13.02.2018 Views

Sada-Shiva Gangadhara

Marami ang patuloy na sumasamba sa Panginoong Shiva, subalit sa dinami-daming Shiva sino sa kanila ang karapat-dapat sambahin? Ayon sa Srimad-Bhagavatam, dapat ang Shiva na ito'y isang Vaishnava.

Marami ang patuloy na sumasamba sa Panginoong Shiva, subalit sa dinami-daming Shiva sino sa kanila ang karapat-dapat sambahin? Ayon sa Srimad-Bhagavatam, dapat ang Shiva na ito'y isang Vaishnava.

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

February 13,

2018

ang dapat mong gawin, ang tumakbo papunta sa loob ng templo, o

magpalapa sa tigre na gutum na gutom. Pero kung sila ang inyong

tatanungin, ayon sa mga taga-Rāmānuja sampradāya, hindi bale na

lang magpalapa sa gutom na tigre kaysa pumasok at magkubli sa

templo ni Śhiva!‛ Madalas, ganito ang maririnig mo sa kanila, lalu na

kung ang usapin ay napunta na sa mga taga-Śaiva sampradāya.

Subalit, ang mga ganitong gawi ay mali, ito po’y hindi ayon sa Vedic

na pamamaraan kapag nangangaral.

Alam ninyo, ang bawat bagay, ang bawat sitwasyon o kalagayan

ay may kaakibat na pamamaraan, kung papaano ang tama at maayos

na pamamaraan. At ang mga ganitong bagay ay nagmumula sa

Goloka Vṛndāvan, pumanaog upang ating maging gabay. Ganito ang

transedental na kaalaman, marunong umayon, at humanap ng paraan

upang matuwid na makapangaral. Alam ninyo, sa loob ng Paravyoma

Dhām, nandoon ang di-mabilang na mundo, iba’t-ibang klaseng

daigdig, nandoon din ang Panginoon, magkakaibang mundo para sa

magkakaibang anyo ng Panginoon, nang Panginoong Viṣhṇu,

naroroon din ang Panginoong Śhiva, at siya’y may posisyon din sa

loob nang mga mundong ito. Ang Panginoong Śhiva ay śuddhasattva,

subalit kapag ang gawain niya’y kailangan niyang pumaloob

sa materyal na mundo, si Śhiva ay nagiging guṇāvatār, nagiging amo

ni Māyā, na ang gawain ay pangasiwaan ang isa sa tatlong materyal

na kalagayan, ang pagiging mangmang ng isang kaluluwang nalagay

sa materyal na kalagayan. Kung tutuusin, ang kalagayan niya’y

palaging nasa alanganin, palaging nakabitin. At ang Śhiva na ito, ang

guṇāvatār Śhiva, na may tangan ng kamang-mangan, ang kanilang

sinasamba. Tayo ay mga Vaiṣṇavas, walang-alinlangang sinasamba

din natin ang Panginoong Śhiva subalit ito’y Sadāśhiva, Śhiva na

taga-Paravyoma Dhām.

6

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!