17.01.2015 Views

20140121pi

20140121pi

20140121pi

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

ANG

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo XLV Blg. 2

Enero 21, 2014

www.philippinerevolution.net

Editoryal

Ibasura ang EPIRA at wakasan

ang rehimeng pahirap sa bayan

Ang tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng kuryente ay lalo pang

nagpapabigat sa labis nang hirap na kalagayan ng mayorya ng

mamamayang Pilipino. Mula noong Disyembre, ipinataw ng

iba't ibang mga kumpanya sa kuryente ang malaking dagdag sa singil

sa kuryente na labis na ikinagalit ng mamamayan.

Pansamantala mang iniatras

ang pagpapatupad ng malaking

dagdag na singil sa bisa ng kautusan

ng Korte Suprema,

nananatiling banta sa kabuhayan

ng mamamayan ang pagpapataw

ng malaking dagdag na

bayarin, hindi lamang sa kagyat,

kundi maging sa malayo pang

hinaharap. Habang umiiral ang

batas na Electric Power Industry

Reform Act (EPIRA), palagi

na lamang pahihirapan ang

mamamayan ng magkakakutsabang

malalaking burgesya kumprador

na kumokontrol sa

produksyon, transmisyon at

distribusyon ng kuryente.

Nagkakaisa ang sigaw ng

masang anakpawis: Ibasura

ang EPIRA! Sa mahigit isang

dekada ng pribatisasyon sa

ilalim ng EPIRA, lalong nalugmok

ang sambayanang Pilipino

sa walang awat na

pagtaas ng presyo ng kuryente.

Ang pagsirit ng presyo

ng kuryente ay bunga ng

patakaran ng liberalisasyon

na itinataguyod ng EPIRA.

Mula nang ipatupad ang

EPIRA, wala nang awat ang

pagtaas ng singil sa kuryente.

Noong 2001, ang singil ng

Meralco ay `4.87 kada kilowatt

hour (kwh). Pagsapit ng 2011,

lagpas doble na ang itinaas nito

(`10.35/kwh). Kung matutuloy,

ang planong `4.15/kwh na pagtaas

ng singil sa kuryente noong

Disyembre ay magreresulta

sa `900/buwan na karagdagang

singil para sa pinakamabababang

saray ng konsyumer

ng kuryente.

Ang singil sa kuryente sa

Pilipinas ay kabilang sa sampung

pinakamatataas sa buong

mundo.

Sa panahong ito, ginamit ang

EPIRA upang bigyang-matwid

ang pagpapakainutil ng reaksyunaryong

gubyerno at ang pagtanggi

nitong gumawa ng hakbangin

upang ipagtanggol ang interes

ng mamamayan laban sa

Meralco at iba pang hayok sa tubong

kumpanya sa kuryente.

"Wala kaming magagawa" ang

paboritong linya ng mga upisyal

ni Aquino tuwing umaangal ang

publiko sa mga petisyon ng Meralco

para magtaas ng

singil.

Sa ilalim ng EPI-

RA, pinagbabawalan

ang gubyerno na mamuhunan

sa pagpo-

prodyus ng kuryente. Ang presyo

ng kuryente ay ganap na

nasa kamay ng malalaking

kumpanyang naghahari sa pamilihan.

Walang saysay ang

Department of Energy at ang

Energy Regulatory Commission

sa pagtatanggol sa interes at

kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Ang totoo, ang mga

ahensyang ito ng gubyerno ay

ginagamit lamang ng mga kumpanya

sa kuryente bilang tagapagtanggol

ng mga hakbangin

sa pagtataas ng singil.

Ang pakikibaka para ibasura

ang EPIRA ang nasa ubod

ng pakikibaka ng mamamayang

Pilipino laban sa dagdag

na singil sa kuryente. Karugtong

ito ng pakikibaka laban

sa mga patakaran ng pribatisasyon,

deregulasyon, liberalisasyon

at denasyunalisasyon

na ipinatutupad ng reaksyunaryong

estado sa Pilipinas

nitong nakaraang tatlong dekada

sa utos ng International

Monetary Fund at World

Bank.

Ang mga patakarang ito

ang nasa likod ng tuluy-tuloy

ANG

Taon XLV Blg. 2 Enero 21, 2014

Ang Ang Bayan ay inilalabas sa

wikang Pilipino, Bisaya, Iloko, Hiligaynon,

Waray at Ingles.

Maaari itong i-download mula sa

Philippine Revolution Web Central na

matatagpuan sa:

www.philippinerevolution.net

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontribusyon sa anyo ng mga

artikulo at balita. Hinihikayat din ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa ikauunlad

ng ating pahayagan. Maaabot

kami sa pamamagitan ng email sa:

angbayan@yahoo.com

na pagtaas ng presyo ng langis,

tubig, bigas at iba pang

saligang bilihin. Ang mga patakarang

ito ang pumipiga sa

masang anakpawis. Pinapatay

ng mga ito ang lokal na agrikultura

at industriya na nagreresulta

sa laganap na kawalan

ng hanapbuhay at mababang

sahod ng mga manggagawa.

Dapat panagutin ang rehimeng

US-Aquino sa patuloy na

pagpapatupad nito ng mga patakarang

nagpapahirap sa mamamayang

Pilipino. Dapat

itong singilin sa pagpapakainutil

sa harap ng labis na

pang-aapi sa mamamayang Pilipino

ng hayok sa tubong malalaking

burgesya kumprador

at kasabwat nilang dayuhang

malalaking kapitalista.

Sa harap ng dinaranas nilang

grabeng paghihirap, makatarungan

ang pakikibaka ng

mamamayang Pilipino na patalsikin

mula sa poder si Aquino

at wakasan ang kanyang

batbat sa korapsyon, anti-mamamayan,

makadayuhan at

malupit na rehimen. ~

Nilalaman

Editoryal: Ibasura ang EPIRA at wakasan

ang rehimeng pahirap sa bayan 1

Mga hari sa industriya ng kuryente 2

Paghahari ni Cojuangco sa kuryente 3

Paglamon ni Cojuangco sa ALECO 4

Pagmimina sa Daguma 4

“Power crisis” sa Mindanao 5

Produksyon sa kabundukan 6

Platung pamproduksyon sa SMR 8

Kasigasigan ng kabataan 9

6 na sundalo, patay sa Agusan del Sur 10

Pang-aatake ng AFP sa Samar 10

Puno na ang salop 11

Taas-singil sa SSS at Philhealth 12

Magsasaka, patay sa Pampanga 12

Ang Ang Bayan ay inilalathala dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas

Ang malalaking

kumprador na

hari ng industriya

ng kuryente

Nasa kamay ng malaking

kumprador na si Henry Sy

ang negosyo ng transmisyon o

pagdadala ng kuryente mula sa

mga planta tungo sa mga kumpanya

sa distribusyon o pagtitingi.

Pag-aari ng pamilyang Sy

ang mayorya ng mga sapi ng

National Grid Corporation of

the Philippines (NGCP). Ang

40% naman ng NGCP ay hawak

ng State Grid Industry Development

Ltd, isang kumpanyang estado

ng China. Mula 2008, hawak

na ng NGCP ang 50-taong

prangkisa sa transmisyon. Noong

2013, kumita ito ng `44.5

bilyon at `42.9 bilyon noong

2012, alinsunod sa ipinahihintulot

ng ERC.

Ang limang pinakamalalaking

prodyuser ng kuryente ay

ang Aboitiz Power Corp. na may

kakayahang lumikha ng 3,426

Megawatt (Mw) ng kuryente;

San Miguel Global Power Corp.

