You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
ABRIL 25, 2016 15

DONAIRE, TINIGBAK SI BEDAK

Ni MC

PACERS, TINABLAHAN

ANG RAPTORS, 2-2

SA EC PLAYOFFS

NAHANAP ng Indiana Pacers ang tamang timpla para

makabawi at itabla ang serye sa 2-2 sa Eastern Conference

first round playoff ng 2015-16 National Basketball Association,

(NBA) kahapon.

Binago ang lineups at humigpit ang depensa kaya

nakapuwersa ng turnovers ang Pacers at kaldagin ang Toronto

Raptors, 100-83 sa Game 4 ng kanilang best-of-seven series.

Naglagak sina George Hill at Ian Mahinmi ng tig-22 points

habang nagdagdag si Paul George ng 19 para makabawi sa

kanilang tahanan matapos ang masamang laro sa Game 3.

“This is how I wanted us to respond to the Game 3 loss,”

saad ni George. “I thought we were very attentive and focused

on evening this series up.”

Dalawang sablay lang si Hill, galing lahat sa tres habang

nagtala ng career-high scoring total si Mahinmi, ang kanyang

10 rebounds at five assists ay sa playoff career bests. “We’ve

got to learn from tonight and we’ve got to get better,” ani

Kyle Lowry. “That’s the one thing we’ve done all year is

we’ve always come back and gotten better.”

Si Jonas Valanciunas ang nanguna sa opensa para sa

Raptors na may 16 points at 6 rebounds habang may tig- 12

markers sina Lowry at DeMarre Carroll.

Fouled out si Lowry sa 4:41 minuto ng fourth habang

patuloy ang kamalasan ni DeMar DeRozan na umiskor lang

ng 8 puntos.

Samantala, nakaisa ang Charlotte Hornets matapos kalusin

ang Miami Heat 96-80. Sa Charlotte ilalaro ang Game 4 kaya

homecourt advantage pa rin ng Hornets at puwede nilang

itabla ang serye sa 2-2. (ATD)

SI Mark Bacojo na dating nagkampeon sa

nakaraang 2016 Grand Finals National Age

Group Chess Championships sa MMSU CTEX

BLDG Laoag City, Ilocos Norte ay muling

sumusulong kontra Joshua Orense para sa National

Juniors Chess Championships sa PSC

Athletes dining Hall, Rizal Memorial Sports Complex.

(Reymundo Nillama)

FRAMPTON AT RIGO, HINAHAMON

TATLONG rounds lang ang kailangan ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire upang mapabagsak si Hungarian challenger Zsolt

“Mr.Left Hook” Bedak at mapanatili ang kanyang WBO World Super Bantamweight championship, Sabado ng gabi sa Cebu City Sports

Complex.

Matapos ang patas na

bakbakan sa first round,

magandang pacing ang

nakuha sa 2 nd round ni Donaire,

pinabagsak si Bedak

sa kalagitnaan ng second

round. Isang left hook sa baba

ni Mr. Left Hook ang

pinadapo ng Fil-Am para

bumagsak uli ilang segundo

bago kumulapso ang 2 nd

round. Sa huling bahagi ng

3 rd round, bumagsak uli si

Bedak kaya nagpasya na ang

referee na tapusin na ang sagupaan

na ikinagalak ng buong

sambayanang Cebuano at ng

mga manonood sa buong

bansa.

Naitala ang official stoppage

sa 2:44 minuto ng 3 rd

round at maituturing na isa

itong matagumpay na unang

pagdepensa sa titulo ni Filipino

Flash. “Sabi ni Dad,

dapat under six rounds,”

saad ni Donaire matapos ang

laban. “Magagawan natin

ng paraan ‘yan, sabi ko,”

dagdag ng natutuwang

kampeon.

Nang tanungin hinggil sa

susunod niyang plano sinabi

ni Donaire na handa siya kahit

kanino na muling ikasa nang

upakan, maging kay Carl

Frampton man o rematch

kay Guillermo Rigondeaux.

Sa iba pang laban, nasuri

nang husto ang batang career

ni ALA boxing prodigy

Mark “Magnifico” Mag-

PINUTAKTI NG LIYAMADO

HINDI lahat ng araw o gabi man ay magiging madehado

ang tema ng ating karera. Nitong Biyernes ng gabi ay pinutakti

tayo ng mga liyamadong entries na nagbigay ng dibidendong

mababa rin naman. Mabuti na lang sa unang set ng winnertake-all

ay naging P1,374 pa ang ating naging dibidendo dahil

na rin sa naging maayos ang spread ng mga parating sa ibang

karera kahit pa nadomina ng mga paborito ang winners.

Pero sa sinundang second set ng winner-take-all ay P591

na lang ito. Sa ating pick six ay mababa rin ang P137 gayundin

sa pick five na P33.20 barya at lalo na sa pick four na P7.80

super barya ang siyang premyo. Unang nagpanalo si Musketeer

sa isang three-year-old and above maiden colts.

Pumangalawa ang unang paboritong si Jacobo’s Magic bago

si All The Time at One Cup.

Sa ikalawa ay ang outstanding favorite na si Wild Wild

West na pinatungan ni F.M. Raquel Jr., ang naging bida.

Bagama’t naghangad na manalo ay nasegundo lang si Lucky

Leonoor bago sina Cat’s Regal at Director’s Gold.

