29.09.2020 Views

Accomplishment report BE 2020 V1.1 FINAL

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

MAGULANG….

SA PANAHON NG COVID-19

Q: Bilang isang magulang ano po ang dapat naming malaman at isaalang-alang ngayon sa panahon

ng COVID-19 sa darating na pasukan?

A:

Hindi maikakaila na nagbigay ng pagkakataon

sa maraming pamilya ang Community Quarantine

upang magsama-sama at maglaan ng oras sa

bawat isa. Ang pananatili sa tahanan ay nagbigay

ng pagkakataon upang maipadama ang

pagmamahal at atensyon sa bawat miyembro

ng pamilya. Subalit marami sa mga magulang

o tagapangalaga ng mga bata sa mga tahanan

ang dumaranas din ng pagkalito at mga hamon.

Isa na rito ang nalalapit na pasukan para sa

panuruang 2020-2021.

Ang madalas itanong ng mga magulang ay;

Ano ang pwedeng learning delivery modality

para sa aking anak?

Dahil sa banta ng COVID-19, magkakaroon ng

pagbabago ang paraan ng pagtuturo at pagaaral

ng mga estudyante sa darating na pasukan.

Binigyang diin ng Department of Education

(DepEd) na hindi papupuntahin ang mga

estudyante at guro sa mismong paaralan kapag

nagsimula na ang mga klase sa ika-5 ng Oktubre.

Ipinaliwanag ni Education Undersecretary

Diosdado San Antonio na magpapatupad ang

kagawaran ng iba’t ibang paraan para maihatid

sa mga estudyante ang kanilang mga lesson sa

darating na school year. Ayon kay USEC. San

Antonio, depende sa situwasyong pangkulusugan

ng isang lugar kung aling”Learning Delivery

Modality” ang ipatutupad ng mga paaralan

doon. Ilan sa mga ito ay ang mga sunusunod;

DISTANCE LEARNING - kung saan hindi pisikal

na magkasama o magkaharap ang guro at

estudyante. Sa ilalim nito, maaaring matuto ang

mga bata sa pamamagitan ng online platform

at printed module na ibibigay ng paaralan, may

mga lesson na mapapanood sa telebisyon o

mapapakinggan sa radio.

LIMITADONG FACE-TO-FACE - kung saan

magkakaroon ng pisikal na interaksiyon sa

pagitan ng guro at estudyante, pero gagawin

lamang ito sa mga lugar na ligtas. Lilimitahan na

lang hanggang 20 mag-aaral sa isang silid-aralan

mula sa dating 40 mag-aaral sa loob ng silid-aralan.

BLENDED LEARNING - ito ay kombinasyon ng

online learning at tradisyonal na face-to-face

learning. Ito ay para sa mga batang gustong

matuto pero may limitasyon ukol sa pagpunta sa

paaralan.

HOMESCHOOLING – ito ay isang paraan ng

pagtuturo sa bata na kung saan ang mga magulang

o guardians ang magtuturo sa bahay sa halip na

pumunta sila sa paaralan. Matagal ng legal ang

homeschooling sa Pilipinas. Ito ay ginagawa ng

mga magulang na ayaw pag-aralin ang mga anak

nila sa eskuwelahan.

MODULAR DISTANCE LEARNING – isang

pamamaraan ng pag-aaral na ginagamit kung

ang mga guro at estudyante ay hindi pisikal na

magkasama o magkaharap. Maaaring gumamit ng

mga printed module o mga module na nasa digital

format gaya ng CD, DVD, laptop, computer, tablet,

o smartphone ang mga guro at mag-aaral.

Sa huli, malaya ang magulang na magdesisyon

o pumili ng angkop na Learning Delivery Modality

para sa kanyang anak kung saan sila madadalian.

Dahil sa lahat ng mga pamamaraang pagkatuto na

inilatag ng DepEd sa taong ito para sa kanilang mga

anak, ang magulang ang kanilang makakatulong

o magtuturo, sa patnubay ng mga guro upang

makasulong sila at hindi mapag- iwanan sa larangan

ng edukasyon. Ang mahalaga ay ligtas, malusog,

masigla at handa silang makapagpapatuloy ng

kanilang pag-aaral sa kabila ng pandemya.

For questions, comments, and suggestions, e-mail us at

mtviewelementaryschool54@gmail.com or 158009@

deped.gov.ph or message us on our official facebook

page: @MT.VIEWES. Sender’s name may be withheld

upon request.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!