25.04.2016 Views

April 25, 2016 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

8 Showbiz Editor: JANICE DS NAVIDA

ABRIL 2

D

Pangarap daw ng mga babae ‘yun, Coco…

JULIA, KUMANTANG TODO-

IMAGINE NA NG KASAL NIYA

AHIL inilantad na ni Coco Martin ang kanyang

susuportahang presidential candidate ngayong

eleksiyon at ito ay walang iba kundi si

Sen. Grace Poe, umaasa ang Primetime

King na hindi naman ito makakaapekto

sa pagkakaibigan nila ni Kris

Aquino.

Of course, nasa administration side

si Kris kaya ang suportado nito ay ang

tandem nina Mar Roxas at Leni Robredo

ng Liberal Party.

Ayon kay Coco, naniniwala naman siyang irerespeto

ni Kris ang kanyang desisyon.

“Sabi ko nga po, may kani-kanya tayong opinyon.

Ako po, inirerespeto ko siya kung anuman po ang

ano niya. Lahat naman po, after all, namimili lang

tayo kung sino ang tamang mamumuno sa atin. Walang

personalan ‘to. Para sa ating lahat ‘to. Hindi

natin kailangang mag-away-away dahil du’n,” sabi

ni Coco.

Dagdag pa niya, malawak naman daw ang

pag-iisip ni Kris kaya siguro naman ay maiintindihan

siya nito.

Samantala, kahapon nang madaling-araw ay

napag-alaman naming nagpunta ng Quiapo

Church si Coco para ipagdasal si Sen. Grace sa

presidential debate na ginanap din kahapon sa

Pangasinan.

Ipinagdasal daw ng aktor na i-guide ng Panginoon

si Sen. Grace para masagot ang mabibigat

na katanungan. Ang sweet, ‘di ba naman?

Sa kabila ng hectic schedule niya, talagang isiningit

pa niyang magpunta sa simbahan para

ipagdasal ang kanyang suportadong kandidato.

As we all know, deboto si Coco ng Black

Nazarene in Quiapo Church.

DAHIL dalawang karakter nga si Julia Montes

sa Doble Kara bilang Sara and Kara, mas

doble ang hirap niya kesa sa ibang cast, pero

siya pa ang nahihiya sa mga ito at talagang as

much as possible, ayaw niyang paghintayin ang

mga ito sa tuwing nagpapalit siya ng karakter.

Sa isang taping day, napakarami raw eksena

na talagang nagpapalit siya ng karakter.

“Kaya talagang nako-conscious ako na

parang dapat, hindi ko sila paghintayin nang

matagal, na bilisan namin ng buong team sa

hair and make-up and lalung-lalo na sa pagchange

kasi meron din silang emosyon na hinohold

bukod sa akin. Kasi ako, magdya-jump

lang ako sa isang karakter, eh, sila ime-maintain

nila kung ano ‘yung character nila and

emotions nila. And mahirap po kung nasa

emotional part sila ng eksenang ‘yun,” pahayag

ni Julia.

Isa nga raw sa mahihirap na scenes ay ang wedding

scene kung saan ay nagmartsa siya bilang

maid of honor at nag-march din siya as bride.

“Siguro, as bride, ang sarap lang sa pakiramdam,

lahat naman ng babae for sure, pinapangarap

na ikasal. So, parang ‘yung part na ‘yun, iniisip ko

lang, ‘Ay, ikinakasal ako,’” say niya.

So, natural talaga ‘yung iyak niya sa scene?

“Opo, na-feel ko po talaga, iniisip ko na ‘yung

taong mahal ko in the future, nandu’n, and ‘yun,

totoong ikinakasal ako.”

In real life nga ay para rin daw siyang si Kara na

simple lang ang gustong wedding dahil ganu’n din

ang bet niyang kasal.

Bilang maid of honor naman na si Sarah, ang

inisip na lang daw niya ay ‘yung katulad ng mga

napapanood niya na laging maid of honor but never a

bride.

“‘Yung katulad sa movie na laging maid of honor

or laging bridesmaid na pinapangarap mong ikasal,

pero hindi ka nagkakaroon ng pagkakataon and

wala kang katuwang sa buhay, which is ganu’n si

Photo by: DADA NAVIDA

Sara na parang lahat ng minamahal niya, hindi siya

minamahal pabalik,” paliwanag ni Julia.

AYON kay Sam Milby, hindi pa niya

alam ang mangyayari sa serye nila

nina Toni Gonzaga and Piolo Pascual

na Written in our Stars.

“Dahil siyempre, ‘di ba, na-announce

na buntis na si Toni? So, sa

ngayon, hindi ko pa alam kung ano

ang mangyayari. But for now, dahil buntis siya, hindi

muna matutuloy. Hindi ko alam kung maghihintay,

kasi siyempre, matagal pa ‘yan, baka next year pa.

So, we’re still waiting kung ano ang mangyayari,

kung maghihintay,” pahayag ni Sam.

Marami na nga raw silang nai-shoot na eksena at

nanghihinayang din daw siya na hindi na muna ito

itutuloy.

“I was really excited about the project. Maganda

‘yung kuwento and the cast. Kakaiba rin ang

karakter para sa akin and I was really excited for

that.”

Noong January pa raw sila tumigil sa taping ng

nasabing serye and hoping siya na matuloy pa rin ito.