(2,545 Mw); First Philippine

Holdings Corp. ng mga Lopez

(2,150 Mw); Global Power Corporation

ng kapitalistang si

George Ty ng Metrobank; at

DMCI Power Corp. ng mga Consunji.

Hawak ng limang pinakamalalaking

prodyuser na ito ang

halos 78% ng kabuuang produksyon

ng kuryente sa Pilipinas.

Epektibong nakokontrol ng

pinakamalalaking prodyuser na

ito ang suplay at presyo ng

kuryente sa Pilipinas. Taliwas

ito sa sinasabi ng mga tagapagtanggol

ng EPIRA na magkakaroon

ng kumpetisyon sa

produksyon ng kuryente na siyang

magtutulak sa presyo pababa.

Dahil pinaghaharian ng

2 ANG BAYAN Enero 21, 2014

iilang malalaking kapitalista ang produksyon ng

kuryente, epektibo nilang nakokontrol ang presyo

nito. Sa ilalim ng EPIRA, inalisan ng anumang

kapangyarihan o lakas ang estado na epektibong

kontrolin o impluwensyahan ang presyo ng kuryente.

Naghahari rin ang malalaking kapitalista sa

distribusyon ng kuryente. Ang pinakamalaki sa

mga kumpanyang ito ay ang Meralco na nagmomonopolisa

sa distribusyon ng kuryente sa buong National

Capital Region, sa Bulacan, Rizal, Cavite,

bahagi ng Pampanga at iba pang lugar. Ang benta

ng Meralco ay bumubuo ng halos 60% ng kabuuang

benta ng kuryente.

Malaking bahagi ng Meralco (42.6%) ay pagaari

ni Manuel V. Pangilinan sa pamamagitan ng

Beacon Electric Asset Holdings. Ang kumpanyang

ito ay nasa ilalim ng Metro Pacific Investments

Corp. na pag-aari naman ng First Pacific Company

Ltd ng grupong malalaking kumprador na Salim ng

Indonesia. Ang kasunod na malaking bahagi ng

Meralco (27.1%) ay nasa kontrol naman ng mga

Gokongwei (JG Summit Holdings Inc.).

Lumalaki taun-taon nang 56.3% ang kita ng

Meralco nitong nagdaang anim na taon. Mula

`2.6 bilyon noong 2008, lumaki ang tubo ng Meralco

tungong `16.3 bilyon noong 2012, at tinatayang

lalo pang lumago tungong `17.5 bilyon

noong 2013.

Ang distribusyon naman ng kuryente sa iba

pang lugar ay karaniwang nasa kontrol ng tinaguriang

mga kooperatiba. Mayroong humigit-kumulang

120 kooperatiba na may bentang bumubuo ng

20% ng kabuuan. Ang mga kooperatibang ito ay

hawak sa leeg ng malalaking prodyuser ng kuryente

na kumokontrol sa presyo ng kuryente. Marami

sa mga kooperatibang ito ang baon sa utang. Karaniwang

kontrolado ito ng mga lokal na pulitiko at

madalas ay batbat din ng katiwalian. Isa sa pinakamalalaki

rito, ang Albay Electric Cooperative, ay

nilalamon ngayon ng San Miguel Global Power

(tingnan ang kaugnay na artikulo). ~

Ang paghahari ni Eduardo “Danding”

Cojuangco sa industriya ng kuryente

Mula nang maupo sa poder si Benigno Aquino III, lumaki nang

lumaki ang imperyong pangnegosyo ng tiyuhin niyang si Eduardo

“Danding” Cojuangco. Si Cojuangco na ngayon ang isa sa pinakamalalaking

kumprador na naghahari sa industriya ng kuryente.

susuplay ng 28.1% ng

kuryente sa Luzon at 21.4%

sa buong bansa noong 2013.

Pag-aari na ng San Miguel

ang 1,000-megawatts (Mw)

na planta sa Sual, Pangasinan,

ang 345-Mw mula sa San

Roque multipurpose hydro

plant at ang 1,200-Mw Ilijan

Combined Cy-

Ang San Miguel Global Power,

subsidyaryo ng San Miguel

Corporation (SMC) na pag-aari

ni Cojuangco, ang siya na ngayong

pinakamalaking prodyuser

ng enerhiya sa Luzon, at naghahabol

na lagpasan ang mga

Aboitiz bilang pinakamalaki

sa buong

Pilipinas.

Ang San

Miguel Global

na ang nagcle

Power Plant sa Batangas

City. Tuluy-tuloy pa ang pamumuhunan

ni Cojuangco sa industriya

ng kuryente. Sinisimulan

na niya ang pagtatayo ng

coal-fired power plant (CFPP)

sa Sityo Colaman, Barangay

Poblacion, Malita, Davao Occidental

na may kapasidad na 600

Mw.

Kaugnay nito, nagbuhos na

rin ng puhunan si Cojuangco para

magmina ng coal sa Daguma

Range, kung saan matatagpuan

ang pinakamalaking deposito ng

coal sa Pilipinas. (Tingnan ang

hiwalay na artikulo). Ang tatlong

minahan sa Daguma Range ay

may 426 milyon metriko tonelada

at kaya nitong magpatakbo ng

2,000 Mw na coal-fired power

plant sa loob ng 25 taon.

Bukod sa produksyon, namuhunan

na rin si Cojuangco sa distribusyon

distribusyon ng

kuryente. Ang pagkuha ni Cojuangco

kamakailan sa kooperatibang

ALECO sa Albay ay pinangangambahang

una pa lamang

sa mga kooperatiba sa kuryente

na kanyang lalamunin. ~

ANG BAYAN Enero 21, 2014

3

Paglamon ni Cojuangco sa ALECO, tinutulan

Nagrali ang mahigit 100 kasaping konsyumer

ng Albay Electric Cooperative (ALECO) sa

upisina nito noong Enero 6 para tutulan ang tuluyang

paglamon ng San Miguel Energy Corporation

(SMEC) sa naturang kooperatiba. Tinangka silang

itaboy ng mga pulis sa pamamagitan ng mga

truncheon, na ikinasugat ng marami. Ito na ang

pangalawang kilos-protesta laban sa pagbebenta.

Ang kilos-protesta ay inilunsad upang hadlangan

ang pormal na paglilipat ng pangangasiwa ng

ALECO sa SMEC na nakatakda noong Enero 7. Iginigiit

ng mga konsyumer na dapat panatilihing

pag-aaring publiko ang ALECO. Tinuligsa rin nila

ang `2 kada kilowatt hour na pagtaas sa kanilang

mga bayarin noong Disyembre na walang kaukulang

pag-abiso at konsultasyon sa mga konsyumer

ng kooperatiba.

Binatikos din ng mga konsyumer ang paglilihim

ng kasunduan ng konsesyon ng ALECO sa SMEC.

Ang konsesyon ng San Miguel sa ALECO ay tatagal

mula 25-50 taon. Tinutulan din nila ang pagtatanggal

ng matitinong empleyado at pagpapanatili

ng mga tiwali.

Sa kabila ng mga nakaambang pahirap para sa

mga Albayano at maanomalyang proseso, sinuportahan

ng gubernador, karamihan ng mga pulitiko

at simbahan ang pagsasapribado ng ALECO. Ang

gayong pagsasapribado ay isinagawa alinsunod sa

EPIRA. Laganap ang usap-usapan na ang iba pang

kooperatiba sa Bicol ay lalamunin ni Cojuangco,

alinsunod sa hatian ng malalaking kumprador.

