25.04.2016 Views

April 25, 2016 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

5, 2016

9

Nagpakita ng katawan, hapit pa ang pants, fan ‘di nakapagpigil…

ANGELICA, DINAKMA ANG PUWET, BASTOS NA

LALAKI, PINUKPOK NG SAPATOS SABAY TALAK

S

UMISIGAW ng katahimikan ang puso ni Sheryl

Cruz. Sa puso man niya ‘yun galing o sa bibig

lang ay siya na ang magdadala. Pero malinaw

ang kanyang sigaw, sana’y patahimikin

na silang mag-iina, hayaan na

raw sana silang mamuhay nang tahimik.

Kung minsan talaga ay salawahan

ang ating emosyon. Iba ang sinasabi

natin sa ating ginagawa. Ibang-iba ang

sayaw natin sa tugtog.

Kung babalikan natin ang kuwento ay kanino ba

nag-ugat ang lahat ng kuwentong hindi nagbibigay

ng katahimikan sa kalooban ngayon ni Sheryl Cruz?

Sino ba ang manok na nangitlog na unang pumutak?

Siya ang unang tumirador, siya ang unang bumato,

siya ang unang tumuligsa kay Senadora Grace Poe.

Kung anu-anong pangmemenos sa kapasidad ng senadorang

tumatakbo sa panguluhan ang ipinagmakaingay

niya sa publiko.

Siya ang pinakaunang nagsabing wala pang

karapatang mamuno sa ating bayan ang itinuturing na

tunay na dugo at laman nina Fernando Poe, Jr. at Susan

Roces. Marami siyang binitiwang salita laban sa

senadora kaya siya pinagdudahan ng ating mga

kababayan na binayaran ng ibang partido para lang

wasakin si Senadora Grace Poe.

Ngayong pumipiyok ang mga tagasuporta ng

pulitikong minenos at binato niya ng iba-ibang

negatibong salita ay saka siya poposturang parang

kaawa-awa dahil ayaw daw silang patahimikin ng

kampo ng gobyernong may puso?

Alam kaya ni Sheryl Cruz ang makasaysayang

tanong kung alin ang mas nauna — ang itlog ba o ang

manok? Pagkatapos niyang maglitanya at magtungayaw

kontra kay SGP ay saka siya namamalimos ngayon

ng awa at katahimikan ng kalooban?

Harinawang magkaroon ng mahalagang

pagkakataon na makausap ni

Sheryl Cruz ang kanyang sarili. Dapat

ay siya mismo ang magtanong sa

kanyang kunsensiya kung bakit siya

iniwanan ng kapayapaan ng kalooban

Ḣindi ‘yun masasagot ni Ms. Susan Roces, hindi

rin ‘yun mabibigyan ng tugon ni Senadora Grace

Poe at ng publiko, siya lang ang makasasagot nu’n

para mayakap na niya uli ang katahimikang hinahanap

niya ngayon.

TAWA kami nang tawa habang pinakikinggan ang

kuwentuhan ng mga bukod na pinagpala nating

kababayan. Sila ang uri na walang pinoproblema

kung saan nila kukunin ang kakainin nila sa

agahan, tanghalian at hapunan.

Kapag pangnasyonal ang halalan ay maaasahan

ang kanilang partisipasyon. May interes kasi silang

nakataya, meron silang mga negosyong pinangangalagaan,

kaya kailangan ang aktibo nilang

pakikilahok sa kung sino ang dapat maluklok sa

pinakamataas na upuan ng ating gobyerno.

Isang alahadang senior citizen mula sa umpukan

ang nagsabi na kapag si Mayor Rodrigo Duterte

ang pinalad na manalo sa panguluhan ay aasikasuhin

agad nito ang pagbebenta ng kanyang mga

negosyo at ari-arian para manirahan na sa ibang

bansa.

Ang katabi naman nito ay nagsabing

tatanggapin na nito ang alok ng kanyang

mga anak na manirahan na sa Amerika

para ru’n na lang hintayin ang paglubog

ng araw sa kanyang buhay.

Isang matanda naman ang nagsabi

na mula nang magsalita ng hindi kagandahan

si Mayor Digong laban sa Santo

Papa ay buung-buo na ang kalooban nito

sa hindi pagboto sa bruskong kandidato.

Du’n pa lang sa kanilang usapan ay

maiisip mo na agad-agad na hindi

kakampi ni Mayor Digong ang mga

taga-alta-sosyedad. Mas mamatamisin pa

nilang iwanan ang ating bayan at

manirahan na lang sa ibang bansa kapag

ang mayor ng Davao ang nahalal.

Pero kung ang may matabil na dilang

pulitiko naman ang tatanungin tungkol

du’n ay siguradong magkikibit lang siya

ng balikat. Ang siguradong isasagot ni

Mayor Duterte ay ang masang Pinoy ang

inaangklahan niya sa kanyang matinding

laban at hindi ang mayayaman.

May bonus pang “Go to hell!” ‘yun

kung ginaganahang maglitanya at

pumatol ang bruskong pulitiko. Sa totoo

lang!

NANG-uurirat na tanong-opinyon ng

aming mga kaibigan, kailan daw ba

aaminin nina John Lloyd Cruz at Angelica

Panganiban ang kanilang hiwalayan,

samantalang obyus na obyus namang

tapos na ang kanilang relasyon?

Ideya pa ng isa naming nakausap,

“Hindi kaya instead na sa TV lang niya

sinasabi ang stand niya tungkol sa

breakup nila ni John Lloyd, eh, gayahin

ni Angelica si Joey de Leon na nagpapaprint

ng t-shirt para idiin ang statement

na gusto niyang iparating sa publiko?

“Naku, maraming ipagagawang

statement t-shirts si Angelica ‘pag nagkataon.

Puwede siyang magpa-print ng

‘Sa umpisa ka lang pala, pero wala ka

namang itatagal!’ Puwede ring ‘Para

kang kotse, arangkada lang ang alam

mo, pero nawawala na sa rektahang

takbo!’

(Sundan sa p.11)

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!