Sa ngayon ay sa Doble Kara siya naka-focus lalo

pa nga’t na-extend ito at may movie rin daw siya na

gagawin.

Samantala, natanong si Sam kung totoong nililigawan

niya ang beauty queen na si MJ Lastimosa at

aniya ay magkaibigan lang sila.

“Magkaibigan lang kami. I happen to see her

ilang beses kasi friends din (siya) with John Prats

and Isabel (Oli) and nagkikita kami ru’n,” he said.

Basta pagdating sa love life, gusto raw niya ay

private na lang muna at ayaw niya munang i-share sa

public. In the past daw kasi ay sinasabi niya agad

pero minsan daw ay hindi nagwo-workout.

“So, ako, for me, I want to share when it’s the

right time. If people think that I’m not in a relationship

or I’m in a relationship, that’s fine. But ako,

when I feel it’s the right time, I’ll share naman,” sey

ng Fil-Am actor.☺

Nabuking! Siyete, pumalag…

TARPAULIN NI ALDEN

AT NG BABAENG PULITIKO,

KALAT NA SA PAMPANGA

N

ILINAW na ni Lendl Fabella ng

GMA-7 Corporate PR Department

na walang katotohanan

‘yung mga nakapaskil na tarpaulin

sa Macabebe, Pampanga kung saan

may picture si Alden Richards na diumano’y

nag-eendorso ng isang tumatakbong

konsehala ru’n.

Sa tarpaulin ay makikita si Alden at

isang kandidatong konsehala at mababasa

rin ang #AlDub Nation. Pero nilinaw

nga ng Kapuso Network na wala itong

basbas at hindi rin totoong ineendorso

ni Alden ang naturang kandidato dahil

nu’ng simula pa ay pinagbawalan na sila

ni Maine Mendoza ng Eat…Bulaga! na

mag-endorso ng sinumang pulitiko.

Nakipag-selfie lang yata ang kandidato

kay Alden, ginamit na sa campaign

materials.

‘Kalokah!

MATAPOS ang ilang taong hindi

paggawa ng projects sa GMA-7, nagbabalik-Kapuso

si Assunta de Rossi.

Kasama siya sa Afternoon Prime series

na Magkaibang Mundo na pinagbibidahan

nina Louise delos Reyes at Juancho

Triviño.

Pagbabahagi pa niya, ito ang kauna-unahang

teledrama na gagawin

niya sa GMA at looking forward siya

sa pag-uumpisa ng kanilang taping.

“Sabi ko, try ko namang gumawa

ng soap sa GMA because I have never

done that, eh. Ang ginagawa ko rito

before ay mga comedy shows at miniseries.

Mga once a week lang. I’ve never

experienced ‘yung talagang full-time

na soap dito na thrice a week ang taping,

Monday to Friday ang airing. It’s

a nice opportunity, so why not? Tutal,

wala naman na akong ginagawa.”

IKINUWENTO ni Derrick Monasterio

na matindi ang pagmamahal niya sa pag-

kanta. Bata pa lang daw kasi ay pangarap

na niya ang magkaroon ng sariling

album kaya noon pa ay sumasali

na siya sa choir at ilang singing competitions

sa kanilang school para mas

mahasa pa ang kanyang talent.

Sa unang album ni Derrick na Derrick

Monasterio na naglalaman ng

seven songs ay may inspirasyon daw

siya sa bawat kanta, pero ayaw naman

niyang banggitin kung sinu-sino ang

mga ito.

May mga pinanggagalingan ang

bawat awitin, although aminado

siya na nasaktan siya

sa paghihiwalay nila ng GF

na si Yssa Pressman na

kapatid ni Yassi Pressman.

Aminado siyang iniyakan

niya ito.

Hinahangaan namin si

Derrick sa role niya sa teleseryeng

pinagsasamahan

nila ni Bea Binene, ang

Hanggang Makita Kang

Muli. Okay na okay ang

tambalan nilang dalawa at

ang galing nilang umarte,

in fairness.

MAY tsikang kumakalat

na tinanggihan daw ni

Ritz Azul ang isang role

sa Encantadia.

Ang katotohanan ay sa

unang round pa lang, hindi

na siya nakapasa bilang isa

sa mga sang’gre. Eh, mukhang

wala namang bumagay

na role sa kanya at

hindi tumalab o naging

effective ang pag-e-emote

niya sa audition.

Kaya siguro lumipat sa

kabila at hindi pumirma sa

Kapuso Network. Unfair din naman

kung makukuha siya dahil tatalbugan

pa niya ang mga Kapuso artists na

naghihintay lang ng big break.

Good luck na lang sa kanya at

sana, magtagumpay siya sa pinuntahang

network na marami rin namang

naka-standby at walang trabaho.

Ganu’n lang talaga dahil sa

dami ng artista, ‘no!

ISANG taon na rin pala ang public affairs

program na Karelasyon hosted

by Carla Abellena. At sa anniversary

special nga nito ngayong April 30, hindi

lang host sa nasabing episode si Carla.

Kasama si Tom Rodriguez, sila ang

bibida sa anniversary episode ng Karelasyon

na tungkol daw sa isang couple

na matagal-tagal nang nagli-live-in.

Si Direk Adolf Alix ang direktor nito.

Pero paglilinaw ni Carla, balik-host naman

daw siya sa mga susunod na Karelasyon

episodes.

(Sundan sa p.11)

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!