25.04.2016 Views

April 25, 2016 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

4 Column Editor: GRACE GARIGO

ABRIL 25, 2016

Utak at hindi emosyon

ang gamitin sa pagpili

ng kandidato

DALAWANG linggo na lang at idaraos na

ang pambansang halalan. Napakahalaga ng

inyong boto. Pag-isipang mabuti kung sino ang

karapat-dapat na maging mga lider ng bayan.

Gamitin ang talino sa pag-iisip kung sino

ang may nararapat na karanasan, karakter,

dunong at takot sa Diyos. Huwag hayaang ang

emosyon ang mangibabaw.

Ang emosyon ng tao ay papalit-palit. Ngunit,

ang utak at rason, ang siyang magbibigay

sa inyo ng magandang desisyon sa halalan.

Paglabas ng kolum na ito ay tapos na ang

huling debate ng mga kandidato sa pagka-presidente.

Siguradong nagpatawa na naman si Rody

Duterte. Ngunit, ito ba ang tamang batayan ng

pagpili ng pangulo na ang kandidato ay pinatatawa

tayo?

Ewan ko kung tatawa pa rin kayo kapag

naging pangulo na siya at kaliwa’t kanan ay

may patayan sa kalye.

Baka pati mga mahal ninyo sa buhay ay

baka mabiktima? At huwag kayong umasa na

puro kriminal ang mamamatay.

Siguradong gagamitin ang pagkakataong

ito ng mga halang ang bituka para patayin lahat

ang kanilang kaaway, kriminal man o hindi.

Wala raw kasing pakialam si Duterte sa

tinatawag na “rule of law” o ang pagpapailalim

sa proseso ng batas.

Ang simpleng ibig sabihin niyan ay kung

may nag-akusa sa iyo na nagnakaw ka, eh, nararapat

na maglabas ng pruweba ang mga

nakakita na nagnakaw ka nga.

Hindi umano naniniwala si Duterte sa ganitong

proseso. Kapag ang pinagkakatiwalaan

niya ay sabihing magnanakaw ka, patay kang

bata ka.

Para umano kay Digong, ang batas ay ang

bala. Mauuso na naman daw ang salvage at iba

pang patayan sa ilalim ng isang administrasyong

Duterte.

Kasunod ng pamilya, ang mga kaibigan mo

ang may malakas na impluwensiya sa iyong

buhay.

Ano ang ibig sabihin kung ang mga kaibigan

mo ay nasasangkot sa gawaing kriminal?

Malamang ay kriminal ka rin at kung hindi

man pero nagbubulag-bulagan ka lang ay para

ka na ring isang “accomplice” o kasabwat sa

mga illegal na gawain nila.

Tulad na lang nitong kaso ni Digong at ang

kanyang mga ‘kaibigan’ na kontrabandista.

Isa sa mga kaibigan at sumusuporta umano

kay mayor ay itong si Davidson Bangayan

(alyas David Tan).

Ayon sa ulat ng Senado, si Bangayan ang

nagpapatakbo umano ng sindikato na nag-iismagel

ng mga bigas.

Ang mga kawawang magsasaka natin ang

unang tinatamaan dahil sa kontrabandong bigas

na ito.

Isa pang kaibigan daw ni Digong na sangkot

sa smuggling ay ang kanyang kaibigan at nagpapatakbo

ng kanyang kampanya, ang dating

hepe ng NFA na si Lito Banayo.

Nahaharap si Banayo sa kasong korupsiyon.

Lumawak ang smuggling noong termino

niya bilang NFA administrator mula noong

2013.

Ginagamit diumano ng kartel ang mga kooperatiba

ng magsasaka para palusutin daw

ang mga ilegal na bigas.

Ang mga datos na ito tungkol kina Bangayan

at Banayo ay ‘di haka-haka lang kundi

galing sa ulat ng Kongreso na nag-imbestiga

sa isyu.

“Eh, kung sa Davao nga ay ‘di niya mapahinto

ang smuggling, sa buong Pilipinas pa

kaya?” sabi ng grupong magsasaka, ang Sinag.

May impormasyon pa na si Bangayan ay

nakita umano sa Davao City kamakailan. Itinatago

kaya siya nina Banayo at Digong?

TINANGGALAN na ng mga access pass

sa NAIA ang wheelchair attendant at dalawang

security screening officers dahil sa naganap

na tanim-bala kung saan isang 75-anyos na

lola ang nakitaan umano ng bala sa kanyang

bag.

Ito ay matapos dumaan ang nasabing bag

sa dalawang x-ray, ngunit, nadiskubre lamang

ang bala sa pangatlong x-ray. Inulan ng batikos

mula sa lahat ang tila pagbalik ng raket na tanimbala

sa NAIA.

