25.04.2016 Views

April 25, 2016 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

2 News Editor: JOY REPOL - ASIS

Pangako, pambobola, pagbibida at drama

HULING DEBATE:

WALANG BAGO

OKAY lang, walang bago, hindi exciting,

puro pangako, drama at pambobola.

Ilan lamang ito sa reaksiyon ng mga sumubaybay sa

huling debate ng mga kandidato sa pagka-pangulo.

Mayroon ding nagkomento na hindi debate kundi parang

isang press conference lang ang ginamit na format.

Pinuna rin ang mga isyu at reaksiyon ng bawat kandidato

na halata umanong inulit lang ang pangako na sinabi na noong

una at ikalawang pagtatalo at maging sa mga campaign rally.

Kaugnay nito, kumpleto ang limang presidential candidates

na sina Vice-President Jejomar Binay, Davao City

Mayor Rodrigo Duterte, Senadora Grace Poe, dating DILG

Secretary Mar Roxas at Senadora Miriam Defensor Santiago.

Katuwang ng Commission on Elections ang media

partners na ABS-CBN at Manila Bulletin kung saan, townhall

ang format ng debate na isinagawa sa University of

Pangasinan na tumagal ng tatlong oras.

Kabilang sa mga paksa ay foreign policy, kalusugan,

trabaho, trapiko, edukasyon at kalagayan ng overseas Filipino

workers.

Kanya-kanyang diskarte at pakulo ang mga supporter ng

limang presidentiables.

Ang Pangasinan ay isa sa mga lalawigan na ‘vote rich’

kaya naman nililigawan ng husto ng mga kandidato sa pagkapangulo.

Batay sa datos, pangatlo ang Pangasinan sa mga probinsiya

na may pinakamaraming registered voters na nasa mahigit

1.7 million.

Samantala, sa unang bahagi, isinalarawan ng mga presidential

candidate ang Pilipinas pagdating ng 2022 kung

sakaling manalo sa eleksiyon.

Unang nagsalita si Santiago na nagsabing, magkakaroon

ng ‘uniform rule of law’ at hindi maghahari ang iilan lang.

Tiniyak din ni Santiago na hindi nito bibiguin ang mga

kabataan sa susunod na anim na taon.

Sa panig naman ni Duterte, maayos na hustisya sa loob

ng kanyang termino, lalabanan ang korupsiyon at magkakaroon

ng payapang Pilipinas sa 2022.

Tiniyak din ni Duterte na magiging malinis ang kanyang

gobyerno.

Sinabi naman ni Binay na magkakaroon ng disenteng

pamumuhay ang mga Pilipino kung saan bibigyan nito ng

libreng gamot ang mga mahihirap, magkakaroon ng computer

sa lahat ng paaralan sa bansa at libre rin ang pangangailangan

ng mga mag-aaral.

Para kay Poe, hindi na umano magiging manhid ang

gobyerno sa mga mahihirap sa ilalim ng kanyang pamumuno

at wala ng bulag sa kahirapan.

Inihayag naman ni Roxas na magiging maunlad at disente

ang Pilipinas at puno ng pagkakataon ang bawat Pilipino.

Nagpasiklaban din ang presidential candidates sa kung

ano ang gagawin sa problema ng malalang trapiko.

Sinabi ni Santiago na aayusin ang railways system at

didisiplinahin ang mga driver.

Ayon naman kay Duterte, hihingin nito sa MRT at LRT

na dagdagan ang mga train.

Para kay Poe, uumpisahan umano nito sa road clearing at

magtatalaga rin siya ng kalihim na traffic terminator.

Sa panig naman ni Roxas, tututukan umano nito ang

problema sa trapiko at katunayan, ang mga ipinapangako ng

mga kalaban ay nasimulan na nila sa administrasyon.

Ayon naman kay Binay, may karanasan siyang magpatupad

ng mga planong hindi magawa-gawa ng mga

nakaupong opisyal.

Tinalakay din kung paano matatanggal ang contractualization

na tinatawag ding ‘endo’ o ‘end of contract’ at

magkakaroon ng seguridad sa trabaho sa Pilipinas.

Unang sumagot si Duterte na nagsabing tatapusin nito

ang contractualization kung saan ipapasa agad ang batas

para rito.

Para kay Poe, sinabi nitong hindi makatarungan ang

‘endo’ at hindi papayagang matatanggal sa trabaho ang mga

manggagawa

Sa panig naman ni Roxas, sa loob ng tatlong buwan,

tatapusin ang ‘endo’ at magpapasa ng batas sa Kongreso

para maipatupad ang mga memorandum ng Department of

Labor and Employment (DOLE).

Sinabi naman ni Binay na hindi dapat tinatanggal ang

mga manggagawa matapos ang limang buwan dahil bawal

ang ‘endo’.

Inihayag naman ni Santiago na gagawa siya ng maraming

imprastruktura para sa pagbubukas ng milyong trabaho.

Magkaiba naman ang pananaw ng mga presidential bet

kaugnay sa pagkamit ng pangmatagalang pangkapayapaan

sa Mindanao.

Para kay Santiago, unang gawin nito ay kanyang bubuwagin

ang mga private army ng mga gahamang politician.

Sa panig naman ni Roxas na kanyang isusulong ang

Comprehensive Agreement on the Bangsamoro dahil sa tingin

nito, ito ang kasagutan para matigil ang armed conflict sa

Mindanao.

