28.01.2015 Views

Assessment

Assessment

Assessment

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

HOW IS MY CHILD DOING A Parent’s Guide to Assessment

TAGALOG

progreso ng estudyante, paggawa ng

akmang balangkas ng pag-aaral, at

pagtitipon ng mga bagay-bagay upang

mapagpasiyahan kung kailangan pa ang

masidhing dagdag na paghahalaga.

Ano ang pagkakaiba ng paghahalaga at

pagsusuri

Ang paghahalaga at pagsusuri ay may

kaugnayan, nguni’t may magkaibang mga

pamamaraan. Ang Paghahalaga ay paraan

ng pagtipon ng mga bagay-bagay; ang

Pagsusuri ay paraan ng pagbuo ng pasiya

batay sa nasabing mga bagay-bagay. Ang

Paghahalaga ay isang mapaglayong

(objective) paraan na itinalaga upang

ipaliwanag ang sitwasyon nang hindi

nanghuhusga. Ang Pagsusuri ay higit na

sabdiyekteb sa dahilang ang hinalagahang

mga bagay-bagay ay pinagpapasiyahan

ayon sa mga pamantayan. Ang mga

pagpapasiyang ito ay nakalarawan sa

sistema ng pag-uulat (reporting process),

maging sa pagpapaliwanag kung ano ang

kalagayan ng estudyante batay sa mga

hangarin o kaya’y sa letrang grado (letter

grade).

Ano ang pagkakaiba ng mga marka at

mga grado

Ang marka ay ang “puntos” (numero o letra)

na ibinibigay sa isang iksamen o pagganap.

Ang grado ay ang letrang iniuulat sa

katapusan ng nakatakdang panahon

bilang kabuuang pahayag ng pagganap

(performance) ng estudyante. Ang mga

marka at mga grado ay dapat pagpasiyahan

batay sa kriteryang pinili mula sa mga

dokumento ng kurikulum ng BC. Mula sa

mga gradong 4 – 9, ang letrang grado ay

isang pagsusuri batay sa hanay ng mga

nakalarawang mga paghahalaga mula sa

iba’t ibang pinagmulan na nagpapahiwatig

ng kalagayan ng estudyante ayon sa mga

nakatalagang kriterya at mga saligan. Hindi

maaaring ibatay ito sa karaniwang

porsiyento ng mga marka mula sa mga

araling-bahay at mga iksamen.

Ano ang Tinatawag na “Criterion- Based

Assessment”

Ang “Criterion- Based Assessment” o

paghahalagang batay sa kriteryon ay

nagpapaliwanag kung ano ang lagay ng

inyong anak sa paggawa batay sa mga

resulta sa pag-aaral na itinalaga ng mga

dokumento sa kurikulum ng BC. Ang

kriterya sa paghahalaga ng proyekto o

takdang-aralin ay ipinaaalam sa estudyante

sa una pa lamang. Kapag alam ng mga

estudyante ang mga hangarin ng kurikulum,

maaari silang makagawa ng malinaw na

mga adhikain sa buhay.

Ano ang mga Sukatan ng Pagganap

(Performance Standards)

Sa pangkalahatan, ang tinatawag na

sukatan ng pagganap ay nagpapaliwanag

kung gaano kagaling ang mga estudyante

sa mga bagay na pangkaisipan, pangakademya,

at panglipunan. Ang Sukatan

ng Pagganap ng BC ay tiyakang

nagpapaliwanag ng mga hangaring

panlalawigan sa pagbasa, pagsulat,

pagbilang, at responsibilidad na panlipunan.

Ang mga sukatan ay batay sa hinalagahang

pagganap na kung saan ang mga

estudyante ay hinihimok na gamitin ang

mga kasanayan at mga kaalamang

natutuhan nila upang hustuhin ang

mahihirap at makatotohanang mga gawain.

Ano ang ilang tiyakang halimbawa ng

paghahalagang batay sa klase

(classroom-based assessments)

Sa mga klase o silid-aralan, ang mga

halimbawa ng paghahalaga ay kabilang ang

mga panayam sa pagbasa, mga iksamen,

at pag-obserba sa mga estudyante habang

sila ay gumaganap ng mga gawain at

pagtala kung ano at paano nila

ginagampanan ang mga ito. Ang mga

estudyante sa gradong 4 at 7 ay may

bahagi sa “Foundation Skills Assessment”

na panlalawigan sa mga bahaging ukol sa

pagbasa, pagsulat at sa bilang. Mayroon

ding iksameng panlalawigan mula sa mga

grading 10 – 12 sa senyor sekondarya.

Ano ang aking tungkulin sa

paghahalaga Paano ako

makikipagtulungan sa guro upang

makagawa ng plano sa pag-aaral para sa

aking anak

Kapag nagdadala ng araling-bahay ang

inyong anak, pansinin at mag-ukol ng

opinyon sa mga bagay na nagagawa ng

inyong anak at isipin ang kaniyang

pagsulong o pag-unlad sa hinaharap.

Kausapin ang guro ng inyong anak tungkol

sa anumang pag-aalala o problema kung

mayroon man. Kadalasan ay ipinaliliwanag

ng mga guro ang mga impormasyon sa

paghahalaga sa mga miting ng magulang at

guro. Ang patuloy ng paghahalaga sa pagaaral

ay nakapagbibigay ng matibay na

pakikipagtulungan sa pagbuo ng mga

hangarin sa buhay ng inyong anak.

Para sa karagdagang impormasyon,

makipag-ugnayan lamang sa paaralan ng

inyong anak..

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!