Sa ganitong kalagayan, wala nang maaasahan

pa ang mga Albayano kundi ang kanilang sariling

lakas upang mapigilan ang pakanang ito ng San Miguel

Corporation. "Sa araw na ito, binabawi naming

mga konsyumer ang ALECO. Konsyumer ang

may-ari nito kaya konsyumer din ang dapat masunod

kung papaano ibabangon ang kooperatiba." ~

Pagmimina sa Daguma, salot sa mamamayan

Salot sa mamamayan ang Daguma Coal Project (DCP) na sumasaklaw

sa Daguma Range, ang kabundukang nag-uugnay sa

mga prubinsya ng Sarangani, South Cotabato, Sultan Kudarat

at bahagi ng Maguindanao. Ang mga lugar na saklaw ng DCP ay mga

reserbang watershed at pangunahing pinagkukunan ng tubig at irigasyon

ng Allah Valley sa South Cotabato.

Bukod sa masama ang magiging

epekto ng pagmimina ng

coal sa kalusugan, kapaligiran,

at kabuhayan ng mga magsasaka,

tiyak na magkakaroon ng

matinding dislokasyon ang libulibong

pamilyang Lumad at magsasaka

sa naturang mga lugar.

Sinimulan ang operasyon ng

Daguma Agro-Minerals Inc.

(DAMI) noong Nobyembre 2002

at saklaw nito ang pitong coal

block (umaabot sa 7,000 ektarya).

Sa halagang $25 milyon,

nabili ng San Miguel Energy

Corp. (SMEC) ang DAMI at ang

Bonanza Energy Resources Inc.

Mas lumaki pa ang kontrol ng

SMEC sa pagmimina ng coal

nang mabili nito sa halagang

US$14.5 milyon ang Sultan Energy

Philippines Corp. (SEPC) na

sumasaklaw sa minahan sa Sultan

Kudarat at South Cotabato.

Sa ngayon, 100% kontrolado

na ng SMEC ang buong

DCP na may tinatayang

426 milyong

metriko toneladang

deposito.

Sasaklawin

nito

ang 17,000

ektarya ng

mga lupaing

ninuno

ng mga T'boli at sakahan ng

mga setler. Masasaklaw din ang

19,000 ektaryang kagubatan ng

tribong Tasaday na kasama sa

pagmiminahan ng coal.

Suportado ng Department of

Energy ang mapanirang proyektong

ito sa pamamagian ng Presidential

Decree 972 na inamyendahan

ng PD 1174 o ang

Coal Development Act

of 1976 sa panahon

ng diktadurang Marcos.

Lalo pa itong

pina-

4 ANG BAYAN Enero 21, 2014

lakas sa panahon ng rehimeng US-Aquino na nagbubukas

ng mga rekurso ng bansa sa pandarambong

ng mga lokal at dayuhang mamumuhunan.

Bukod pa sa pagmimina ng coal ng SMEC, nakatakda

ring bilhin nito ang mga kumpanyang nagmimina

ng tanso, ginto at pilak tulad ng Tribal Mining

Corp. (TMC) (Canada), Kiamba Mining Corp.

(KMC), Hirich Mining and Development Corp., Tao

Mohin Resources Corp. at iba pa.

Mula nang simulan ang pagmimina dalawang

taon na ang nakararaan, walang humpay ang operasyon

ng 27th IB para depensahan ang pagmimina

at mabangis na supilin ang pakikibaka ng mamamayang

T'boli at mga magsasakang setler. Inaakusahang

tagasuporta ng Bagong Hukbong Bayan

ang mga grupong antimina at mga samahan ng

mga magsasaka at palagi silang tinatakot ng mga

gwardya ng minahan at mga sundalong nagpapatrulya.

Ang 27th IB din ang bayarang gwardya ng

kumpanyang Glencore-Xstrata-SMI, isa pang mapanirang

kumpanya sa pagmimina sa South Cotabato.

Ang peace and development team (PDT) ng

27th IB ay pilit na nagtayo ng detatsment malapit

sa sibilyang komunidad sa Sityo Tasaday Blit. Ginigipit

nila ang pamimili ng pagkain ng mga residente.

Pinagbabawalan din silang magtipun-tipon at

magdaos ng mga asembliya, at pinagbabawalang

mangaso ang mga Lumad, na isa sa kanilang mga

ikinabubuhay. Nagrerekluta ang militar ng mga Lumad

para maging myembro ng CAFGU at iba pang

grupong paramilitar na walang ibang layunin kundi

sirain ang pagkakaisa ng mamamayan laban sa

malawakang pagmimina.

Isang halimbawa nito ay ang Task Force 73,

isang piling pasistang grupo na may atas na ipagtanggol

ang malalaking minahan sa pamamagitan

ng pag-atake sa mga pwersang antimina at pagsupil

sa pakikibaka ng mamamayan laluna sa Lake

Sebu at T'boli. ~

Pinakikinabangan ng malalaking kumprador

ang "power crisis" sa Mindanao

Mula 2012, tinitiis na ng mamamayan sa Mindanao ang madadalas

na 2-4 oras na brownout na nagbubunga ng malaking

perwisyo sa kanilang buhay at takbo ng ekonomya sa isla.

Kasabwat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ni

Henry Sy, pinalalabas ng rehimeng Aquino na kulang ang produksyon

ng kuryente, kaya diumano kailangang isagawa ang mga brownout.

Umani ng matinding pagkundena

at protesta sa hanay ng

mamamayan, kabilang ang mga

lokal na pulitiko, ang pagdadahilang

ito ni Aquino at ng NGCP.

Hindi nila matanggap ang gayong

pagdadahilan gayong nasa

isla ang malalaking planta sa

kuryente kabilang Ang Agus-Pulangi

hydropower complex at

ang mga plantang geothermal sa

Mt. Apo. Ang iba sa mga plantang

ito ay mayroon pa sanang

reserbang kuryente pero hindi

pinatatakbo sa buong kapasidad

nito.

Hindi rin nila matanggap ang

pagdadahilan ng gubyernong

Aquino gayong hindi nito binibigyan

ng prayoridad ang pagtitiyak

ng mura at episyenteng paggana

ng mga pasilidad sa kuryente.

Sa halip na asikasuhin

ang rehabilitasyon, hinayaan nitong

mabulok at bumagsak ang

kapasidad ng mga plantang pagaari

ng estado. Halimbawa, ang

planta sa Agus-Pulangi ay may

kapasidad na lamang na 570 Mw

mula sa 1,000 Mw na orihinal na

kapasidad nito.

Ang totoo, ginagamit lamang

ng rehimeng Aquino at ng

malalaking kumprador ang diumano'y

krisis na ito upang bigyang-matwid

ang pagtatayo ng

maruming coal-fired power

plants (CFPP) at pagmimina.

Kaugnay nito'y gumawa ng

hungkag na deklarasyon si

Aquino na hindi na maaasahan

ang hydroelectric power dahil

sa aniya'y nagbagong padron

ng pag-ulan sa lugar.

Itinakda ng Department of

Energy sa Power Development

Program ang target na dagdag

na 850 Mw sa kapasidad ng produksyon

ng kuryente ng mga

planta sa Mindanao pagsapit ng

2014.

May apat na mayor na proyektong

coal-fired power plant

sa isla. Ang dalawang pinakamalalaki

ay siyang itatayo ng

Conal Holdings Corp. na pagaari

ng pamilyang Alcantara at

nagkakahalagang US$450 milyon.

May kapasidad itong 200

Mw. Ang isa pa ay yaong itatayo

ng San Miguel Energy Corp. Sa

Far South Mindanao itatayo ang

dalawang planta. Mula noong

2006 ay may CFPP nang nag-oo-

ANG BAYAN Enero 21, 2014

5

pereyt sa Mindanao, na nasa Villanueva, Misamis

Oriental, at may generating capacity na 232 Mw.