Ayon naman kay Duterte na ang giyera sa Mindanao ay

malalim, naniniwala siyang hindi magkakaroon ng kapayapaan

sa Mindanao kapag hindi itatama ang historical injustices.

Para kay Binay naman ay kanyang tutugunan ang kahirapan

sa Mindanao dahil ito ang dahilan kung bakit hindi

tumitigil ang labanan sa Mindanao.

Habang kay Poe, dapat ipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan

subalit, dapat mas malawak ito at hindi naka

sentro sa isang grupo.

(Madel Villar)

KUMPIYANSA pa rin ang Malacañang

sa kakayahan ng Commission on Elections na

maipatutupad ang maayos at mapayapang

eleksiyon sa Mayo sa kabila ng mga problemang

kinahaharap tulad ng insidente ng panghahack

at pagnanakaw sa mga impormasyon ng

mga botante sa kanilang website.

Ayon kay Presidential Communications

Secretary Sonny Coloma, ginagawa ng

Comelec ang mga nararapat na hakbang para

higit pang maging matibay ang integridad ng

automated election system sa Mayo 9.

Bukod sa hacking ng Comelec website,

may mga glitches na naranasan ang komisyon

MAGPAPATUPAD

ang mga kumpanya ng langis

ng ‘dagdag-bawas’ sa

presyo ng ilang mga produktong

petrolyo sa linggong

ito.

Nasa 30 hanggang 45

sentimos ang rollback sa

halaga ng kada litro ng gasolina.

Gayunman, sa bawat litro

ng diesel, tinatayang nasa 45

hanggang 54 sentimos ang

price hike; habang 20 hanggang

25 sentimos naman ang

posibleng itaas sa kada litro

ABRIL 25, 2016

Kapalpakan kahit non-stop

PALASYO BILIB PA RIN SA COMELEC

sa kanilang ginawang dry run sa mga

makina ng botohan sa ilang lugar.

Ani Coloma, kuntento ang Palasyo

sa ginawang mock elections sa

iba’t ibat lugar upang matukoy at

agad matugunan ang mga posibleng

aberya sa mismong araw ng eleksiyon.

Sa pangkalahatan, ayon kay Coloma

ay naging matagumpay ang mock

election at maayos na naipadala ang

mga boto mula sa polling precincts

papunta sa canvassing centers.

(Aileen Taliping)

DAGD

AGDAG-BA

AG-BAWAS AS SA PETROLYO

4-anyos iniligtas

SARILING buhay ang ibinuwis ng isang

ina para lang mailigtas mula sa pagkalunod ang

anak sa Barangay Balwarte, Santiago City,

Isabela kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Belinda Macadangdang,

40, residente ng Bgy. Mabini, ng

nabanggit na lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, naliligo

ang magkakamag-anak sa ilog at sa gitna ng

kasayahan ay napansin niyang nahihirapang

makaahon ang apat na taong gulang na anak sa

ilog

Ṗinilit umano ni Macandangdang na iligtas

ng kerosene.

Sa ngayon, wala

pang pormal na anunsiyo

ang mga oil company

hinggil sa dagdag-bawas

sa presyo

ng mga produkto.

(Gina Pleñago)

NANAY, NALUNOD PATAY

ang anak na matagumpay nitong naihatid

sa ligtas na bahagi ng ilog

subalit, siya naman ang nalubog

habang sinisikap na makaahon sana.

Mahigit isang oras na naghanap

ang pamilya hanggang sa lumutang

na lamang ang wala nang buhay

nitong katawan.

Hinihinala ng mga awtoridad na

nahirapang makalangoy ang ginang

nang mapunta sa malalim na bahagi

ng ilog dahil sa epekto ng alak na

nainom nito. (Vyne Reyes)

SA bisa ng warrant of arrest, nasakote ng mga operatiba ng MPD Warrant Section

si Juan Evangelista y Tawel (gitna), ang kilabot na Sputnik na may 2 counts of

theft at service of sentence matapos mabulaga sa kanyang lungga sa Tondo,

Manila. Kayo biktima rin ba? Kilalanin na, dali!

(Jun Guillermo)

JEEP TUMAOB, 9 NADALE

SIYAM na tao ang sugatan

matapos tumaob ang

isang pampasaherong jeep sa

Sta. Mesa, Manila, kamakalawa

ng hapon.

Nakilala ang mga biktimang

sina Tereper Salabas,

Erwin Bonita, John Paul Tandong,

Princess Irene Francisco,

Benjamin dela Rosa lll,

Johnson dela Cruz Lee, Sharyl

Aquino, Delfin Daquigan at

Laika Maarir Dizon.

Agad namang nakatakas

ang tsuper ng jeep na may

plakang UWE 668 na may

biyaheng Divisoria; Murphy

via Legarda na mahaharap

sa kaukulang kaso.

Batay sa imbestigasyon

ni P/Sr.Insp. Arnold Sandoval,

1:00 ng hapon nitong

Sabado nang maganap ang insidente

sa panulukan ng Valencia

at Ramon Magsaysay

Boulevard sa

Sta. Mesa.

Sa imbestigasyong

nakalap ng pulisya, mabilis

umano ang pagtakbo

ng sasakyan nang

mawalan ito ng kontrol

saka tumaob.

Gayunman, patuloy

na nagsasagawa ng imbestigasyon

ang pulisya

kaugnay sa nasabing insidente.

(M. Alfonso)

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!