At bakit hindi? Sino ang maniniwala na magdadala

ng bala ang isang matanda na paalis na

para magpagamot para magpapahamak lang sa

sarili?

Paano maipaliliwanag ng mga OTS na wala

Editoryal

L

Editoryal

Ilang tulog na lang, may

pangulo ka na ba?

ABING-APAT na tulog na lang, eleksiyon na.

Natapos na rin ang huling debate kahapon, may

pangulo ka na ba?

Marahil ay isa na ito sa pinakakontrobersiyal na

halalan.

Mga hirit ng kandidato, umaabot hanggang sa ibang sulok ng

mundo.

Ang mga botante, todo-suporta, aktibo lalo na sa social media.

Pero sino nga ba ang susunod na mauupo sa Palasyo?

Si Mar ba, na matapos maudlot nu’ng 2010, siya naman daw

ang magtutuloy sa ‘daang matuwid’?

O, ang anak ba ni Panday na si Sen. Grace, na mala-teleserye

ang buhay, umabot pa sa hukuman?

‘Di kaya ay ang laban-bawi na si Mayor Duterte na buma-viral

sa mga hirit at komento?

Si VP Binay ba, na after magdeklara ng ambisyon sa pagkapangulo,

non-stop na ang isyu?

Si Sen. Miriam, na sa kabila ng kondisyong pangkalusugan,

‘never-say-die’,‘ika nga?

Maaaring may iba na Day 1 pa lang ng kampanya, may ‘manok’

na. Meron ding, hindi itinatanggi na sa last minute, puwede

pang mag-iba.

Sa huli, ang pagpili ng kandidato ay isang obligasyong pangsarili.

Hindi mo siya iboboto dahil ‘yun ang gusto ng nanay at

tatay mo.

Hindi mo siya ihahalal dahil ‘yun ang ikinakampanya ng

barkada. Hindi mo siya pinipili dahil naroon ang marami.

Gusto mo siyang maging pangulo dahil alam mong karapatdapat

siya.

isyungk@ b ulgar.com.ph

Unang dalawang

x-ray scanners ng

NAIA, wa’ ‘wenta

namang nakita sa unang dalawang x-ray,

ngunit, sa huli, meron na? Ang mga nakaraang

kaso ng tanim-bala ay ganito rin ang nangyayari

Ṡa huling x-ray bago makapasok sa predeparture

area, palaging nakikita ang mga bala.

Dapat bang sibakin din ang mga OTS na

nasa unang dalawang x-ray dahil hindi nila

agad nakita ang bala?

Mabuti na lang at nailabas ito sa balita at

baka lumaganap na naman ang raket na ito.

Pinalamig na muna ang isyu pero may hindi

na siguro nakatiis dahil wala na silang raket.

Marami na ang nahuli ng “no contact

apprehension” ng MMDA kung saan ang

mga nahuhuli ng CCTV camera ay padadalhan

ng sulat para magbayad ng multa at harapin

ang anumang parusa.

Rito makikita kung epektibo ang bagong

patakaran. Ang basehan ng pagpadala ng

patawag ay sa rehistro lang ng sasakyan.

May problema kasi kung hindi naman nakarehistro

ang sasakyan sa nagmamaneho.

Kung hiniram lang ang sasakyan sa

araw na lumabag sa batas-trapiko. Kung

hindi pa naililipat sa bagong may-ari ang

nabiling segundamanong sasakyan.

Hindi rin naniniwala ang marami sa

sistemamg ito. Mas epektibo pa rin ang

may mga nanghuhuli sa kalsada.

Mas balakid pa rin sa paglabag ang

makita ang mga traffic enforcer na nagbabantay

sa mga kalsada kaysa CCTV camera.

Pinadala na ng MMDA ang mga unang

patawag sa mga lumabag sa batas. Makikita

na lang natin kung magiging mas

maayos ang sistemang ito o ibabasura na

naman tulad noon.

Dati nang may “no contact policy” ang

MMDA sa panahon ni Bayani Fernando

pero hindi ito tumagal.

Trunk lines : 749-5664 to 65

No. 1 NEWSPAPER

IN THE PHILIPPINES

(Source: The NIELSEN Company)

BULGAR Bldg. 538 Quezon

Avenue, Quezon City 1100

Editorial : 749-0091 • 712-2874

Advertising: 732-8603 • 749-1491 •

749-6094 to 95 • 743-8702

Credit & Collection: 742-5434

Circulation: 712-2883 • 749-1493

Intramuros Office: 871-9637 • 788-3479

0917-8991101 • 0928-5035343

0932-8783337

E-mail:

bosesngmasa@bulgar.com.ph

Ang mga personal na opinyon at/o kuru-kuro

ng mga manunulat na nailalathala sa

pahayagang ito ay hindi nangangahulugang

opinyon din ito ng publikasyon.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!