Noong Oktubre ay sinimulan na rin ang pinakamalaking

CFPP sa Mindanao sa ngayon, ang 300-Mw

na planta ng Therma South Inc. sa Toril District,

Davao City.

Ang pagtatayo ng dagdag pang mga CFPP ay

hindi para mabigyan ng serbisyo ang 600 barangay

na kulang o hindi pa inaabot ng elektrisidad, kundi

para magsuplay ng enerhiya sa malalaking dayuhang

minahan at plantasyon.

Malawak ang pagtutol sa mga CFPP dahil sa

masamang epekto nito sa kapaligiran. Bukod sa

wawasakin nito ang malawak na kabundukan dahil

sa pagmimina ng ginagamit na panggatong na coal,

magreresulta rin ito sa malawakang pagdumi ng

hangin. Sa US at Europe, ipinasara na ang mga CF-

PP dahil sa polusyong dulot ng luma at lipas nang

teknolohiyang gamit nito.

Ang kalakhan sa datos sa artikulong ito at sa

tatlong nauna pa ay mula sa pananaliksik ng istap

ng Asdang, ang rebolusyonaryong pahayagang masa

sa Far South Mindanao Region. ~

Produksyon sa kabundukan

Isang bahagi ng gawaing pang-ekonomya ng Bagong Hukbong

Bayan (BHB) sa kabundukan ng Northeastern Mindanao Region

(NEMR)—ang ekonomiyang sarang sa kaugalingon ug pangguba

(ESKP) o ekonomyang nakasasapat sa sarili at pandigma. Tulad ng isinasaad

dito, layunin ng ESKP na paunlarin ang kabuhayan ng masa

sa kabundukan para sa kanilang kagalingan at sa pagsusulong ng digmang

bayan. Sa ngayon, ang ESKP ay laganap sa kabundukan ng

NEMR, kung saan mahigit 4,000 pamilya na ang nabigyan ng libreng

lupang masasaka.

Ipinatutupad ito sa gitna ng

matinding paghihikahos ng mamamayang

Lumad at setler matapos

ang ilang dekadang

pananalasa ng malalaking

trosohan sa

mabubundok na

kagubatan. Dito'y

natali sila

bilang mga pinagsasamantalang

manggagawa sa trosohan o

kaya'y maliliit na magkakahoy.

Minimal o tuluyan nang napabayaan

ang

pagsasaka kaya laganap

ang kagutuman at sakit sa

kanilang hanay.

Isang case study ng pagbubuo

ng ESKP sa isang komunidad

sa kabundukan ang inilathala sa

Lingkawas, ang rebolusyonaryong

pahayagang masa ng

NEMR.

Nagsimula ang pagbubuo

nito noong Abril 2012, nang

datnan ng mga Pulang mandirigma

ang isang maliit na angkang

magsasaka na kinabibilangan ng

dalawang bubong na may pitong

indibidwal. Mayroon silang dalawang

parselang palayan at iba

pang tanim, pero halos hindi pa

rin magkasya ang kanilang produksyon

para sa kanilang pagkain

at iba pang pangangailangan.

Binuo sila ng mga kasama bilang

isang banwa o purok at tinulungang

paunlarin ang kanilang

mga sakahan.

Pagdating ng Oktubre, sinaklaw

ang purok ng mas malawak

na kampanya ng pagbubuo

ng ESKP sa lugar. Kinumbinsi ng

pinuno ng angkan ang kanyang

mga anak na doon na

manirahan at magsaka. Kaya

mula sa dadalawang bubong ay

umabot sila sa pitong bubong na

may 11 pamilyang nagsasamasama,

o 27 indibidwal.

Alinsunod sa oryentasyon

ng ESKP, nagtulung-tulong ang

mga myembro ng purok para

magbukas ng mga bagong sakahan.

Mula sa dalawang maliit

na palayan ay nakapagbukas

sila ng siyam na palayang may

siyam na ektarya. Bukod sa palay,

dinagdagan nila ang kanilang

mga tanim ng mga halamang

ugat at ilang gulay. Sa

panahong ito, binigyan muna

sila ng mga kasama ng pambili

ng bigas bilang tulong, para

may makain sila habang nagpu-

6 ANG BAYAN Enero 21, 2014

pundar ng sakahan.

Dumaan sa ilang pagsubok

ang pagbubuo rito ng ESKP. Katatanim

pa lamang nila ng palay

noong Nobyembre 2012 nang

dumating ang malalakas na ulan

at bumayo ang bagyong Pablo.

Nangabulok ang kanilang mga

kamote, na siya sanang inaasahan

nila habang hinihintay ang

pag-ani ng palay at mais. Ang

mais na naani na nila dati ang

kinain nila sa buong tag-ulan

hanggang Enero 2013. Dahil dito,

nagpasya silang magtanim

palagi ng mais para maipondo

ito sa tag-ulan.

Samantala, unti-unti nang

nabago ng pagpupundar ng ES-

KP ang tanawin sa purok. Sa gitna

ng kagubatan ay nagkaroon

na ng malalawak na sakahan na

puno ng mga luntian at bagong

sibol na mga dahon ng kanilang

mga pananim.

Hindi lamang sa sakahan

nagbunga ang mga punla ng rebolusyon.

Lumitaw mula sa hanay

ng mga magsasaka ang mga

abanteng lider at aktibista na

napanday sa pagpapaunlad ng

ESKP. Hindi nagtagal ay nabuo

ang mga organisasyong masa ng

mga magsasaka, kabataan at

kababaihan, ang milisyang bayan

at sangay ng Partido.

Abril 2013, matapos anihin

ang palay ay tinasa ang takbo

ng unang pagpapatupad ng ES-

KP. Tinukoy ang mga pagkukulang

nito. Una, ang layo ng kanilang

mga sakahan ay halos

tig-isang oras kaya limang oras

na lamang ang nailalaan sa

pagtatrabaho. Ikalawa, maliit

pa ang kanilang ani. Ikatlo, nakatali

pa ito sa lumang paraan

na sa bawat tagtanim ng palay

lang naghahawan ng gubat para

may matamnan. Madali itong

makaubos ng gubat. Ikaapat,

paghahasik pa (broadcast method)

ang paraan ng pagtatanim

ng palay. Mas nakakasayang ito

ng binhi. Ipinaunawa ito sa mga

magsasaka at ginawan ito ng

mga hakbang.

Ang resulta, sa sumunod na

tag-ani ay umabot sa kabuuang

100 sako ang naani, mula sa limang

sakong binhi ng palay na

naitanim noong Nobyembre

2012.

Gayunpaman, maliit pa ang

ani, at makasasapat lamang para

sa 30 araw na konsumo. Ito

ay dahil makikitid pa ang mga

sakahan. Nagpasya silang palawakin

pa ang kanilang mga taniman

tungong 30-40 ektarya, na

tatamnan di lamang ng palay at

mais, kundi ng kamote, iba pang

halamang ugat, prutas at mga

gulay. Nataya nila na sosobra na

sa konsumo ng purok ang susunod

na ani.

Natasa rin nila na ang susi

sa masaganang ani ay epektibong

pamumuno, planadong

pagsasaka at palitan ng lakaspaggawa.

Kaya nang magtanim

na sila ng mais, nagbuo sila ng

dalawang grupo sa bayanihan

na kinabibilangan ng tig-12 tao.

Pinagtulungan nila ang pagbubukas

kapwa ng komunal at mga

indibidwal na sakahan.

Nang magtanim naman ng

palay pagsapit ng Oktubre 2013,

umabot sa 24 na parsela ang binuksan.