Itong si A Thousand Years na unang paborito rito sa isang

summer racing festival ay nahuli na largahan. Pero sadyang

mabagal ang “pacing” ng karera kung kaya’t nakaabot kaagad

ito sa mga nauuna at siya nang nagdikta ng tiyempo hanggang

sa sapitin ang meta. Sa isang handicap-1 ay itong si B-Quick

na sinakyan ni K.B. Abobo ang nagwagi. Ang beteranong si

Kimagure ay nasegundo lang bago sina Poppy’s Diamond at

The Fountainhead. Sa likuran ng line-up nitong Biyernes ay

pawang mga paborito na ang nanalo. Itong si Kaluguran ang

nangibabaw sa handicap-6. Sinundan siya ng panalo ni Miss

Zizou, bago sina Lucky Gunner, Garlimaz at Indianpana na

nabibilang rin sa mga liyamado.

sayo upang maangkin ang

bakanteng WBO International

Featherweight Championship

laban sa dating

world title challenger na si

Chris “The Hitman” Avalos.

Sa kalagitnaan ng 6 th

round, binanatan nang husto

ni Magsayo si Avalos ng

MY TIME HAS COME! Tila wika ni Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire habang

pinatatamaan ng mga upak si Hungarian Zsolt Bedak at pabagsakin ng

tatlong beses sa bisa ng 3 rd round knockout para sa WBO World

Superbantamweight championship na idinaos sa Cebu City.

(Philboxing photo)

upak na hindi na nagawang

makaganti pa ng huli para

tapusin na ni referee Danrex

Tapdasan ang upakan.

Nanatiling walang talo sa

kanyang ika-14 na laban sa

professional career kaya

nakaabang na ngayon ang

isang world title shot sa kanya.

Maganda ring laban ang

ibinigay sa sariling bansa ni

Jason “El Niño” Pagara

upang makuha ang 10 round

decision win laban kay Mexican

Miguel “Mikol” Zamudio.

Sa co-main event, nasungkit

ni Australian Paul

“2 Gunz” Fleming ang bakanteng

WBC Continental

Americas Super Featherweight

Championship na

umiskor ng unanimous decision

laban kay Mexican

Miguel Angel “Ranita”

Gonzales. Sa iba pang laban

tinalo ni Rocky Fuentes si

Romnick Magos - Majority

Decision (78-74, 76-76, 78-

74); Jeo Santisima ginapi si

Tabthong Tor Buamas -

TKO (2:59, R1); natilad ni

Christian Bacolod si Marlou

Sandoval - TKO (1:49, R1);

pinasuko ni Virgel Vitor si

Paulo Perono - TKO (1:12,

R3); nagulpi ni Lorenz

Ladrada si Renjie Sabanal -

Unanimous Decision (39-

37, 39-37, 39-37).

12 th LEG UFCC 6-COCKER

NGAYON SA PASAY COCKPIT

PITUMPUNG matitinding duwelo ang naghihintay sa mga opisyonado sa paglalatag ng

ika-12 yugto ng 2016 UFCC Cock Circuit sa Pasay City Cockpit sa pangunguna ng 11 th Leg

solo champion na si Gerry Teves (Gerry Boy) na sisikaping makaangat pa sa labanan para sa

Cocker of the Year sa kanyang banta ng magkasunod na kampeonato.

Inaasahan si 2016 World Slasher Cup – 1 champion Sonny Lagon (Blue Blade Farm) na

muling maagaw ang number one spot sa 2016 Ultimate Fighting Cock Championship

(UFCC) Cocker of the Year mula kay Joey Delos Santos (San Roque).

Sa iskor na 40.5 puntos, nagbabanta itong biguin si Delos Santos, may iskor na 41.5

puntos, sa kampanya para sa prestihiyosong titulo. Tumatanggi ring magpahuli si Fiscal

Villanueva/Eboy (Fiscalizer) na may 38.5 puntos; Arman Santos (Jade Red), 37 puntos;

Gerry Ramos (AAO Striker), 36.5 puntos; Gerry Teves (Gerry Boy), 36 puntos; at Eddiebong

Plaza (1 st Mindanao International 7-Cock), 35.5 puntos.

(MC/Ka Lando)

BERSAMINA, NAGMARTSA SA

TOP SPOT NG NCFP JR. CHESS

PINANGUNAHAN

ni International Master

Paulo Bersamina ang

ibang seeded players

na nagmartsa sa tuktok

matapos manaig sa

round 1 ng 2016 National

Chess Federation

(NCFP) National Juniors

Boy’s (Open) Chess

Championships sa Philippine

Sports Commission

(PSC) Dining Hall

ng Rizal Memorial

Sports Complex sa

Malate, Manila noong

Sabado.

Walang kahirap-hirap

na inilista ni Bersamina

(elo 2378) ang 1 pt.

matapos hindi magpakita

ang kanyang kalaban

na si 37th seed

Eliseo Budoso habang

nanaig sina No. 3 seed

Melwyn Kenneth Baltazar,

No. 4 Jose Carlo

Castro at No. 5 Jeth Romy

Morado kina Robin

Ignacio, John Philip

Oncita at Sean Andrew

Plan ayon sa pagkakahilera.

Kasama nina Bersamina,

Baltazar, Castro at

Morado ang ibang seeded

na sina No. 8 Jonathan

Jota at No. 10 Rhenzi

Kyle Sevillano na sumiksik

sa first to 26th places

sa event na may 9 rounds

swiss system. Natablahan

si ranked No. 2 WIM

Janelle Mae Frayna (elo

2285) kay 38th seed Gal

Brien Palasigue. “Masyado

pang maaga, may

walong rounds pa hindi

pa natin masasabi, ang

sigurado lang ay nakahanda

ako sa tournament

na ito,” wika ni

Bersamina.

Sa round two makakalaban

ni Bersamina si

No. 25 Brylle Gever sa

top board habang katapat

ni Baltazar si 27th

seed Daniel Quizon.

(ATD)