25.04.2016 Views

April 25, 2016 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

RAIN OR SHINE, NAKAUNA

Sports Editor: NYMPHA MIANO-ANG

e-mail:sports@bulgar. c om.ph

ABRIL 25, 2016 TAON 24 • BLG. 142

JONES HINDI KINALAWANG

VS. SAINT PREUX SA UFC 197

MATAMIS na tagumpay ang muling naangkin ng dating light heavyweight champion na

si Jon Jones nang magbalik sa Octagon matapos ang 15-buwan na pamamahinga nang gapiin

si Ovince Saint Preux sa main event ng UFC 197 kahapon sa MGM Grand Garden Arena

sa Las Vegas, Nevada. Pinitpit ng 28-anyos na tubong Rochester, New York si Saint Preux

sa iba’t ibang estilong ipinalasap tulad ng unorthodox striking arsenal at nagawang pasukuin

ang kasagupa sa takedowns sa loob ng 5 round para makuha ang unanimous decision win.

Lahat ng cageside judges ay umiskor ng 50-45 sa laban pabor kay Jones na hindi rin

makapaniwala sa lakas na kanyang ipinamalas kontra Saint Preux na pumalit kay Daniel

Cormier, tatlong linggo bago ang laban.

Subalit si Jones ay hindi kinalawang ang performance nang muling ipamalas ang malupit

na porma sa loob ng UFC cage at sa naipong arsenal sa katawan para sa una niyang pagsalang

mula sa huling laban noong Enero 2015 sa bisa ng unanimous decision ay sumuko ang

kasagupa. Sa kanyang post-fight interview, inamin ni Jones na ang kanyang performance ay

hindi tulad ng dati niyang lakas. “I was watching, imagining, anticipating techniques,

knowing when techniques would have landed but just not going for it,” aniya. “Physically, I felt

amazing. Mentally, I was like, ‘Oh my God, I’m sucking. This isn’t good.’”

Si Jones na hinubaran ng light heavyweight title noong nakaraang taon matapos ang hitand

run incident ay muling naikasa para sa championship rounds at makailang ulit na

pinabagsak sa 4 th round ang pinahirapang si Saint Preux sa bisa ng kanyang malakas na siko

at dominado nang malakas ang giyera.

Ang panalo na rin ang nagtakda ng rematch kay Cormier na ngayon ay may hawak na light

heavyweight crown at nagsasaad ng kanyang hangarin na makaharap si Jones sa UFC 200 sa

Hulyo 9. (MC/Clyde Mariano)

VS. SMB SA GAME 1 SEMIS

NAG-RALLY ang Rain or Shine Elasto Painters sa second half para lasingin ang San Miguel Beermen, 98-94

at manguna sa Best-of-Five semifinals series ng 2016 Oppo PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum

sa Quezon City.

Pumukol ng importanteng trey si Jeff Chan para mahablot

ng RoS ang 95-94 bentahe may 1:03 minuto na lang sa 4th

quarter.

Bumaon pa ng dalawang free throws si best player of the

game Maverick Ahanmisi para gawing tatlo ang lamang ng E-

Painters. Bago nakahabol ang RoS, hawak ng Beermen ang

10 puntos na bentahe, 50-40 sa halftime break pero naibaba

ito sa tatlong puntos ng Elasto Painters matapos ilista ang 7-

0 ng huli, 50-47 sa pagbubukas ng third period.

Naidikit pa ng RoS ang iskor sa 65-67 matapos isalpak ni

JR Quiñahan ang dalawang puntos wala ng 3 minuto sa 3rd

quarter. Bumanat si import Pierre Hendserson-Niles ng threepoint

play para tapyasin sa isang puntos ang hinahabol ng

RoS, 81-82 pagkatapos ay isinalpak ni Jewel Ponferada ang

dalawang free throws para makuha ng Elasto Painters ang

bandera, 83-82 may 7:37 minuto sa 4th canto.

Pero bumawi agad ng layup at may kasama pang foul si

Arwind Santos para mabawi ng Beermen ang manibela, 85-

83 may 7:07 pa sa payoff period.

Nagtala si Ahanmisi ng 23 points, siyam na rebounds at

apat na assists habang may 13 puntos si Henderson-Niles

para sa RoS. Samantala, uumpisahan ngayong gabi ang giyera

sa pagitan ng Meralco Bolts at Alaska Aces.

Mag-uumpisa ang kanilang Game 1 best-of-five series

kung saan ang mananaig sa kanila ay makakaharap sa Finals

ang mananalo sa SMB-RoS battle.

Bago sumalang sa semifinals ang Meralco kinalos nila sa

isang game ang NLEX Road Warriors habang dumaan sa

butas ng karayom ang Rain or Shine bago tinalo sa Game 3 ng

kanilang best-of-three quarterfinals ang Tropang TNT.

Bukod kay Calvin Abueva, sasandalan din ng Aces ang

tikas nila sa depensa na ginamit nila para supilin ang Gin

Kings. “Yung depensa namin ang talagang nag-click, hindi

sila nakatira ng libreng-libre,” wika ni dating Rookie of the

Ni ATD

Year Abueva. “Yung rotation maganda talaga.”

Luhod sa Game 1 ang Aces pero kinabig nila ang Games

2 at 3. Dahil sa ipinakikitang gilas ni Abueva, umungos siya

sa Best Player of the Conference award. “Saka na yan,” ani

Abueva. Sa opensa at depensa naman kukuha ng lakas ang

Bolts.

NALINLANG ni Kianna Kim Dy ng La Salle Lady

Spikes ang blocking ni Ateneo team skipper

Alyssa Valdez at Bea de Leon sa final game 1 na

tagpong ito ng laban ng UAAP 78 th Women’s

Volleyball Tournament sa Smart Araneta Coliseum

noong Sabado ng gabi. (Neb Castillo)

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!