May hiwalay pang komunal

na palayan ang kabataan.

Patuloy ding pinalaki ang kamotehan,

na natamnan ng 9,100

puno. Binigyan ng partikular na

diin ang kamote dahil makatatagal

ito nang hanggang dalawang

taon nang hindi gaanong kailangang

alagaan. Mahalaga ito

dahil sa posibilidad ng mababangis

na operasyong militar na

maaaring magtaboy sa kanila

pansamantala sa kanilang mga

komunidad. Sa anu't anuman,

may makakain pa rin silang kamote

pagbalik nila, kahit maging

kaswalti ng militarisasyon ang

iba pa nilang pananim.

Kasabay ng paglulunsad ng

ikalawang round ng ESKP, naglunsad

din ng kampanya sa kultura.

Binigyan ng Batayang

Oryentasyon sa Arte at Literatura

ang mga kabataan. Matapos

ang pag-aaral, nagtanghal

sila at ang ESKP mismo ang naging

laman ng kanilang mga

pagtatanghal. Lubos na ikinatuwa

ng kanilang mga magulang

ang sigla at husay na ipinakita

ng kabataan.

Kapansin-pansin na ang naging

pag-unlad ng pamumuhay

ng masa sa purok mula nang

ipundar dito ang ESKP. Mayroon

na silang siguradong mapagkukunan

ng pagkain, at dahil dito'y

malulusog na ang kanilang pangangatawan

at nabawasan na

ang kanilang pagkakasakit.

Dahil sa kanilang tulungan,

mas madali na nilang natatapos

ang paghahanda ng kanilang

mga sakahan at nakapaglalaan

na sila ng panahon para sa kanilang

mga gawain sa pulitika. Nagagawa

nilang magpulong at

magdaos ng mga aktibidad

pangkultura bawat linggo. Kapag

may pagkilos ang kaaway,

awtomatiko nang nagpapatrulya

ang milisyang bayan sa paligid.

Nakapaglalaan na sila ng panahon

sa paghahakot ng suplay

para sa Hukbo.

Makikita sa karanasang ito

na epektibong paraan ang ESKP

para mabilis na makapagbuo at

makapagkonsolida ng mga

rebolusyonaryong base sa kabundukan.

Ang ESKP ang nagsilbing

paraan di lamang para mapaunlad

ang kabuhayan ng masa

rito, kundi para mapaunlad din

ang kanilang kamulatang pampulitika.

Mula sa pagiging atrasado,

kumprehensibo nitong naitatransporma

ang mga komunidad

sa kabundukan para maging

mga relatibong abanteng base

ng rebolusyon. Binibigyan nito

ng mahigpit na dahilan ang masa

para kumilos at ipagtanggol

kapwa ang kanilang kagalingan

at ang rebolusyon. ~

ANG BAYAN Enero 21, 2014

7

Platung pamproduksyon, katuwang

sa pagtatayo ng mga baseng gerilya

Sa isang subrehiyon sa Southern Mindanao, isa sa mga makinaryang

ginamit sa pagtatayo at pagpapasigla sa baseng gerilya o

bager ay ang platung pamproduksyon. Isa itong espesyal na

platun ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na may partikular na papel

sa pagtitiyak na naipatutupad ang mga plano sa produksyon ng mga

komiteng rebolusyonaryo sa baryo (KRB) at mga ganap na samahang

masa.

Binubuo ang platung pamproduksyon

ng mga pultaym na

kasapi ng BHB. Karamihan sa

kanila'y nagmula sa milisyang

bayan at sangay ng Partido sa

lokalidad. Bukod sa baril, lagi

rin nilang dala ang kanilang lagaraw

(karaniwang kagamitan

ng magsasaka sa paghawan sa

kabukiran), bilang pangalawang

armas. Tumutulong sila sa pagpupundar

ng mga komunal na

taniman at pagsusulong ng palitan

ng paggawa. Aktibo rin nilang

ineengganyo ang mga komunidad

na magkaroon ng gulayan

sa bakuran ng bawat bahay.

Sa loob ng anim na buwan

mula nang mabuo ang platun,

nakapagsagawa na ito ng isang

modelong bukid o demonstration

farm na umaabot sa anim

na ektarya. Ang demonstration

farm ay proyektong taniman para

sa komunidad kung saan ipinakikita

ang progresibong paraan

ng pagtatanim, tulad ng multi-cropping

(o pagtatanim ng

iba't ibang pananim) at organic

farming (o paggamit ng mga natural

na pataba sa lupa). Nakapagbungkal

ng umaabot sa 20

ektarya na tinamnan ng saging,

pinya, mais, kamote, kamotengkahoy

at mga bungang-kahoy

tulad ng durian, mangosteen,

marang, at iba pa.

Umabot sa 130 ang lumahok

sa pagpupundar ng unang modelong

bukid. Nakapagsasagawa

rin ng pag-aalaga ng hayop

sa mga komunal na bukid.

Matapos mabungkal at matamnan,

ang demo farm ay

ipinapapangasiwa ng platun sa

Pambansang Katipunan ng Magbubukid

(PKM).

Ang platun pamproduksyon

ay ginagamit ding bisig ng

rebolusyonaryong gubyerno sa

pagbibigay-serbisyo sa masa,

tulad ng pagtatayo ng mga eskwelahan.

Malaki ang naging

bahagi nila sa pagpapasigla ng

mga samahang masa sa pamamagitan

ng sustenidong aktibidad

sa produksyon, na susing

salik para sa pagsusulong ng iba

pang kampanya at sa pagtatayo

at paggana ng mga organo ng

kapangyarihang pampulitika.

Gayunman, hindi nangangahulugan

na ang platun sa produksyon

lamang ang lumalahok

sa produksyon. Naging kagawian

na rin sa buong rehiyon

ang sadyang paglalaan ng panahon

para sa paglahok sa produksyon

ng lahat ng iba pang

platun ng BHB. Panuntunan nila

na sa bawat lugar na binabasehan,

laging nagbubukas ng mga

taniman. Sa panahon ng mga

aktibidad tulad ng malalaking

pagtitipon para sa konsolidasyon,

naglalaan ng 30 minuto

kada araw para sa produksyon.

Ang kaibhan nga lang ng production

platoon, partikular na

diin ng trabaho nito ang pagtitiyak

sa sustenidong gawaing

produksyon.

Sa kabilang banda, hindi limitado

sa gawaing produksyon

ang platung pamproduksyon.

Pana-panahon ay naglulunsad

din ito ng mga taktikal na opensiba.

Nagpopropaganda rin ito

laluna sa pagpapasapol ng pagtatayo

ng ekonomyang nakakasapat

sa sariling pangangailangan

at pagpapaunlad ng gawaing

pang-ekonomya para sa digmang

bayan, bilang balangkas

ng kasalukuyang gawaingpang-ekonomya

ng demokratikong

gubyernong bayan. Nagbibigay

din ito ng mga pag-aaral.

Buhay ang gawain sa ideolohiya,

pulitika at organisasyon sa

loob ng platun at masigla ang

pamumuno ng sangay. Saanman

sila dalhin ng gawain, laging

may iniiwan silang mga butil na

itinanim. ~

8 ANG BAYAN Enero 21, 2014

Kasigasigan ng kabataan,

ambag sa rebolusyon

Dalawamput limang kasapi ng grupong pangkultura ng Kabataang

Makabayan ang nagtanghal sa ika-45 anibersaryo ng

PKP sa isang subrehiyon ng SMR. Naipamalas nila ang kasigasigan,

liksi at talino ng kabataan sa kanilang mga palabas. Malinaw

nilang naihatid ang mga mensahe ng rebolusyon sa kanilang mga dula,

awit at sayaw. Naaaninag sa kanilang mga galaw ang masiglang

hinaharap ng rebolusyon.

