sapilitan

nilang pinaggiya ang ilang mga

bata mula sa Mangkay at Kapatagan

sa kanilang operasyon laban

sa BHB. Ayon sa KARAPA-

TAN, umabot sa 500 bata sa 11

sityo ng Gupitan ang biniktima

ng mga operasyon ng militar.

Maguindanao. Hinarang at

inaresto ng mga elemento ng

45th IB noong Hulyo 3 si Mohammad

Abdulkarin at ang kanyang

14-taong gulang na anak

na si Mehad Mohammad sa isang

tsekpoynt sa Barangay Meta,

Datu Unsay. Nang hanapin sila

ng kanilang mga kamag-anak sa

kampo ng militar, pinalabas ng

mga sundalo na pinalaya na nila

ang dalawa. Magdadalawang

buwan na silang hindi pinalilitaw.

Bago ito, nasugatan ang

apat-na-buwang sanggol na

anak ni Abdulkarin nang walang

patumanggang paulanan ng bala

ng mga elemento ng 22nd

Mechanized Brigade ng AFP ang

kanilang bahay noong Hunyo 7.

Matagal nang gustong ipagbigay-alam

ng pamilya ang pagdukot

at pinaniniwalaang pagpatay

ng mga sundalo sa mag-ama pero

malaki ang pangamba nila sa

kanilang seguridad sa takot na

gagantihan sila ng militar.

Negros Occidental. Pinaulanan

ng bala ng isang elemento

ng CAFGU ang isang magsasakang

nagpapastol ng kanyang

kalabaw sa Sityo Cabadbaran,

Barangay Santol, Binalbagan

noong Abril. Nakatalaga ang nasabing

paramilitar sa Cansalongan

Detachment sa Isabela.

Para pagtakpan ang kanyang

pandarahas, pinalabas ng Philippine

Army na naengkwentro

umano ng mga tropa nila ang

BHB sa Sityo Cabadbaran.

Bago ito, pinagbubugbog din

noong Pebrero ng mga nag-ooperasyong

sundalo ng Philippine

Army mula sa Negros Oriental

ang isang magsasaka na nagpapastol

ng kanyang kalabaw sa

Sityo Madaha, Barangay Buenavista,

Himamaylan City. Dinakip

ang magsasaka bandang alas-8

ng umaga. Tinutukan siya ng militar

ng armalayt sa harapan habang

nasa likod niya ang isang

machine gun at jungle knife naman

sa kanyang leeg. Pinakawalan

na lamang siya bandang

alas-4 na ng hapon. ~

ANG BAYAN Setyembre 7, 2014

9

Grupong paramilitar,

pinabubuwag

Sa harap ng matinding militarisasyon at lumalalang

paglabag sa karapatang-tao ng

mamamayang Lumad sa Davao del Norte, nanawagan

ang Kalumaran, isang alyansa ng mga

organisasyon ng Lumad, na kagyat na disarmahan

at buwagin ang Alamara, isang grupong

paramilitar. Katuwang ng Armed Forces of the

Philippines ang Alamara sa mga operasyong

militar nito laban sa malawak na masang Lumad

sa Davao del Norte at Bukidnon.

Noong Agosto 30, bumyahe patungo sa Barangay

Gupitan sa Kapalong, Davao del Norte

ang isang 94-kataong delegasyon na pinamumunuan

ng KARAPATAN-Southern Mindanao

Region para ilunsad ang National Interfaith

Mercy Mission sa lugar. Pero bago sila makarating

sa lugar, nagpasya silang huwag nang tumuloy

matapos ipaalam sa kanila ng mga drayber

ng motorsiklo na inaabangan sila ng mga

elemento ng Alamara sa daan. Ayon sa natanggap

nilang ulat, nakapusisyong ambus ang 15-

kataong tim ng grupong paramilitar sa kanilang

daraanan. Dahil dito, nagdesisyon ang delegasyon

na bumalik na lamang sa bayan ng

Kapalong. Bago ito, apat na beses silang hinarang

sa mga tsekpoynt ng 60th IB. Nilagyan pa

ng mga sundalo ng malalaking bato at suyak

(spike) ang daan para lalong maantala ang kanilang

byahe.

