Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
SENTRO

HUNYO-DISYEMBRE, 2015

14 PANITIKAN

KALAYAAN ELEMENTARY SCHOOL, PASAY CITY METRO MANILA

* MGA HAIKU *

NGITI

NI: SHERRY ANN ALCOREZA, VI-1

Hatid nya‘y tuwa

Panlaban sa pighati

Sa mundong imbi.

BAGYO

NI: SHERRY ANN ALCOREZA, VI-1

Di mapigilan..

Lubos kung sumagasa

Baha ang dulot.

PUNO

NI: SHERRY ANN A.LCOREZA, VI-1

Tikas ng tayo,

Lilim ang hatid sa‘tin

Kaya ingatan.

PASLIT

NI: ANGEL JANNA ARUCAN , VI-1

Maraming mga bagay,

Na sadyang lumalatay,

Isip ko‘y walang malay,

Sa hiwaga ng buhay.

* MGA TANAGA*

PANANAMPALATAYA

NI: ANGEL JANNA ARUCAN , VI-1

Ang taong bukas-palad

Ay madaling umunlad

Kamay ay nakalahad

Sa biyaya Niyang gawad

ULING

NI: ANGEL JANNA ARUCAN, VI-1

Putol-putol na ugat,

Sa dibdib nitong gubat,

Ay nakikipag-usap,

Sa nag-iwi ng tabak.

KALIKASAN

NI ERL RAPHAEL LIMPIADA

Kalikasan,

Ika’y isang magandang biyaya

Sa buhay naming aba.

Kayamanan,

Tulad ng lupa, puno at lawa

Hatid mo sa amin.

Kasakiman,

Ang sukli namin sa’yong biyaya,

Sinira ang lahat.

Pagkawasak,

Buhay at ari-arian man,

Wala kaming ligtas.

Bukas sana,

Matuto na kaming magpahalaga

Sa’yo kalikasan.

Sa Aking mga Magulang

NI ALYANNA JUAN

Kayo ang dahilan kaya ako’y may buhay

Ako ay lumaki sa inyong pagkalinga,

Pag-ibig sa aki’y wagas, totoo’t dakila,

Ang siyang nagbigay ng lakas ko’t sigla

Hinubog ang aking diwa’t pagkatao,

Kasama ko kayo sa ligaya ko’t luha.

Ubod ng laki ang sakripisyo nyo sa akin,

Simula nang ako’y mamulat sa mundo,

Kaya naman ako’y bumuo ng pangako

Utos nyo’t hiling aking susundin,

Respeto’t paggalang handog ko sa inyo

At mamahalin ng buong puso!