Naitayo noong kalagitnaan

ng 2013 ang kanilang grupo na

binubuo ng mga kabataang 15-

22 taong gulang. Abalang-abala

sila ngayon sa pagtatanghal sa

iba't ibang lugar. Boluntaryo

ang pagsapi nila sa grupo at

may basbas ng kanilang mga

magulang na karaniwa'y mga

myembro ng mga rebolusyonaryong

organisasyong masa.

Bukod sa pagtatanghal sa

mga paaralan, plasa at mga lugar

ng ebakwasyon, nagbibigay

din sila ng pag-aaral sa Pambansang

Demokratikong Paaralan

o PADEPA.

Hindi lamang lektura ang

kanilang paraan sa pagbibigay

ng pag-aaral. Nagpapalabas sila

ng mga dula, tumutula at

umaawit upang lalo

pang magagap ng mga

mag-aaral ang nilalaman

ng paksa na kanilang

tinatalakay. Napakaepektibo

nito lalo

na sa mga magsasakang

mag-aaral

na hindi marunong

o nahihirapang bumasa

at sumulat.

Napapabilis din

ang takbo ng pagaaral.

Ang mga paksang

mahahaba kung

lektura lamang ang pamamaraan

ng pagbibigay

ay napapaiksi kapag

dinadagdagan ito ng

paliwanag sa anyo

ng dula, awit at tula. Malaking

tulong din ang ganitong paraan

ng pag-aaral lalo na sa masang

Lumad dahil ang kahirapan sa

usapin ng lenggwahe ay nalulutas

sa pamamagitan ng simpleng

dula o palabas. Halimbawa

nito ang pagsasadula ng kasaysayan

ng rebolusyong Pilipino

o pagsasabuhay ng mga karanasan

ng pang-aabuso ng militar

at dayuhang malalaking

plantasyon at minahan sa karapatang-tao.

Mula sa kanilang pagkamulat

hanggang sa kanilang pagbibigay

ng pag-aaral at pagsasakatuparan

ng gawaing kultural

ay nahahasa ang kanilang

mga kakayahan

at talento para sa rebolusyon.

Lumilitaw ang mga lider, ang

mga potensyal na kadre,

instruktor at mandirigma. Dahil

sa gayong panimulang pagpapanday,

nakakagampan na

sila ng maraming gawain sa rebolusyon

bago pa man nila abutin

ang minimum na edad ng 18

anyos para maging mga Pulang

mandirigma. Sa pagtuntong nila

ng gayong edad ay marami

na silang natututunan at nadaragdag

sa kanilang mga kakayahan.

Handa na silang ibayo

pa itong pagyamanin sa teatro

naman ng digma.

Karaniwang suliraning kanilang

kinakaharap ang mga

usaping likas sa kabataan.

“Syempre, nangungulila kami

minsan sa aming mga magulang

at mga kapatid. Natural lang

ito sa pakikibaka. Paminsanminsan

may hatak pa rin ang

bulok na kultura, pero kinakaya

namin 'tong pangibabawan para

sa masa,” paliwanag ni Ron,

15-taong gulang na lider. “Pagtuntong

ko ng 18 anyos, susunod

na ako kay Ate sa Pulang

hukbo,” dagdag ni Khan, 17-

taong gulang. ~

ANG BAYAN Enero 21, 2014

9

6 sundalo napatay, 12 nasugatan

sa Agusan del Sur

Anim na tropa ng 26th IB ang napatay at 12 ang nasugatan sa

magkasunod na taktikal na opensibang inilunsad sa San Luis,

Agusan del Sur ng mga Pulang mandirigma ng Western Agusan

del Norte-Agusan del Sur Subregional Command ng Bagong Hukbong

Bayan (BHB) noong Enero 8 at 9. Walang kaswalti sa panig ng BHB.

Lima ang nasugatan sa mga

tropa ng 26th IB nang harasin

sila ng mga gerilya habang paahon

sa bangin sa gilid ng Mahaba

River sa Km. 27, Side 2, Barangay

Mahayahay, ganap na

alas-11:35 ng umaga noong

Enero 8. Kinabukasan, anim na

sundalo ng naturang batalyon

ang napatay at pito pa ang nasugatan

nang paulanan ng bala

ng isang tim ng BHB ang bandang

likuran ng sinasakyan nitong

siksbay habang bumibyahe

ito sa lubak-lubak na daan bandang

alas-2 ng madaling araw

sa Km. 5, Barangay Balit.

Matapos ang matagumpay

na pagdaraos ng rebolusyonaryong

kilusan sa pinakamalaking

pagdiriwang sa Mindanao ng

ika-45 anibersaryo ng muling

pagkakatatag ng Partido Komunista

sa Pilipinas sa bayan ng

San Luis, agad na ginalugad ng

mga tropa ng 26th IB ang mga

liblib na barangay dito sa kabila

ng idineklarang Suspension

of Military Operations (SOMO)

ng AFP na nagsimula noong

Disyembre 21 at matatapos pa

sa Enero 15. Nagtayo ng tsekpoynt

ang 26th IB malapit sa

kanilang kampo sa bayan ng

Talacogon, karatig bayan ng

San Luis, kung saan mahigit dalawang

linggong pinahirapan

nito ang paghahanda ng mga

residente sa pagsalubong sa

Bagong Taon at nilabag ang kanilang

karapatan sa malayang

pagkilos.

Ang mga sundalong hinaras

ng mga gerilya sa dalawang

magkahiwalay na lugar ay isang

linggo nang nag-ooperasyon at

pagod at pauwi na sa kanilang

kampo. Noong Enero 2 pa pumasok

sa mga barangay ng San Luis

ang 110 sundalo na hinati sa

dalawang kolum. Ang 68 na mga

tropa ay pumasok sa Barangay

San Pedro at ang 42 iba pa ay

pumasok sa Km. 21 sa Barangay

Don Alejandro.

Sa kabila ng ipinagyabang na

SOMO ng AFP, walang tigil ang

operasyong kombat ng militar sa

San Luis, Agusan del Sur, San

Fernando at Impasug-ong sa

Bukidnon at Gingoog, Claveria

at Binuangan sa Misamis Oriental.

Sa gitna ng salanta, patuloy ang panunupil ng AFP

sa Samar

Walang tigil ang kampanyang panunupil at mga opensibong operasyon

ng AFP laban sa mamamayan at hukbong bayan sa Samar

na nagsasagawa ng relief operations sa pinakaapektadong mga

lugar sa isla. Noong Disyembre 11 at 12, sinalakay ng mga pwersa ng

8th ID ang mga pwersa ng BHB sa Oras, Eastern Samar. Sa aktibong

depensa ng BHB, lima ang napatay at apat ang nasugatan sa militar.

Noong Nobyembre 25, sinalakay

ng 87th IB ang isang kampo

ng BHB sa Barangay Calundan,

San Jorge, Samar. Dinakip

at sinampahan ng gawa-gawang

kaso ang mag-asawang Renato

Baleros at Vangie Colinayo, mga

kasamang nagkokoordina ng relief

and rehabilitation operations

sa lugar. Bago ito, inaresto

noong Nobyembre 21 at sinampahan

din ng gawa-gawang kaso

ng mga ahente ng militar si Romulo

Grabillo, 40 anyos na Pulang

mandirigma, sa Barangay

Tag-alang, Marabut, Samar. Dinadalaw

noon ni Grabillo ang kanyang

pamilya na kabilang sa

mga grabeng nabiktima ng bagyong

Yolanda.