Inilunsad ng KARAPATAN-SMR, National

Council of Churches of the Philippines, Salinlahi

at iba pang progresibong grupo ang NIMM para

imbestigahan at isadokumento ang mga paglabag

sa karapatang-tao na isinasagawa ng mga

elemento ng Alamara at dalawang batalyon ng

AFP na nakakampo sa Kapalong. (Basahin ang

partikular na mga kaso sa pahina 9) Bago ito,

hinarang na ng AFP at Alamara ang delegasyong

pinamunuan ng Exodus for Justice and Peace na

maglulunsad din sana ng fact-finding mission sa

Kapalong noong Agosto 9.

Ang Alamara, isang grupong anti-komunista,

ay itinatag ni dating Brig. Gen. Felipe Berroyo,

kumander ng 701st Bde noong 2002 sa Marilog

at Paquibato District, Davao City. Inarmasan

ito ng AFP ng mga M14, M16 at iba pang

malalakas na armas. Sinakyan ng AFP ang ilang

atrasadong elemento ng kulturang Lumad, tulad

ng pangayaw, para magamit sila sa kampanyang

"counterinsurgency" laban sa BHB. ~

Presyo ng pagkain, sumisirit

MULI na namang sumirit ang presyo ng mga bilihing

pagkain nitong nagdaang Agosto. Dahil dito, lalong

nakaltasan ang maliit na ngang kita ng mayorya ng

mamamayan.

Bawat kilo ng manok ay umaabot na sa P160 mula

P130-P145. Ang kada kilo ng bigas ay umaabot na sa

P40-45 mula sa P32-42 noong Marso. Maging ang

bentang bigas ng National Food Authority (NFA) ay

tumaas mula P25-28 tungong P28-32 bawat kilo.

Sumirit din ang presyo ng pagkain noong huling

bahagi ng 2013 hanggang unang kwarto ng 2014. Noong

Enero 2014, tampok ang pagtaas sa presyo ng bigas.

Pagsapit naman ng katapusan ng Hunyo, biglang

tumaas ang presyo ng kada kilo ng bawang na umabot

mula P200 tungong P300-400. Kasabay nito ang pagtaas

ng presyo ng mga produktong petrolyo, laluna

LPG, at singil sa tubig at kuryente.

Malaking dagok sa mamamayang Pilipino ang patuloy

na pagsirit ng presyo ng pagkain. Ayon sa pag-aaral

ng Ibon Foundation, inilalaan sa pagkain ang 50%

ng kita ng mga maralitang pamilya. Sa isinagawa nitong

sarbey nitong Abril, natukoy na 59.3% o tatlo sa

limang Pilipino ang nahihirapang bumili ng sapat na

pagkain.

“Protest run” laban sa LBC-Davao,

inilunsad

NAGDAOS ng “protest run” ang mga upisyal at ordinaryong

manggagawa ng LBC-Davao Branch nitong

Setyembre 1 para labanan ang hindi makatarungang

pamamalakad ng maneydsment ng LBC. Umabot sa 30

kasapi ng LBC-Davao Employees Union (LBCDEU-AD-

LO-KMU) ang tumakbo sa kahabaan ng Freedom Park

patungong C.M. Recto St., Davao City na may suot na

mga itim na damit at tangan ang mga karatula ng kanilang

protesta. Ang kilos-protestang ito ay paghahanda

sa nakatakdang collective bargaining agreement

(CBA) nitong Setyembre.

Ayon sa LBCDEU-ADLO-KMU, hindi sinusunod ng

maneydsment ng LBC ang mga probisyong nakasaad sa

CBA kaugnay ng mga benepisyo at pagreregularisa sa

mga empleyado nito. Binatikos din nila ang mga taktika

ng maneydsment na may layong supilin ang kampanya

nila laban sa hindi makatarungang patakaran

ng LBC-Davao at siraan ang presidente ng kanilang

unyon na si Butch Gajudo.