Samantala, nagsasagawa ng

operasyong saywar ang AFP sa

Leyte para pagmukhaing mga

terorista ang BHB sa gitna ng

laganap na kalamidad. Isang

gawa-gawang labanan ang inilunsad

ng mga tropa ng 19th IB

sa pagitan ng Barangay Mahayag

at Libertad sa Ormoc City

noong Disyembre 27 na pinalabas

na pananalakay ito ng BHB

sa panahon ng itinakdang tigilputukan

ng mga rebolusyonaryong

pwersa sa Eastern Visayas.

Inianunsyo na ng PKP-EV

noong Enero 15 ang pagtatapos

ng dalawang buwang unilateral

na tigil-putukan ng BHB sa rehiyon.

10 ANG BAYAN Enero 21, 2014

Para sa mga biktima ng Yolanda:

Puno na ang salop!

Puno na ang salop para sa daan-daang libong mga biktima ng

superbagyong Yolanda makaraan ang dalawang buwang pagtitimpi

sa harap ng lubhang napakabagal, walang sistema at batbat

sa katiwaliang relief and rehabilitation program ng gubyernong

Aquino.

Iginiit ng mga biktima ng Yolanda

sa kanilang petisyon sa

gubyernong Aquino nitong Enero

14 ang kagyat na tulong pinansyal

na `40,000 para sa bawat

apektadong pamilya. Anila, lubha

silang nangangailangan ng

tulong kaya dapat ilabas na ang

pondo bago pa man ang Pebrero

14. Nilagdaan ito ng mahigit

10,000 mga biktima na nagbuklod

sa “Alyansa han mga Biktima

han Bagyo Yolanda ha Tacloban”

(ABBAT) o Alliance of

Typhoon Yolanda's Victims in

Tacloban.

Ilang araw bago ito, naglunsad

ng mga kilos-protesta noong

Enero 8 ang mga kasapi ng Kalipunan

ng Damayang Mahihirap

(KADAMAY) sa Quezon City,

Iloilo City, Roxas City at Kalibo

sa Aklan upang singilin ang rehimeng

Aquino sa ipinangako nitong

ayuda sa mga biktima ng

Yolanda.

Ayon sa upisyal na tala

noong Enero 7 ng National Disaster

Risk Reduction and Management

Council, hindi bababa

sa 6,201 tao ang namatay,

1,785 ang nawawala at 28,628

ang nasugatan. Mga 16 na milyong

tao ang naapektuhan sa

591 bayan at 57 syudad sa 44

na prubinsya, at kalahati sa bilang

ng mahigit 8,000 pinangangambahang

namatay ay sa

Leyte.

Inireklamo ng mga biktima

na hirap na hirap na sila mula

nang humagupit ang bagyong

Yolanda sa bansa noong Nobyembre

8. Wala silang bahay,

walang trabaho, nagugutom at

maysakit. Hindi pa rin nakakabalik

sa paaralan ang kanilang

mga anak.

Alam nilang may pondo para

sa mga biktima pero hindi nila

alam kung saan patutungo ang

programa ng gubyerno para sa

rehabilitasyon.

Ayon kay Patrick Escalona,

isa sa mga namumuno ng AB-

BAT, ang hinihiling nilang pondo

ay halos magkakasya lamang sa

loob ng dalawang buwan para sa

damit, bahay, transportasyon,

gastos medikal, edukasyon at

iba pa ng isang pamilyang may

anim katao. Pero dahil walang

kontrol ang gubyerno sa presyo

(50 hanggang 100% ang itinaas

ng mga batayang bilihin sa

Tacloban), ang `40,000 kagyat

na tulong ay halos magkakasya

lamang sa isang buwan.

Kinundena ng mga biktima

ang mabagal at walang

sistemang pagpapadala

ng mga pagkain at

“shelter relief kits.”

Libu-libong pamilya pa

rin ang walang matinong

masilungan dahil wala

silang pondong pambili

ng materyales upang

muling maitayo ang nangawasak

nilang mga bahay.

Tinutulan din nila ang pagbabawal

ng gubyernong Aquino

sa mga residente na bumalik sa

dati nilang mga tirahan malapit

sa baybaying dagat.

Noong Enero 8 naglunsad din

ng rali ang KADAMAY sa Times

St. Quezon City sa tapat ng bahay

ng pamilyang Aquino.

Sa Iloilo City, tinukoy ni

Maura Abellon, tagapangulo ng

KADAMAY-Panay-Guimaras

Chapter na pawang nagmula sa

mga pribado at dayuhang organisasyon

ang ayudang ibinigay sa

mga mangingisda at daan-daang

libong nawalan ng bahay sa

Panay. Hindi pa rin naibibigay

ang ipinangakong `10,000

hanggang `30,000 kada pamilya

para sa housing assistance, reklamo

nila.

Samantala, sinuportahan ng

Partido Komunista ng Pilipinas

(PKP) ang apela ng sambayanang

Pilipino sa mga

dayuhang gubyerno at sa mga

internasyunal na ahensyang

panaklolo at pampinansya na

nais tumulong sa milyun-milyong

biktima ng superbagyong

Yolanda at iba pang kalamidad

sa bansa na huwag idaan ang

kanilang ayuda sa gubyernong

Aquino. Sa halip, direkta na

silang makipagtulungan sa mga

organisasyong nagsasagawa ng

gawaing rehabilitasyon sa mga

lugar mismo.

Kamakailan, natuklasan ng

mga ahensyang internasyunal

na ang mga bunkhouse (bahay

tulugan) na itinatayo ng rehim

e n g

Aquino

ay mahihina

at

overpriced.

ANG BAYAN Enero 21, 2014

11

Taas-singil sa SSS

at Philhealth, tinutulan

Nagpetisyon ang Kilusang Mayo Uno

(KMU) sa Korte Suprema noong Enero

10 para sa Temporary Restraining Order

(TRO) para pigilan ang pagpapatupad ng

dagdag-singil ng Social Security System

(SSS) sa mga myembro nito ngayong taon.

Nagprotesta rin ang KMU-Southern Mindanao

sa upisina ng SSS sa Davao City noong

Enero 8.

Nais pigilan ng KMU ang 0.6% pagtaas sa

kontribusyon ng SSS, na mangangahulugan

ng kontribusyong `25 o mahigit pa bawat buwan

para sa mga manggagawang tumatanggap

lamang ng minimum na sahod. Apektado

rito ang 30 milyon myembro ng SSS at

871,642 employer. Anang KMU, dagdag-pasakit

ito ng rehimeng Aquino sa mga manggagawa

para pigain sila at punuin ang bulsa ng

mga kapitalista at burukrata. Idinagdag ng

KMU na hindi na sana kailangang magtaas ng

singil ang SSS dahil napakalaki na ng pondo

nito at nakinabang lamang sa malalaking bonus

ang ilang upisyal nito sa mga nakalipas

na taon.

Binatikos din ng KMU ang rehimen dahil

hinahayaan nito ang pagtaas sa kabila ng

mga protesta ng mamamayan laban sa pagtaas

ng mga bilihin at serbisyo.

Samantala, nagprotesta ang mga migranteng

manggagawa sa konsulada sa Hongkong

noong Enero 5 para tutulan ang planong pagtaas

ng kontribusyon ng Philippine Health Insurance

Corporation (Philhealth). Sinabi ng

Migrante-Hongkong na iligal ang 100% pagtaas

ng kontribusyon sa premium ng Philhealth

dahil walang ibinigay na kautusan ang

Philippine Overseas Employment Administration

para mangolekta ng kontribusyon sa mga

OFW. Sa halip, anila, na magpataw ng dagdagdag-singil

ay taasan sana ng gubyerno

ang badyet nito para sa kalusugan at iba

pang batayang serbisyo, pahayag ng Migrante-Hongkong.

Itataas ng Philhealth ang singil ng kanilang

premium sa mga OFW mula `1,200 tungong

`2,400 ngayong taon. Nauna na itong

tumaas noong 2012 mula `900 tungong

`1,200. Nagpahayag naman ang mga migrante

sa United Arab Emirates na magsasagawa

sila ng kaparehong pagkilos laban sa

dagdag-singil. ~

Magsasaka, napatay

sa pamamaril sa Pampanga

Panibagong pandarahas ang nangyari sa Hacienda

Dolores sa Porac, Pampanga kung saan nakitil ang

buhay ng isang magsasaka. Sa Valenzuela City, isang

organisador ng mga mamamalakaya na nagpapagamot

dahil sa malubha niyang sakit ang iligal na inaresto kasama

ang kanyang asawa.

Pampanga. Napatay noong Enero 13 si Arman Padino,

33 ayos, isang araw makaraang pagbabarilin siya

at dalawang iba pa ng mga gwardya at armadong

goons ng Leonardo-Lachenal Holdings Inc. (LHI) sa

Barangay Hacienda Dolores sa Porac. Naganap ang

madugong insidente noong umaga ng Enero 12 habang

patungo sa kanilang sakahan sina Padino at magamang

Noel at Reynold Tumali. Si Padino ay may tama

ng bala ng kal .45 sa ulo. Malubha namang nasugatan

ang mag-amang Tumali, parehong mga kasapi ng

Aniban ng Nagkakaisang Mamamayan sa Hacienda

Dolores (Aniban).

Inaresto naman ng mga pulis si Antonio Tolentino,

tserman ng Barangay Hacienda Dolores. Nakakulong

pa rin siya sa himpilan ng pulisya sa Porac.

Nilalabanan ng halos isang libong pamilya ang pagpapalayas

sa kanila sa asyendang binubungkal na ng

kanilang mga ninuno mula pa noong 1835.

Dahil dito, may padron ng sunud-sunod na pamamaril

at panggigipit sa asyenda noon pang nakaraang

buwan na bumiktima na ng tatlo pang magsasaka.

Noong Enero 8, inaresto ng mga pulis si Ener Tolentino

habang papunta siya sa kanyang bukirin. Noong

Disyembre 6, nasugatan si Jessel Orgas nang hagisan

ng granada ang kanyang bahay. Nakaligtas naman sa

tangkang pang-aatake ng mga armadong kalalakihan

si Modesto Posadas.

Marami nang umaangkin sa Hacienda Dolores. Noong

panahon ng diktadurang Marcos, inangkin ito ng

pamilyang Puyat; noong 1999, ng pamilyang Dayrit; ng

LHI noong 2005 (298 ektarya); ng FL Property Management

Corp. (456 ektarya); at Ayala Land (1,000

ektarya).

Valenzuela City. Iligal na inaresto noong gabi ng

Enero 9 ang mag-asawang sina Joel Almonte, 56

anyos, at Gloria Pritargue Almonte, 52 anyos. Pwersahan

silang kinuha sa inuuwian nilang apartment ng

mga elemento ng PNP-Intelligence Group.

Ang mag-asawang Almonte ay mga aktibista at organisador

sa hanay ng mga mamamalakaya sa Laguna.

Pansamantala silang umuuwi sa Valenzuela para ipagamot

si Almonte, na hirap nang maglakad dahil sa

mga kumplikasyon ng diabetes. Kasalukuyang nakadetine

ang mag-asawa sa Camp Vicente Lim sa Canlubang,

Laguna. ~

12 ANG BAYAN Enero 21, 2014

ANG

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo XLV Blg. 2

Enero 21, 2014

www.philippinerevolution.net

Editoryal

Ibasura ang EPIRA at wakasan

ang rehimeng pahirap sa bayan

Ang tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng kuryente ay lalo pang

nagpapabigat sa labis nang hirap na kalagayan ng mayorya ng

mamamayang Pilipino. Mula noong Disyembre, ipinataw ng

iba't ibang mga kumpanya sa kuryente ang malaking dagdag sa singil

sa kuryente na labis na ikinagalit ng mamamayan.

Pansamantala mang iniatras

ang pagpapatupad ng malaking

dagdag na singil sa bisa ng kautusan

ng Korte Suprema,

nananatiling banta sa kabuhayan

ng mamamayan ang pagpapataw

ng malaking dagdag na

bayarin, hindi lamang sa kagyat,

kundi maging sa malayo pang

hinaharap. Habang umiiral ang

batas na Electric Power Industry

Reform Act (EPIRA), palagi

na lamang pahihirapan ang

mamamayan ng magkakakutsabang

malalaking burgesya kumprador

na kumokontrol sa

produksyon, transmisyon at

distribusyon ng kuryente.

Nagkakaisa ang sigaw ng

masang anakpawis: Ibasura

ang EPIRA! Sa mahigit isang

dekada ng pribatisasyon sa

ilalim ng EPIRA, lalong nalugmok

ang sambayanang Pilipino

sa walang awat na

pagtaas ng presyo ng kuryente.

Ang pagsirit ng presyo

ng kuryente ay bunga ng

patakaran ng liberalisasyon

na itinataguyod ng EPIRA.

Mula nang ipatupad ang

EPIRA, wala nang awat ang

pagtaas ng singil sa kuryente.

Noong 2001, ang singil ng

Meralco ay `4.87 kada kilowatt

hour (kwh). Pagsapit ng 2011,

lagpas doble na ang itinaas nito

(`10.35/kwh). Kung matutuloy,

ang planong `4.15/kwh na pagtaas

ng singil sa kuryente noong

Disyembre ay magreresulta

sa `900/buwan na karagdagang

singil para sa pinakamabababang

saray ng konsyumer

ng kuryente.

Ang singil sa kuryente sa

Pilipinas ay kabilang sa sampung

pinakamatataas sa buong

mundo.

Sa panahong ito, ginamit ang

EPIRA upang bigyang-matwid

ang pagpapakainutil ng reaksyunaryong

gubyerno at ang pagtanggi

nitong gumawa ng hakbangin

upang ipagtanggol ang interes

ng mamamayan laban sa

Meralco at iba pang hayok sa tubong

kumpanya sa kuryente.

"Wala kaming magagawa" ang

paboritong linya ng mga upisyal

ni Aquino tuwing umaangal ang

publiko sa mga petisyon ng Meralco

para magtaas ng

singil.

Sa ilalim ng EPI-

RA, pinagbabawalan

ang gubyerno na mamuhunan

sa pagpo-

Mga tuntunin sa paglilimbag

1. Ang sinundang pahina, na eksaktong kopya ng pahina 1 maliban sa mas

mapusyaw ang masthead o logo ay para sa mga gumagamit ng mimeo machine o

naglilimbag sa paraang v-type. Idinisenyo ito para hindi madaling makasira ng istensil.

2. Pag-print sa istensil:

a) Sa print dialog, i-check ang Print as image

b) Alisin ang check sa Shrink oversized pages to paper size

k) I-click ang Properties

d) I-click ang Advanced

e) Tiyaking naka-set sa 100% ang Scaling

d) Ituloy ang pag-print

3. Hinihikayat ang mga kasama na ipaabot sa patnugutan ng AB ang anumang

problema kaugnay ng paglilimbag sa pamamagitan ng v-type. Magpadala ng email sa

angbayan@yahoo.com

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!