Sa kabila ng maraming isinampang reklamo laban

kay Gajudo, hindi sila natinag. Sinagot nila ang maneydsment

na nagkakaisa ang mga manggagawa at

nakahanda silang ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.

Sinuportahan sila ng Kilusang Mayo Uno-

Southern Mindanao.

10 ANG BAYAN Setyembre 7, 2014

ANG

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo XLV Blg. 17

Setyembre 7, 2014

www.philippinerevolution.net

Editoryal

Ibayong paglagablabin

ang armadong pakikibaka

sa Kabisayaan at buong kapuluan

Puspusang sumusulong ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka

sa buong bansa. Sa isyung ito ng Ang Bayan, tampok ang

mga ulat ng tagumpay ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa

pagsusulong ng armadong rebolusyon sa mga rehiyon ng Kabisayaan,

partikular na sa Eastern Visayas, sa Panay at sa isla ng Negros.

Kabilang ang mga rehiyong

ito sa pangunahing mga target

ng malawakang kontra-rebolusyonaryong

kampanyang panunupil

na Oplan Bayanihan ng

Armed Forces of the Philippines

(AFP) sa ilalim ng rehimeng US-

Aquino. Subalit matapos ang

apat na taon, ang tanging maipagmamalaki

ng mga upisyalmilitar

ay ang mga hungkag

na deklarasyong "nalipol

na ang kalaban" at

"natamo na ang kapayapaan."

Nakahanay din ang mga rehiyong

ito sa mga pinakanaghihikahos

sa buong bansa. Bunga

ito ng pag-iral ng malalawak na

monopolyo sa lupa at ng pinakamalulupit

na anyo ng pyudal

na pagsasamantala. Pinaghaharian

ang mga rehiyong ito ng

malalaking asendero, kabilang

yaong may kontrol sa malalawak

na palayan sa Samar,

malalawak na

nyugan sa Leyte

at libu-libong

ektaryang mga tubuhan sa Panay

at Negros.

Ang mga programang pampasiklab

tulad ng Jalaur Dam sa

Iloilo, mga haywey sa Samar at

iba pang mga proyekto ay nagsisilbing

palabigasan lamang ng

mga bulok na upisyal ng rehimeng

Aquino at mga lokal nitong

kasabwat.

Tulad ng buong sambayanang

Pilipino, walang kapantay ang

sidhi ng pagnanais ng mamamayan

ng Kabisayaan para sa rebolusyonaryong

pagbabago. Ang

kalakhan ng Kabisayaan ay nagaalburutong

bulkang nagbabantang

sumabog sa harap ng tumitinding

tunggalian ng mga uri.

Malawak ang kilusan ng mga

manggagawang bukid sa Negros

para bungkalin ang

mga tiwangwang na

lupa para sa produksyon

ng pagkain. Tahasan

itong paghihimagsik

sa batas ng

mga despotikong

malalaking panginoong

maylupa.

Gayon din ang

paghihimagsik ng mga

magniniyog sa Leyte

na naggigiit ng kanilang

mga karapatan sa

lupa. Ilampung libong

ektaryang lupaing ninuno

Mga tuntunin sa paglilimbag

1. Ang sinundang pahina, na eksaktong kopya ng pahina 1 maliban sa mas

mapusyaw ang masthead o logo ay para sa mga gumagamit ng mimeo machine o

naglilimbag sa paraang v-type. Idinisenyo ito para hindi madaling makasira ng istensil.

2. Pag-print sa istensil:

a) Sa print dialog, i-check ang Print as image

b) Alisin ang check sa Shrink oversized pages to paper size

k) I-click ang Properties

d) I-click ang Advanced

e) Tiyaking naka-set sa 100% ang Scaling

d) Ituloy ang pag-print

3. Hinihikayat ang mga kasama na ipaabot sa patnugutan ng AB ang anumang

problema kaugnay ng paglilimbag sa pamamagitan ng v-type. Magpadala ng email sa

angbayan@yahoo.com

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!